You are on page 1of 91

ANG DALUMAT NI PAULO FREIRE NA ‘EDUKASYONG NAGPAPALAYA’ BILANG

SOLUSYON SA PROBLEMA NG NASYONALISMO SA EDUKASYON NG PILIPINAS

__________________________________________________

A Thesis

presented to the Faculty of

the Rogationist Seminary College of Philosophy

__________________________________________________

in Partial Fulfillment

of the Requirements for the Degree

Bachelor of Arts in Philosophy

__________________________________________________

Sem. Jomari de Lara Gavino

Rogationist

Manila, 2015
1

Thesis Statement: “Ang dalumat ni Paulo Freire na „edukasyong nagpapalaya‟


ay solusyon sa problema ng diwang nasyonalimo sa sistemang pang- edukasyon ng
Pilpinas.”

TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata 1......................................................................................................................... 3

Panimula ............................................................................................................................ 3

1.1 Panimula ............................................................................................................................... 3

1.2 Paglalahad ng Suliranin ......................................................................................................... 8

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral ............................................................................................. 9

1.4 Saklaw at Hangganan .......................................................................................................... 11

1.5 Metodolohiya ...................................................................................................................... 12

1.6 Talasalitaan ......................................................................................................................... 13

1.7 Literaturang Kaugnay sa Pag-aaral...................................................................................... 14

Kabanata 2....................................................................................................................... 19

Talambuhay at Impluwensiya ....................................................................................... 19


2.1 Talambuhay ....................................................................................................................... 19

2.2 Impluwensiya ...................................................................................................................... 23

2.3 Hegel at Marx ...................................................................................................................... 23

Kabanata 3....................................................................................................................... 30

Ang Pedagogy of the Oppressed: Konseptong Edukasyon ni Paulo Freire ................ 30

3.1 Ang Pagbabangkong Konsepto ng Edukasyon .................................................................... 31

3.1.1Ang Aplikasyon na Naratibong Karakter sa Edukasyon ................................................ 34

3.1.2 Ang Guro bilang Subject at ang estudyante bilang Object. .......................................... 36

3.1.3 Ang Atas ng mga Maniniil (Oppressors) at mga Api (Oppressed) ................................ 37

3.2 Ang Implikasyon ng Pagbabangkong konsepto ng Edukasyon ........................................... 38


2

3.2.1 Istatikong Pagkatuto .................................................................................................... 39

3.2.2 Ang Implikasyon sa Estudyante ................................................................................... 40

3.3 Ang Edukasyong Nagpapalaya-- Problem-Posing Education .............................................. 45

3.3.1. Ang Relasyon ng Guro at Estudyante .......................................................................... 46

3.3.2. Ang Relasyon ng Estudyante sa Guro ......................................................................... 47

3.3.3 Humanisasyon sa Problem-Posing Education .............................................................. 48

Kabanata 4....................................................................................................................... 51

Ang Kolonyal na Edukasyon sa Pilipinas ..................................................................... 51

4.1 Edukasyon bilang Hispanisasyon ........................................................................................ 51

4.1.1 Talanghayanan ............................................................................................................. 53

4.2 Edukasyon Bilang Amerikanasasyon ................................................................................... 56

4.3 Edukasyon bilang Makabagong Pagkolonya ....................................................................... 61

4.3.1 K-12 Isang Makabagong uri ng Kolonyalismo .............................................................. 65

Kabanata 5....................................................................................................................... 76

Pagbabangkong Kosepto ng Edukasyon sa Pilipinas .................................................. 76

5.1 Ang Kolonyalista bilangSubject at ang Pilipino bilangObject. ............................................. 81

5.2 Pagkakasadlak o Pagkakasiil ng mga Pilipino ...................................................................... 82

Kabanata 6....................................................................................................................... 84

Konklusyon ...................................................................................................................... 84
3

Kabanata 1

Panimula

1.1 Panimula
“Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging
magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling
madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa.
Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-
unawa sasaligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat
itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na
1
lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan.”

Ang edukasyon ay napakahalaga sa buhay ng bawat tao at mahalaga din ito sa

pagbuo ng komunidad na nagmamahal sa bayan. Subalit ang edukasyon sa Pilipinas ay

tilang naghuhulma ng isang dayuhang pag-iisip at tila nagpapataas ng tingin sa mga

banyaga at pinababa ang tingin sa kanilaang pagka-Pilipino. Ang pang-edukasyon ng

Pilipinas ay gumagamit na pamamaraan na makakolonyal na pag-iisip at hindi maka-

nasyonalistang pananaw.

Ilan sa mga Pilipino ang tumatangkilik sa kanilang sariling produkto, kultura at

wika? Ilang mga Pilipino ang nagmamalaki ng kanilang pagkakilanlan? Ilang Pilipino ang

nagmalasakit sa kanilang bayan? Maraming Pilipino na mas pinipili pa ang

makabanyagang kultura at pananaw. Maraming din sa kanila ang pilit na gumagaya sa,

1
Renato Constantino,The Filipinos in the Philipphines.”The Mis-Education
of the Filipino”(Manila,1972), 39.
4

2
pananalita, pag-iisip, at pagkilos , mga banyaga. Ito ay sanhi ng pagtalima sa maka-

kolonyal na pag-iisip at sanhi ng pagkamatay ng nasyonalimong pananaw sa kanilang

isipan. Marami rin sa mga nakapagtapos na kolehiyo na mas pinipili magsilbi sa ibang

bansa kesa sa kanilang sariling bayan. Ang mga ito ay naging sanhi na hindi paglinang na

kanilang isipan sa paaralan ukol sa pagmamahal sa bayan at ito ring ang mga naging

epekto na hindi sinulong ang nasyonalimong kaisipan sa mga paaralan. Ang kolonyal na

edukasyon ay patuloy na sumasakop sa isipan ng mga Filipino at patuloy na pumapatay

sa diwang nasyonalismo.

Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat

itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain kanilang bansa. Ang layunin ng

edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa

at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang

mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang

mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang

kani-kanilang mga sarili.

Kung babalikan ang kasaysayan makikita at mauunawaan ang problema at

pinagmulan ng kolonyal na edukasyon. Ang mga Kastila pinagkaiitan ang mga mahihirap na

‗Filipino‘ na makapagaral. Sa panahon na ito ang pag-aaral ay para lang sa iilan. Tinuro nila

3
ang mga ‗Filipino‘ na maging sunusuran sa mga inuutos ng mga Kastila. Sinaaad sa

2
Maris Cay E. Gabornes, “Colonial Mentality: A Filipino Heritage?”,Learning
Fragments. http://learningfragments.blogspot.com/2013/03/colonial-mentality-filipino-
heritage.html (29 October 2013
3
Renato Constantino, Neo-Colonial Identity and Counter-Consciouness,(Manila Erehwon
1970), 11.
5

kasaysayan ang pang-edukasyon ng Pilipinas na naging malaki ang impluwensya ng mga

mananakop sa paglinang na kolonyal na pag-iisip at edukasyon. ―Ang kolonyal na

edukasyon ay sinimulan ng mga Kastila. Makikita sa mga dasal at aralin na tinuturo sa

paaralan ay naglalayong yakapin ng mga Pilipino kolonyal na relihiyon at monarkiya ng

Espanya. Gayun din ang mga gawi at kilos na tinuturo sa paaralan ay yaong umaayon sa

sistema ng kolonyalismo. Ang ganitong sistema naman ay pinagpatuloy ng mga

Amerikano; bagamat naging mas agresibo at sistematiko ang kolinisasyon sa edukasyon.

Tinaguyod nila ang pambublikong sistema ng edukasyon. Pangunahing tuon nila ay

gawing ang mga Pilipino bilang ‗brown Americans‘—na siyang mga ubod at buod ng

4
kolonyal na edukasyon.‖ Makikita sa edukasyon noon na ang edukasyon sa Pilipinas ay

nagsisilbi sa interes ng mga dayuhang mananakop.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tunay na malaya ang sistemang pang-edukasyon sa

bansa. Ito ay makikita sa bagong anyo ng kolonyalismo o ang neokolonyalismo na

ipinadadaloy na kamalayan sa sistemang pang-edukasyon. Ito ay naging paraan sa paghulma

5
sa mga Pilipinong mag-aaral upang maging tagasunod sa mga dikta ng dayuhan. Isa sa mga

patunay dito ang patuloy na paggamit sa wikang Ingles bilang pangunahing salita sa

pagtuturo. Ganun din sa pagpatuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga imported na

produkto at kultura. Sa pagpilit na paggagaya ng mga Pilipino sa mga banyaga.

Sa katunayan ito rin ang tunay na layunin ng K-12, ang maghubog ng mga Pilipino

para magtrabaho sa ibang bansa. Ang dahilang ito ay nakakalunkot isipin, ang isa sa mga

4
Rod Cuera, ―Pedagohiya ng Pagpapalaya at ang Pandaigdigang Araw ng
mga Guro”,isyungpnuhttp://isyungpnu.wordpress.com/2011/10/21/pedagohiya-ng-
pagpapalaya-at-ang-pandaigdigang-araw-ng-mga-guro(October 21, 2011)
5
Constatino, 39
6

6
tinuturing ng mga Pilipino na positibong bunga ng K-12. Isa pang dahilan kung bakit

isinulong ng K-12 ay dahil sa layuning gawing ―globalisado‘ ang buong kapuluan.

Inaangkop ang sistema ng ating edukasyon sa ibang bansa upang maayon ito sa kanilang

pamantayan sapagkat ayon sa kanila tanging Pilipinas nalang ang natatanging bansa na

hindi sumosunod sa ganitong sistema ng edukasyon. Ang pagiging globalisado ay ang

nagsisilbing pangdadag na gatong sa dating umaapoy na kolonyal na mentalidad ng mga

Pilipino.

Ang edukasyon ay hindi dapat tingnan na isa lamang pangangalap ng

impormasyon kundi bilang paraan ng paghubog sa tao para mahusay niyang

magampanan ang papel niya sa lipunan at maging kapakipakinabang sa lipunang yaon na

kanyang kinabibilangan. Samakatuwid, ang edukasyon ay hindi maaaring ihiwalay sa

lipunan. At hindi ito maaaring ihiwalay sa tiyak na kalagayan ng isang bansa sa isang

tiyak na panahon. Kalokohan ang palagay na dapat maging pare - pareho ang tunguhin ng

edukasyon sa lahat ng panig ng daigdig na nangangahulugang kung ano ang mga

katangian ng isang Amerikanong edukado ay gayundin dapat ang maging katangian ng

Pilipinong nakatapos ng pag -aaral. Puwede lamang itong mangyari kung ang antas ng

pag-unlad ng ekonomya, pulitika at kultura ng dalawang bansa ay pareho at kung

magkapareho ang kanilang mga mithiing pampulitika, pangkultura at pang- ekonomya.

Ang Pilipinas ay bukod - tangi sa lupalop ng mundo na walang makabayang

pananaw. Ano ang pinagmulan ng katangian ito? Isang hindi mapasusubaliang ugat nito

ang mga paaralan. Halos hindi itinuturo sa mga paaralan ang pagkamakabansa o

6
Jeanny, Burce. "Ano ba Talaga ang K-12?" Word Press. February 23, 2013.
http://www.nasyonalistikpinoy.wordpress.com (accessed August 28, 2014).
7

kahalagahan ng diwang nasyonalismo . Oo nga at itinuturo ang pagkamakabayan subalit

humahanga lamang ito sa makitid at mababaw na pagmamahal sa bayan tulad ng

paggalang sa watawat, pagpuri sa kagandahan ng kabukiran at iba pang mga walang

saysay na pagpapakita ng kabansaan. Ang masaklaw na bunga ng pagkabigo ng

edukasyon ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng mamamayang larawan ng kawalang

malay at nakasandig sa mga pakikitungo sa mga dayuhan, isang mamamayang manhid sa

7
pag- aalipusta ng ibang bansa.

Kaya ang papel na ito ay naglathana ng maaring solusyon sa problema ng

kolonyal na pag-iisip at ang problema ng nasyonalimo sa edukasyon. Gagamitin niya ang

dalumat at pilosopiya ni Paulo Freire ukol sa edukasyon. Si Paulo Freire ay isang

Brazilian at maimpluwensyang pilosopo at politiko. Malayo na ang naabot ng kanyang

pilosopiya sa pagpapalakas at pagpapayabong sa demokrasya sa edukasyon. Kanyang

tinutugunan ang problema sa programa sa edukasyon sapamamagitan ng pagpapanukala

ng isang pamamaraan o metalohiya (Dialogical Problem- Posing) nanagnanais na palitan

8
ang tradisyunal at mapangdiktang pamamaraan. Ang pilosopiya ni Paulo Freire ay

nagnanais na mapalalim ang sarili pagkakilanlan at nagnanais din palayain ang mga tao

sa panunupig. Ninais niyang magkaroon ng pagkapantay-pantay at tapusin ang mapang-

aping pamamaran at uri ng edukasyon. Kahit na siya ay isang Brazillian ay marami nang

mga bansa ang gumait ng kanyang pilosopiya at teorya sa edukasyon bilang alintutunin

sa pagpapayabong ng kanilang edukasyon.

7
Constantino., p45
8
Dr. Salama Embark. Saleh, ―Paulo Freire‟s Philosophy on
Contemporary Education”,University Bulletin – ISSUE No.15 – Vol .
1(Agelat Zawia University, 2013)
8

Ang papel na ito ay nilahad ang problema ng edukasyon ng Pilipinas.

Ipapaliwanag din nito kung paanong naging mapagdikta at kung papaanong sisinira ang

diwang nasyonalismo ng mga Pilipino. Pinapaliwanag sa papel na ito kung papaanong

magagamit ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘ (Liberating

Education) sa sinabing problema ng pang-edukasyon ng Pilipinas.

1.2 Paglalahad ng Suliranin


Nang makamit ang inaasam-asam na kalayaan at pagkakasarinlan ay hindi pa rin

tunay na malaya ang mga Pilipino; sapagkat may mga tanikalang nakatago na bumabalot

sa kamalayan ng bawat Pilipino. Matagal na nagkaroon ng kasarinlan at matagal na ring

naghilom ang sugat na dala ng mga naganap na digmaan sa bansa ngunit, bakit

napakalakas pa rin ang impluwensya ng mga banyaga. Kahit mahigit isang daang taon na

ang lumipas simula ng ideklara ang kalayaan mula sa dayuhang manunupig , tunay na

nga bang nakalaya at nakakalas ang Pilipinas sa rehas na ipinapataw ng mga dayuhan na

umiiral sa kaisipan ng bansa?

Ang edukasyon ng Pilipino ay hindi isang edukasyong maka-Pilipino datapwat ito ay

makabanyagang edukasyon. Hindi nakabatay ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas sa

mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang edukasyon ng Pilipinas ay tilang

naghuhubog lamang ng mga Pilipinong maglilingkod sa mga pangangailangan ng mga

mayayamang bansa. Hindi ito nakakapaghubog ng isang mamamayang may malasakit sa

bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng

layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kani-kanilang mga sarili. Hindi rin

iniaakma ang kanilang mga aralin sa kasalukuyang suliranin ng bayan at itinuturo


9

lamang ang kanilang kasaysayan bilang isang kuwento lamang na hindi nauaunawaan ng

mga bata sa kahalagahan sa kanilang pagkatao.Angsistema ng edukasyon ay hindi

magawang pag-alabinang diwang nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino.

Ang manunulat ay pinag-aralan ang problemang nabanggit at naglathana ngisang

posibleng solusyon. Ginamit niya ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyon

nagpapalya‘ sa problemang nasyonalimo sa edukasyon ng Pilipinas. Kaya naman ang

mga sumunod nakatanungan ay mahalaga sa paglilinang ng sinasabing pag-aaral.

1.2.1 Ano ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘?

1.2.2 Ano ang problema ng nasyonalismo sa pang-edukasyon ng

Pilipinas?

1.2.3 Paano magagamit ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyong

nagpapalaya‘ sa paggising at pagpapaalab ng nasyonalismong mga

Pilipino?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang papel na ito ay sinubukang pag-aralan ang problema ng nasyonalismo o

kawalan ng pagkamakabayan sa edukasyon ng Pilipinas. Sinubukan din ng manununlat

na pagaralan ang kasaysayan ng pananakop sa Pilipinas at ang kalagayan ng edukasyon

sa panahong iyun. Napakahalagangbalikan ang kasaysayan upang matasa at matanto ang

ugat ng problema. Sa pagbabalik tanaw ay matatanto ang pinakaugat ng suliranin at sakit

na nangangailangan ng masusing lunas. Ang pagpupuyaw ng kamalayan ay isang

napakahalagang hakbangin sa pagbibigay na nararapat at malalim na lunas sa paghilom

ng malalim na sugat.
10

Ang manunulat ay naniwalang mahalaga ang papel na ito sapagkat naniniwala

siyang makakatulong ito upang imulat ang mata ng mambabasa sa kalagayan ng kanilang

pagka-Pilipino at ang kahalgahan ng pagkakaroon ng isang diwa. Nilathana dito ang

kahalagahan ng nasyonalismo sa kanilang pagkatao. May malaking dulot ang diwang

nasyonalismo, dahil dito mabubuksan ang kanilang isip sa maraming bagay na dapat

gawin sa kanilang bansa, isa na lang halimbawa ang pag-unawa sa saligang suliranin ng

bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Sinasabi rin na ang nasyonalismo ay

nanggaling sa salita na ang ibig sabihin ay isang pangkat ng mga tao na may iisang

mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon,kaugalian at

tradisyon. Kung gayon, ang nasyonalismo ay makatutulong upang umunlad ang

bansa.Dahil kung may iisang mithiin ang mga Pilipino, mas madami ang magtutulungan

upang matupad ito at mas magiging madali itong matupad. Magkakaisa rin ang mga

Pilipino dahil sa iisa nilang wika,relihiyon at mga tradisyon. Mas madali silang

pagbuklodbuklorin at pagkaisahin upang matupad ang mga layunin nito.

Ang papel din ito ay mahalaga sa mag-aaral ng pilosopiya, lalong lao na sa mga

nagnanais gumawa ng pag-aaral ukol sa problema ng nasyonalismo sa edukasyon ng

Pilipinas. Ganun din naman sa mga mag-aaral na nagnanais malaman ang pilosopiya ng

edukasyon ni Paulo Freire. Ito ay may layuning ilahad ang iba‘t ibang mahalagang

pangyayari sa kasaysayan na gigising sa kamalayan ng bawat Filipino. Mamari din nila

tong gamitin bilang basehan sa mga hinaharap na pag-aaral.

Mahalaga din itong papel sa manunulat, sapagkat mas mapapalalim niya ang

kanyang pagkatao at pagka-Filipino. Ninanais niyang iaangat ang dignidad ng pagiging

isang Pilipino. Nais iparating ng manunulat ang kagandahan at kahalagahan ng


11

pagmamahal sa sariling bayan. Kaya naman napakahalaga ng pagaaral na ito sa kanya, at

sa bawat Pilipino na nagmamahal sa sariling pagkakilanlan. Sinusulong niya ang

kahalagahan ng nasyonalismo sa loob ng paaralan upang ang bawat isa ay makibaka sa

pagsugpo ng kolonyalismo sa bansa at upang ipaglaban ang karapatan na nararapat sa

mga Filipino.

1.4 Saklaw at Hangganan


Ang pag-aaral at ang papel na ito ay sinubukang bigyang ng solusyon ang problema

ng nasyonalismo sa edukasyon ng Pilipinas. Ang manunulat ay ginamit ang dalumat ni Paulo

Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘ upang bigyan ng posibleng solusyon sa maling

pagkatuto ng mga Pilipino at ang problema ng nasyonalismo sa bansa. Kahit na maraming

sinulat at inalok na pamamaraan at teorya si Paulo Freire ukol sa edukasyon, ilagay nawa ng

mga mambabasa na hindi lahat ng kanyang ginawa ay mailalagay sa papel na ito.

Ginamit naman ng manunulat ang pananaw at sanasay ni Renato Constantino

bilang basehan ng pagbabalangkas upang ilahad at ipaliwanag ang problema ng

edukasyon sa Pilipinas at ang problema ng nasyonalismo at paglaganap ng kolonyal na

pagiisip. Ito rin ang magiging basehan ng mga problema na sa edukasyon. Ang talakayan

ay bigyan diin ang problema ng nasyonalismo sa edukasyon ng Pilipinas. Limitado

lamang talakayan sa kasaysayan ng edukasyon sa panahon ng mga pananakop at bibigyan

diin ang makakolonyang sistema sa bagong programa pang-edukasyon sa Pilipinas na

tinatawag na Enhanced K to 12 Program.


12

Ilalahad ng manunulat ang pananaw ni Paulo Freire sa edukasyon at ang

makabanyagang sistema sa edukasyon ng Pilipinas. Gagamitin ng manunulat ang

pilosopiya ni Freire ukol sa edukasyon sa konteksto ng Pilipinas.

1.5 Metodolohiya
Ang manunulat ay gumamit ng „descriptive-remedial method‟ upang maging

malinaw at maging maayos ang talakayan sa papel na ito.

Sa pananaliksik na ito, ang manunulat ay gumagamit ng descriptive method sa

paglalathana ng problema na kanyang ninais bigyang solusyon. Descriptive din sapagkat

kailangan niyang ihayag at ipaliwanag ang bawat detalye na gagamitin sa kanyang papel.

