You are on page 1of 38

23

ANG EDUKASYON SA PANAHON NG REBOLUSYON


(1896-1899) AT NG AMERIKANO (1899-1935)

Nicanor G. Tiongson

Ang Edukasyon sa Panahon ng Rebolusyon (1896-1899)

Pagkatapos ng mga a pat na taong paghahanda, sumi klab ang


Rebolusyon laban sa Espanya, sa Kamaynilaan noong Agosto 24.
1896. Di nagtagal at ang Himagsikan ng mga Tagalog ay naging tu·
nay na Rebolusyon ng bansa. Sa pakikiisa ng iba't ibang rehiyon sa
adhikain ng paglaya, nagapi ang mga Kastila sa iba't ibang bayan sa
sangkapuluan, hanggang sa mapinid ang unang yugto ng Himagsi-
kan laban sa Espanya sa pakto ng Biak-na-Bato noong Disyembre
15, 1897.
liang buwan lamang ang nakalipas at bumalik si Aguinaldo
noong Mayo, 1898 upang pamunuan ang pangalawang yugto ng
Himagsikan laban sa Espanya, taglay ang pangako ng Amerika na
ito'y tutulong sa mga Pilipino upang makalaya sa mapaniil na rehi-
men ng mga Kastila. Sa pangalawang bugso ng damdaming ma-
panghimagsik, nagapi nang tuluyan ang mga Kastila at iprinoklama
noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit, Cavite, ang kalayaan ng bansang
Pilipino.
Pinalitan ni Aguinaldo ng isang Gobyernong Rebolusyunaryo
ang dating Gobyernong Diktatoryal, at noong Setyembre 15,
1898, binuksan niya ang Konggreso Rebolusyunaryo sa Barasoain,
Malolos. Matapos na mabuo at maaprobahan ang Konstitusyon ng
Malo los, pinasinayahan · ni Aguinaldo ang Republika ng Pilipinas
noong Enero 23, 1899.
Gayunpaman, sa pagsabog ng panibagong giyera sa pagitan
ng Pilipinas at ng Estados Unidos noong Pebrero 1899, kinaila-
ngang iwan ni Aguinaldo ang kabisera ng Republika, na sinalakay
ng mga sundalong Amerikano sa pamumuno ni MacArthur noong
Marso, 1899. Nagpalipat-lipat ng kabesera ang bagong Republika,
hanggang sa magtago si Aguinaldo sa Palanan, kung saan siya na-
huli ng mga Amerikano (Agoncillq at Guerrero, 1971).

Ang "Bagong" Sistema ng Edukasyon

Nakita ang halaga ng edukasyon ng unang gobyernong Re-


bolusyunaryo, pagkat isa sa mga mahahalagang departamento na
nilikha ni Aguinaldo nooong 1898 ay ang Departamento ng Fo-
mento o welfare, na kinapapailaliman ng lnstruksiyon Publika,
24

Komunikasyon, Agrikultura, lndustriya at Komersiyo, at itinakda


kay Gracio Gonzaga bilang unang sekretaryo. Sa panahong yaong
masasabing hindi pa matatag ang pinansiya ng Gobyernong Rebo-
lusyunaryo, nagtakda si Presidente Aguinaldo ng 35,000 piso para
sa lnstruksiyon Publika para sa taong 1899.
Di dapat pagtakhan ang pagpapapahalagang ibinigay ng gob-.
yerno sa edukashon, dahil naunawaan ng mga ilustrado sa Rebo-
lusyon kung paano kinalaban nang husto ng mga prayle ang edu-
kasyon publika sa panahon ng Kastila, upang mapanatiling dungo
at sunud-sunuran ang mga Pilipino sa mga Kastila. Silang mga bu-
nga ng edukasyong Kastila, nakita rin marahil ng mga ilustrado ang
pagmumulat hinggil sa karapatan ng tao na nakakamtan sa pama-
magitan ng edukasyon.
Higit pa sa rito, naisip ng Gobyerno Rebolusyunaryo na ma-
gagamit ang edukasyon para sa bagong Republika kung ito'y ma-
bibigyan ng bagong maka-Pilipinong oryentasyon. Malinaw ang
pagbabagong-perspektibang ito sa talumpati na ibinigay ng noo'y
Dekano Leon Ma. Guerrero sa mga nagtapos ng hurisprudensiya
at medisina sa unang seremonya ng paggagawad ng diploma na gi-
nanap noong Setyembre, 29, 1899 sa Tarlac. Sabi ni Guerrero:
Kayong mga magsisipagtapos, huwag kaynng magbi-
ngi-bingihan sa pananawagan ng bayan; mahanga'y tu-
mulong kayo sa paglikha ng isang bayang malaya, nasi-
yang adhikaing kinasasangkutan ng lahat ng inyong mga
kapatid at kababayan. Haharapin ng sundalo ang ulan ng
mga bala't putok at itataboy ang kaaway; palalakasin
ng duktor at parmasyutiko ang katawan, upang lalo ni-
tong maipaglaban ang buhay, at pagkaraa'y pagagalingin
ang mga sugat ng sugatang bayani; magtatayo ng mga
portipikasyon ang mga inhinyero; aaluin ng pari ang Rag-
hihingalo; at kayo, kayong mga mambabatas, kayo ang
magtataguyod ng kaharian ng katarungan at magsasang-
galang sa bunying kalayaan ng bayan, laban sa anumang
pananalakay. (Kalaw, 1969, pp. 149-50).
Malinaw sa talumpating ito ang reinterpretasyon at paggamit
ng tradisyunal na mga kurso sa unibersidad, upang makapagling-
kod sa sambayanan at sa gobyernong rebolusyonaryo, sa panahon
ng pakikidigma para mapatatag ang kalayaa'n ng Republika.

