You are on page 1of 4

Maria Leny P.

Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

ARALIN 3
MGA TEORYA TUNGKOL SA PAGKAKABUO NG KAPULUAN NG PILIPINAS

1. Ano-anong teorya ang nagsaad ng pinagmulan ng Pilipinas?

Sagot: 1. Teorya ng Continental Drift


2. Teorya ng Bulkanismo
3. Teorya ng Tulay na Lupa
pahina: 39

2. Anong teorya ang nagsasabi na ang kapuluan ng Pilipinas ay nabuo dahil sa


natambak na volcanic material nang sumabog ang bulkan sa ilalim ng
karagatan?

Sagot: Teorya ng Bulkanismo


pahina: 38

3. Ayon naman sa teoryang ito, ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng pagtaas


ng lebel ng tubig ng karagatan. Sa pagtaas ng tubig sa karagatan, lumubog
ang tulay na lupang nag-uugnay sa mga kapuluan ng Pilipinas sa ilang bahagi
ng Timog-Silangang Asya.

Sagot: Teorya ng Tulay na Lupa


pahina: 38

4. Anong teorya ang nagsasabing ang kapuluan ng Pilipinas ay mula sa malaking


tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na
ang nakalilipas?

Sagot: Teorya ng Conteinental Drift


pahina: 39

5. Anong teorya ang nagsasabing ang kapuluan ng Pilipinas ay bunsod ng mga


pagtambak ng volcanic material mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng
karagatan?

Sagot: Teorya ng Bulkanismo


pahina: 39

6. Anong teorya ang nagsasabi na ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng pagtaas


ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na lupang nag-
uugnay sa mga kapuluan at sa ilang bahagi ng Timog-Silangang Asya?

Sagot: Teorya ng Tulay na Lupa


pahina: 39

7. Ito ay isang kapuluang binubuo ng mahigit 7, 000 pulo.

Sagot: Pilipinas
pahina: 40

8. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga pulo na nasa bahagi ng isang anyong


tubig tulad ng karagatan o dagat.

Sagot: arkipelago o kapuluan


paina: 40
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

9. Ano ang tawag sa mga pulong nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan sa
ilalim ng karagatan?

Sagot: oceanic islands


pahina: 40

10. Sino ang siyentistang German na nagsabng ang daigdig ay binubuo ng isang
malaking kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalilipas at tinawg ang
malaking masang ito na Pangaea?

Sagot: Alfred Wegener


pahina: 40

11. Ano ang tawag sa malaking masa ng lupa na tinutukoy ni Wegener?

Sagot: Pangaea
pahina: 40

12. Ayon sa Teorya ng Continental Drift sa anong dalawang bahagi nahati ang
Pangaea?

Sagot: 1. Laurasia ( hilagang-hating globo)


2. Gondwanaland o Gondwana (timog-hating globo)
pahina: 40

13. Mula saang kontinente nagmula ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Continental
Drift?

Sagot: Laurasia
pahina: 40

14. Saan nagmula ang mga kalupaan sa daigdig na unti-unting gumala at tinawag
na Continental Drift?

Sagot: supercontinent
pahina: 40

15. Ano ang dahilan ng paggawal ng tectonic plate?

Sagot: paggalaw ng init ng asthenosphere


pahina: 40

16. Ano-ano ang patunay ni Wegener sa kanyang teorya?

Sagot: 1. pagkakaroon ng magkatulad na uri ng fossilized na labi ng


hayop sa South America at Africa

2. pagiging akma ng hugis ng silangang baybayin ng South


America sa kanlurang baybayin ng Africa

3. magkatugmang rock formation at mga kabundukan sa


South America at Africa
pahina: 40

17. Gaano kahaba ang iginagalaw ng tectonic plate bawat taon?

Sagot: 1-10 sentimetro


pahina: 40
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

18. Ayon sa teoryang ito, ang crust ay nahahati sa malalaki at makakapal na tipak
ng lupa.

Sagot: tectonic plate


pahina: 41

19. Isa siyang siyentistang Amerikano na nagsabing ang Pilipinas ay nabuo


bunsod ng bulkanismo.

Sagot: Bailey Willis


pahina: 41

20. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang Pilipinas bunsod ng bulkanismo o pagputok
ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

Sagot: Pacific Theory o Teorya ng Bulkanismo


pahina: 41

21. Tumutukoy ito sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

Sagot: bulkanismo
pahina: 41

22. Ito ay isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang
siyentipikong pamamaraan sa pananaliksik.

Sagot: teorya o theory


pahina: 41

23. Paano nagagamit ang isang teorya?

Sagot: bilang “tanggap” na katotohanan hanggang wala pang bagong


pag-aaral na papalit o sasalungat dito
pahina: 41

24. Ano ang mangyayari kung hindi pa napatutunayan at natatangap bilang totoo
ng mga siyentipiko at mga eksperto ang isang teorya?

Sagot: mananatili itong teorya lamang


pahina: 41

25. Saan matatagpuan ang mga bulkang pumutok may 200 milyong taon na ang
nakalilipas na nagdulot ng paglitaw ng mga pulo sa Pacific Ocean?

Sagot: sa paligid ng Pacific Basin


pahina: 42

26. Saan lumitaw ang mga pulo matapos ang pagputok ng mga bulkan sa paligid
ng Pacific Basin may 200 milyong taon na ang nakalilipas?

Sagot: Pacific Ocean


pahina: 42

27. Ano ang nagbigay daan sa unti-unting paglitaa ng kapuluan ng Pilipinas mula
sa karagatan?

Sagot: volcanic material


pahina: 42
Maria Leny P. Eugenio – Coach Pilipinas Bilang Isang Bansa 5

28. Ano ang patunay ni Bailey Willis sa kanyang teorya?

Sagot: pagkakaroon ng Baguio City at karatig na kabundukan ng mga


korales at lumang volcanic material
pahina: 42

29. Ito ay tipak ng lupa sa ilalim ng katubigan na nakakabit sa mga kontinente.

Sagot: continental shelf


pahina: 42

30. Ano ang tawag sa panahon kung kalian naging mababa ang temperatura sa
daigdig, bumaba ang lebel ng tubig sa karagatan at nagkaroon ng malawak na
pagyeyelo sa ibabaw ng daigdig?

Sagot: Ice Age


pahina: 42

31. Anong teorya ang nagsasabing dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa
ang mga pulo sa isa’t-isa at ang Pilipinas sa ilang karatig na bansa sa Timog-
Silangang Asya?

Sagot: Teorya ng Tulay na Lupa o Teorya ng Land Bridges


pahina: 42

32. Ano-ano ang patunay ng Teorya ng Tulay na Lupa o Land Bridges?

Sagot: 1. mababaw ang bahagi ng West Philippine Sea na nakapagitan


sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya

2. napakalalim ng Pacific Ocean ( ang dagat na hangganan ng


Pilipinas sa silangan ) na patunay na ang Pilipinas ang
dulong bahagi ng Asya

3. magkakatulad ang uri ng halaman, puno at hayop sa


Pilipinas at sa ibang bahagi ng Asya

4. magkakasinggulang at magkakatulad ang mga bato sa


Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya

You might also like