Sa pamamagitan nito maiilathana at mabibigyan linaw niya ang dalumat ni Paulo Freire

na ‗edukasyong nagpapalaya‘. Sa tulong din ng pamamaraan na ito ay mabibigyan linaw

ang mga konsepto, terminolohiya, at pananaw ni Paulo Freire na gagamitin ng manunulat

sa papel na ito.

Ginamit din siya ng remedial na pamamaraan upangipaliwanag at ipakita kung

paanong magagamit ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘ bilang

solusyon sa problemang nasyonalismo sa edukasyon ng Pilipinas.

Ang presentasyon ng mga impormasyon ay ginawa sa tatlong pamamaraan. Una,

ang manunulat sa kanyang ikatlong kabanata tinatalakay ang konseptong edukasyon ni

Paulo Freire lalo na ang tinutukoy niyang mapaniil na edukasyon, ang pagbabangkong

kosepto ng edukasyon, at ang ‗edukasyong nagpapalaya‘ na kung kanyang tawagin

Problem-posing Education. Pangalawa, sa kanyang ikaapat na kabanata kanyang


13

inalathana ang ang kolonyal na Edukasyon sa Pilipinas. Sa kabanatang ito kanyang ring

pinakita ang ugat ng kolonyal na edukasyon at kayang tinalakay ang kalagayan ng edukasyon

sa tatlong panahon—edukasyon noong panahon ng Kastila, panahon ng Amerikano, at sa

panahon ng makabagong pagkokolonya. Panghuli, sa kanyang ikalimang kabanata kanyang

ipapakita ang pakakatugma ng mapaniil na konyal na edukasyon sa Pilipinas at ang mapaniil

na elemento na edukasyon ayon kay Freire na susundan ng isang konklusyon kung paanong

magagamit ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘ sa paggising at

pagpapaalab ng nasyonalismo ng mga Pilipino.

1.6 Talasalitaan
1.6.1 Kolonialismo- isang uri ng pananakop; patakaran ng isang bansa sa
9
pagpapanatili ng kapangyarihan sa iba pang bansa.

1.6.2 Kolonyal na Pag-iisip- Isang pag-iisip sanhi ng pananakop ng mga

dayuhan. Isang pag-uugali nakinagagawian ang pagtangkilik sa mga bagay na


10
nagmumula sa mga dayuhan o imported.

1.6.3 Kamalayan - kamalayan ay isang katangian ng kaisipan. Nangangahulugan


11
ito ng pagiging gising, alisto, at tumutugon sa kapaligiran.

9
Leonard Broom, Sociology, (Wadsworth Publising Company, Belmont California
1990), 42.
10
Constantino, 147
11
Karol Wojtyla, The Acting Person, ( Dourdecht: D. Reindel Publishing Company,
1979), 42.
14

1.6.4 Nasyonalismo- ay ang pagmamahal sa sariling bayan at sasariling

pagkakilanlan. Kasama din ang pagmamalaki ng lahi, at pagtakilik sa sariling kultura at

12
produkto.

1.7 Literaturang Kaugnay sa Pag-aaral


Ang paglalahad sa problema ng pang-edukasyon at nasyonalismo ay

matutulungan ang manunulat na isalaysay sa tulong ng aklat ni Renato Constantino. Ang

kanyang pinagsama-samang sanaysay na pinamagatng “The Filipino in the Philippines”

ay magiging kapaki-pakinabang sa manunulat sapagakat ang tema ng mga sanaysay ay

13
nagbibigay diin sa paglaganap ng na kolonyal na pag-iisip sa mga Filipino. Ang

mensahe ng kanyang mga sanaysay ay ipinapahiwatig sa mga Filipinong mambabasa

ukol sa kahalagahan ng pagkilala sa sariling pagkakilanlan. Tinutulungan din ng aklat na

ito na gisingin ang diwa ng pagka-Filipino. Makakatulong ang libro na ito sa pag-aaral ng

manunulat sapagakat tinatalakay dito ang problema ng kolonyalismo. Binibigyan din dito

ng diin ang kahalagahan ng paggising sa natutulog na nasyonalismo ang mga Filipino

bilang solusyon upang tapusin ang kolonyal na pag-iisip. Ang manunulat ay

mamakukuha ng karagdagang impormasyon sa ginagawa niyang pananaliksik.

Ganun din naman ang sinulat niyang pag-aaral at pananaliksik ukol sa kamalayan at

pagkakilalan ng mga Filipino. Ang aklat na pinamagatang ―Identity and Conciousness:

12
Constantino, 45
13
Renato Constantino, “The Filipino in the Philippines” (Malaya Books Inc.
Copyright 1966).
15

The Philippine Experience ay sumusporta sa kahalagahan ng pagkakaroon na nasyonalimo sa

14
bansa at pagkilala at pagkakaroon na kamalayan ukol sa sariling pagkakilanlan. Nilahad

niya dito sa aklat ang diwang nagkakaisa at6 ang pagkakaroon ng kamalayan ay naging susi

sa pagsupil ng pang-aapi at pagsupil sa pananakop ng mga Kastila. Binigyan niya ng diin ang

pagkakaroon ng kamalayan at pagkakaroon na diwang nagkakaisa ay mahalaga sa pagsupil

ng manunupig at mahalaga sa paglinang ng bansang malaya. Makakatulong din ito sa

pagyabong at pagpapalalim nang pagkilala sa sarili at pinagmulan. Kaya naman na

napakahalaga sa manunulat ang aklat na ito sa paglinang ng kanyang ginagawang

pananaliksik at pag-aaral; sapapamagitan nito ay malalahad niya ang kahalgahan ng

nasyonalismo at ang problema na kanyang sinasabing kolonyal na pag-iisip.

Ang dalawang aklat na sinulat ni Renato Constantino ay nakita ng manunulat na

kapaki-pakinabang sa kanyang ginagawang papel. Gagamitin niya ang mga ito bilang

basehan ng paglalahad ng problema ng nasyonalismo sa bansa at sa edukasyon.

Magagamit niya ito bilang pangsuporta at paglilinaw na pagkakaroon ng kanyang

sinasabing kolo0nyal na pag-iisip at ang patuloy na pananakop sa kaisipan ng mga

Filipino. Pinakikita din dito ang kahalagahan ng nasyonalimo na gagamitin ng manunulat

bilang solousyon na susuportahan nanman ng dalumat at pilosopiya ni Paulo Freire.

Ang aklat namang pinamagatang ‖Learning to Question: A Pedagogy of

Liberation”ay nakita niyang kapaki-pakinabang sa kanyang pag-aaral at sa ginagawang


15
papel. Ang aklat na ito ay sinulat nina Paulo Freire at Antonio Faundez ng kanilang

14
Renato Constantino, “Identity and Conciousness: The Philippine Experience‖
(Malaya Books Inc. Copyright 1974)
15
Antonio Faundez and Paulo Freire,”Learning to Question: A Pedagogy of
Liberation”, (Continuum International Publishing Group 1989)
16

usapan. Paianapaliwanag nila sa kanilang usapan ang kahalagahan ng pagtatanong sa

loob ng silid-aralan at ito ay nagsisilbing panimula sa pagpapalalim sa sarili at

pagpapalaya sa sarili. Ang aklat na ito ay magagamit ng manunulat sa pagpapalawak ng

kanyang kaalaman sa pilosopiya at pananaw sa edukasyon ni Paulo Freire na kanyang

gagamiting pilosopo. Ito ay kapaki-pakinabang sapagkat ito ay nagpapalim ng dalumat ni

Paulo Freire ukol sa edukasyong nagpapalaya. Magagamit niya ito bilang sanggunian ng

pilosopiya ni Paulo Freire.

Sa aklat naman na kayang sinulat na pimagatang “Pedagogy of Freedom” kanyang

sinabi na sa anumang senaryo ng pagtuturo at pagkatuto, laging ipinaaalala ng kasaysayan na

16
kapwa natututo ang guro at estudyante sa isa‘t isa. Ito na marahil ang pinaka puso nang

kanyang teorya ng isang mapagpalayang pedagohiya – na ang edukasyon ay hindi

nakapedestal. Nangangahulugan ang ganitong asersyon na ang guro ay mag-aaral rin, at na

ang guro ay miyembro ng lipunang kaniyang kinabibilangan at na mayroong panlipunang

responsibilidad ang mga guro na maging makabayan at paglingkuran ang sambayanan. Ayon

pa nga kay Freire na sa loob ng tradisyonal na pedagohikal na sistema, itinuturing ang

estudyante bilang buslong walang laman na ang pumupuno ay ang guro. Itong kaisipang ito

ay sinuri ni Freire bilang isang modelo ng pedagohiya na alinsunod sa sistema ng

pagbabangko (banking system) kung saan itinuturing ang kaalaman bilang salaping iniimbak

sa utak na tila bangko o alkansiya. Ipinamalas ni Freire sa kaniyang pagsusuri na hungkag at

atrasado ang ganitong tipo ng konsepto ng pedagohiya – sapagkat kailanman hindi dapat

isalalak ang estudyante bilang taga-imbak lamang ng kaalaman; na tila ba hindi

16
Paulo Friere, ―Pedagogy of Freedom” (Continuum International Publishing Group,
1989).
17

kayang iproseso at suriin ng mag-aaral ang mga ideya‘t konseptong ipinagkakasya sa

kaniya bilang bagong kaalaman.Samakatuwid, ano ang nais ipatungo ni Freire sa

pangkalahatang sistema ng pagtuturo at pagkatuto, na ang pedagohiya ay dapat ituring

ang mag-aaral bilang kapwa-manlilikha ng kaalaman. At dahil sa ganitong pagpapabatid,

maaaring pasulungin pa ang isang transpormatibo at mapagpalayang pedagohiya, kung

saan ang mag-aaral at guro, sa pangkalahatan, ay hindi dapat ipinipinta bilang

magkatunggali, kundi bilang magkakampi at magkasama sa hangarin na paglingkuran at

palayain ang sambayanan.

Ang dalawang libro na ito ay magagamit ng manunulat bilang sanggunian at

basewhan na pagpapalawak na kanyang kaaalaman sa pilosopiya ni Paulo Freire.

Makakatulong din ang mga ito sa pagpaliwanag ng dalumat ni Paulo Freire sa

‗edukasyong nagpapalya‘. Ganun din sa pagpapaliwanag at paglalahad kung papaanong

magagamit ang pilosopiya niya sa paglutas ng paglaganap ng kolonyal na pag-iisip sa

kamalayan ng mga Filipino.

Samatala naman ang papel na pinamagatang “Paulo Freire‟s Philosophy on

Contemporary Education” na sinulat ni Dr. Salama Embark Saleh ay magagamit nang

manunulat upang maunawaan kung paanong gamitin ang pilosopiya ni Freire sa makabagong

17
panahon at makabagong edukasyon. Ang papel na ito ay nag-aalok nang malalim na pag-

aaral at pagsisiyasat ng pilosopiya ni Paulo Freire sa makabagong panahon at makabagong


edukasyon. Ito rin ay nagpapahiwatig ng kanyang mga ideya, kaalaman, at

17
Dr. Salama Embark. Saleh, ―Paulo Freire‟s Philosophy on
Contemporary Education”,University Bulletin – ISSUE No.15 – Vol . 1 (Agelat
Zawia University, 2013)
18

teorya sa pagbabago at paglilinang sa edukasyon. Sapamamagitan ng paglalapat ng isang

radikal na pagbabago ng layunin sa pagaaral at pagbabago sa pagtatasa ng mga mag-

aaral. Nilahad din dito ang mga ideya at disiplina na magagamit bilang mga alintuntunin

sa pagreporma o pagpapaganda ng promang pang edukasyon. Pinakita din dito kung

papaanong gamiting ang pilosopiya ni Paulo Freire sa mga bansang tinatawag na “Third

World Country”. Magagamit ito ng manunulat bilang sangunian kung paaanong gamitin

ang pilosopiya ni Freire sa makabagong panahon. Tutal kabilang naman ang Pilipinas

sa“Third World Country” masasabi ng manunulat na pwede ding gamitin ang pilosopiya

ni Paulo Freire bilang alintuntunin sa paglinang ng pang-edukasyon ng Pilipinas.


19

Kabanata 2

Talambuhay at Impluwensiya

2.1 Talambuhay
Si Paulo Freireay isa sa mga maipluwensyang tao ng ika-20 siglo. Siya ay isang

Brazilianong masugid na guro, aktibista at pilosoposa pangkasalukuyang panahon. Kahit

na siya ay maraming naisulat at akdang gawa ay mas nakikilala siya sa kanyang akdang

aklat na pinamagatang Pedagogy of the Oppressed, isang libro tumatalakay sa kalagayan

ng edukasyon sa usaping opresyon at dominasyon sa pamamayanan. Sa loob ng limang

dekada ay patuloy parin kaugnayan nito sa sa usaping edukasyon. Siya at ang kanyang

mga akda ay kinikilala bilang isang haligi ng masusing sining ng pagtuturo o mas kilala

18
sa tawag na critical pedagogy.

Siya ay isinilang noong ika-19 ng Septembre taong 1921 sa hilagang-silangan

ngbaybayin ng Brazil sa lungsod ng Recife. Siya ang bunso sa apat na anak nina

JoaquinTemistoclesFreire, isang sundalong negosyante, at Edeltrudes Neves Freire, isang

19
mananahi, na mga mananampalatayang Katoliko. Ang kanilang pamilya ay namumuhay

ng masagana at kumportableng buhay hanggang sa pag-iral ng matinding depresyon. Noong

mga panahon na ito, ang kanilang kabuhayan ay bumagsak at sila ay nakaranas ng hirap at

gutom. Sa kadahilanang ito, sila ay napilitang makipagsapalaran sa Jabatao.

18
Cortez, Franz Giuseppe. "The Philippine Engagement." Kritike, 2013: 50-
70.p51
19
Gadotti, Moacir. Reading Paulo Freire : His Life and Work Teacher. New
York: State University of New York Press, 1994.p1
20

Taong 1931, noon ay siya sampung gulang pa lamang nang mamatay ang

kanyang ama. Ang pangyayaring ito ay mas lalong nakakaapekto sa estado ng kanilang

pamumuhay at pampinansyal na katayuan ng pamilya. Ang kanilang kahirapan ay naging

sanhi upang siya ay mahinto ng dalawang taon sa pag-aaral. Maging ang kanyang mga

guro ay tinggihan siyang tanggapin sa paaraalan sagkat sila ay naniniwala na mayroon

20
siyang malubhang problema sa pagiisip.

Nang maibsan ang kanilang kahirapan at maibalik ang kanilang estado sa buhay,

siya ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa highschool at siya ay naging guro ng

balarila upang siya ay makapag kolehiyo.Siya ay nagaaral ng pilosopiya at pag-aabogado.

Ang pagtuturo ang nagtulak sa kanya patungo sa diyalagong pamamaraan sa pagtuturo

(dialogic education) upang maunawaan niya ang ninanais at pangangailangan ng kanyang

21
mga mag-aaral. Taong 1944, ng magpakasal siya sa isang guro sa elementary na may

pangalang Elza Maia Costa Oliveira. Sila ay nagkaroon ng limang anak, tatlong babae at

dalawang lalaki. Bilang isang magulang, si Paulo Freire ay mas lalong nagkaiinteres sa

mga teorya ukol sa edukasyon. Upang mas mapapalalim ang kanyang pagsasaliksik at

pagpapalawak ng kaalaman ay iniwanan niya ang pagiging abogado at para na din

mapagtuunan niya ng pansin an ang pagpapalago sa kanyang kaalaman.

Taong 1959 na makumpleto niya ang kanyang doctoral thesis ukol sa

kamangmangan ng mga nasa sapat na gulang na o adult illiteracy. Sa parehong taon ay

tinanggap niya ang alok ng University of Recife bilang maging isang dalubguro ng

20
Gerhard, Heinz-Peter. Paulo Freire. Paris, March4, 2000.
21
Bentley, Leslie. "A Brief Biography of Paulo Freire." Pedagogy and Theare of the Oppressed,
Inc. December 1999. http://ptoweb.org/aboutpto/a-brief-biography-of-paulo-freire/
21

Kasaysayan at Pilosopiya ng Edukasyon. Ginawa rin siyang ng universidad bilang isang


22
director ng literacy outreach program sa kanilang pamantasan. Sa ganitong

pagkakataon kanyang sinubukan ang isang metolohiya at pedagohiya sa pagtuturo, na

kanyang isinaliksik, sa mga mangmang sa kanilang lungsod.Angpamamaraan na

kanyangbinuoaymalawakan at lantarang ginagamit ngmga Katoliko at iba pang mga

grupo‘t aktibista na may kapanya ukol sa karunungan, kamalayan,pagbasa‘t pagsulat sa

loob ng Hilagang-silangan ng Brazil.

Taong 1962, itinalaga si PauloFreire ng Alcade ng Recifebilang pinunong isang

programangpangkarunungan, pagbasa at pagsulat para sa mga matatanda. Kanyang

sinubukan sa 300 matatanda ang kanyang mitolohiya upang sila ay turuan magsulat at

magbasa loob ng 45 araw. Nagtagumpay ang kanyang mitolohiya kaya naman sa kasunod

na taon siya ay tinalaga bilang pinuno ng National LiteracyProgram ng pangulo ng

Brazil. Muli naman siyang nagtagumpay sa programang ito, kaya lumobo ang bilang ng

mga mag-aaral na nag-enroll sa mahigit dalawang milyon. Sa sanligang batas ng Brazil

hindi pinahihintulutang bumoto ang mga mangmang, kaya naman sa tulong ni Paulo

Freire dumamami ang mga rehistradong botante. Sa kadahilanan ding ito siya ay

binatikos at tinuglisa sa pahayagan ng ―The O Globe” (isang maipluensya at

konserbatibong pahayagan).

Taong 1964 na magkaroon ng kudeta na naging sanhi ng kanyang pagkabilanggo sa

kadahilanang siya ay banta salumang pamahalaan ng Brazil. Siya ay pinalaya makaraan ang

pitumpungaraw at hinimok na lisanin ang bansa. Nang siya palayasin ng bansa, siya

22
Gadotti, Moacir. Reading Paulo Freire : His Life and Work Teacher. New
York: State University of New York Press, 1994.
22

ay nagtungo sa Chile kung saan ginugol niya ang limang taon sa pagtratrabaho sa UNESCO

at sa Chilean Institute for Agrarian Reform sa programa ng pang-edukasyon para sa mga

matatanda.Namgkinalaunan, siya ay tumayo bilang tagapayo at tagabay sa Harvard

University's School of Education. Nagtrabaho at nagsaliksik siya kasama ang mga grupong

nakikibahagi samga bagong pamamaraan at eksperimentong pang-edukasyon sa mga pook ng

mga rural at urban na lugar. Nang nagtagal siya naglinkod bilang isang Special Consultant sa

Office of Education of the World Council of Churches sa Geneva.

Taong 1979, pagkalipas ng labing-limang taong pagkakatapon, siya ay

pinayagang bumalik ng Brazil. Pagkalipas ng isang taon siya ay sumali sa isang partido

ang Workers Party sa SãoPaulo. Mula 1980 hanggang 1986 kanyang pinamamahalaan

ang kanilang programang karunungan, pagbasa at pagsulat para sa mga matatanda. Sa

kanyang pamamayagpag sa larangan ng edukasyon, siya ay naluklok bilang Ministro ng

pang-Edukasyon ng SãoPaulo. Sa ilalim ng kanyang pamamahala patuloy ang pagyabong

ng edukasyon.

Siya ay kinikilala sa buong mundo para sa kanyang malalim at natatanging

kontribusyon nanakaapekto sa kaisipan at kaugalian sa larangan ng edukasyon.

Tumanggap siya ng maraming parangal kabilang na ang honorary doctorates, the King

Balduin Prize for International Development, the Prize for Outstanding Christian

23
Educators in 1985, and the UNESCO 1986 Prize for Education for Peace.

23
Shaull, Richard. "Foreword." In Pedagogy of the Oppressed, by Freire, 9-
15. New york: The Continuum Publishing Corporation, 1984. p11
23

2.2 Impluwensiya
Ang Recife ay matatagpuan sa hilagang-silangan bahagi ng Brazil malapit sa

baybaying dagat ng Atlantika malapit sa Africa. Ang Recife ay isang daungan, subalit

ang pagiging pintuan sa pagyabong ng ekonomiya ay unting-unting naglaho sa pagdating

ikadalawampung siglo. Taong 1956 na ang kalahating lupain ng Recife ay pag-aari

lamang ng tatlong porsiyento ng populasyon o pag-aari lang ng mga elitistang mamayan.

Ang rehiyon ay minsang naging mayabong at kumikita sa yamang pang-agrikultura na

batay sa gawa ng mga alipin,subalit sa paglaki ng industriya ng teknolohiya at iba pang

kumpetisyon sa parehong industriya, ang mga alipin ay hinyaang mamuhay ng sarili

malayo sa kanilang bayan.

Ang kasaysayan at ang natitirang epekto ng paglaganap ng pang-aalipin at pag-

angat ng mga elitistang mamayan, ang naging kadahilanan ng pag-aari ng kalahating

bahagi ng rehiyon ng mga elitista. Ang mga mararangya ay pinag-aarian ang mga luipain,

kasama sa pag-iral nito ang mga taong walang kadalubhasaan at walang pag-aaring

alipin, na naging patunay na walang katapusang pagsiil sa mga mahihirap at walang

pagkapantay-pantay.Katuwang ng malalim at laganap na kahirapan ay ang salot ng

kamangmangan at masamang kalusugan. Sa taong 1960, pitumpu‘t-limang porsyento ng

bilang ng populasyon ay mga mang-mang. Ganito ang kalagayan ng komunidad at

kultura na kinalakihan at kinamulatan ni Paulo Freire, na naging sanhi ng paghulma ng

kanyang pilosopiya at pagiging guro.