Ang Universidad Literaria de Filipinas at Academia Militar


Ang isa sa kauna-unahang direktiba na nanggaling kay Presi-
dente Aguinaldo at sa kanyang sekretaryo ng Fomento (noo'y si
Felipe Buencamino) na may petsang Oktubre 19, 1898, ang nag-
25

sasabi na hindi na kikilalanin ang mga diploma na ipamamahagi ng


Unibersidad ng Santo Tomas pagkatapos ng Agosto 12, 1898, at
bumubuo na ang ~obyerno Rebolusyunaryo ngsariling unibersidad
na papangalanang Universidad Literaria de Filipinas (Taylor, 1971,
p. 652).
Upang mapangalagaan ang edukasyong ibibigay sa Universi-
dad na ito, ang lahat ng propesor ng unibersidad, pati na ang sekre-
taryo heneral ay itatakda ng Presidente, bagama't ang rektor ay
pagpapasiyahan ng boto ng mga propesor.
Ang Uni~ersidad na ito ay magbibigay ng mga kurso sa
mga propesyong kung mapapansin, ay siya ring ibinibigay ng Uni-
bersidad ng Santo Tomas sa huling dekada ng Rehimeng Espanyol:
"batas na sibil at kriminal, batas administratibo, medisina, sirurhi-
ya, parmasya hanggang pagka-duktor, at ang propesyon ng notar-
yado" (Taylor, 1971, p. 652).
Wala na tayong iba pang datos hinggil sa kurikulum na sinu-
nod sa pagtuturo ng mga kursong nabanggit, maliban na lamang sa
pagbibigay ng Universidad Literaria ng licenciado at doctorado,
tulad ng dating Unibersidad ng mga Dominiko. Mahihinuha mara-
hi! na kahawig ng kurso sa huling unibersidad ang mga kursong iti-
nuro sa bagong pamantasan sa unang taong akademiko (lalo't
kung aalagatain na ang karamihan sa mga nagturo dito ay nagtapos
sa Unibersidad ng Santo Tomas). lpinaubaya na lamang ang pag-
gawa ng bagong plano para sa instruksiyon sa isang komisyon na
binuo ng dekreto ding yaon.
Sunod na itinatag ng Gobyerno Rebolusyonaryo ang Acade-
mia Militar noong Oktubre, 1898 para sa mga opisyal na "pamin-
san-minsa'y maaaring matakdaan (ng gawain) ng Kalihim ng Dig-
rna." (Si Manuel Sityar ang ginawang hepe ng akademyang ito.)

Ang lnstruksiyon Primarya at Segunda Ensefianza

Masasabi marahil na hawig sa dating kurikulum ang nilalaman


ng bagong instruksiyon primarya, lalo't kung aalalahanin na ang da-
ting mga maestro ng primera ensefianza ang siyang kinuha para
magturo sa mga paaralang ito. Tulad din ng instruksiyon primarya
sa panahon ng Kastila, ito'y libre. Ayon sa Artikulo 23 ng Konsti-
tusyon ng Malolos, "ang edukasyong pambayan ay magiging obli-
gatoryo at magiging libre sa lah~t ng paaralan ng bansa" (Agoncillo,
1960,p. 767).
Gayunman, tulad sa panahon ng Kastila nang sinarili ng mga
relihiyoso ang mga paaralan, ang sinumang Pilipino ay makapagta-
tayo ng kanyang paaralan -- primarya man o sekundarya -sa pa-
nahon ng Republika "ayon sa mga regulasyong maaaring itakda "
!Agoncillo, 1960, p. 767).
26

Higit na maraming datos tayong makakatas hinggil sa


mga paaralan ng segunda ensefianza. Sa direktiba nina Aguinaldo
at Buencamino noong Oktubre 24, 1898, ginawang opisyal
na paaralan ng gobyerno ang lnstituto Burgos, isang paaralan ng
segundo ensefianza na itinatag ni Enrique Mendiola, isa sa mga
Pilipinong (kung matatandaan nati'y) unang nagbukas ng mga
paaralang sekundarya sa huling mga dekada ng Dantaon 19. Ang
mga paaralang tulad ng lnstituto, ay tumatanggap ng mga interno
at eksterno, kung ang mga ito'y may kaalaman sa mga batayang
elemento ng aritmetika, heometriya, gramatikang Kastila (kasama
ang pagsusulat at sintaks), at ng hepgrapiyang unibersal.
Ang kurikulum ng paaralang ito ay kakaiba:
A. Gramatikang Latin, na pag-aaralan sa dalawang asignatu-
ra. Sa una, ang analohiya at sintaks at pagsasanay sa ortograpiyang
Latin; at sa pangalawa, mas mataas na sintaks, prosodiya, bersi-
pikasyon, pagsasalin at pagsasanay sa ortograpiya.
B. Heograpiya ng mundo at lalo na ng Pilipinas, na hahatiin
sa dalawang kurso, na ang una'y bubuuin ng heograpiyang pang-
astronomiya at heograpiyang pisikal, at ang pangalawa, ng heogra-
piyang pampulitika sa sinaunang panahon, sa Edad Medya, at sa
modernong panahon.
K. Kasaysayang pandaigdig, at lalo na ng Pilipinas, sa data-
wang magkasunod na termino, na sa una'y pag-aaralan ang pana-
hong sinauna at medyebal, at sa pangalawa, ang parcAflong mo-
derno at kontemporanyo.
D. Panitikang Kastila sa dalawang termino, na ang una'y bu-
buuin ng retorika at poetika, at ang pangalawa, ng pag-aaral sa mga
awtor na klasiko.
E. Aritmetika at alhebra.
G. Heometriya at trigonometriya.
H. Pranses sa dalawang kurso, na ang una'y bubuuin ng pag-
basa, gramatika at pagsulat mula sa diktasyon at kumbersasyon.
I. Ingles sa dalawang kurso, tulad ng sa Pranses.
L. Kasaysayang pangkalikasan, na ll)ay elemento ng pisyolo-
hiya at kalinisan, na hahatiin sa dalawang kurso, na ang una'y bu-
buuin ng zoolohiya at botanika, at ang pangalawa, ng mineralohi-
ya, heolohiya at mga elemento ng pisyolohiya at kalinisan.
M. Mga element~ ng pisika.
N. Mga elemento ng pangkalahatang kimika.
27