2.3 Hegel at Marx


Ang pilosopiya ni Paulo Freire ay bunga ng mga kaisipan, dalumat, pananaw at

pilosopiya ng dalawang tanyag na pilosopo na sina Georg Wilhelm Friedrich Hegel at Karl
24

Marx. Ang impluwensya ng dalawang tanyag na pilosopong it okay Paulo Freire ay

makikita sa kanyang mga akdang gawa, lalong lao na sa kanyang Pedagogy of the

Oppressed. Kanyang binibigyang diin ang koneksyon ng master-slave dialectic ni Hegel

at ang material dialectic ni Marx bilang pagunawa at paglutas ng problemang pang-

kamalayan.

Ang ideya ni Hegel ukol sa master-slave dialectic ay nagsimula sa isang nilalang

o espiritu na hindi niya kilalang lubusan ang sarili. Gayun pa man ang nilalang na ito ay

magkakaroon ng kamalayan sa pamamagitan ng tinatawag na asymmetrical relationship

of master and slave na nagsimula sa pagnanais ng magpataw ng kapangyarihan.

Sapamamagitan g asymmetrical relationship ang panginoon at ang alipin ay magkakaroon

ng magkaibang kamalayan ngunit hindi ang kamalayang pagkabuan. . Ang teoryang nito

sa huli ay mapagtatanto nila na kailangan nila ang isa‘t isa upang matamo nila ang

kanilang pansariling kamalayan. Ang konsepto ni Hegel na master-slave dialectic ay

nilahad ang pinagmulan at ang resolusyon sa pagkakaiba-iba ng estado ng kapangyarihan.

Ang papel na ginagapanan ng panginoon ay nakasentro sa pagpapataw ng

kanyang kapangyarihan sa alipin. Siya ang nagdidikta sa buhay ng alipin. Siya ang

nakikiknabang sa pinagtrabahuan at pinaghirapan ng kanyang alipin. Ang papel naman na

ginagampanan ng alipin ay maging susunuran at magtrabaho para sa kanyang panginoon.

Siya ay sunusunuran at naghihintay lamang sa ipaguutos ng panginoon sa kanya. Sa

medaling sabi siya ay nabubuhay para sa kanyang amo o panginoon.

Si Hegel at si Karl Marx ay magkaiba sa pamamaraan ng pagtingin at pananawa ukol

sa pagkakaroon kamalayan sa konsepto ng master-slave dialectic. Si Hegel ay nagpakita ng

isang positibong pananaw sa tao at siya ay naniniwala sa likas na kabuntihang


25

taglay nito. Siya ay nagkaroon ng isang pagkukuro, kapag ang panginoon ay masyadong

umaasa sa kanyang alipin at sa mga gawa nito, kanyang magpagtatanto na siya ay alipin

ng kanyang sarili at sa gawa ng kanyang alipin. Sa ganitong sitwasyon at pagkakataon

ang alipin ay mas malaya pa kesa sa kanyang amo. Ayon kay Hegel, sapamamagitan ng

pagawa ng alipin ay kayang tunawin at lutasin ang master-slave asymmetry. Ayon sa

kanya ang lunas sa paglutas ng pagkakaroon ng tunay na kamalayan ay pagtatanto ng

panginoon at ng alipin bilang magkatuwang at magkatulong sa buhay kesa sa pagpataw

ng kapangyarihan sa isa‘t isa.

Sumang-ayon naman si Karl Marx na ang pagkakaroon at pagtatasa ng kamalayan

ng sarili, bilang panginoon, ay nakaugat sa pagtatanto na kailangan niya ang iba upang

mabuhay. Subalit sa lagay ng alipin o ng manggagawa kinakailangan muna nila

malagpasan ang kakulangan ng kamalayan sa sarili sa pamamagitan muna ng pagwawagi

sa mga mapang-aabuso, mapangsamantala, pagpapalayo ng damdamin (alienation), at

ang mapanirang externalization. Siya naniniwalang magiging self-concious ang mga

manggagawa at magiging malago sila kung hindi nilang hahayaang ang kanilang sarili

maging sunudsunuran. Ang kaisipang ito ay umaabot sa dalumat na malalagpasan ng

manggawa ang pagkakasiil at pagkakalupig o oppresyon sa pamamagitan ng pagkilos o

reboslusyon ayon kay Marx. Ang ideya ni Marx ay mas aggresibo na nangngailangan ng

direktang aksyon kumpara sa magtatanto ni Hegel.

Higit pa rito, kanya rin binabalangkas ang kondisyon ng socioeconomic na

kaugnay ang master-slave dialectic. Kanyang tinitignan ang master-slave dialectic bilang

tagapaghiwalay sa mga may kapangyarihan sa produksyon at sa mga manggagawa. Ang


26

24
panginoon ay magiging mga ‖burges‖ samantala naman ang alipin ay mga taga-gawa at

manggagawa. Sa pamamagitan ng mapangsamantala sa loob ng kapilistang sistema ang

mga tao ay naging magulo sa proseso ng palitan ng kalakal. Ang mga manggagawa

naman ay ang siyang lumalayo ang loob sa kanyang paggawa at bumababa rin ang

kanilang pagkatao. Ang pera at kayamanan ang naging panggulo sa katotohanan ng

buhay. Hindi matatamo ng tao pagkapantay-pantay sa sistema kung saan ang indibidwal

o ang bawat isa ay hindi nag-aambag ng kanilang kakayanan ayon sa kanilang kapasidad
25
at kung saan ang bawat isa ay hindi nakakatangap na ayon sa kanilang kailangan.

Ang ginagampanang papel ng mga gawa ng mga alipin sa resolusyon o pagbuo

(synthesis) ng dialectic ay napakahalaga. Pinapahiwatig ng kaisipang ―relasyon ng

26
panginoon-alipin‖ ay ang bunga ng paggawa ng mga alipin ay wala silang natatanggap na

kahit anong benepisyo mula sa kanilang pinaghirapan. ―Malayo ang kanilang damdamin sa
kanilang paggawa at sa bungang nito, samakatuwid ang kanilang paggawa ay nakababa ng

27
pagkatao .‖ Ang paggawa ay ang batayan ng master-slave dialectic kaya paggawa ay

napaklahalaga sa palutas at pagtunaw sa hindi pagkapantay-pantay ng amo at ng alipin.

Si Paulo Freire ay nagsulat tungkol sa mga inaapi at sa kanilang pakikibaka para sa

pagkakaroon ng pangsariling kamalayan. Kanyang painagdidiinan na habang ang mga api

24
Ang burges ay ang tagalog ng bourgeois. Ang mga bourges ayon
kay Karl Marx ay ang mga taong nasa social class.
25
awoodsthought--paper,thoughts,ideas." Hegel, Marx, and Freire. February 16, 2012.
http://awoodsthoughts.wordpress.com/2012/02/16/hegel-marx-and-freire/ (accessed June 25, 2014).
26
Katawagang ginamit sa tagalong para sa master-slave relationship.
27
Ang orihinal na konteksto “They are alienated from their work and the product, the work is therefore
dehumanizing.”
27

ay nagnanais matapos ang kanilang pagkasupil, kanilang kinahaharap ang katanungan

ukol sa kanilang ―tunay na pag-iral‖

Kung sisiyasatin at paghahabingin ang pilosopiya nina Hegel, Marx, at Freire at

makikita ang pagkakatulad padron ng kanilang ginamit sa kanilang pananaw at

paniniwala sa mundo. Ang bawat pilosopiya ng tatlo ay naglalathana at kanya-kanyang

thesis, anti-thesis, at synthesis. Upang mas maunawaan at makita mabuti ang

pagkakatulad sa kanilang padron ay makikita sa sumusunod na pagsasalarawan:


28
29
30

Kabanata 3

Ang Pedagogy of the Oppressed: Konseptong Edukasyon ni Paulo


Freire
Ang Pedagogy of the Oppressed ay ang pinakapuso ng kanyang pilosopiya. Ito ay

bunga ng kanyang karanasan sa pagkakasadlak sa kahirapan sa kanyang kamusmusan. Sa

kanyang karanasan sa pakikipamuhay sa mga nasisiil ng sakit ng lipunan at sa mga

biktima ng malalang sakit ng lipunan kanyang natuklasan ang tinatawag na ―kultura ng

28
katahimikan‖ . Kanyang napagtanto na ang kamangmangan at panghihina ng mga taong

nasa ―kultura ng katahimikan‖ ay produkto ng sistemang pangingibabaw at pagpapataw

ng kapangyarihan ng mga taong nasa itaas ng lipunan, ekonomiya, at pulitika. Sila ay

biktima ng ganitong sistema. Sa halip na sila ay tulungan ng mga nasa itaas upang iangat

sa kanilang pagkakalubog at tulungan sa paghahanap ng kongkretong lunas sa sakit at

problema ng buhay; sila ay hinahayayaang sa hukay ng pagkakabaon kung saan ang

29
mapanuring kamalayan ay imposibleng yumabong. Kaya naman naging malinaw sa

kanyang kamalayan ang problema ng kanyang bansa, lalo na sa larangan ng pang-

ekonomiya, pampulitika at pang-edukasyon. Kanyang napagtanto na kaya iilan lang ang

mga nagtangtangka, at nagkukusang kumilos upang magsulong ng pagbabago at

pagkapantay-pantay o kahit lamang ang pagmumungkahi na ang patuloy na paglala ng

sakit ng lipunan ay dahil sa ―kultura ng katahimikan‖.

28
Ayon kay Freire ang culture of silence ay ang bunga ng pangingibaw at
dominsayon sa lipunan ng mga taong nasa mataas na estado ng buhay. Ang kulturang ito ay
nagiging sanhi ng pagkakasiil o pagkakasadlak ng taong nasa mababang estado.
29
Shaull, Richard. "Foreword." In Pedagogy of the Oppressed, by Freire, 9-15. New york:
The Continuum Publishing Corporation, 1984.
31

Si Paulo Freire ay kasama sa mga iilan na nagnanais at nagtangkang bigyang

lunas ang sakit ng lipunan at lumayo sa mapaniil na elementong patuloy na

nagpapalugmok sa kamalayan ng tao. Siya ay naniniwalang ang edukasyon ay isa sa

mahahalagang sangkap at susi sa pagpapalaya ng sarili at pagpapalalim ng kamalayan sa

realidad ng buhay. Ang tradisyunal na sistema ng edukasyon ay nagiging sanhi ng

pagpapanatili ng ―kultura ng katahimikan; samakatuwid ang edukasyon mismo ay

nagdudusa sa sakit ng maling sistema at nangangailangan ng lunas. Ang pagnanasang ito

ay kanyang inahayag sa kanyang akdang pinamagatang The Pedagogy of the Oppressed

na naging puso ng kanyang pilosopiya. Dito rin niya pinakita ang kanyang teoryang lunas

sa sakit ng edukasyon na magiging lunas sa sakit ng lipunan lalo ng mga nasadlak sa

mapang-aping sistema ng lipunan. Ayon sa kanya, ang edukasyon dapat ay mapagpalaya

(liberating education). Matatamo ito sa isang pamamaraan at masining na pagtuturo na

tinatawag na “problem-posing education”.

3.1 Ang Pagbabangkong Konsepto ng Edukasyon


Sa pag-aaral ng mga estudyante, ang mga guro ay gumagamit ng mga estratehiya

upang matutunan nila at mahulma ang kanilang pagiging makatao (humanitarian) sa

edukasyon. Ang guro ay nagsasagawa ng modelo sa pagtuturo upang masubaybayan ang

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga modelong ito ay nagsisilbing gabay sa pagtuturo

ng mga estudyante sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan na makamit o marating ang

rurok ng kanilang kakayahan. Subalit madalas, ang mga guro ay hindi naiisip at walang

pakialam sa modelong kanyang ginagamit. Ang guro ay gumagawa ng ilang kasanayan sa

edukasyon na malayo sa nararanasan ng mga tao. Ito ay ang aplikasyon ng naratibong

karakter (narrative character) sa edukasyon.


32

Ayon kay Freire ang pagbabangkong konsepto ng edukasyon (banking concept of

education) ay ang tradisyunal na sistema ng edukasyon. Ang banking concept of

education ay ang tumatayong pasimuno at tagapanatili ng ―kultura ng katahimikan‖. Sa

ganitong sistema ang estudyante o mag-aaral ay tila isang lalagyanang walang alam na

kailangang punuan o salukan ng karunungan, kaisipan, at pananaw ng guro. Sa ganitong

sistema ang guro ay tinitingala ng mga mag-aaral bilang awtoridad ng karunungan at

puno ng kaalamaman o ang mga tinatawag na otoridad ng karunungan.

Ang edukasyon ay ang natututunan sa loob at labas ng paaralan. Makikita ito saan

30
man. Eka nga ni Freire ―ang edukasyon ay dumaranas ng sakit ng pagdidikta‖. Sa

pagsusuri niya, sa labas man o loob ng paaralan ay nagkakaugnay ang guro bilang tagasabi o

tagasalaysay at ang mag-aaral bilang tagapakinig. May aplikasyon ang naratibong karakter sa

edukasyon. Ginagamit ito ng mga guro sa paghubog ng kanilang mga estudyante. Ang mga

estudyante ay napupuno o nalalagyan ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga

31
guro. Tinatanggap nila ng may kababaan ang mga bagay na malayo sa realidad. Ito ay

hindi kailangang malayo sa paghubog ng kanilang pagkilala sa sarili. Ang mga mag-aaral ay

nasanay sa laging paulit-ulit na itinuturo ng kanilang guro na hindi nahubog ang kanilang

kritikal na pag-iisip. Ang implikasyon ng paggamit ng naratibong karakter sa pagtuturo ay

ginagawa nitong ―lalagyan‖ ang mga estudyante at sila ay nagmumukhang lalagyan o

tagatanggap (receptacles) na kailangang punuin ng guro sa pamamagitan ng naratibong

32
pagtuturo. Napaghinuha ni Freire na ang ganitong uri ng

30
Ang orihinal na pagkakasulat, ―Education is suffering from
narration sickness‖Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed . New York: The
Continuum Publihing Corporation, 1984.p57
31
Ibid., 57
32
Ibid., 58
33

pagtuturo ay nagreresulta lamang sa pagiging depositor o tagapuno ng guro, pinupuno o

dinedeposituhan nila ang mga estudyante. Ang guro ay magiging tagapuno ng kaalaman

ng mga estudyante. Ang mga estudyante naman ay ang tagatanggap ng inilalagay ng mga

guro. Kaya, ang edukasyon ay lumalabas na isang uri pagpupuno o pagdedeposito. Ito ay

33
tinatawag na pagbabangkong konsepto ng edukasyon (banking concept of education).
Isinulat ni Freire,

―Ang edukasyon ay nagiging pagdedeposito lamang habang ang mga


estudyante ang tagatanggap at ang mga guro ang tagalagay o depositor. Sa
halip na makipagugnayan o makipag-usap, ang guro ay nagdedeposito
lamang ng kaalaman na buong tiyagang tinatanggap naman ng mga
estudyante, minememorya at inuulit. Sapagbabangkong konsepto ng
kaalaman, ang karunungan ay isang biyaya sa mga taong kinokonsidera
nilang sila ay maalam. Habang tinatanggap ng mga estudyante ang
dinedeposito ng kanilang kritikal na pag-iisip na magbibigay daan sana na
34
makaagapay bilang tagapagpabago ng mundo.‖

Sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon, tagatanggap, tagapuno at tagaimbak ng

35
dinepositong kaalaman ang papel na ginagampanan ng mga estudyante. Sa ganitong

proseso, ang guro ay may kapangyarihang kolektahin at ideposito ang pagdidikta na


pagtuturo niya sa mga estudyante. Ang guro ay nakikilalang kolektor at depositor ng mga
bagay na itinuro niya sa mga estudyante. Sa isang banda, ang mga estudyante ay

36
naniniwalang ang kanilang edukasyon ay tinig ng realidad. Ang kanilang edukasyon ay

33
Ibid., 59
34
McLaren, Peter, and Peter Leonard. 1993. Paulo Freire: a critical encounter.
London: Routledge. p26
35
Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. p58
36
Ibid., p57
34

hindi nakakabit sa pagbabago, at wala silang tunay na edukasyon. Sa ganitong maling

sistema, ang tao ay hindi kailanman magiging totoong tao.

3.1.1Ang Aplikasyon na Naratibong Karakter sa Edukasyon

Ang pagdidikta o pagsasalaysay ay ang pangunahing pamamaraan ng pagtuturo sa

banking education. Sa pagsisiyasat ni Paulo Freire sa relasyon ng guro at mag-aaral sa

kahit anong antas, sa labas man o sa loob ng silid-aralan ay nagpapakita ng pangunahing

katangian ng pagsasalaysay. ―Ang relasyon na ito ay nangangailangan ng isang

tagapagsalaysay (ang guro) at isang pasinsyosong tagapakinig (ang mag-aaral). Ang

nilalaman ay maaring ang kahalagahan o ang empirikong dimensyon ng buhay, ay

sadyang nasa proseso ng pagsasalaysay na nagiging walang-buhay at petripikado. Ang

37
edukasyong ito ay nagdudusa sa malubhang sakit ng pagsasalaysay.‖

Sa ganitong pamamaraan, sinasalaysay ng guro ang katotohanan ng buhay sa

sarili nilang pananaw at interpretasyon na tila ba ang mundo ay tuod at hindi nagbabago.

Ang kanyang gawain ay ―punuin‖ lamang ng kanyang mag-aaral ng nilalaman ng

kanyang pagsasalayasay na malayo at hindi maihahantulad sa kalagayan at katotohanan

ng buhay ng kanyang mag-aaral at hindi malaman ang kahalagahan at gamit sa kanilang

gawain sa pangaraw-araw.

37
Ibid., p57
35

Sa paaralan, ang gawain ng guro ay turuan ang kanyang mga estudyante at dito

ang guro ay gumagamit ng iba‘t ibang metodolohiya sa pagtuturo. Ang guro sa

pagbabangkong konsepto ng edukasyon, ang guro ay tinuturuan ang estudyante ng

naratibong karakter na ginagawang walang pagbabago ang pagtuturo nila ng realidad, ito

ay nahuhulaan at nagkakahon. Ang guro ay nagtuturo tungkol sa realidad na hindi naman

naisasabuhay ng mga estudyante. Ginagawa lamang deposituhan ng kaalaman ng guro

ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbabasa ng teksto na sa huli ay hindi naman

niya nauunawaan. Sa pagsasalaysay, ang guro ay nagbibigay ng mahinang pundasyon sa

mga mag-aaral at sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang guro ay nagpapamemorya

lamang at nagsasalaysay ng mga kuwento na malayo sa pinag-aralan ng estudyante. Dahil

isa sa asignatura na kailangang kunin, kahit hindi ito mabuti, walang magagawa ang

38
estudyante kundi tanggapin na lamang. Sa ganitong pangyayari, ang guro ay

nagdedeposito ng nilalaman ng kanyang mga itinuturo o isinasalaysay sa kanyang mga

estudyante. Binigyang diin ni Freire na ang salita ay nagiging malambot at walang tibay,

walang kuwenta at silbi. Ang salita ay pangalan lamang ng realidad na ginagamit upang

bigyang diin ang isang bagay subalit wala namang saysay.

―Ang pinakalitaw na karakter ng naratibong edukasyon ay ang tunog ng


mga salita at hindi ang kakayahan nitong makapagpabago. ―Apat
paramihin pa sa apat. Ang Kabisera ng Para ay Bekan.‖ Minememorya at
inuulit lamang ang mga ito na hindi naman nauunawaan ang tunay na
39
kahulugan.‖

Ang tanggap na karakter ng naratibong edukasyon ay nagbibigay ng kintil na

tunog ng mga salita. Hindi ito nagkakapagbigay lakas o nakapagpalaim ng pagkatao.

38
Ibid., p58
39
Ibid., p58
36

Nagkakaroon lamang ng kasanayang magmemorya ang mga mag-aaral upang makuha ang

naratibong pagtuturo ng guro. Kapag mas tinatanggap at kinakabisa ang kaalaman, mas

nagiging ‗magaling‘ silang estudyante, mas pinapayagan nilang punuin sila ng guro, mas

mainam ‗mabuting‘ silang estudyante. Subalit kabaligtaran ito, kung ang guro ay mahusay

sa pagpuno, siya ang mas magiging mainam. Mas pinupuno niya ang estudyante, mas
40
nagiging mabuting guro siya.

3.1.2 Ang Guro bilang Subject at ang estudyante bilang Object.

Ipinaliliwanag ni Freire na sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon, tinatanggap

ng guro ang kanyang antas ng posisyon na mas mataas siya kaysa sa mga estudyante dahil

sa kanilang kawalang-malay o kamangmangan. Pinangangatwiranan ng guro ang kanyang

pag-iral nang hindi patas dahil sa siya ang tagapagturo, Sa kabilang banda, ang mga

estudyante ay nagiging malayo sa realidad at nakakasanayan na nila ito. Nalalayo sila sa

realidad ng mundo, sila ang alipin na tinutukoy sa Hegelian Dialectic. Dahil dito

tinatanggap nila ang sinasabi ng guro sa pamamagitan ng pagtanggap din nila sa kawalang-

41
malay. Dagdag pa rito,ang pagbabangkong edukasyon ay pinaiiral ang malaking

kaibahan nila dahil sa mga sumusunod na nakasanayan na at nakaugalian na.


a. Ang guro ay nagtuturo at ang mag-aaral ay tinuturuan.
b. Ang guro ay alam ang lahat ng bagay at ang mag-aaral ay walang alam.
c. Ang guro ay nag-iisip para sa ang mag-aaral.
d. Ang guro ang nagsasalita, ang mga estudyante ang tagapakinig
e. Ang guro ang tagapagdisiplina at ang estudyante ang dinidisiplina.
f. Ang guro ang pumipili at pinatutupad ito, tagasunod naman ang
mga estudyante.
g. Pinipili ng guro ang nilalalaman ng programa, ang mga mag-aaral (na
hindi nakonsulta) ay sumusunod dito.