0. Pilosopiya, sa dalawang termino, na ang una'y ilalaan sa


sikolohiya, lohika at ideolohiya, at ang pangalawa, sa ontolohiya,
kosmolohiya at teodosiya.
P. Mga batas ng kalikasan. (Agoncillo, 1960, p. 657)
Kapuna-puna sa kurikulum na ito na hindi na pinag-aaralan
sa mga paaralan ang relihiyong Katoliko, dahil sa ginawang paghi-
hiwalay (ng Konstitusyon) ng Gobyerno at Simbahan. Kapansin-
pansin din na binibigyang-diin ang Pilipinas sa pag-aaral ng Heo-
grapiya at Kasaysayan. Gayunpaman, maliban sa dalawang aspek-
tong nabanggit, wala halos pagkakaiba ang kurikulum na ito sa ku-
rikulum ng segundo ensenanza sa panahon ng Kastila. Mataas pa
rin ang posisyon ng Latin at Kastila sa hanay ng mga kurso.
Tulad din ng panahon ng Kastila, ang segundo ensenanza
ay nagiging kursong terminal para sa marami, kung kaya't dito na
rin ipinakukuha ang mga kursong nababagay sa ibang industriya
o bokasyon. Ang "studies of application" ay binubuo ng mga su-
musunod:
A. Mga elemento ng heograpiyang pang-ekonomiya, pang-
industriya at pang-estadistika.
B. Pagkukuwenta (accounting) at pagtatala ng kuwenta
(bookkeeping), na magagamit sa iba't ibang uri ng hanapbuhay.
K. Ekonomiyang pampulitika, na magagamit sa komersiyo
at sa mga asosasyong komersiyal at kooperatiba.
D. Paghahambing ng mga batas na pangkomersiyo at sistema
ng deretso sa aduana.
E. Pagsasanay sa gawaing pangkomersiyo at sa pagkukuwen-
ta, at korespondensiya.
G. Wikang Ingles, Pran.ses, Aleman at ltalyano.
H. Teorya at praktika ng topograpiya heneral, kasama na ang
pagsusukat (measurement of surfaces), pagsasarbey at paggawa ng
plano.
I. Mga etemento ng mekanikang pang-industriya.
L. Mga elemento ng kimika na magagamit sa sining.
M. Agrikultura.
N. Pagguhit na panlinya, pang-topograpiya, pandekorasyon
at pampigura. (Agoncillo, 1960, p. 658).
Makikita sa mga kursong ito na isir1ama na rin sa Institute Burgos
ang iba't ibang kursong kinukuha sa mga akademya ng komersiyo,
dibuho at pintura, at agrikultura noong panahon ng Kastita.
Mga probisyon din ng direktiba na maaaring kumuha ang mga
babae ng segundo ensenanzang ito, na maaari pa nilang pag-aralan
sa kanilang mga bahay.
28

Mga Kondisyong Pisikal at Pedagohikal


Ang mga klase sa iba't ibang antas ng edukasyon ay ginaganap
mula ika-8 hanggang ika-1 0:30 ng umaga, at mula ika-2:30 hang-
gang ika-5 ng hapon. Ang unang taong akademiko ay mufa Nob-
yembre 10, 1898 hanggang Abril 30, 1899, samantalang ang pa-
ngalawa ay nagwakas noong Setyembre 29, 1899. Hindi natin ma-
laman kung nakapagsimula pa ng bagong semestre pagkatapos ng
Setyembre 1899.
Ang Universidad Literaria de Filipinas at ang lnstituto Burgos
ay inilagak sa kumbento ng Barasoain, isang malaki at maluwag na
kumbentong may dalawang palapag. Ngunit ang ibang mga paara-
lan, lalo na ng instruksiyon primarya, ay nangawalan ng paaralan
sa sangkapuluan dahil sa kaguluhan sa panahon ng Rebolusyon.
Silang pagtugon sa ganitong pangangailangan, itinakda ni
Aguinaldo si Felisberto Suani bilang kapelyan ng hukbo at binig-
yan ng karapatan na buuuin ang mga kolehiyo sa Kailokohan, at
makipagtulungan sa mga opisyales ng bawat bayan upang maisauli
sa gobyerno ang lahat ng mga aklat, muwebles, edipisyo at ari-
ariang dati'y nasa sa mga paaralang publiko. (Kalaw, 1969, p. 50).
Sa direktibanaman ng Nobyembre 4, 1898, ipinag-utos ni Agui-
naldo na gawing responsibilidad ng mga presidente ng bawat bayan
ang pagtatayo o pagkuha sa mga kumbento upang maging paaralan
ng mga bata (Taylor, 1971, p. 660). Sa anu't anuman, alam natin
na sinikap ng gobyerno na mapabuti ang kondisyon ng instruksi-
yon sa bansa.
Hinggil sa mga guro, itinakda ni Aguinaldo noong Oktubre
19, 1898, ang magiging pakultad ng Universidad Litera ria.