40
Ibid., p60
41
Ibid., p59
37

h. Ginagawang kumplikado ng guro ang kaalaman dahil siya ang otoridad


na nakakapekto sa kalayaan ng mga estudyante.
i. Ang guro ang paksa ng pagkatuto samantalang ang mga estudyante
42
ang tagatanggap.

Ang pagbabangkong konsepto ng edukasyon ay ginagawang sumunod at

makaagapay dito ang tao. Ginagawa nitong tagasunod at madaling panghawakan ang

estudyante. Kapag ang mga estudyante ay naturuan na ng guro, mas lalong tinatanggap nila

ang kanilang kamangmangan at nagiging tagasunod sila at madaling panghawakan.

Tinatanggap nilang sila‘y instrument ng guro dahil hindi napaunlad ang kanilang kritikal

43
na pag-iisip upang mapaunlad ang kanilang bokasyon sa pag-aaral. Tatanggapin na
lamang nila na ganito ang mundong kanilang nakagisnan na humuhubog sa kanilang buhay.

Sila lamang ay mga bagay na walang kapakinabangan samantalang ang iba ay mahusay sa

pagpapatakbo bilang paksa sa mundo dahil sa edukasyon.

3.1.3 Ang Atas ng mga Maniniil (Oppressors) at mga Api (Oppressed)


Sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon, sinabi ni Freire na ang guro ang

44
nagpapahirap o maniniil at ang mga estudyante ang pinahihirapan o mga api at sinisiil.
Ang maniil bilang isang marunong maniil sa karunungan at moralidad at ang mga

estudyante bilang isang nasiil sa karunungan at moralidad. Ayon kay Freire:

42
Ang mga nabangit ay ang mga nakasanayan na sa loob ng paaralan ayon kay
Paulo Freire. Mga kasanayan na nag-papaigting at lalo na ang pasimuno ng ‖kultura ng
katahimikan. Ang mga kansanayan at kaugalian nabanggit ay pasimuno ng mapang-aping
lipunan.
Estioko, Leonardo. Philosophy of Education: A Filipino Perspective. Manila:
Logos Publication Inc., 2008. pp89-90
43
Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. P60
44
Ibid., p61
38

‖Sa tradisyonal na silid-aralan, binubuo o pinagyayaman ang mga mag-


aaral na dumedepende sa otoridad. Nagiging walang silbi silang mga
mamamayan at manggagawa sa pamamagitan ng paniniwalang ang
edukasyon ay nangangahulugang pakikinig sa guro, sabihin sa kanila ang
45
gagawin at kung ano ang kahulugan ng mga bagay-bagay.‖
Ang interes ng mga maniniil ay nakasalalay sa,‖pagbabago ng kamalayan ng mga

46
nasisiil, hindi ang sitwasyon na nagsisiil sa kanila.‖ Ayon kay Freire, kapag mas
napanghahawakan nang husto ang mga pinahihirapan, mas madali silang makontrol

katulad na lamang sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon, ang nasiil ay mahinang

tagatanggap na pinunpuno ng naratibong pagtuturo ng guro. Ang nasisiil ay mahina, hindi

makapag-isip nang malalim dahil hindi sila mulat sa realidad at wala silang kakayahang

makapaglipat-kaalaman na pinipigil sa kanila na ilagay ang kanilang sarili sa konteksto ng

realidad at gumawa ng sarili nilang kasaysayan.

3.2 Ang Implikasyon ng Pagbabangkong konsepto ng Edukasyon

Isa sa dahilan ng pagiging mahina sa pagkatuto ng isang tao ay hindi lamang sa

pagkakaiba-iba ng tao kundi dahil na rin sa sisterma ng edukasyon. Minsan ang ganitong

kasanayan sa pagtuturo ay nagagamit ng di-tama, kaya nagkakaroon ng kumplikadong

sitwasyon na nakakaapekto at ginagawang kulang ang edukasyon ng mga estudyante.

Napakadaming epekto ng pagbabangkong konsepto ng edukasyon lalung-lalo na sa

pagkatao ng mga mag-aaral at sa pag-iral nila sa lipunan.

45
McLaren, Peter, and Peter Leonard. 1993. Paulo Freire: A Critical Encounter
.p26
46
Ang orrihinal na konteksto, “Changing the consciousness of the oppressed, not the
situation which oppresses them.”Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed.New York: The
Continuum Publishing Corporation, 1984. P60
39

3.2.1 Istatikong Pagkatuto

Sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon, ang nasisiil ay nakabilanggo sa

kamangmangan at katahimikan. Sila ay mangmang dahil sa kawalan ng kritikal na pag-

iisip at kamalayan upang makita ang realidad ng mundo. Sila ay tahimik dahil kulang sa

komunikasyon o hindi natutong makipag-ugnayan upang makisalamuha sa katotohanan

ng mundo, ang buong pagkatuto ay walang saysay dahil ang kanilang kaalaman ay hindi

nila magamit sa pagpapalalim ng sarili. Ang kaalaman ay hindi lamang ang anyo ng

bagay na walang namang silbi o kuwenta at kahalagahan. Nakuha ito dahil ang guro ay

nagbibigay ng pagsusulit at nagmamarka na ginagamit para lamang masukat ang

gantimpalang nakamit upang maabot ng estudyante ang ekspektasyon ng guro.

Halimbawa ang guro ay nagturo ng kasaysayan. Kanyang binanggit ang mga

mahahalagang petsa, lugar, tao at pangyayari. Ang guro ay itinuturo ito bilang

ordinaryong paksa at hindi pinapaliwanag ang kahalagahan ng relasyon ng mga petsa,

lugar, tao at pangyayari sa kasaysayan at sa kanyang pagkatao.

Matapos ang talakayan, ang guro ay nagbibigay ng pagsusulit na multiple choice

o identification upang mataya ang pagkatuto ng mga estudyante. Ang kinalabasan nito, na

ang mga estudyante ay natututo lamang ng istatistikong aralin, nangangahulugan itong

nag-aaral palagi at wala sa hinagap nila upang makakuha ng mainam na marka kaysa sa

matutunan nang mabuti ang paksa. Sa kabilang banda, may mga pagsusulit na epektibo

na ibinibigay ng guro na masukat kung ano lamang ang naaalala ng mga estudyante kaysa

sa turuan silang makamit at matutunan ang kritikal na pag-iisip. Ang implikasyon nito sa

mga estudyante ay nakakakuha lamang sila ng walang kabuluhang impormasyon na hindi

nakakatulong sa pagkamalikhain at progresibong proseso ng pagkatuto nila. Sa paraang


40

sila ay magkaroon ng motibasyon na gawin ang kakuntentuhan ng sarili dahil sa

edukasyon.

3.2.2 Ang Implikasyon sa Estudyante


Ang bawat isa ay naghahanap ng kalayaan, kalayaan sa kabingkinitan at

pagkakasiil. Minsan ang kamangmangan ay naitanim na sa kanila, sa halip na magkaroon

ng interaksyon, pinipili nilang manahimik sa malalim na realisasyon ng isang bagay. Sa

ganitong paraan, ang bawat nilalang ay tinatanggap ang kaalaman na hindi kongkreto at

walang laman ayon sa kanyang identidad. Ang bokasyon sa pagiging tunay na tao ay

hindi nabubuo.

3.2.2.1 Dehumanisasyon
Habang nabubuhay ang tao, siya ay laging nasa proseso ng pagpuno sa kanyang sarili

pagdating sa relasyon niya sa iba. Ninanais niyang makamit ang karurukan ng kayang

pagiging tao at ito ay upang maging masaya at makatao sa relasyon niya sa isang bagay. Sa

pagbabangkong konsepto ng edukasyon, pinipigilan ng guro ang mga estudyante na mahubog

ang kanilang interaksyon tungo sa pagkilala sa sarili. Nililimitahan ng guro ang pagiging tao

ng mga estudyante sa edukasyon sa pamamagitan ng aplikasyon mula sa naratibong karakter

sa kanilang pagtuturo. Walang pag-unlad sa edukasyon ang mga mag-aaral dahil sila ay hindi

hinahayaang makita ang mga bagay gamit ang kritikal na pag-iisip. May mga sitwasyon na

ang mga guro ang kumokontrol sa kurikulum at ang sistema ng edukasyon ay batay lamang

sa pagpapatupad ng kanilang sariling kagustuhan at hindi sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sa

ganitong paraan, ang edukasyon ng mga estudyante ay humihina at hindi lumalago.

Samakatuwid, ang mga mag-aaral ay hindi nakikibahagi sa pagsasagawa ng edukasyon at

panlipunang polisiya na dapat gawing malaya at nasira sa


41

karamihan upang maging ―tao para sa kanilang sarili‖ at maging ―tao sa mundo‖ kaya

ang edukasyon ay nagiging mababa ang kalidad, hindi makatao, mekanismo at

organisado sa sistemang ginawa upang kaaya-aya at pabor lamang sa mga guro. Walang

kamalay-malay ang mga estudyante na bumababa ang kanilang pagkatao imbes na

mapalalim ang kanilang pag-iral. Sila ay nasisiil dahil sila ang tunay na mga bagay na

walang kuwenta pagdating sa edukasyon. Mga bagay na nangangahulugang mabagal at

47
walang kuwentang tagatanggap at tagasunod lamang. Sila ay napapalitan sa posisyon

ng tagapagturo, ang tagapaglikha ng edukasyon sa pakikipag-ugnayan sa proseso ng

pagkatuto, ang kanilang kamangmangmangan ay napapababa ng guro. Samakatuwid, ang

mga estudyante ay walang mataas na maabot sa edukasyon at walang ginagawa para sa

sariling kasiyahan dahil sila ay prinograma ng guro na kaagapay sa agos ng hindi

makatarungan at hinding nagpapalayang edukasyon. Ang mga guro ang bumibilanggo sa

mga estudyante dahil tinatrato silang walang alam pagdating sa pagkatuto. Totoo ito dahil

mas maalam ang guro kaysa sa mga estudyante. Animo ay alam na alam na ng guro ang

48
lahat at tagasunod lamang ang mga estudyante. Dinidisiplina ng mga guro ang mga

estudyante sa pamamagitan ng pagiging magulang sa kanila. Upang madaling mapasunod

at makontrol ang mga estudyante na sumunod sa mga ipinag-uutos sa kanila dahil sila‘y
natatakot sa lahat ng kaparusahan.

Ang nagiging kahalagahan ng pagiging mas buong pagkatao ay naiiba dito sa

pagbabangkong konsepto ng edukasyon. Ito ay napapalitan ng hindi makataong

47
Freire, Paulo. 1973. Education as the Practice of Freedom. New York: A
Continuum Book. p.4
48
Freire, Paulo.Pedagogy of the Oppressed .p57
42

49
bokasyon. Ang pagbabangkong konsepto ng edukasyon ay nakakasiil at hindi

nakakatulong sa pagiging tao (humanized).

3.2.2.2 Pagsanib sa Kultura ng Katahimikan


Ang pagsasanib ay naglalagay sa sitwasyon na ang mapanimdim na kamalayan at

ang aktibong pag-iisip sa realidad ay nawawala. Ang intelektuwal ng mga estudyante ay

lumulubog dahil sa katotohanan ang kanilang kaalaman ay hindi umuusbong. Sa totoo

lang ang mga estudyante ay nasiil o api, katuwang nito ang kanilang paglubog. Katulad

na lamang sa ganitong sitwasyon na ang mga estudyante ay nakakulong sa kursong nais

lamang ng guro na kunin niya. Kahit na masama o hindi maganda ang pagtuturo ng guro

ay hindi matatakasan at may maliit na pagkakataon na planuhin ang kanilang edukasyon.

Kung nais ng guro na ituro na ang lungsod ng Palayan ang kabisera ng Nueva Ecija,

mapapalawak pa ng mga estudyante ang kanilang kaalaman tungkol sa Palayan bilang

kabisera ng Nueva Ecija.

Kayang limitahan ng guro ang talakayan sa kanyang pagtuturo at may kapangyarihan

siyang ihinto kahit kailan at kung hanggang saan ang pagtuturo. Kahit na masidhi ang

pagnanais ng mga estudyante na baguhin ang metodolohiya o ang paulit-ulit na pagdidikta ng

guro sa kanyang itinuturo sa mga estudyante ay wala silang magawa dahil ang guro ang may

50
otoridad lamang na gamitin ito ayon sa kanyang nais. Ang pagiging malaya ng mga

estudyante ay napipigilan ng pagdodomina ng guro sa pagbabangkong konsepto ng mga

estudyante. Hindi sila malaya, dahil ang kanilang kalayaan ay hindi kasing laya ng mga

maniniil sa pagsasadlak, ang guro ang pumipili ng programa at ang

49
Ibid., p28
50
Ibid., p59
43

mga estudyante ay sumusunod dito. Malaya,sa pagkakaroon ng aktibong pag-iisip at

madimdim na kamalayan sa realidad. Pinipigilan ng guro ang mga estudyante na isagawa

ang kanilang kalayaan sa edukasyon. Hindi makabuo ng sarili nilang pagpili at paglaya

dahil ang otoridad ng guro ay nasasakop ang kanilang kalayaan. Ang kalayaan ng mga

estudyante ay palaging pinangungunahan ng pwersa ng guro, na kung saan ang mga

estudyante ay dumedepende sa pag-uutos at pagtuturo ng guro. Para makapasok sila sa

paaralan at makapasa sa lahat ng asignatura, kailangan nilang isuko ang kanilang

kalayaan upang makumpleto ang lahat ng kakailanganin. Samakatuwid, ang kalayaan ng

mga estudyante ay winawalang saysay ng mga guro, dahil hindi pinaiiral ang kanilang

kalayaan na makita ang mga bagay na kritikal. Sa kabilang banda, ang kanilang kalayaan

ay pinupunuan ng kamangmangan na pumipigil sa kanila na maging tunay na tao.

Nagreresulta ito sa mababaw na motibasyon sa bahagi na hindi pa ginaganyak. Ang

pagkakasadlak ng mga nasisiil ay resulta ng kanilang pagiging hindi malaya.

3.2.2.3 Pagkakasadlak o Pagkakasiil


Ginamit ni Freire ang terminong subject na tumutukoy sa mga nakakaalam at

51
nakikialam at na may pakialam.Object para sa mga sinasabihan, at tagatanggap. Sa

pagbabangkong konsepto ng edukasyon, ang guro ang sinasabing subject dahil sila ang

itinuturing na maalam at mahusay sa lahat ng bagay. Samantalang ang mga estudyante ay

itinuturing na balintiyak na tagatanggap (passive receiver) ng naratibong pagtuturo ng guro at

tinatrato bilang isang mababang uri, dahil sila ay pinaniniwalaang walang alam. Sa madaling

52
salita, itinuturing sila bilang isang bagay lamang. Sa ganitong kalagayan, may

51
Ibid., p20
52
Ibid., p59
44

nagaganap na hindi kapantayan sa relasyon ng guro at ng estudyante dahil mayroong

nakatataas at nakakababa. Sa ganitong kalagayan, may nangyayaring paniniil, dahil may

nilalabag na karapatan at kalayaan at dahil walang pagkakapantay-pantay, kitang-kita

naman na ang paniniil ay nagdudulot ng pisikal na pagdurusa, pero sa ganitong kaso, pinag-

aralan ni Freire na ang paniil ay maaaring palitan ng karunungan at may moral na pag-aaral

ng indibidwal. Ayon kay Freire:

―Habang ang buhay ay nilalarawan sa pamamagitan ng paglago sa isang


pagkakabalangkas, at mainam na pagkilos, ang taong necrophilous ay ang
nagmamahal sa lahat na hindi yumayabong, at lahat na mekanikal. Ang
taong necrophilous ay hinihimok ng kanyang pagnanais na baguhin ang
organiko tungo sa tulagay, mabuhay nang parang robot na ang lahat ng
nabubuhay ay parang mga bagay.Alaala ang mangingibabaw kaysa sa
pagkatao.Ang taong tumitingin lamang sa mga bagay ay nakaugnay sa
mga bagay na animo ay--bulaklak o tao-- na nagtataglay nito.Ang banta sa
kanyang pag-aari ay banta sa kanyang sarili. Kung mawawala sa kanya
ang kanyang pag-aari ay nawawalan din siya ng koneksyon sa mundo.
Mahal niya ang pagkontrol at sa kanyang pagkontrol ay pumapatay siya
53
ng buhay.‖

Sa ganitong pagmumutawi, nais ni Freire na ipakita ang karakter ng maniniil sa

katauhan ng taong tumitingin o nagpapahalaga lamang sa mga bagay. Ang maniniil ay

nagmamahal sa pag-aari at pagkontrol dahil sa siya‘y nabubuhay bilang nakatataas,

maalam at tuso kaysa sa iba. Samantalang ang nasisiil ay tinatrato bilang isang taong hindi

lumalaki o lumalago, sila ay minamaniobra, binabago ang kanilang buhay na walang

kabuhay-buhay tulad ng paglalagay sa kanila sa sitwasyon na kung saan hindi sila nararapat,

at nawawalan sila ng kaugnayan sa mundo dahil sila ay nasasakop ng mabuti at sinisiil ng

mga maniniil. Sa ganitong kasi, ang pagiging hindi makatao ay nagaganap sa

53
Ibid., p64
45

pag-iisip o karunungan at karapatan at kalayaan. Ito ay nangyayari at nagiging bokasyon


54
bilang kasaysayan at umiikot na paniniwala.

Kaya ang pagkakasiil (oppression) ay ang pinakalagom ng pagbabangkong


55
edukasyon sa tao. Saklaw lahat ng pagkakasiil ang pagkalubog at dehumanisasyon. Sa

pagkakasadlak, ―Ang bokasyon ng nasiil ay palaging umiiral at pinatotohanan ng ganitong

pag-iral. Ito ay nakararanas ng kawalang hustisya, pagkakasadlak, at ang marahas na maniil.

Pinatotohanan ito ng pagsang-ayon ng nasisiil para sa kalayaan at katarungan at sa kanilang

56
pakikitunggali niyang pagtakpan ang nawala nilang dignidad.‖

3.3 Ang Edukasyong Nagpapalaya-- Problem-Posing Education


Ang problem-posing education ay ang kanyang nilathanang solusyon sa mapaniil

na elemento ng banking concept of education. Ang problem-posing education ay inaalis

ang tradisyunal na pagsasalaysay sa loob ng silid-aralan. Sa uri ng metodolohiyang ito ay

kinikilala ang diwa at kakayahan ng mag-aaral bilang isang nilalang na may kamalayan at

kakayahan. ―Kinakatawan nito ang natatanging katangian ng kamalayan: pagiging may

kamalayan, hindi lamang sa nakatuon sa mga bagay datapwat nakatuon din sa sarili nito

57
sa Jasperian "split"– kamalayan bilang kamalayan ng kamalayan.‖ Ang kasanayan ng

problem-posing education ay naglalayong resolbahan ang suliranain ng guro at

estudyante. Nagiging imposible ang pagtanggap ng kaparehong paksa dahil ito ay ayon sa

kapasidad ng mag-iisip.

54
Ibid., p64
55
Ibid., p27
56
Ibid., p28
57
Ibid., p64
46

3.3.1. Ang Relasyon ng Guro at Estudyante


Sa problem-posing education, ang guro ay estudyante rin dahil nakakasalamuha at

nakakausap ng estudyante ang guro upang tiyakin ang kanilang kinalaman sa realidad.

Ang guro ay hindi lamang para magturo kundi upang matuto rin nang kung ano ang

natutunan ng mga estudyante. Natuturuan din ang guro; halimbawa, ang guro ay

nagtuturo ng kanyang aralin sa mga estudyante, sinusuri at inaalisa ng guro ang

kahalagahan ng aralin sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga estudyante; paunti-

unting nagkakaroon ng kritikal a konklusyon at hindi lamang iyan, ang talakayan sa

aralin ay natatapos sa pamamagitan ng pagbabago dahil napapalitan ng pagbabago sa

realidad sa interaksyong nagaganap. Sinulat ni Freire na: ―Ang mga gurong

namomoblema sa ganitong aksyon “re-enter” binabalik ang suliranain sa pamamagitan

ng pagpasok dito ng tagapagturo. Ito ay dahilan kung bakit patuloy silang natututo

58
habang sila‘y nagpapakumbaba sa ganitong proseso, mas natututo sila.‖

Ang guro ay nababago bilang instrumento ng lahat ng proseso ng paglago sa

pagkatuto. Hindi nila pinapayagan ang sarili na magpasakop sa paulit-ulit at mekanikal na

eksplanasyon. Sinabi ni Freire na,―Ang gawain ng guro ay ilahad sa mga tinuturuan niya

ang problemang naglalapit sa kanila at hindi upang pag-usapan ito, ibigay ito, palaguin ito o

59
ibigay sa iba na kunwaring nagawa na noon, nabuo, nakumpleto at natapos.‖

Ayon kay Freire, para gumana ito nang epektibo, ang lahat ng argumento sa mga

otoridad ay hindi na katanggap-tanggap kung may otoridad, dapat ito ay malayang nakikita

60
ang katotohanan ng realidad. Dito, walang magtuturo sa kung kanino, kahit sa sarili. Ito

58
Freire, Paulo. 1973. Education as the Practice of Freedom. P153
59
Ibid., p153
60
Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. p67
47

ay pagtuturo ng iba na siyang nag-uugnay sa kanilang mundo at dahil sa komprehensibong

bagay na ang pagbabangko ng edukasyon ay nagiging pag-aari ng guro.