1. Hurisprudensiya - Cayetano Arellano, Pedro Paterno,


Arsenio Cruz Herrera, Pablo Ocampo, Hipolito Mag-
salin, Tomas G. del Rosario, Felipe Calderon.
2. Medisina at Sirurhiya -- Joaquin Gonzales, Trinidad H.
Pardo de Tavera, Jose Albert, Salvador V. del Rosa-
rio, Ariston Bautista, Isidro Santos, Justo Lukban,
Jose Luna, Francisco Liongson.
3. Parmasiya - Mariano V. del Rosario, Antonio Luna,
Leon Ma. Guerrero, Alejandro Albert, Enrique Pe-
rez, Manuel Zamora, Mariano Ocampo.
4. Notaryado - Aguedo Velarde, Arcadio del Rosario, Juan
Gabriel y Man day.
Ang sekretaryo heneral ay si Mariano Crisostomo (Taylor, 1971,
p.654).
Sa antas ng instruksiyon primarya at sekundarya.ipinag-utos
29

ng direktiba noong Nobyembre 4, 1898 na "ang mga pansamanta-


lang mamamahala ay ang mga gurong lalaki at babae sa panahon ng
Rehimeng Espanyol," samantalang ang mga bakanteng posisyon ng
maestro para sa segundo ensefionzo ay ibibigay sa maestrong mag-
kakamit ng pinakamataas na grado sa eksameng kompetitibo
(Taylor, 1971, p. 660).
Kapansin-pansin sa mga probisyon para sa mga maestro sa
panahong ito ang pagtatangkang gawing propesyunal ang traba-
hong ito. lpinag-utos ni Aguinaldo na ang mga maestro ay suwel-
duhan ng mga presidente ng bawat bayan, tuwing ika-primero ng
buwan, at taasan ng suweldo kung mahusay, o gawing permanente
ayon sa isang lupong nagbibigay ng eksamen. Hindi maaaring istor-
bohin ang guro kapag nagtuturo. Parurusahan ang sinumang guro
na sumusuweldo sa gobyerno at nagtatrabaho pa sa iba o may iba
pang okupasyon. lnililista ang mga pagliban (absences) ng isang
guro (Taylor, 1971, p. 660).
Probisyunal lamang ang pagtatakda sa mga gurong ;to, pagkat
iniisip marahil ng gobyerno na magbukas din ng isang Escuelo Nor-
mol na siyang magsasanay sa mga gurong higit na sasalamin sa layu-
nin ng bagong Gobyerno.
H,inggil sa pamamaraan ng pagtuturo, mahihinuha marahil na
kumiling ang Gobyerno sa pamamaraang tulad ng ginamit ng mga
Hesuwita, alalaong baga, ang paraang kompetitibo, pagkat may
partikular na probisyon sa direktiba ng Oktubre 24, 1898 na
nagsasabing
Pagkatapos ng mga pagsusulit, magkakaroon ng kompe-
tisyon sa mga nakakuha ng sobresoliente at notable, at
ang pinakamataas sa pagsusulit ay bibigyan ng gantim~
pala, na isang diploma. ng sining na nagpapahayag sa ka-
husayan ng mag-aaral at sa isang libreng pensiyon sa
susunod na termino, at ang susunod na pinakamataas
ay tatanggap ng occessit, na kakatawanin din ng diplo-
mang tulad ng nabanggit.
lpinag-utos din ng probisyon na ipahayag sa buong lnstituto Bur-
gos ang listahan ng lahat ng batang nagkamit ng karangalan, tuwing
ikalawang buwan (Taylor, 1971, p. 659).
Wala tayong datos hinggil sa mga teksbuk na ginamit sa pa-
nahong ito, ngunit makikita marahtl sa listahan ng mga kursong na-
sa kurikulum na ginamit na muna ang mga dating teksbuk sa pana-
hon ng Kastila sa iba't ibang antas. Gayunman, magandang mala-
'man kun_g_ ~no ang mga teksbuk na ginamit sa pagtuturo ng heo-
grapiya at kasaysayan ng Pilipinas, at kung anong pananaw ang gi-
namit sa pagsusulat at/o pagtuturo ng mga kursong ito.
30