3.3.2. Ang Relasyon ng Estudyante sa Guro


Tulad sa relasyon ng guro sa estudyante, ang estudyante ay guro sa guro rin dahil

sa interaksyon at dayalogo (ang metodong ginagamit sa pagkatuto ng estudyante sa

kanyang guro. Konsepto ng problem-posing education) Ang mga estudyante ay

nakapagtatanong at sasagutin ito ng guro na kung saan natututo rin siya sa tanong na

iyon. Sa ganitong paraan, ang estudyante ay hindi lamang tagatanggap ng dikta at

tagamemorya ng mga bagay na hindi naisasalin sa kanilang pagkatuto. Hindi na sila

ngayon lalagyan lamang na kailangang punuin at deposituhan ng guro.

Ang mga estudyante ay may oportunidad na maging guro sa guro sa kanilang

pagkatuto. Tinuturuan ng mga estudyante ng guro sa pamamagitan ng pagsisiguro ng

61
kahalagahan ng aralin sa kanila. Sa ganitong usapin, pinag-aralang mabuti ng guro ang

tanong ng estudyante sa pamamagitan ng pagtingin sa katotohanan at pinabasa ito sa

kasaysayan at karanasan sa tunay na buhay. Sa ganitong proseso, ang guro ay natuturuan din

ng estudyante na mag-isip at magtaglay ng kapaki-pakinabang na pag-iisip. Sa pakikipag-

usap, binubuhay nila ang pagkakabukod ng pagiging tagapagdeposito sa sistema ng

62
pagbabangko ng edukasyon. Karagdagan pa, ang relasyon nila sa guro bilang tinuturuan na

may kabagalan at dumedepende sa guro ay nakalebel sa katas-taasang guro ayon sa bangko


ng konsepto ng edukasyon. Sa pagpapaalam ng suliranin sa edukasyon,

61 Freire, Paulo, and Ana Maria Araújo Freire. Pedagogy of


Hope: Reliving Pedagogy of the oppressed. New York: Continuum, 1994. p31
62
Ibid., p26
48

ang guro ay hindi nakakataas at nakalalamang at baligtaran, dahil walang dapat


63
mangibabaw at kung may otoridad man, yun ay dahil sa kalayaan sa pagkatuto.

Karagdagan pa, tatanggapin ng mga estudyante ang bagong titulo ng pagiging nagtuturo
(subject) at hindi ang pagiging isang bagay na walang buhay (object). Dahil sa problem-
posing education, ang mga estudyante ay nagiging mulat sa kagandahan ng realidad sa
kanila at ang kanilang kritikal na pag-iisip ay nahuhubog.

3.3.3 Humanisasyon sa Problem-Posing Education


Ang guro-estudyante sa problem-posing education ay nagiging kognitibo o
64
mapag-isip sa lahat ng pagkakataon. Mula sa dayalogo sa mga estudyante at mula sa

aplikasyon ng metodo sa kanyang pagtuturo, ang guro-estudyante ay palaging mag-iisip.


Binigyang diin ni Freire na, ―Sa tunay na edukasyon ay walang isang pangkaraniwang
sandali sa laboratoryo, ang karunungan ng guro at ang ibang sandaling siya ay nagdidikta
65
o ipinapaliwanag ang kaalamang natatanggap.‖

Dahil siya ay mapanuri o mapag-isip, tinatanggap niya ang mapanuring mga bagay

bilang pagninilay sa pagkatuto ng mga estudyante. Sa metodo ng problem-posing education,

ang guro-estudyante ay hindi maaaring naratibo sa isang punto o bagay at kognitibo naman sa

iba. Ang guro-estudyante ay iniiwasang magkaroon ng naratibong karakter sa pagtuturo dahil

pinipigil nito ang nais na matuto na magkaroon ng pagkakataon na isalin o isabuhay ang

pinakamahalaga ―doxa‖ (alienating knowledge) at abutin ang tunay na kaalaman (logos”

66
(true knowledge). Nakikita ni Freire na minsan ang guro ay

63
Freire, Paulo.Pedagogy of the Oppressed .p67
64
Ibid., p48
65
Freire, Paulo. 1973. Education as the Practice of Freedom. p151
66
Freire, Paulo.Pedagogy of the Oppressed .p68
49

hindi pinag-iisipan ang matatamo sa naratibo at kognitibo nilang pagtuturo. Ang guro-

estudyante ay palaging kognitibo. Pinamumunuan niya ang estudyante na maging

magkabahagi sila, inaalis niya ang pagiging tahimik at pasensyosong tagapakinig sa

pamamagitan ng mabuting pag-imbestiga. Ang guro- estudyante ay bukas sa reaksyon o

67
ekspresyon ng estudyante tungkol sa mga materyal na bagay na ipinapakita sa kanila.

Sa ganitong kaso, ang guro-estudyante ay kinokonsidera ang konsiderasyon ng

estudyante maging sa kanyang sarili tungkol sa materyal na pinapakita niya sa kanyang

pagtuturo. Ang guro-estudyante ay gumagamit rin ng bukas na pagtuturo upang bigyang

daan ang pagtuklas, pagbibigay solusyon sa problema at makabuluhang pagkatuto. Ang

gampanin ng tagapagpaalam ng suliranin ay upang pagtibayin ang kritikal na repleksyon

ng realidad kasama ang kanyang mga estudyante. Ang kaalaman ay napangungunahan ng

totoong karunungan.

Ginagawang laging bukas ang realidad ng ganitong pagtuturo. Hindi ito pagtago

sa realidad. Ito ay pagtuklas sa realidad. Ang ganitong edukasyon o pagkatuto ay

nagsisikap na gawing aktibo ang nawalang kaalaman ng mga estudyante patungo sa

pagiging mapag-isip tungkol sa realidad. Pinahahalagahan nito ang kahulugan ng pag-

68
iisip at pagpapalawak sa realidad.

Sa ganitong edukasyon, nadedebelop ang potensyal na pag-iisp ng mga estudyante sa

pagtanggap kung paano sila nabubulag sa mundo na kung saan ay natagpuan nila ang

kanilang mga sarili. Dumarating sila sa puntong nakikita nila ang makabagong mundo

67
Freire, Paulo, and Antonio Faundez. Learning to Question : A Pedagogy
ofLliberation. New York: Continuum, 1989. p38
68
Freire, Paulo.Pedagogy of the Oppressed .p68
50

69
hindi bilang nakahinto ito kundi ang realidad ng pagbabago. Kaya hindi na sila mahina

sa paggawa ng mga gawain, kaalaman at transpormasyon dahil natututo na sila sa

kanilang mga sarili at para rin sa iba. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagiging mas

perpekto sa iba pang talagang tao.

69
Ibid., p68
51

Kabanata 4

Ang Kolonyal na Edukasyon sa Pilipinas


Ang kasaysayan ng mga Pilipino ay kasaysayan ng pakikihamok. Pakikihamok

laban sa mga manunupig. Sa bawat yugto ng kasaysayan ng pakikibaka ay lagi nang

mayroong naiibang uri ng pagtatanggol sa karapatan at lipi ng lahi. Sa tatlo‘t kalahting

sentinaryo ng pagkapailalim sa mga dayuhang manunupig, tatlo sa Espanya at kalahati sa

Amerika, ay nabuo ang kolonyal na pag-iisip sa mga Pilipno. Kagawi ito ng banyaga at

hilaw na pagpapahalga sa pagka-‗Pilipino‘.

Ang kaisipang kolonyal ay bunga ng pananakop ng mga dayuhan sa larangan ng

kultura o kalinangan. Kaya naman kahit malayo na sila ay nanatili sa mga Piilipino ang

kanilang epekto. Ang masama rito ay mas nadaig ng dayuhan ang likas na kalinangan ng

mga Pilipno. Nagkaroon sila ng inferiority complex o kumpleho ng kababaan, sapagkat

pilit nilang ginagaya an gang pagkalilanlan.

Napakahalagang balikan ang kasaysayan upang matasa at matanto ang ugat ng

problema. Sa pagbabalik tanaw ay matatanto ang pinakaugat ng suliranin at sakit na

nangangailangan ng masusing lunas. Ang pagpupuyaw ng kamalayan ay isang

napakahalagang hakbangin sa pagbibigay na nararapat at malalim na lunas sa paghilom

ng malalim na sugat.

4.1 Edukasyon bilang Hispanisasyon


Ang kalayaan ng mga Pilipino ay binilanggo ng unang dayuhang malulupig.

Binilanggo ang kanilang damdamin at kaisipan. Sa edukasyon at patakaran ay piniringan

ang mga mata upang hindi makita ang kapangitan. Gawain ng mananakop. Sa
52

pamamagitan nito sila ay naging sunud-sunuran sa mga pagnanais ng kolonyal na

mananakop.

Isa sa pinakamabisa at pinakaunang kolonyal na patakaran ng mga Kastila ay ang

tinatawag ng reduccion. Ang reduccion ay ang sapilitan at puwersahang pagpapalipat sa

mga katutubo sa isang malaking pamayanan upang doon mamuhay at manirahan tulad ng

isang lungsod o nayon. Sa pamamagitan nito mas napadali ang kanilang pamamahala at

pananakop. Sa kulturang Espanyol, ang sibilisasyon ay nangangailangan ng

permanenteng pamayanan. Sa kulturang Pilipino, hiwa-hiwalay at palipat-lipat ng tirahan.

Sa lupang kung saan sila makakapagtanim, sa bundok kung saan sila makakapangaso, sa

dagat kung saan sila makakapangisda, at sa mga lugar kung saan sila ay magkakaroon ng

70
ikabubuhay. Kaya naman ang mga misyoneryo ay hirap na hirap sa pagtuturo at

pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Ang pinakasekretong sangkap sa likod ng kapangyarihan ng pananakop at

pagkolonya ng Kastila sa mga Pilipino ay ang krus at hindi ang sandata. Napanatili nila

ang kontrol at pagpapatatag ng kapangyarihan sa Pilipinas sapagkat halos lahat ng

Pilipino ay naging Kristiyano.

Ang mga misyoneryo ay tinulungan ang mga sundalong Kastila sa pananakop,

pagpapasunod at pagtanggap sa mga dayuhang mananakop naging mas matagumpay at

madali ang kanilang pananakop sa mga dayuhang naghari- harian sa Pilipinas sa pagdating

ng ibat-ibang orden ng mga misyonero. Sistemang Kristiyanismo ang ginamit ng mga

70
Corea, Monina, Olivia Habana, Ma. Angelica Verzosa, and Virgilio
Galvez. Lupang Hinirang; Kasaysayan at Pamahalaan. Mandaluyong: Anvil
Publishing Inc., 2000. P79
53

71
Kastila sa edukasyon ng mga ‗Pilipino‘ upang sila ay madaling mapasunod at

madiktahan.

Sa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya, ang sistemang pang-edukasyon ay

dinisenyo at tinatag upang lumikha ng mga elitistang pangkat na magpapalawig at

magpapanatili ng mga kolonyal na mithiin at layunin ng Espanya. Ang kanilang sistema

ay hinayaan ang nakararaming Pilipino na manatili sa kamangmangan, upang sila ay

maging sunud-sunuran. Kitang-kita ang layunin sa kanilang sistema na ang mga Pilipino

ay tinuturuan upang magsilbi sa mithiin at ikakabuti ng mga Kastila. Malinaw na

malinaw din ang nais nilang mabuo ang kolonyal na pag-iisip at pukawin ang

kamalayang nasyonalismo. Ang mga Pilipino ay nahiwalay sa kanilang pagkakilanlan at

pagka-‗Pilipino‘. Makikita ito sa pagtanaw sa talanghayanan ng pag-unlad sa edukasyon.

4.1.1 Talanghayanan
Taong 1580 ikaisa ng Hunyo nang magmungkungkahi ng pagnanais ang mga

prayleng Pranciscano sa gobernadorcillo na magtatag ng paaralan sa Pilipinas upang

magkaroon sila ng pormal na edukasyon. Gagamitin nila ang edukasyon upang mas

mapadali ang kanilang pagtuturo ng katekismo at kanilang pagnanais na ipaakap ang

Katolisismo sa mga katutubo. May pagnanasa din silang ituro sa mga Pilipino ang

72
kultura, pamumuhay, at mga kaugalian ng taga-Europa. Ginamit nila ang edukasyon

upang sapilitang sumaang-ayon ang mga katutubo na manirahan at manatili sa iisang

71
Ang ‗Pilipino‘ na tinutukoy sa papel na ito ay hindi ang mga Kastila
na sinilang sa Pilipinas daatapwat ay tumutukoy sa mga kasalukuyang Pilipino.
54

organisadong pamayanan. Naging pabor naman ito sa pamahalaan ng Espanya sapagkat

mas mapapadali ang kanilang pagkokolonya sa mga katutubo.

Taong 1583, nang mangmungkahi ng pagnanais si Msgr. Salazar ng pagpapatayo

ng paaralan para ang mga Pilipino at mga Kastila ay makapag-aral ng balarila at mga
73
katanungan sa moralidad. Hinuhubog ang Pilipino sa upang mas maunawaan at

mapalalim ang kaalaman sa pananampalataya. Sa ganitoong pamamaraan maeenganyo

ang mga mag-aaral na pumasok sa seminaryo. Taong 1697, naglabas ng isang panukala

ang hari ng Espanya na si Charles II na paglalaan ng paaraalan para sa mga nagnanais

magpari o ng isang seminaryo.

Taong 1782, ikalima ng Nobyembre naglabas ng isang Royal Cedula ang hari ng

Espanya na nagsasaad ng pagpapatayo ng paaralan sa mga lugar na wala pang paraalan.

Naglalathana din ito ng kautusan na turuan ang mga mag-aaral na katutubo, mga Pilipino,

ng mabuting asal at huwag lumaban sa mga mananakop, imbes matutong magpasalamat.

74
Nagsasaad din ito ng sapilitang pagpapasok sa mga Pilipino sa paaralan. Ang ganitong

sistema ng edukasyon ay tinuturuan ang mga mag-aaral na Pilipino na sumailalim sa


kapangyarihan ng kolonya ng Espanya. Tinturuan silang tingalaiin ang mga Kastila
bilang kanilang panginoon o amo.

Taong 1794, pinag utos na bawal ang paggamit ng sariling wika at diyalekto sa loob

ng paaralan. Kung sino man ang lalabag sa panukalang ito ay magmumulta ng piso sa

73
Molina, Antonio. The Philippines through the Centuries. Quezon Citty:
UST Publishing Co., 1960.p85
74
Agoncillo., p206
55

bawat paglabag. Wikang Kastila lamang ang maaring gamiting panturo at tagapamagitan
75
sa loob ng paaralan.

Taong 1815 ika-18 ng Marso muling naglabas ng Royal Cedula ang hari ng

Espanya na nagpapatupad na ang katekismo at doktrina katolika na batay lamang sa


76
Espanya ang maaring gamitin at ituro. Kitang-kita rito na nais nilang gawing modelo

ang kultura ng Espanya bilang modelo ng kahusayan.

Taong 1861, nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Board of Reforms

ukol sa pagtatakda sa wikang Kastila bilang pangunahing asignatura sa mga paaralan. Ito

ay inulan ng batikos mula sa mga kasapi ng bokal sapagkat ayon sa kanila bababa ang

kalidad ng wikang Kastila kapag natuto ang lahat ng Pilipino. Ang wikang Kastila ay

77
para sa mga ilustrado, at sa mga taong may matataas na estado sa lipunan. Makikita

rito kung paano mata-matamahin ng mga prayle ang mga Pilipino. Ito ay patunay na
napakababa ng tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Taong 1863, nagkaroon ng reporma sa pang-edukasyon ng Pilipinas nang maglabas

ng ―Royal Decree” ang hari ng Espanya na nagsasaad ng pagpapatupad ng sapilitang

pagtuturo, sa mga batang may edad pito hanggang labin-dalawa, sa asignaturang batay sa

Europa. Ang mga kultura, sining, at mga kaugalian ng mga taga-Europa sa mga batang

78
Pilipino. Ito ang naging kadahilanan ng pagkamatay ng kulturang Pilipino. Pagiging

dayuhan nila sa sariling bayan. Sa mga panahong ito, ang batang Pilipino ay namulat sa

75
Molina., p226
76
Ibid., p241
77
Ibid., p294
78
Ibid., p301
56

kung gaano kaganda ang kultura ng mga taga-Europa; kung gaano ang kalidad ng mga

gawang Europa; at kung gaano kaangat ang pagkakilanlan nila. Sa ganitong kadahilanan

hindi na nakikilala ang sariling pagkakilanlan at nagnais na maging katulad ng mga

banyaga, kaya naman kanilang pilit ginagaya ang mga mananakop sa pagsasalita,

pananamit, pagkilos at pati na rin sa pag-iisip.

Sa madaling sabi, ginamit ng mga Espanyol ang edukasyon hindi sa kadahilanang

labanan ang kamangmangan ng mga katutubo; dapatwat sila ay turuan upang maging

sunud-sunuran sa mga dayuhang mananakop. Tinuruan silang tingalain at sambahin ang

mga panginoong makakolonya. Ang kanilangg edukasyon ay hindi nakatulon upang

bigyan kamalayan ukol sa kanilang pag-iral sa mundo, at bilang tao. Ang mga Pilipino ay

nakatamo ng dehumanisasyon o pagkalapastangan sa kanilang dignidad o pagkatao;

sapagkat sila ay tinuturing na mang-mang, walang kwenta, inutil, alipin at tinuturing

silang bilang isang bagay na walang buhay. Samatuwid hindi napalalim ang kanilang

kamalayan bilang isang tao, pagkakaroon ng pagkakilanlan at pakakaroon ng dignidad.

4.2 Edukasyon Bilang Amerikanasasyon


Ang pag-asang kalayaan at pangarap na kasarilan ay dinanggit ng lawig at sakim.

Ang pangangasiwa sa pagkokolonya ay nilipat ng Espanya sa Amerika. Muling nanaman

nagdilim ang langit sa lupang diniligan ng dugong makabayan. Ang bagong sistema ng

edukasyon ay ginamit upang supilin ang nasyonalismong Pilipino. Ang mga Amerikano

naman ay nagpakilala ng bagong sistema na ibang-iba sa mga Kastila. Kanilang pinakilala

ang pampublikong Sistema na kung saan ang edukasyon ay para sa lahat. Kanilang binigyan

diin ang demokrasya at pagkakaroon ng gobyernong pagkasarinlan. Dahil dito maluwag na

maluwag na tinanggap ng mga Pilipino ang kolonyal na patakaran.


57

Noong panahon ng mga Amerikano, ginamit nila ang edukasyon para maakit ang

mamamayang Pilipino sa mga bagong panginoon at manunupig. Ginamit din nila ito

bilang kasangkapan upang palabnawin at tuluyang patayin ang diwang nasyonalismo ng

79
mga Pilipino. Ang sistema ng edukasyon ay naging instrumento upang mapasailaim ng

walang kamalay-malay ang mga Pilipino sa kapangyarihang kolonyal ng Amerikano.

Kinailangan nilang linangin at hulmahin ang mga Pilipino na maging isang sunud-

sunuran sa patakarang kolonyal. Edukasyon nga ang pinakamabisang paraan sapagkat sa

murang kaisipan palang ay tinuturuan na sila sa loob ng silid-aralan ng kaisipang


80
makabanyaga. Samakatuwid sa simula‘t sapul ang sistemang pang-edukasyon ay hindi

nila tinatag sa layuning sagipin ang mga Pilipino sa kamangmangan; datapwat sa

layuning iakma at masaklaw ito sa kanilang pananakop sa bansa gaya ng pang-

ekonomiya at pampulitikang layon. Ang edukasyon, samakatuwid ay naging tilang

kasangkapang panlupig sa mamamayang ipinagtanggol ang bagong kamit ng kalayaan sa

mananakop na nagbalatkayo bilang isang kaibigan. Ang edukasyon ay nagtilang sandata

upang bihagin ang kaisipan at kamalayan ng mga Pilipino.

Ayon kay Renato Constantino ang pinakauna at marahil ang pinaktusong hakbang sa

kolonyal na edukasyon ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang tagapamagitan sa

pagtuturo. Ang wikang Ingles ay nagsilbing isang malaking pader na humaharang at

naghihiwalay sa kanilang kasaysayan, pagkatao at pagkakilanlan, at nang kinalaunan ay

81
naghiwalay sa mga ilustrado at sa masa. Sa pamamagitan ng ganitong sistema ang mga

79
Constantio, Renato. Identity and Conciousness. Manila: Malaya Books Inc.,
1978 p.42
80
Ibid., 43
81
Renato Constantino,The Filipinos in the Philpphines.”The Mis-Education
of the Filipino”(Manila,1972), 45.
58

Pilipino ay hindi lang natuto ng bagong wika, datapwat sila ay natuto ng bagong sistema

ng pamumuhay. Isang sistema na ibang-iba sa kanilang nakamihasnan at isang


82
nakakatawang at nakakalokong bersyon ng kanilang tinitingalang modelo. Ganito

natuto ang mga Pilipino, isang lisyang edukasyon o maling pagkatuto kung maituturing
ang ganitong sistema. Sapagkat ang kanilang kamalayan ay hindi nahulma bilang mga
Pilipino kundi makabanyaga at pabor sa mga dayuhang mananakop.