Paglalagom: Isang Paradoha


Tulad ng sistema ng edukasyon sa panahon ng Kastila, may
paradoha ding matatagpuan sa sistema ng edukasyon na sinimulan
ng Gobyerno Rebolusyunaryo. Sa isang banda, hindi mapasusuba-
lian ninuman ang nasyunalismo at masugid na pagka-Pilipino ng
mga taong bumuo ng bagong sistemang ito. Sa kabiiang banda, ang
pagka-Pilipino ng sistemang nabuo ay maaaring puwingin, pagkat
ang pagka-Pilipinong yao'y pinalabo ng kurikulum na masasabing
maka-Kastila at maka-ilustradong-mayaman lamang.
Malinaw na malinaw ang pagtatangka ng bagong sistema na
bigyan ng Pilipinong oryentasyon ang kurikulum lalo na sa pag-
didiin sa mga kurso sa kasaysayan.at heograpiya ng Pilipinas. Na-
roroon din naman ang oryentasyong anti-prayle, na sa panahong
yao'y tunay na ekspresyon ng pagka-Pilipino, pagkat ang pang-
aabuso at paniniil ng mga relihiyoso ang isa sa naging pangunahing
dahilan ng Rebolusyon. At sa siniping talumpati ni Leon Ma. Guer-
rero ay maliwanag pa sa araw ang pagnanais na mabigyan ng ba-
gong kahulugan ang ensefianza superior sa konteksto ng pakikiba-
ka ng bansa para sa kalayaan.
Gayunpaman, bagama't ang kurikulum ay masasabing maka-
Pilipino, at anti-prayle pa nga, maaari rin naman itong punahin
bilang maka-Kastila, at bilang maka-Pilipinong-ilustrado lamang.
Pansinin na hindi halos nagbago ang kalamnan ng mga kurso sa
segundo ensefianza, na nagtataglay pa rin ng Latin at Kastila, at
pag-aaral sa mga akdang pampanitikang nasulat sa mga wikang ito.
Tulad ng naipakita nasa edukasyong "liberal" sa Rehimeng Espan-
yol, ang ganitong pag-aaral sa wika at panitikang Kastila ay humu-
hubog sa mga mag-aaral upang maging maka-Kastila, pagkat hindi
maiiwasan na tingalain arg mga "obra maestra" nito at pati
na kulturang Espanyol. Sa pangkalahatan, ang iniluluwal ng gani-
tong uri ng edukasyon ay mga Pilipinong may pananaw at punto-
de-bistang Kasti Ia.
Tila nga naging konserbatibo ang mga taong nagplano ng ku-
rikulum na ito, pagkat tila lubha nating pinahalagahan ang pagpa-
papasunod sa patakarang hindi nasunod sa panahon nq Kasti/a
hinggil sa pagtuturo ng wika ng dating kolonisador, samantalang
di nakita na ang pangangailangan ng isang bansang malayang tulad
ng Pilipinas sa panahong ng Republika ay isang wikang magbubuk-
lod sa higit na nakararaming masa sa sambayanan, upang matuto
silang makibahagi sa bagong Gobyerno. Bagama't ang Tagalog ang
ginawang opisyal na wika sa Biak-na-Bato, nakalimutan na ito sa
bagong Konstitusyon.
Ang lahat ng ito'y maipapaliwanag sa pamamagitan ng pag-
tukoy sa mga taong bumuo ng konggreso at ng pamunuan ng De-
31

partamento ng lnstruksiyon Publika. Sina Buencamino, Paterno,


Calderon, Araneta, Legarda, Pardo de Tavera at iba pang kasapi
sa Konggreso, at si Buencamin.o at Arsenio Cruz Herrera sa Departa-
mento ng Pomento at lnstruksiyon Publika ay pawang mga ilustra-
dong mayayaman, na ang pananw ay hispanisado at makitid, pag-
kat hindi sumasaklaw sa interes ng higit na malawak na sambaya-
nan na mahirap at di nakauunawa ng Kastila. Natural nga lamang
na ang gawin nilang kurikulum ay maging hawig na hawig sa kuri-
kulum ng mga paaralan sa ilalim ng mga Kastila. Sa grupong tulad
ng mga ilustrado, hindi na itinatanong kung ang pag-aaral ng Kas-
tila ay kailangan o nakabubuti sa sambayanan. Sa kanila'y wala
nang iba pang paraan par·a,maging edukado.
Narito ang paradoha ng bagong sistema ng edukasyon sa pa-
nahon ng Rebolusyon. lto'y nagsikap na maging maka-Pilipino,
ngunit ang pagka-Pilipino nito'y pinakitid ng uri na ring namuno
sa pagbubuo ng kurikulum at nilalaman ng bagong kurikulum.
Mahirap gumawa ng kongklusyon hinggil sa t<abuuang sistema ng
edukasyon sa panahong ito. Ngunit may batayan ang pag-aalinla-
ngan sa buting maidudulot ng maka-Kastilang edukasyong ito.
Kung nagpatuloy ang ganitong uri ng edukasyon, dumating kaya
ang panahon na ang Pilipinas ay, oo nga't malaya, ngunit nakatali
naman at kolonya ng Espanya sa larangan ng kultura?
0 maaari rin naman kayang makita ng mga taong tulad ni Ma-
bini at iba pang hindi mayayaman, na kailangan ang radikal na
pagbabago sa sistema ng edukasyon, na kailangan ang Tagalog bi-
lang wika ng Republika, kailangang alisin ang Latin at Kastila
upang makalaya na rin tayo sa pag-iisip, at kailangang masalamin
sa bagong sistema ng edukasyon, ang pananaw at punto-de-bista ng
masang siyang nagbubuwis ng buhay upang magtagumpay ang Re-
bolusyon? Masakit mang sabihin, ngunit tila tuluyan nang nalibing
ang punto-de-bista ng masa sa pagkamatay ng puwersa ni Bonifa-
cio, at sa pagtatagumpay ng mga oportunistang ilustradong nagsa-
mantala sa Himagsikan ng masang Pilipino.