Dagdag pa rito, ang paggamit ng wikang Ingles na tagamagitang panturo ay daan

sa pagpapakilala at pagpapaakap sa bagong sistema, ang sistemang pampublikong

paaralan. Katuwang nito ang paggamit ng mga aklat at kasanayan batay sa kultura at

kaisipan ng Amerika. Ang wikang Ingles ay nagsilbing isang makapal na pader na

naghiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan at nang lumaon ay naghiwalay sa

ilustrado at sa masa. Ang mga Pilipino ay dinala ng wikang Ingles sa isang naiiba at

bagong daigdig. Sa pamamagitan ng librong Amerikano, hindi lamang natuto ng bagong

wika ang mga Pilipino. Natutuhan din nila ang isang bagong sistema ng pamumuhay.

Isang sistema ng pamumuhay na ibang-iba sa kanilang nakamihasnan ngunit isa lamang

katawa – tawang bersiyon ng kanilang pinagtularan. Ito ang simula ng kanilang

pagkatuto. Kasabay nito, naging simula rin ito ng kanilang lisyang edukasyon. Sapagkat

ang kanilang pagkatuto‘y hindi na bilang mga Pilipino kundi bilang mamamayan ng

isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan. Kinailangang alisin sa kanila ang

kanilang mga makabayang mithiin sapagkat dapat silang maging mabuting mamamayan

ng isang kolonyang bayan. Ang isang ulirang kolonyal ay tunay na kopya ng kanyang

kolonyalista. Siya ay masugid na tagasunod ng bagong kalakaran. Kailangan niyang

82
Ibid., 46
59

kalimutan ang kanyang nakaraan at itakwil ang mga makabayang adhikain upang

mabuhay nang matiwasay kundi man maginhawa sa ilalim ng kaayusang kolonyal.

Natutuhan ng bagong henerasyon ng mga Pilipino ang buhay ng mga bayaning

Amerikano, ang pag - awit ng mga awiting Amerikano at naging pangitain nila ang pag -

ulan ng yelo at si Santa Claus. Ang mga bayani na naghihimagsik laban sa

kolonyalismong Amerikano tulad ni Macario Sakay ay itinuring nilang tulisan at salarin.

Itinuro nga ang buhay ng mga bayaning Pilipino pero hindi naman itinuro ang kanilang

mga makabayang akda. Ang Espanya‘y pinalabas na kontrabida. Ang Estados Unidos,

tagapagligtas.‖ Naging resulta nito ay ang pagkintal sa kaisipan ng mga Pilipino na mas

nakakaangat at mas maganda ang kultura ng Amerika o mas maganda maging isang

imperiyo ng Estados Unidos.Ganun din naman ang lipunan ng Amerika bilang modelo at

83
halimbawa ng par excellence para sa Pilipinas. Ang ganitong pamamaraan ay nilipol at

dinudurog ang pagka-Pilipino ng mga kabataan at pinupukaw sa kanila ang bagong

kamalayan.ang naging bunga ay ang pagsamba at patingngala sa mga mananakop na

nagpapanggap bilang isang mga kaibigan at tagapagligtas.

Ang salot at ang pinakamalalang problema ng edukasyon noong panahon ng

Amerika ay ang paggamit ng wikang banyaga bilang wikang pangturo ―Ang paggamit

ng dayuhang wika ay sagabal sa pagtuturo. Sa halip na tuwirang matuto ang bata sa

pamamagitan ng katutubong wika, kailangan muna niyang matutuhan ang wikang

banyaga, isaulo ang talasalitaan, mabihasa sa tunog, indayog at banghay ng mga salita na

83
Constantino., 39
60

84
pagkatapos ay isinasaisantabi lamang paglabas ng paaralan.‖ Ayon kay Renato

Constantino:

―Samakatuwid ay wika ang pangunahing suliranin. Ipinakikita ng


karanasan na mas madaling matuto ang mga bata sa pamamagitan ng
katutubong wika kaysa Ingles. Mapatutunayan ito ng tala ng Kawanihan
ng Paaralang Pampubliko. Gayunman, hindi sapat na maging wikang
panturo lamang ang pambansang wika. Maraming iba pang usapin na
dapat pagtuunan ng pansin. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang
isulat muli batay sa pananaw ng isang Pilipino. Ang pagpapakita ng mga
suliraning pangkabuhayan ay dapat ikawing sa adhikaing makabayan at sa
paglaya ng bayan. Ang mga ito‘y ilan lamang sa mga suliraning
kinakaharap ng paglikha ng makabayang edukasyon. Mahalaga rin ang
pamumuno at pangangasiwa ng gobyerno sa layuning ito. Kailangan ng
ating mga tagapagturo ang suporta ng mga mambabatas. Kaugnay nito,
85
kailangan ding mahigpit na pangasiwaan ang mga pribadong paaralan.‖

Ang pamamaraan ng kanilang pananakop ay nakabuod sa paggamit nila ng

nakakabulag na edukasyon bilang pinakamabisang sandata. Kanilang napagtatanto na

pinakamadaling paraan sa pananakop ng bansa, lalo na ang pagbihag sa kamalayan ng mga

Pilipino ay pagmanipula sa sistema ng edukasyong nakapaloob ang lamalayan at kaisipan ng

bawat tao. Kaya naman sila ay nagmistulang kampeon at tagapagligtas sa mga mananakop at

sa kamangmangan. Dagdag pa rito na tinuturing daw nila ang mga Pilipino

86
bilang mga munting kayumangging kapatid. Nagawa nilang sakupin ang Pilipinas na

walang kahirap-hirap at walang kamalay-malay ang mga Pilipino. Tinatag nila ang
pampublikong paaralan hindi sa hangaring iligtas ang mga Pilipino sa kamangmangan,

84
Renato Constantino, The Mis-Education of the Filipino”(Manila,1972),p12.
85
86
Abenes, Rodrigo. "Talangkaanan ng Salitang 'Pilipino'." 2012
61

datapwat sa kalibugang layunin na pagpapalabnaw at pagpatay sa nasyonalistang

kamalayan.

4.3 Edukasyon bilang Makabagong Pagkolonya


Nang makamit ang inaasam-asam na kalayaan at pagkakasarinlan ay hindi pa rin

tunay na malaya ang mga Pilipino; sapagkat may mga tanikalang nakatago na bumabalot

sa kamalayan ng bawat Pilipino.Matagal na nagkaroon ng kasarinlan at matagal na ring

naghilom ang sugat na dala ng mga naganap na digmaan sa bansa ngunit, bakit

napakalakas pa rin ang impluwensya ng mga banyaga. Kahit mahigit isang daang taon na

ang lumipas simula ng ideklara ang kalayaan mula sa dayuhang manunupig , tunay na

nga bang nakalaya at nakakalas ang Pilipinas sa rehas na ipinapataw ng mga dayuhan na

umiiral sa kaisipan ng bansa?

Kung titingnan at pag-iisipan, ang kalayaan ay hindi ganap sapagkat marami pang

aspeto sa pangaraw-araw na pamumuhay ang nagpapahiwatig na ang mga Pilipino parin

ay nasa ilalim ng impluwensya ng mga mananakop. Sa kanilang pang araw-araw na

pakikipagsapalaran sa buhay makikita ang impluwensyang ito sa mga Pilipino sa uri ng

pananamit, sa mga pagkain, sa musika, sa panitikan at maging sa kanilang mga ideya o

pananaw. Lahat ng ito ay inaangkop ayon sa kung paano ito tingnan ng ibang bansa

kagaya ng Amerika. Kaya‘t hindi naman nga nakapatataka kung pati sa aspeto ng

edukasyon ay naiangkop na rin sa ibang bansa.

Kung bubusisiin ay tila hindi pa rin tuluyang nakalaya sa nakakasakal na kapit sa

mga Pilipino ng mga dayuhan. Sabi ni Juan Carlos Gomez sa kanyang inilathalang

artikulong “May Sapi Ka, may Sapi Tayo‖ na patungkol sa kolonyal na isipan; ―Sa

pamumuhay ng mga Pilipinong nasa lungsod, kolonyal na isipan ang nakabalot sa bawat
62

87
manggang pinilit hinugin sa karburo‖. Ayon sa kanya ito raw ang dahilan ng

napakalakas na impluwensya ng mga dayuhang kanluranin sa Pilipinas na nagresulta sa


problema sa lipunan tulad ng kawalan ng pagkamakabayang pagtangkilik sa produktong
kanluranin na nagiging dahilan naman ng pagkalugi ng mga Pilipinong negosyante, at
pagkalimot sa sariling kultura.

Impluwensyang nakakatakot at nakaririmarim na epekto ng isipang kolonyal. Ito

ang patuloy na epekto ng pananakop ng mga dayuhan. Kung susuriin, nagawang

pailalimin ang mga Pilipino ng mga dayuhan sa kanilang impluwensya sa pamamagitan

ng edukasyon. Ayon kay Rodrigo Abenes: ―Ang ginamit na sandata sa atin ng mga

Amerikano ay isang nakakabulag na edukasyon. Ito ay natanto sapagkat ang edukasyon

ay isang pinaka madaling paraan para masakop ang isang bansa. Sapagkat, nakapaloob

88
dito ang pagbihag sa kaisipan at kamalayan.‖ Ang layunin ng mga Amerikanong ito ay

napadali sapagkat bago sila dumating tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng espanya

na siya namang nagturo sa atin na tanggapin ang bawat ituro sa atin at ang pagtatanong at

pagtaliwas ay isang kasalanan. Nagawa nila ito sa pamamagitan ng relihiyon na

ipanapalaganap nila sa buong kapuluan na naglalayong ipunla sa kanilang puso at isipan

ang pagmamahal sa iyong mga kaaway at waring pagsunod sa kalooban ng Maykapal.

At marahil nga ito ang naging kasangkapan para sa mga Amerikano upang sila ay

mangibabaw sa mga Pilipino. Ginamit nila ang edukasyon upang ang mga Pilipino ay

masakop kaya‘t hanggang ngayon dala pa rin ng mga Pilipino ang kaisipan na kanilang

87
Gomez, Jian. Sakay Ka lang Blogspot. September 5, 2012.
http://sakaykalang.bblogspot.com (accessed September 8, 2014)
88
Abenes
63

ipinunla. Nakakalugmok isipin na ang edukasyong ito ay naglalayong mapalawig ang

kanilang impluwensya sa bansa upang sa ganoon ay magkaroon sila ng kontrol sa takbo ng

pamumuhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Agoncillo, Ang kaisipang “Stateside” ay lumalaganap at nakasumpong

ng matabang lupa sa isip ng mga Pilipinong ngayo‘y ganap nang alipin ng sariling

kadahupan. Sa lahat nang bagay, mula sa pomade hanggang sa sigarilyo, mula sa kawalan

hangannga sa ano man, ang “Stateside” ay namamayani‘t umalipin sa kaluluwang Pilipino.

‖Ang di hayag na paraan ng mga paaralang-bayang at ng


makapangyarihang propaganda ng mga komersiyante, ay nakabihag sa isip ng
mga Pilipinong hindi nakatutol at bagkus pangnapakasangkapan nang walang
kamalay-malay. Ang naging bunga nito‘y ang pagkakipil ng isip ng mga Pilipino
at magkaroon ng anyong akmang-akma sa hangarin at pangangailangan ng mga
Amerikano. At sapagkat naiakma na hanggang isip na iyan sa kanilang nais, ang
mga amerikano‘y nagpadala ng kanilang mga produktong sa bisa ng kanilang
propaganda ay naging pangangailangan ng mga Pilipino at hindi na karangyaan.
Sa loob ng maikling panahong sumaksi sa pagsakop ng Estados Unidos sa
Pilipinas ay nakuhang mahatak ang mga Pilipino sa paniniwalng higit sa mataas
ang uri ng mga bagay na galing sa Amerika kaysa sa mga bagay na gawa o yari sa
Pilipinas. Ang ano mang bagay na galing sa Amerika ay superyor na klase at ang
89
yari sa Pilipinas ay patakbuhin.‖

Sa kasalukuyang panahon,ang edukasyon ay isa lamang instrumento ng estado na

kontrolado ng imperyalistang Estados Unidos at dahil ang pinakamahalagang instrumento

ng pananatili ng kasalukuyang sistema ay ang paggamit ng dahas laban sa lumalaking

89
Agoncillo, Teodoro. Ang Pilipinas at mga Pilipino: Noon at Ngayon. Quezon:
R.P. Garcia Publishing Co. Inc., 1980. P376
64

rebelyon sa kanayunan, ang edukasyon ay binibigyan ng mas maliit na prayoridad sa

badyet ng gobyerno.

Eka nga ni Dr. Edberto Villegas sa kanyang talumpati para sa Southern Luzon

Education Conference sa Los Baños, Laguna noong ika-29 Enero 2012. Ang

kumperensya ay inisponsoran ng Anak ng Bayan party list at ng College Editors Guild

of the Philippines (CEGP) Southern Luzon.

―...dahil sa palagay ng imperyalismo Estados Unidos sa kanyang


direktang pagsusuperbisa sa sistemang edukasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng
World Bank na ang mga paaralan ng estado ay mahigpit na hawak na niya, bale
wala dito ang kapakanan ng mga estudyante at mga gurong Pilipino. Ganito din
ang paninindigan ng estado ng Pilipinas hinggil sa katayuan ng mga mag-aaral at
guro ng bayan. Ang interes lamang ng estado sa edukasyon sa Pilipinas ay
gumawa ng mga kurikulum na palalaganapin ang tubo ng mga imperyalistang
TNC at kanyang mga kakamping Pilipino. Kaya, bahala nang maghigpit ng
sentoron ang mga guro at magsiksikan ang mga estudyante sa mga klasrom.
Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pambublikong
paaralan. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na
klasrom at may 2,381, 943 na mga desks o armchairs sa ating mga paaralan. Ang
ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong
90
paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul.‖

Nagsimula ang pagdidikdika at pakikialam ng Imperyalistang Estados Unidos sa

programa at kurikulum sa mga paaralan ng Pilipinas mula kay Marcos at sa

pangkasalukuyang administrasyon. Mula pa noong panahon ni Marcos, ang World Bank

90
Dr. Villegas, Edberto. Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas.
Los Banos, January 19, 2012.
65

ay nagdidikta na ng mga programa at kurikulum sa mga paaralan ng Pilipinas, tulad ng

Philippine Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) ni Marcos noong 1972,

ang Education Act of 1982, ang Education Commission ni Cory Aquino, ang Education

2000 ni Ramos at ang Presidential Commission on Education Reforms (PCER) at Higher

91
Education Modernization Act (HEMA, 1998) ni Estrada at ni Macapagal-Arroyo. Ang

lahat ng mga programang ito ay naglalayun upang lumikha ng mga estudyanteng Pilipino
na may mahusay na kakayahan na kailangan ng negosyo ng imperyalismo at mahubog
ang kamalayan ng mga kabataan upang mahalin ang kultura ng imperyalismo.

4.3.1 K-12 Isang Makabagong uri ng Kolonyalismo


Sa katunayan ito rin ang tunay na layunin ng K-12, ang maghubog ng mga

Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa.Ang dahilang ito ay nakakalunkot isipin, ang isa

92
sa mga tinuturing ng mga Pilipino na positibong bunga ng K-12. Isa pang dahilan kung

bakit isinulong ng K-12 ay dahil sa layuning gawing ―globalisado‘ ang buong kapuluan.

Inaangkop ang sistema ng ating edukasyon sa ibang bansa upang maayon ito sa kanilang

pamantayan sapagkat ayon kay P-noy tayo nalang ang natatanging bansa na hindi

sumosunod sa ganitong sistema ng edukasyon. Ngunit ano nga ba ang magiging bunga ng

pagiging ―globalisado‖?

Ang pagiging globalisado ay ang nagsisilbing pangdagdag na gatong sa dating

umaapoy na kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataang

napapasailalim ng sistema ng K-12. Ito ay sa kadahilanang mas naitatak sa utak ng mga

91
Durban, Joel and Ruby. "Issues and Concerns of Philippine Education
through the Years." Asian Journal of Social Sciences and Humanities, 2012: 61-69
92
Jeanny, Burce. "Ano ba Talaga ang K-12?" Word Press. February 23, 2013.
http://www.nasyonalistikpinoy.wordpress.com (accessed August 28, 2014).
66

kabataan na mas magandang tangkilikin ang mga produkto at kultura ng ibang bansa kaysa sa

―Sariling atin‖. Isa din sa mga layunin ng K-12 ay ihanda ang mga bata sa mundo ng

pagtatrabaho, lalong-lalo na ang manual labor o lakas-paggawa, na kung saan magagamit

nila umano para magtrabaho sa ibang bansa. Isa pang negatibong bunga ng K-12 ay ang

pagiging inferior na pagtingin ng Pilipino sa sarili sapagkat ang sistema ng edukasyong ito ay

pabor sa dayuhan dahil sa kanila mapupunta ang serbisyo. Ang problema ay masyadong

nakatuon ang pansin ng gobyerno sa papapalakas ng turismo sa Pilipinas pero hindi nila

matugunan ang kanilang sariling problema at pangangailangan. Sinasabi nilang

makakatulong sa paglakas ng ekonomiya ang turismo at ito naman ay totoo ngunit alin kaya

na ang mas makakatulong sa pagunlad ang tangkilikin ang ibang kultura at produkto o yung

sa kanila mismo? Masasabi na ang K-12 ay sistema ay isang makabagong uri ng

kolonyalismo huhubog ito ng mga propesyonal na Pilipino na mapupunta sa ibang bansa para

magslbi at para magpang-alipin samantalang sa Pilipinas ay nakukulang ng mga propesyonal

at eksperto. Makakatulong nga ang mga Pilipino mula sa iba‘t ibang ibayo ng mundo sa pag-

usbong ng ekonomiya sa pamamagitan ng dolyar na kanilang ipanapasok sa bansa, ngunit

dahil sa kanilang paninirahan doon nawawala ang kanilang sariling pagkakilanlan habang sila

93
ay naibababad sa kultura ng ibang bansa. hindi man hayagang inaalipin, unti-unti naman

hinuhubog at tinatanim sa kanilang kamalayan na sila ay mas mababang uri ng tao kaysa sa

mga first world countries, kung kaya ang kanilang natural na tugon ay makiangkop sa

kanilang pamantayan.

93
Maris Cay E. Gabornes, ―Colonial Mentality: A Filipino Heritage?‖,Learning
Fragments. http://learningfragments.blogspot.com/2013/03/colonial-mentality-filipino-
heritage.html (29 October 2013)
67

Ipinatutupad na ng ikalawang administrasyong Aquino ang programang

Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) na suportado ng World Bank, mga

organisasyon ng malalaking negosyante gaya ng Philippine Business for Education

(PBED), Employers' Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine Chamber of

Commerce and Industry (PCCI). Magkakaroon na tinatawag na Universal Kindergarten,

at magiging 12 taon na ang dating 10 taon lamang na basic education cycle sa Pilipinas.

Bukod sa grades 1 to 6 at apat na taon ng Junior high school (Grades 7 to 10),

kailangang dumaan din ang isang estudyante sa Pilipinas sa dalawang taon ng Senior

High School o Junior College (Grades 11 at 12) bago siya makapag-aral sa antas

tersiyarya (unibersidad). Sa pangkalahatan, ipinagmamalaki ng mga maka-K to 12 na ang

programang ito'y isang hakbang upang ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay

makasunod sa pamantayang global o global standard.

Nakasaad sa ―Discussion Paper‖ ng DepEd kung bakit kailangan ng Pilipinas ang K

to 12. Ayon sa kanila na ang ikli daw ng edukasyong primarya ay isang kasahulan para sa

milyon-milyong overseas Filipino workers (OFWs), lalo na yaong mga propesyonal at mga

nagnanais mag-aral sa ibang bansa. Hindi daw agarang kinikilalang dalubhasa o propesyunal

sa ibang bansa ang mga nagtapos sa Pilipinas. Sa ilalim ng Washington Accord, 12-taong

edukasyong primarya ang kailangan para kilalanin ang mga inhinyero. Sa ilalim naman ng

Bologna Accord, 12 taon din ng edukasyong primarya ang kailangan para sa pagpasok sa

pamantasan at para makapagtrabaho bilang propesyonal sa mga

94
bansang Europeo.

94
Department of Education. "Discussion Paper on The Enhanced
K+12 Basic Education
Program." DepEd Online.5 October 2010. Web. 31 Hulyo 2013.http://www.deped.gov.
68

Ayon naman sa Official Gazette ng ―The Enhanced K to 12 Program” nilinaw

ditona tanging Pilipinas,Djibouti at Angola na lamang ang bansa sa daigdig na may 10

taon ng pag-aaral bago makapasok sa unibersidad ang estudyante. Paggaya sa ibang

bansa tulad ng Singapore na may 12-14 na taon bago makapagaral sa kolehiyo.