Ang Edukasyon sa Panahon ng Amerikano (1899-1935)

May ilang prinsipal na dahilan kung bakit napagpasiyahan ng


Amerika na bilhin ang Pilipinas sa Espanya. Pangunahin sa mga da-
hilang ito ang ekspansiyonismong pang-ekonomiya. Sa pagtatapos
ng Dantaon 19, ang Amerika ang siyang matatawag na pinaka-in-
dustr~yalisadong bansa sa daigdig. Dahil sa industriya ng bakal, at
iba pang produkto, nahigitan pa ng Amerika sa ·"productive out-
put" ang lnglatera at Alemanya noong 1894 (Legaspi, 1973, p.
32

235). Natural lamang nasa paglaki ng kanilang kapital ay humanap


ang mga kapitalistang Amerikano ng higit na malawak na grupong
bibili ng kanilang mga produkto, at isang bansang matagal na ni-
lang ibig pasukin ay ang Tsina. Wika ni Leon Wolff: "Sa dako pa
roon ng Hawaii naroon ang gayuma ng isa pang premyo- ang Tsi-
na - na tahanan ng 400,000,000 patensiyal na mamimili, na ang
kasalana'y ang kawalan nila ng muwang tungkol sa kagilagilalas na
komersiyong Yankee" (Wolff, 1971, p. 15). Ang Pilipinas ay
kukunin upang magawang tuntungan at base militar para sa
pagpapatatag ng kanilang interes sa Tsina.
At itinaguyod naman ang ganitong ekspansiyonismo ng isang
kamalayan o pananaw na agresibo sa Estados Unidos sa dekadang
ito. Marami sa mga Amerikano noon ang naniniwala sa "Manifest
Destiny" ("Hayag na Tadhana") ng bansang Amerika na kolonisa-
hin ang iba pang bansa. Ang paniniwalang ito, na ibinatay sa teor-
ya ni Charles Darwin, ay ipinamarali nina John Kiske at Josiah
Strong. A yon kay Strong,
... ang lahing ito na may lakas na di mapapantayan ...
ang kinatawan ... ng pinakamalawak na kalayaan, ng pi-
nakadalisay na Kristiyanismo, ng pinakamataas na sibi-
lisasyon ... ang lalaganap sa buong daigdig. Kung di ako
nagkakamali, ang makapangyarihang lahing ito ay baba-
ba sa Mehiko, at sa Gitna at Timog Amerika, sa mga pu-
long nasa karagatan, at hanggang sa Aprika sa dako pa
roon. At sino ang makapag-aalinlangan na ang kahihi-
natnan ng paligsahang ito ng mga lahi ay ang "pananaig
ng pinakamalakas." (Legaspi, 1973, p. 242).
Ang ekspansiyonistang pananaw na ito ang ginamit sa paglamon
sa Alaska, Hawaii,' sa pakikialam sa Cuba, at pakikipag-away na
rin sa Espanya. Sa paniniwala na ring ito nakabatay ang konsepto
ng "white man's burden" na ipinangalandakan ni Rudyard Kipling
at ang "missionary zeal" na ibig mag palaganap sa "Kristiyanismo"
at "sibilisasyon" sa mga salbahe na kung tawagi'y Pilipino.
Dahil sa mga dahilang nabanggit, ipinagpasiya ni McKinley at
ng kanyang "imperyalistang" konseho, na bilhin ang Pilipinas mula
sa Espanya, sa Tratado ng Paris noong Disyembre, 1898. Kaagad
na pinadala si Dewey sa Maynila (ang ibang tropang Amerikano ay
nandirito na dahil nangakong sasama sa mga Pilipino sa paglaban sa
Espanya), upang "kunin" at pasukin ang siyudad. Pumasok ang
Amerikano sa lntramuros noong Agosto 13, 1898.
Sa pagpasok sa Maynila ay di pumayag ang mga Amerikano
na sumama ang mga Pilipinong Rebolusyunaryo. Pinagbawalan pa
nilang pumasok ang mga Rebolusyunaryo sa "teritoryo" ng mga
33

Amerikano. Nagkaroon ng tensiyon sa relasyon ng dalawang huk-


bo, bagay na sinikap lutasin ni Aguinaldo sa pamamagitan ng pa-
kikipag-ugnayan sa mga Amerikano. Ngunit walang nangyari sa
mga pulong na ito, pagkat malinaw na walang intensiyong maki-
pagkasundo ang mga Amerikano. Sa katunayan, nakikipag-usap
lamang sila kunwari, habang hinihintay nila ang pagdating ng iba
pang tropang Amerikano, na siyang gagamitin sa pagsakop sa Pili-
pinas.
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero
4, 1899. Madaling-madaling natalo ng armas na Amerikano ang
mga Pilipinong Rebolusyunaryo, at tinugis ng nauna si Aguinaldo
sa Malolos, sa San Isidro, Tarlac at Bayombong, hanggang sa ito'y
masukol ni Ia sa Palanan, Isa bela noong Marso 1901. Samatala'y
inusig naman ng mga Amerikano ang iba't ibang pangkat na Re-
bolusyunaryo sa Bisaya at iba pang bahagi ng bansa. Sa pagkahu-
li ng dalawa sa huling heneral ng Rebolusyon - si Lukban at Mal-
var noong 1902 - nabali na ang gulugod ng pakikibaka laban sa
bagong kolonisador.
Madugo at napakasama ng pamamaraang ginamit ng mga
Amerikano sa "pasipikasyon" ng Pilipinas. Ginamit ang "water
cure" (binububundat ang biktima sa tubig na marumi at saka inu-
upuan), ang "rope cure" (walang iniwan sa garote na ang gamit ay
lubid), at ang mga masaker (sa Balangiga, pinalipol ni f'leneral
Smith ang lahat ng tao, kasama na ang mga batang lalaki, na maa-
aring gumamit ng itak laban sa mga Amerikano). Bukod dito, nag-
karoon ayon kay Otis ng "ganap na pag-iral ng pagnanakawan at
pagsira sa mga ari-arian" (Agoncillo and Guerrero, 1971, pp. 260-
261 ).
Gayunpaman, naki'a ng mga Amerikano na maling taktika
ang pagpatay para sa "pasipikasyon" lalo na't sinabi ni McKinely
na mismo, na:

Magiging tungkulin ng puna ng mga puwersa ng okupas-


yon ang pag-aanunsiyo at pagpapabando sa pinakahayag
na paraan, na tayo'y dumatal, di bilang manlulupig at
kolonisador, kundi bilang mga kaibigan, upang ipagtang-
gol ang mga katutubo sa kanilang ,nga tahanan, sa kani-
lang mga hanapbuhay, at sa kanilang mga karapatang
personal at panrelihiyon. (Agoncillo 1971, p. 263).

Nakita ng ilang Amerikano na hindi armas kundi aklat ang higit


na epektibong instrumento upang mapapayapa ang mga Pilipino.
Dahil sa kabilang taktikang ito, itinakda ni Heneral Mac-
Arthur si Tenyente George P. Anderson bilang superintendent ng
34

Maynila, na kung saan nagbukas ang huli ng 39 na paaralang may


enrolment na umabot ng 4,000 (Pecson and Racelis, 1959, p. 19).
Ayon kay Kapitan Albert Todd, nagtabi ng $100,000 ang mga
Amerikano para sa gamit sa paaralan at nagtakda pa ng mga kapel-
yan at sundalong magtuturo sa mga paaralan. Ayon na rin kay
May, malinaw na:
ang pangunahing layunin ng programa ng pagtuturo ng
hukbo ay hindi ang edukasyon ng mga Pilipino, kundi
manapa'y ang pagpapapayapa sa kanila sa pamamagitan
ng pagkumbinse sa kanila na mabuti ang hangarin ng
Amerika. (May, 1976, p. 137).
Ngunit, pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano, naging
integral na bahagi na ang edukasyon sa kolonisasyon ng bansa. Tu-
manggap ang Second Philippine Commission ng direktiba mula
kay MacKinley na magtatag ng
ekstensiyon ng edukasyong prirnarya na dapat maging
libre para sa lahat, at maglalayong ihanda ang taumba-
yan para sa tungkulin ng mga mamamayan at para sa
karaniwang gawain ng isang komunidad na sibilisado.
(May, 1976,p. 138).
Di naman nagtagal at natatag ang bagong sistema ng edukasyon
sa bansa.

Ang "Bagong" Sistema ng Edukasyon

Binuo ng Act 477 ang isang Bureau of Education na pamama-


halaan ng isang Director of Education, na mapapailalim sa Depart-
ment of Public Instruction, ~a pamamahalaan naman ng Bise-Go-
bernador na Amerikano. ltinakda si Fred Atkinson bilang unang
Direktor ng Edukasyon noong 1900.
llan sa mga unang isinagawa ni Atkinson ang mga sumusu-
nod: a) ang pagbubuo ng 10 dibisyon para sa instruksiyon pri-
marya publika, b) ang pag-angkat ng 1,000 gurong Amerikano na
ang pasahe'y babayaran ng Gobyerno Insular, k) ang pagtatatag
ng malawakang edukasyon, d) ang pagbubukas ng mga paaralang
normal, agricultural at industriyal ("trade"), e) ang pag-aalis ng
relihiyon sa kurikulum, at higit sa lahat, g) ang paggamit sa Ingles
bilang midyum ng pagtuturo (May, 1976, p. 139-40). Maraming
tumutol sa paggamit ng Ingles, ngunit ang tipikal na dahilan para
sa paggamit ng Ingles ay yaong ibinigay ni Leroy, na nagsabing
"Ingles ang dapat gamitin, pagkat dahop ang Tagalog," dahil kahit
dawang mga katagang pang-ideya sa Tagalog ay gating lahat sa
Kastila (Le Roy, 1968, p. 123).
Sa pangkalahatan, ang·mga paaralang itinatag sa panahon ng
Okupasyong Amerikano ay ang mga sumusunod: a) ang mga Phil-
ippine Normal School, b) ang mga Elementary School sa mga bar-
yo, k) ang mga Academic Secondary School o High School sa mga
kabesera ng probinsiya, d) ang University of the Philippines, e) ang
mga Vocational Schools, at g) mga Private Sectarian at Non-sec-
tarian Schools.
Ang Philippine Normal School