Kaya naman nakiangkop na rin ang Pilipinas sa ganitong sistema. Ang mga

istudyante ay kinakailangan munang makatapak sa tinatawag na Universal Kindergarten

bago makatungtong ng elementarya. Sa murang edad na limang taong gulang ay

hinihikayat nang pag-aralin ang mga bata upang sila ay ihanda sa mas mataas at pormal

na pag-aaral. Sa Universal Kindergarten ipapabatid at ilalathala sa kanila ang alpabeto,

95
numero, hugis, kulay sa pamamagitan ng isang laro, awit at sayaw. Tinuturo dito ang

pinakakaraniwang dapat nilangmalaman ng isang istudyante. Binabatay din ang mga

aralin ayon sa lebel ng kakayahan ng mga bata upang sa ganoon magkaroon sila ng

pundasyon na kanilang kakailanganin sa paghaharap at pagtatasa sa mas mabigat,

malalim, at malawak na saklaw na aralin.

Pagdating naman sa unang baitang hanggang sa ikatlong baitang ay tuturuan naman

sila sa pamamagitan ng saraling diyalekto kasabay ng pag-aaral nila ng balarila ng Ingles at

Filipino. Ito tinatawag ang Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE)na

naglalayong ipagamit ang ilang unang wika bilang pangunahing wikang panturo. Ayon kay

David San juan, ―Problematiko ang hilaw at huwad na MLE-MTB na ito. bakit kailangang

gamitin pang wikang panturo ang mga unang wika kung mahusay na rin

ph/cpanel/uploads/issuancelmg/K 12new.pdf.
95
―Official Gazette." The K to 12 Basic Education Program. November 30, 2012.
http://www.gov.ph/k-12/ (accessed September 3, 2014).
69

namang mag-Filipino ang mayorya ng mga bata at kabataan na lantad na lantad na rito

dahil sa media. Sa katunayan, may sapat nang ebidensiyang anekdotal na Filipino na ang

default language ng maraming bata sa ibang rehiyon dahil sa pagsulong na rin ng

pagtuturo ng Filipino bilang asignatura at paggamit nito bilang wikang panturo sa ilang

asignatura. Matatag na ang Pilipino na siyang wikang pambansa kahit sa mga rehiyon

kaya nararapat lamang na ipagpatuloy na ang paggamit nito sa antas primarya at lagpas

96
pa.‖ Paano na lang ang mga kabataang napadpad sa ibang lugar? Mga Tagalog na

lumipat sa probinsya? Kaya nga may Wikang Pambansa para gamitin upang lahat ay

makaintindihan. Kaya nararapat din na dapat gamitin ang wikang Filipino na lamang

bilang panturo para sa lahat ng mag-aaral upang mas mapalalim pa nila ang kanilang

sariling wika at para na din sa ikabubuti ng mga kabataang lumipat sa ibang rehiyon.

Pagtutuunan naman ng pansin ang mga asignatura na ayon sa wikang Filipino at

wikang Ingles pagdating sa grade four hanggang grade six. Ingles na rin ang magiging
97
wikang tagapamagitan sa loob at labas ng paaralan. Pagdating sa antas na ito ay unti-

unting aalisin ang mga asignatura na hango sa wikang Filipino. Kung susuriing maigi ang
mga asignatura dito ay walang makakatulong sa mga batang Pilipino makilala ang
kanilang sariling bayan at wala rin nagpapalalim ng kanilang diwang nasyonalismo.

Sisimulan ituro ang mga assignatura mula sa pinakamadali at pinakamababaw

hanggang umabot sa pinakamalalim at pinakakomplikadong aralin. Kaya naman sa

96
San Juan, David. "Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa
Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12ng Pilipinas / Nationalism
and Dependency Theory in Education: An ideoiogicai Critique of the Phiiippine K to
12 Program ." Malay, 2013: 96-120 (Pamantasang De La Salle).p106
97
―Official Gazette." The K to 12 Basic Education Program. November 30, 2012.
http://www.gov.ph/k-12/ (accessed September 3, 2014).
70

elementarya pa lang ay pahahapyawan na ang mga asignaturang na dapat na pang

higschool tulad ng Algebra, Biology, Geometry, Earth Science, at Chemistry. Upang sa

ganoon magkakaroon sila ng kadalubhasaan, kasanayan at karunungan sa mga araling

98
nabanggit. Kung dati, sa second year highschool tinuturo ang Biology, sa third year

naman ang Chemistry at sa fourth year naman ang Physics; ngayon sa K to 12 gagawin

na lamang itong iisa, konek-konektadong, at tuloy-tuloy na asinatura. Ganun din naman

sa Matematika na mula ito sa grade 7 hanggang grade 10.Sa ilalim nang sistema ito ay

kitang-kita ang pagpapatingkad at pagpapangibabaw ng Ingles sa mga asignatura na

nakatala sa kurikulum. Halatang-halata na nagnanais ihanda ang mga Pilipino para sa

pagsisilbi sa mga tagakalunran. Kitang- kita ang pamamayani ng wikang Ingles sa

edukasyon sa kabila ng MLE-MTB.

Ang grade 11 at grade 12 naman ay ang tinatawag na Senior Highschool. Sa

dalawang taon na kung saan ang mga istudyante ay kinakailangang kumuha ng kasanayan

at kadalubhasaan sa paggawa. Maari silang pumili ng isang kasanayan ayon sa kanilang

hilig, interes, angking kakayahan at likas na talino. Nakabase ang mga asignatura ditto

kumporme sa kanilang piniling kasanayan at kung saan ito masasaklaw. Ang mga

asignatura ay nasasaklaw ang kanilang piniling espesyalidad na maaring saklaw iyon ng

tinatawag na Core Curriculum at ang tinatawag na Specific Tracs.

May pitong saklaw at sakop ang Core Curriculum—Literatura, Wika, Balarila,

Pakikipagtalastasan, Matematika, Pilosopiya, Agham Pangkalikasan at Agham

Panlipunan. Samantala sa Specific Tracks, maaring pumili sa sumusunod kung anong nais

98
ibid
71

nilang tahaking saklaw: Academic; Technical-Vocational-Livelihood; and Sports and

Arts. The Academic track includes three strands: Business, Accountancy, Management

(BAM); Humanities, Education, Social Sciences (HESS); and Science, Technology,

Engineering, Mathematics (STEM).

Ang mga kabataang makakatapos ng dalawang taon ng senior highschool ay

magtataglay ng kagalingan at kasanayan na may kaugnayan sa merkado ng trabaho. Sila din

99
ay maihahanda sa mga pangangailangan sa mundo ng paggawa. Ang mag-aaral ay maaaring

makakuha ng mga Certificate of Competency (COC) o National Certificate Level I (NC I).

Pagkatapos naman ng grade 12, Technical-Vocational-Livelihood track , ang mga mag-aaral ay

makakatanggap ng National Certificate Level II (NC II) bilang katibayan na mga istudyante ay

may sapat na kakayahan sa paggawa at sa mga kasanayang kanilang pinili. Ang mga katibayang

ito ay binibigay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).Ayon sa

kanila masisigurado daw ang trabaho ng kabataan dahil sa kasunduang ng Kagawaran ng

Edukasyon at ng mga organisasyon ng mga pangnegosyo lokal at mga

100
banyagang kamara ng komersyo, at mga industriya.

Malinaw na malinaw ang tunay layunin ng K to 12 na gawing mga trabahador ng

mauunlad na bansa ang mga kabataang Pilipino. Imbes na sila ay hubugin at sasanayin para

sa ikabubuti ng kanilang bansa. Hindi man sila mangibang bansa, sila pa rin ay hinubog

maglingkod sa mga korporasyon na hawak ng mga dayuhan.Ang sistema ng edukasyon sa

99
Department of Education. "Discussion Paper on The Enhanced
K+12 Basic Education
Program." DepEd Online.5 October 2010. Web. 31 Hulyo 2013.http://www.deped.gov.
ph/cpanel/uploads/issuancelmg/K 12new.pdf.
100
―Official Gazette." The K to 12 Basic Education Program. November 30, 2012.
http://www.gov.ph/k-12/ (accessed September 3, 2014).
72

Pilipinas ay ginagamit ng reaksyunaryong estado upang sanayin ang mga batang Pilipino

para sa lupon at supil na lakas-paggawa ng mga dayuhang korporasyon. Ito ay

reaksyonaryo sapagakat pinaiiral nito ang isang mapagsamantalang at mapang- aping

mga antas panlipunan; sapagkat pinipigilan nito ang mga kabataan na mahulma na may

malalim na kamalayan sa pag-unawa sa kanilang tunay na kalagayan.

Mas mauunawaan at makikita ang tunay na layunin ng K to 12 sa mga salitang

nagmumutawi sa mga tagapagsulong nito. Ayon kay Rep. Palatino, "isa sa mga

pangunahing layunin ng K to 12 ang mapagtapos ang ating mga estudyante nang may

mga kasanayang magagamit sa trabaho. Kung dahil dito'y magtrabaho sila sa ibang

bansa, sino tayo para sabihing ang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi

pangarap ng maraming pamilya sa ating bansa ngayon?"

Ang tugon naman ni Rep. Rosenda Ann Ocampo ng ika-6 na distrito ng Maynila

ng tanungin siya ukol sa hinggil sa mga kurso o career pathways na maaaring piliin ng

mga estudyante sa senior high school, "Ang pagtukoy sa mga kurso sa ilalim ng

programang K to 12 ay idinidikta ng pangangailangan, at ng mga job market... ang mga

bansang industriyalisado at mas mayayamanay may paparaming bilang ng matatanda na

101
nangangailangan ng pag-aalaga, at ito ang dahilan kaya tayo may caregiving courses."

Ayon naman sa ―K to 12 Toolkit" ng SEAMEO-INNOTECH, "Mas abot-kaya na ng

mga pamilya ang edukasyon dahil mas matipid ang karagdagang dalawang taon sa hayskul

101
Rep. Rosenda Ann Ocampo cited in San Juan, David. "Kaisipang Nasyonalista at Teoryang
Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12ng Pilipinas / Nationalism and
Dependency Theory in Education: An ideoiogicai Critique of the Phiiippine K to 12 Program ." Malay, 2013:
96-120 (Pamantasang De La Salle).p103
73

102
kaysa mas mahabang panahon ng pagkokolehiyo o pagpasok sa unibersidad." Ayon

naman kay P-Noy, ―Kailangan nating magdagdag ng dalawang taon sa ating pangunahing

edukasyon. Doon sa mga may kayang magbayad ng hanggang 14 taon ng pag-aaral bago

makapagkolehiyo. Kaya, ang kanilang mga anak ay nakakapasok sa pinakamahusay na mga

pamantasan at ang pinakamagandang trabaho pagkatapos ng pag-aaral. Gusto kong hindi

bababa sa 12 taon para sa ating mga anak na nag-aaral sa pampublikong paaralan

103
upang mabigyan sila ng pantay na pagkakataon na umasenso.‖

Tila nataguyod sila na huwag nang magkolehiyo ang mga kabataan sapagkat maari

nang magtrabaho ang sino naman makakapagtapos sa programang ito. Umaalingaw din

ang tunay na layunin sa mga salitang minumutawi ng mga tagapagsulong ng programang

ito. Tilang nais nilang gawing mga trabahador ng mauunlad na bansa ang mga kabataang

Pilipino sapagkat hinihimok nila ang mga kabataang huwag nang magkolehiyo at

mangibang bansa. Ginagawa nilang mga alipin ang mga estudyante. Imbes na ang Pilipinas

102 Ang tunay na pagkakasulat sa panugot na pinagkuhanan, “Families can


better afford education as the cost of the additional two years in high school is significantly
lower than longer collegiate or university level.” Southeast Asian Ministers of Education
Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology
(SEAMEOINNOTECH). "K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators,
School Administrators, and Teachers (2012)." Web. 26 november 2014.
http://pcdspo.gov.ph/ downloads/2012/11 /K-to-12-october-3 O.pdf. p5
103
Ang orihinal na pagkasabi ni Benigno Aquino, “We need to add two years
to our basic education. Those who can afford pay up to 14 years of schooling before
university. Thus, their children are getting into the best universities and the best jobs
after graduation. I want at least 12 years for our public school children to given them an
even chance of succeeding.” Benigno Aquino cited in Southeast Asian Ministers of
Education Organization Regional Center for Educational Innovation and Technology
(SEAMEOINNOTECH). "K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher
Educators, School Administrators, and Teachers (2012)." Web. 26 november 2014.
http://pcdspo.gov.ph/ downloads/2012/11 /K-to-12-october-3 O.pdf. p7
74

ang makinabang sa lakas-paggawa ng mga kabataan, mga malalaking kapitalista ang

lubhang makikinabang.

Hindi nila sinusulusyonan ang mga suliranin ng sistema ng edukasyon sa halip

mas lalo lang nila itong pinalala. Higit pa diyan, papasahulin ng K to12 ang pagiging

kolonyal at komersyalisado ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas. Pinaiigting pa

nito ang katangiang kolonyal ng namamayaning sistemang pang-edukasyon. Sa

pagpapalaganap ng edukasyong teknikal-bokasyunal, mas direktang inihahanda ang mga

kabataan at estudyante sa pagtatrabaho para sa malalaking kapitalistang dayuhan at lokal

at bilang migrante sa ibang bansa. Dahil suportado ito ng ilang mga malalaking

kapitalistang korporasyon mas pinaiigting ang maka-imperyalista at naghaharing uring

nilalaman ng edukasyon. Hindi tinutulungan ang mga kabataan na mas mapalalim ang

kanilang pagkatao o pagka-‗Pilipino‘. Sa halip sila ay ginagawang maninilbi ng mga

mayayamang bansa. Ang ganitong sistema ay hindi maka-Pilipino, kundi makabanyaga;

sapagkat ang layunin nito ay sa ikabubuti ng ibang bansa. Masasabi rin na isa itong

bagong tanikala na bumabalot sa kamalayan ng mga Pilipino.

Eka nga ni Renato Constantino sa kanyang sanaysay na pinamagatang Mis-Education

of the Filipino, “Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon.

Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng edukasyon

ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa at sumulat at

marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang

may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang


75

mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang
104
kani-kanilang mga sarili.‖

Samakatuwid, sa pananaw ni Constantino at maka-nasyonalistang pananaw,

walang saysay ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi isinasaalang-alang

ang kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa. Sa mas tahas na pananalita: walang saysay

ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito'y sumunod sa "pamantayang global."

Masasabi ring suhe ang sistemang pang-edukasyon, sapagakat tinuruan ang mga kabataan

maging globalisado, ngunit hindi tinuruang maging ‗Pilipino‘.

Matatamo lamang ang maka-Pilipinong edukasyon, kung magkakaroon ng

‗Pilipinsayon‘ sa lahat ng larangan. Ang ‗Pilipinisasyon‘ ay pagsasabuhay o

pagpapanumbalik ng kalinangan, gawi, at pagpapahalga ng mga Pilipino. Maisasakutaparan

lamang ang ‗Pilipinsasyon‘ sa pamamagitan ng ‗dekolonisasyon‘ o pagkakalag sa

kalinangan ng mga manunupig. Kinakailangan ng pagbubungkal sa pagka-‗Pilipino‘.

Kinakilangan din ng isang edukasyong nasyonalista, edukasyong nagpapalaya.

104
Renato Constantino,The Filipinos in the Philpphines.”The Mis-Education of the
Filipino”(Manila,1972), 64. (Malayang"salin"ni"Luis"Maria"Martinez), 2012
76

Kabanata 5

Pagbabangkong Kosepto ng Edukasyon sa Pilipinas


Nagsimula ang pagdidikta o pagsasalayasay sa edukasyon ng Pilipinas nang

dumating ang mga Kastilang misyonero. Sila ang nagsilbing guro ng mga Pilipino. Pilit

nilang pinapasok sa kokote ng mga Pilipino ang Katolisismo sapagkat ang pangunahing

konteksto ng kanilang aralin ay mga awit pangsimbahan, katekismo, dasal, at mga doktrina.

Pilit nilang pinuno ang kaisipan ng mga Pilipino ng mga katuruan ukol sa Diyos. Ang

kanilang pangunahing pamamaraan at pagtuturo ay ang pagpapamemorya ng mga dasal at

mga aralin.Tinitingnan nila ang kagalingan ng mga mag-aaral depende kung gaano ito

kagaling magkabisa at mag-‗parrot‘ ng mga ‗natutunan‘. Ang kanilang naging sukatan

ng karunungan ay ang kagalingan ng mga estudyante sa pagmemerya at pag-uulit ng mga

‗tinuturo‘ o mga dinidikta at sinasalaysay ng mga kurate.

Ang mga mag-aaral ay walang karapatang kuwestyunin ang mga sinasabi ng mga

kurate. Wala rin silang karapatang magtanong. Tanggap lang sila ng tanggap at sunod lang

sila nang sunod sa mga dinidikta ng mga Kastilang guro. Ganitong- ganito ang sinasabi ni

Paulo Freire:

―Ang edukasyon ay nagiging pagdedeposito lamang na kung saan ang mga


estudyante ang tagatanggap at ang mga guro ang tagalagay o depositor. Sa
halip na makipag-ugnayan o makipag-usap, ang guro ay nagdedeposito
lamang ng kaalaman na kung saan ay matiyagang tinatanggap naman ng mga
estudyante, minememorya at inuulit. Sa pagbabangkong konsepto ng
kaalaman, ang karunungan ay isang biyaya sa mga taong kinokonsidera
nilang sila ay maalam. Habang tinatanggap ng mga estudyante ang
dinedeposito ng kanilang kritikal na pag-iisip na magbibigay daan sana na
105
makaagapay bilang tagapagpabago ng mundo.‖
105
McLaren, Peter, and Peter Leonard. 1993. Paulo Freire: a critical encounter.
London: Routledge. p26
77

Ganitong-ganito ang kalagayan ng edukasyon noong panahon ng Kastila, kaya naman hindi

nila napalawig at napalalim ang kanilang pagkatao ng kanilang pagka-‗Pilipino‘. Sila ay

tinuruan upang maging sunud-sunuran sa mga manunupig. Ang edukasyon ay nagsilbing

instrumento sa pasipikasyon ng mga Pilipino. Nagsilbi rin ito bilang isang instrumento

upang tingalain ang mga Kastila ng mga Pilipino. Sa madaling sabi ang edukasyon ay

naging hispanisasyon at pumapayak sa mga kagustuhan,interes at layunin ng mga Kastila.

Ito ang sinabi ni Paulo Freire:

―Ang kakayahan ng pagbabangkong edukasyon ay paliitin o magpawalang-


bisa ang malikhaing kapangyarihan ng mga mag-aaral at upang mapasigla ang
kanilang pagtitiwala sa nakahaing interes ng mga maniniil, na walang pakielam
sa pagsisiwlat ng katotohanan ng mundo o ng pagbabago nito. Ginagamit ng
maniniil ang kanilang "humanitarianism" upang mapanatili ang isang kapaki-
106
pakinabang na sitwasyon.‖

Nagpatuloy ang ganitong sistema sa pagdating ng bagong mananakop.Ang

amerikano ay nagtayo ng bagong sistema na ibang-iba sa mga Kastila ngunit tugmang-

tugma ang layunin, ang pagbihag sa mga kamalayan ng mga Pilipino. Tinanggal nila sa

kanilang sistema ang pagkakabisa ng mga dasal at katekismo at pinalitan nila nito ng

pagtuturo ng kultura ng Amerika. Sila ay nagturo na malayo sa katotohanan ng pagiging

Pilipino.Isang edukasyon na naghihiwalay sa katotohanan ng pag-iral bilang isang Pilipino.

106
Ang orihinal na konteksto, ―The capability of banking education to minimize or annul the
students creative power and to stimulate their credulity serves the interests of the oppressors, who care neither
to have the world revealed nor to see it transformed. The oppressors use their "humanitarianism" to preserve a
profitable situation.‖ Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. p48
78

Ang mga Pilipino ay tinuruan upang maging Amerikano-- sa pagkilos, sa pananalita,

pananamit at pag-iisip. Pinakita sa kanila kung gaano kataas at kaganda ang kulturang

Amerikano na nagdulot naman sa kanila ng tinatawag na inferiority complex. Lantaran

man o hindi pinakita sa kanila kung gaano kababa ang kanilang pagkakakilanlan.

Bumaba ang kanilang pagtingin sa sarili. Nagkaroon ng dehumanisasyon sapagkat

tinignan nilang ang kanilang pagkatao (pagka-Pilipino) bilang isnag mababang uri sa

kadahilanang tinuro at pinakita sa kanila na ang amerika ang modelo ng par excellence.

Sa ganitong pamamaraan, sinalaysay ng mga Amerikano ang ‗katotohanan‘ ng

buhay sa sarili nilang pananaw at interpretasyon na tila ba ang mundo ay tuod at hindi

nagbabago. Ang kanilang gawain ay ―punuin‖ lamang ang mga Pilipino ng mga

nilalaman ng kanilang pagsasalayasay na malayo at hindi nahalintulad sa kalagayan at

katotohanan ng buhay ng mga Pilipino at hindi malaman ang kahalagahan at gamit sa

kanilang gawain sa pangaraw-araw.

Sa ganitong uri ng pagbabangkong konsepto ng edukasyon ng Pilipinas noong

panahon ng mga Amerikano, static o walang kwenta ang pagkatuto ng mga Pilipino

sapagkat ang mga Pilipino ay nasiil at nabilanggo sa kamangmangan at katahimikan.

Ganito ang sinasabi ni Freire na sanhi ng ‗kultura ng katahimikan‘. Ang mga Pilipino ay

mangmang dahil sa kawalan ng kritikal na pag-iisip at kamalayan upang makita ang

realidad ng mundo bilang isang Pilipino.Mangmang din sapagkat nabihag ang kanilang

kamalayan na walang kamalay-malay. Sila ay tahimik dahil kulang sa komunikasyon o

hindi natutong makipag-ugnayan upang makisalamuha sa katotohanan ng mundo, ang

buong pagkatuto ay walang saysay dahil ang kanilang kaalaman ay hindi nila magamit sa

pagpapalaim ng sarili. Tahimik, sapagkat tanggap lang sila ng tanggap sa mga tinuturo ng
79

mga Amerikano. Ang kanilang kaalaman ay nasa anyo ng bagay na walang namang silbi

o kuwenta at kahalagahan sa kanilang pag-iral bilang Pilipino.

Sa kasalukuyang namang panahon, ipinatupad na ng ikalawang administrasyong

Aquino ang programang Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) na suportado

ng World Bank, mga organisasyon ng malalaking negosyante gaya ng Philippine Business for

Education (PBED), Employers' Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine

Chamber of Commerce and Industry (PCCI)(david san juan 2013).

Malinaw na malinaw ang tunay na layunin ng K to 12 na gawing mga trabahador

ng mauunlad na bansa ang mga kabataang Pilipino. Imbes na sila ay hubugin at sanayin

para sa ikakabuti ng kanilang bansa. Hindi naman sila mangibang bansa, sila pa rin ay

hinubog maglingkod sa mga korporasyon na hawak ng mga dayuhan. Ang sistema ng

edukasyon sa Pilipinas ay ginagamit ng reaksyunaryong estado upang sanayin ang mga

batang Pilipino para sa lupon at supil na lakas-paggawa ng mga dayuhang korporasyon.

Ito ay reaksyonaryo sapagakat pinaiiral nito ang isang mapagsamantalang at mapang-

aping mga antas panlipunan; pinipigilan nito ang mga kabataan na mahulma ang malalim

na kamalayan sa pag-unawa sa kanilang tunay na kalagayan.

Pinalala ng K to12 ang pagiging kolonyal at komersyalisado ng sistemang pang-

edukasyon sa Pilipinas. Pinaiigting pa nito ang katangiang kolonyal ng namamayaning

sistemang pang-edukasyon. Sa pagpapalaganap ng edukasyong teknikal-bokasyunal, mas

direktang inihahanda ang mga kabataan at estudyante sa pagtatrabaho para sa malalaking

kapitalistang dayuhan at lokal at bilang migrante sa ibang bansa. Dahil suportado ito ng ilang

mga malalaking kapitalistang korporasyon mas pinaiigting ang maka-imperyalista at


80

naghaharing uring nilalaman ng edukasyon. Hindi tinutulungan ang mga kabataan na mas

mapalalim ang kanilang pagkatao o pagka-‗Pilipino‘ sa halip sila ay ginagawang

manilbihan sa mayayamang bansa. Ang ganitong sistema ay hindi maka-Pilipino, kundi

makabanyaga; sapagkat ang layunin nito ay sa ikakabubuti ng ibang bansa. Masasabi rin

na isa itong bagong tanikala na bumabalot sa kamalayan ng mga Pilipino.

Dehumanisasyon ang resulta ng makabagong pagdidikta sa edukasyon ng Pilipinas.

Akmang-akma ito sa pangunahing implikasyon ng pagbabankong kosepto ng edukasyon.

Nagpapatuloy pa rin ang padidikta sa edukasyon. Ginagamit ng mga kapitalistang bansa ang

edukasyon upang madiktahan ang mga Pilipino sa kanilang nais. Habang nagpapatuloy ang

mga Pilipino sa pag-aaral sa ilalim ng K to 12, sila ay laging nasa proseso ng pagpuno sa

kanilang sarili pagdating sa relasyon nila sa iba. Ninanais nilang makamit ang karurukan ng

kanilang pagiging tao at ito ay upang maging masaya at makatao sa relasyon nila sa isang

bagay. Sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon sa ilalim ng K to 12, pinipigilan ang mga

Pilipino na mahubog ang kanilang interaksyon tungo sa pagkilala sa sarili. Nililimitahan ng K

to 12 ang pag-iral nila bilang ‗Pilipino‘ sa edukasyon sa pamamagitan ng aplikasyon mula sa

naratibong karakter o ang pagdidikta at pakikialam ng mga mayayamang bansa sa sistema ng

edukasyon sa Pilipinas. Walang pag-unlad sa K to 12 sapagkat ang mga Pilipino ay hindi

hinahayaang makita ang mga bagay gamit ang kritikal na pag-iisip. Ginagawa lamang silang

mga alipin. Kontrolado ng mga kapitalista ang kurikulum at ang sistema ng edukasyon sa

Pilipinas. Nakabatay na lamang sa pagpapatupad ng kanilang sariling kagustuhan at hindi sa

edukasyon ng mga Pilipino.


81

5.1 Ang Kolonyalista bilangSubject at ang Pilipino bilangObject.


Tinuturing ang mga Pilipinong estudyante, mula noon hanggang ngayon bilang

isang bagay na walang buhay (object) sa loob ng paaralan. Ang mga Pilipino ay ginawang

tagatanggap ng mga maniniil na kumokontrol sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas.

Sa sistema ng edukasyon, ang mga Pilipino ay naging tagasunod ng mga dayuhan.

Napalabnaw ang diwang nasyonaslimo sa edukasyon dahil sa kolonyal na edukasyon.

Kung ilalagay sa konteksto na tinutukoy ni Paulo Freire na nakasanayan na at nakugalian

na sa sistema ng edukasyon na ganito ang nangyayari:

a. Ang mga kolonyalista ay nagtuturo at Pilipino ay tinuturuan.


b. Ang mga kolonyalista ay alam ang lahat ng bagay at ang Pilipino
ay walang alam.
c. Ang mga kolonyalista ay nag-iisip para sa ang Pilipino.
d. Ang mga kolonyalista ang nagsasalita, ang mga estudyante ang tagapakinig
e. Ang mga kolonyalista ang tagapagdisiplina at ang estudyante
ang dinidisiplina.
f. Ang mga kolonyalista ang pumipili at pinatutupad ito, tagasunod
naman ang mga Pilipino.
g. Pinipili ng mga kolonyalista ang nilalalaman ng programa, ang mga
Pilipino (na hindi nakonsulta) ay sumusunod dito.
h. Ginagawang kumplikado ng mga kolonyalista ang kaalaman dahil sila
ang otoridad na nakakapekto sa kalayaan ng mga Pilipino.
i. Ang mga kolonyalista ay ang paksa ng pagkatuto, samantalang ang
107
mga estudyante ang tagatanggap.

107
Ang mga nabangit ay ang mga nakasanayan na sa loob ng paaralan ayon kay
Paulo Freire. Mga kasanayan na nag-papaigting at lalo na ang pasimuno ng ‖kultura ng
katahimikan. Ang mga kansanayan at kaugalian nabanggit ay pasimuno ng mapang-aping
lipunan. Sa orihinal na koteksto relasyon ng guro sa estudyante. Upang bigyan diin ang
pagkakatugma ng banking concept of edukasyon at ng kolonyal na edukasyon pinalitan
ng manunulat ang salitang ‗guro‘ ng salitang ‗kolonyalista‘ at ang salitang ‗estudyante‘
ay pinalitan ng salitang ‗Pilipino‘
Estioko, Leonardo. Philosophy of Education: A Filipino Perspective. Manila:
Logos Publication Inc., 2008. pp89-90
82

Ito ang ipinapaliwanag ni Freire na sa pagbabangkong konsepto ng edukasyon,

tinatanggap ng guro ang kanyang antas ng posisyon na mas mataas siya kaysa sa mga

estudyante dahil sa kanilang kawalang-malay o kamangmangan. Pinangangatwiranan ng

guro ang kanyang pag-iral nang hindi patas dahil sa siya ang tagapagturo, Sa kabilang

108
banda, ang mga estudyante ay nagiging malayo sa realidad na nakakasanayan na nila.

5.2 Pagkakasadlak o Pagkakasiil ng mga Pilipino


Ang mga kolonyalista ang naging paksa ng pagkatuto (Subject of learning),

samantalang ang mga Pilipino bilang isang balitayanak na tagatanggap(Object). Ang

pagturing bilang isang balitayanak na tagatanggap ay tinuturing bilang isang bagay na

hindi lumalago. Sa ganitong kalagayan, may nagaganap na hindi kapantayan sa relasyon

ng mga kolonyalista at ng ng mga Pilipinong estudyante, dahil mayroong nakatataas at

nakakababa. Sa ganitong kalagayan, may nangyayaring paniniil dahil may nilalabag na

karapatan at kalayaan at dahil walang pagkakapantay-pantay, kitang-kita naman na ang

paniniil ay nagdudulot ng pisikal at mental na pagdurusa. Sapagkat ang Pilipino ay

ginagawang isang alipin na maninilbihan sa mga kolonyalista o mga banyaga. Ang

sistema ng edukasyon ay pinupukaw ang diwang nasyonalismo na mag-aangat sana sa

pagkatao ng Pilipino at ng kanilang pagka-Pilipino.

Ginamit ni Freire ang terminong subject na tumutukoy sa mga nakakaalam at

nakikialam at na may pakialam. Object para sa mga sinasabihan, at tagatanggap. Sa

pagbabangkong konsepto ng edukasyon, ang guro ang sinasabing subject dahil sila ang

itinuturing na maalam at mahusay sa lahat ng bagay. Samantalang ang mga estudyante ay

itinuturing nabalintiyak na tagatanggap (passive receiver) ng naratibong pagtuturo ng guro

108
Freire, Pedagogy of the Oppressed, p59.
83

at tinatrato bilang isang mababang uri dahil sila ay pinaniniwalaang walang alam, sa
109
madaling salita, itinuturing sila bilang isang bagay lamang. Ang pagkakasiil

(oppression) ay ang pinakalagom ng pagbabangkong edukasyon at ng kolonyal na


edukasyon.

109
Ibid., p64
84

Kabanata 6

Konklusyon
Malinaw na malinaw na may problema ang edukasyon ng Pilipinas. Isa na rito

ang makabanyaga o kolonyal na sistema. Naging isang tanikalang nakatago ang sistema

ng edukasyon na lumilingkis sa kamalayan ng bawat Pilipino. Tanikalang pumipigil sa

pagyabong ng pagkatao at pagka-‗Pilipino‘. Hiniwalay ng sistemang pang-edukasyon ng

Pilipinas ang mga Pilipino sa katotohanan ng buhay at sa katotohanan ng kanilang pag-

iral ng kanilang pagkakilanlan. Nasusupil at napapalabnaw ng sistema ang diwang

nasyonalismo sa bawat Pilipino. Diwa na magagamit sana nila sa pagpapalim ng kanilang

pagkilala sa sarili at pagpapayabong ng kritikal na pananaw sa buhay. Ang kamalayan ng

Pilipino ay nanatiling bilanggo sa kolonyal na pag-iisip. Ang edukasyon ng mga Pilipino

ay masasabing hindi maka-Pilipino sapagkat ang adhikain ay hindi nakabatay sa

pangangailangan ng Pilipinas. Samakatuwid masasabing walang saysay ang edukasyon.

Walang saysay, sa kadahilanang hindi nito napapalalim ang kamalayan ng Pilipino. Hindi

napapalalim ang kanilang kritikal na pag-iisip sa pagharap sa hamon ng buhay. Sila ay

tinuturuan na lamang na gumaya at sumunod sa agos ng atas ng mga kolonyador. Sa

madaling sabi, ginagawa silang isang balintayanak na tagasunod at tagatanggap ng atas.

Nalayo sa katotohanan ang mga Pilipino upang maging tunay ang kanilang pag-iral

bilang isang Pilipino. Nang dahil sa kolonyal na sistema nagkaroon ng isang lisyang

edukasyon o sa madaling salita, isang maling pagkatuto ang mayroon sa mga Pilipino. Imbes

na mapayaman at mapalalim ang kanilang pananaw sa mundo, mas lalong naging mababaw

ang pag-iisip at nasupil sa pagpapalalim ng sarili. Imbes na maging instrumento


85

ng kalayaan ay nagmistulang instrumento ng pagkasiil at upang mas mapadali ang

pagpapataw ng kapangyarihan.

Ang kolonyal na edukasyon at ang pagbabangkong konsepto ng edukasyon ni

Freire ay tugmang-tugma ang metodolohiya, kasanayan, at resulta. Parehas siilang may

mapaniil na elemento na sumasadlak sa tao. Elementong sumusupil sa pagpapalalim ng

masining, mapanuri, malikhain at kritikal na kamalayan. Ang sistemang ginagawang

balintayanak na tagatanggap ang mga estudyante kaya sa malaking hamon ng buhay ay

nagiging sunud-sunuran sila sa mga atas ng mga nakakataas sa lipunan. Ang kolonyal na

edukasyon at ang pagbabangkong konsepto ng edukasyon ay bunga ng pangingibabaw at

pagpapataw ng kapangyarihan ng mga taong nasa taas ng pang-ekonomiya, pampulitika,

at panlipunan; kung saan naayon ang sitwasyon sa kanilang pangsariling kapakanan at

kagustuhan. Isang sistema na naging sanhi ng pagsanib ng mga tao sa tinatawag ni Frire

na ‗kultura ng katahimikan‘. Pagpapasailalim sa isang mapangdiktang sistema.

Ang kolonyal na edukasyon ay isang uri ng tradisyunal na sistema na dumaranas ng

sakit ng pagdidikta. Ang kolonyal na edukasyon at ang pagbabangkong konsepto ng

edukasyon ay masasabing iisa lamang. Sa kadahilanang parehas ang kanilang sistema ng

metodolohiya, kasanayan, at resulta. Sistemang nakakasiil at nakakabilanggo mula sa

kamangmangan at katahimikan. Sa pagbabangkong konsepto, ang mga estudyante ay

matuturing mangmang dahil sa kawalan ng kritikal na pag-iisip at hindi makita ang realidad

ng mundong kanilang ginagalawan. Tahimik sa diwa na sila ay nagiging tagatanggap lamang

ng mga atas ng lipunan at balitayanak na tinatanggap ang pagpapataw sa kanila ng

kapangyarihan. Sa kolonyal na edukasyon naman ay ganito rin. Ang mga Pilipino ay

mangmang sa diwa na hindi nila nakikilala ang kanilang sarili at hindi lubusang
86

nauunawaan ang kanilang pag-iral bilang isang ‗Pilipino‘. Tahimik sa diwa na tagagaya

at tagasunod sa atas ng mga mayayamang bansang kolonyador.

Ang kolonyal na edukasyon ay kaperehas ng pagbabangkong edukasyon na

nagiging sanhi ng dehumanisasyon. Sa pagbabangkong edukasyon ang paksa ng

pagkatuto ay ang mga guro at ang estudyante ay isang bagay na tanggap lamang at

tinuturing na isang mababang uri ng nilalang. Kaya ang naging bunga ay ang pagsanib sa

‗kultura ng katahimikan‘ kung saan hindi nila matamo ang rurok ng pagiging tao. Sa

pagsabak nila sa mas malaking bahagi ng lipunan, sila ay nagiging tagatanggap na

lamang ng mga atas ng lipunan. Sila ay nagwawalang kibo sa kanilang nararanasang

paniniil. Namumuhay sila sa takot at sa pagsamba sa kanilang mga maniniil. Sa konteksto

naman ng Pilipinas, ginagawang trabahador at alipin ng mga mayayamang bansa ang mg

Pilipino. Sinasanay at hinuhubog sila upang manilbihan sa kapakanan ng mga nasa itaas

ng lipunan. Sila ay nagmimistulang hayop na naghihintay ng utos mula sa kanilang amo.

Sila ay susunod at gagaya sa mga atas ng kanilang amo. Hindi na isang tao ang nagiging

turing sa mga Pilipino; sila ay nagiging isang mababang nilalang na handang sumunod sa

kagustuhan ng mga manunupig. Samakatuwid ang pagkakasiil o pagkakasadlak ang

naging lagom ng pagbabangkong konsepto ng edukasyon o sa konteksto ng Pilipinas ang

kolonyal na edukasyon. Niyuyurakan ang dignidad ng pagka-Pilipino. Kaya naman ang

kanilang pag-iral ay naging pag-iral ng pagsamba sa mga manunupig na kolonyador.

Malinaw na malinaw at kitang-kita na iisa ang kolonyal na edukasyon at ang

pagbabangkong konsepto ng edukasyon. Iisa ang kanilang sakit na dinaranas. Parehas silang

mapaniil at nangangailangan ng lunas na magpapalaya. Kinakailangan ng sistemang pang-

edukasyon ng isang antidote. Ang antidote na ito ay ang maka-nasyonalistang


87

sistesma na magpapalaya sa pagkakabilanggo sa kolonyal na pag-iisip. Ang

nasyonalisang sistema ay susi sa tanikalang bumabalot sa kamalayan ng mga Pilipino na

magpapalaya sa kanila. Ang dalumat ni Paulo Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘ ay

katulad ng nasyonalistang sistema. Dahil iisa lamang ang sakit na dinaranas ng

edukasyon ng Pilipinas at pagbabangkong edukasyon kaya maaaring gamitin ang dalumat

ni Paulo Freire na ‗edukasyong nagpapalaya‘ bilang solusyon sa problema ng

nasyonalismo sa edukasyon ng Pilipinas.


88

Bibliograpiya

Pangunahing Patnugot

Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed . New York: The Continuum


Publihing Corporation, 1984.

____________. 1973. Education as the Practice of Freedom. New York: A


Continuum Book.

____________, and Ana Maria Araújo Freire. Pedagogy of Hope: reliving Pedagogy of
the oppressed. New York: Continuum, 1994.

____________, and Antonio Faundez. Learning to Question: A Pedagogy of Liberation.


New York: Continuum, 1989.

Secondaryang Patnugot

Aklat

Agoncillo, Teodoro. Ang Pilipinas at mga Pilipino: Noon at Ngayon. Quezon: R.P.
Garcia Publishing Co. Inc., 1980.

Constantio, Renato. Identity and Conciousness. Manila: Malaya Books Inc., 1978.

Corea, Monina, Olivia Habana, Ma. Angelica Verzosa, and Virgilio Galvez. Lupang
Hinirang; Kasaysayan at Pamahalaan. Mandaluyong: Anvil Publishing Inc.,
2000.

Estioko, Leonardo. Philosophy of Education: A Filipino Perspective. Manila:


Logos Publication Inc., 2008.

McLaren, Peter, and Peter Leonard. 1993. Paulo Freire: a critical encounter. London:
Routledge.
Molina, Antonio. The Philippines through the Centuries. Quezon Citty: UST Publishing
Co., 1960.

Renato Constantino,The Filipinos in the Philippines‟.”The Mis-Education


of the Filipino” (Manila,1972).
89

Mga Artikulo

Cortez, Franz Giuseppe. "The Philippine Engagement." Kritike, 2013: 50-70.

Gerhard, Heinz-Peter. Paulo Freire. Paris, March4, 2000.

San Juan, David. "Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon:


Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12ng Pilipinas / Nationalism and
Dependency Theory in Education: An ideoiogicai Critique of the Phiiippine K
to 12 Program ." Malay, 2013: 96-120 (Pamantasang De La Salle).

Abenes, Rodrigo. "Talangkaanan ng Salitang 'Pilipino'." 2012 (Pamantasang


De La Salle).

Dr. Villegas, Edberto. Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas. Los Banos,


January 19, 2012.

Durban, Joel and Ruby. "Issues and Concerns of Philippine Education through the
Years." Asian Journal of Social Sciences and Humanities, 2012: 61-69

Internet

Bentley, Leslie. "A Brief Biography of Paulo Freire." Pedagogy and Theare of the
Oppressed, Inc. December 1999. http://ptoweb.org/aboutpto/a-brief-
biography-of-paulo-freire/

Awoodsthought--paper,thoughts,ideas." Hegel, Marx, and Freire. February 16, 2012.


http://awoodsthoughts.wordpress.com/2012/02/16/hegel-marx-and-freire/
(accessed June 25, 2014).

Gomez, Jian. Sakay Ka lang Blogspot. September 5, 2012.


http://sakaykalang.bblogspot.com (accessed September 8, 2014)
90

Jeanny, Burce. "Ano ba Talaga ang K-12?" Word Press. February 23, 2013.
http://www.nasyonalistikpinoy.wordpress.com (accessed August 28, 2014).

Maris Cay E. Gabornes, ―Colonial Mentality: A Filipino Heritage?‖,Learning


Fragments. http://learningfragments.blogspot.com/2013/03/colonial-mentality-
filipino-heritage.html (29 October 2013)

Department of Education. "Discussion Paper on The Enhanced K+12 Basic Education


Program." DepEd Online.5 October 2010. Web. 31 Hulyo
2013.http://www.deped.gov.
ph/cpanel/uploads/issuancelmg/K 12new.pdf.

Official Gazette." The K to 12 Basic Education Program. November 30, 2012.


http://www.gov.ph/k-12/ (accessed September 3, 2014).

―Official Gazette." The K to 12 Basic Education Program. November 30, 2012.


http://www.gov.ph/k-12/ (accessed September 3, 2014).

Department of Education. "Discussion Paper on The Enhanced K+12 Basic Education


Program." DepEd Online.5 October 2010. Web. 31 Hulyo
2013.http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuancelmg/K 12new.pdf.

Official Gazette." The K to 12 Basic Education Program. November 30, 2012.


http://www.gov.ph/k-12/ (accessed September 3, 2014).

Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Center for Educational


Innovation and Technology (SEAMEOINNOTECH). "K TO 12 TOOLKIT:
Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers
(2012)." Web. 26 november 2014. http://pcdspo.gov.ph/ downloads/2012/11
/K-to-12-october-3 O.pdf.

You might also like