Tulad ng Gobyernong Kastila sa dekreto ng 1863, inuna ng


Gobyerno Insular ng mga Amerikano ang pagbubukas ng isang
paaralang normal sa Maynila noong 1901, para sa pagsasanay ng
mga gurong kakailanganin sa malawakang sistema ng edukasyong
publika sa Pilipinas. Noong 1902, nagbukas ng sangay ang paara-
lang ito sa Nueva Caceres, Cebu, Iloilo, Vigan at Cagayan de Mi-
samis. Hangga't wala pang nakatatapos sa mga paaralang ito, ang
mga gurong Amerikano muna ang bumuo ng karamihan sa mga
superintendent, superbisor, at guro sa intermediate School at
High School.
Sa simula'y naging napaka-basic at general ang kurikulum
ng Normal School, dahil ang karamihan sa mga pumapasok dito
ay wala pang preparasyon para dito o dili kaya nama'y hindi na-
man talaga nag-aaral ng pagtuturo kundi naghahanda lamang para
mapag-aral sa Amerika.
Gayundin naman, ang kurikulum ay nagbago ayon sa data-
wang naging layunin ng paaralan. Noong una, ang paaralan ay pa-
ra sa pagsasanay ng mga gurong magtuturo ng Ingles sa mga paa-
ralang elementarya. Nang dumami na ang mga gurong nakapagtu-
turo ng Ingles, naging layunin naman ng paaralan na humubog ng
mga magiging pinuno o lider sa instruksiyong elementarya. Ang
tagal ng kurso ay nagbagubago ayon sa layuning sinusunod.
Gayunman, dahan-dahan, nabuo ang isang kurikulum na hi-
nubog para sa pagsasanay ng mga guro, dahil sa mga pagbabagong
ginawa noong 1910, 1918, 1925 at 1929. Sa pangkalahatan, inaa-
yon din ang kurikulum, na karaniwa'y dalawang taon lamang, sa
pinanggalingang paaralan o trabahong papasukin ng guro. Halim-
bawa, may kurikulum para sa nagtapos ng kursong normal sa mga
probinsiya, may kurikulum para sa Home Economics, at mayroon
din namanggeneral curriculum. Tingnan natin ang huli:
Unang Taon: Ingles V, sikolohiya ng edukasyon, pagbasa, mga
alituntunin ng pagtuturo, pagguhit o musika, arit-
metika, obserbasyon at partisipasyon.
Pangalawang
Taon: Ingles VI, wika, heograpiya, pag-aaral sa bata, pa-
36

nukat pang-edukasyon, mga alituntunin ng edu-


kasyon. lsang elektib: pisyolohiya, superbisyon ng
paaralan, musika I, o pagpapahayag. lsang elektib:
Kasaysayan ng edukasyon, pamamahala ng paara-
lan, pagguhit II, pamamaraan sa aklatan, o sosyo-
lohiya ng edukasyon. (Aizona, 1932. p 218).
Ang kursong ito ay para sa mga nagtapos na ng edukasyong se-
kundarya o High School.

Ang mga Elementary School


Ang pangalawang pinagtuunan ng pansin ng Bureau of Educa-
tion ay ang mga paaralang elementarya, pagkat ang mga ito ang pi-
nakamalawak at pinaka-epektibong paraan para marating ang higit
na malawak na sambayanan. Dahil na rin marahil sa kanilang pag-
tingala sa "demokrasya," sinikap ng mga direktor ng Bureau, ngu-
nit lalong-lalo na ni David Barrows (1903-1909), na kabakahin ang
caciquismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagmumulat sa mga
anak-magsasaka. Wika ni Barrows, "Sa mga bukiring ito nakatira
ang malaking bahagi ng populasyon. Ito ang mga sentro ng ka-
mangmangan,at siya ring nagpapanatili ng ignoransiya at kahira-
pan ng lahi" (May, 1976, p. 155).
Nagba·gu-bago ang taong itinakda para sa Elementary School.
Una'y apat na taon, pagkatapos ay tatlo, pagkatapos ay hinati sa
apat na taong Primary School at tatlong taong Intermediate
School.
Dahil sa nagbagu-bago ang taon para sa Elementary School,
di dapat pagtakhan na magbagu-bago din naman ang kurikulum
ng edukasyong primarya. Noong 1909, itinakda ang isang kuriku-
lum para sa Primary Scho.ol (Grade I-IV) na dapat kunin'ng lahat.
Ang kurikulum ng Intermediate School (Grade V-VII) ay nagbago
ayon sa konsentrasyon o espesyalisasyon ng nag-aaral. Maaari itong
mapunta sa mga kurso para sa Pagtuturo, o housekeeping and
household arts, o trade, farming, at business. Maaari rin naman
itong maging general course para sa mga estudyanteng ibig pang
kumuha ng High School.
Tingnan natin ang kabuuan ng kurikulum sa Primary School:
Unang Grado: Wika (kumbersasvon, pagbasa, pagbaybay at pag-
sulat), aritmetika, kasanayan sa mga yaring-kamay,
tulad ng pag-aayos ng patpat, pagtitiklop ng papel,
paggawa sa putik at buhangin, laro at musika.
Pangalawang
Grado: Wika, aritmetika, kasanayan sa yaring-kamay, mu-
37

sika, pagguhit, pagsulat, ehersisyong pisikal.


Pangatlong
Grado: Ingles, aritmetika, heograpiya, industrial work (pa-
nanahi, paghahardin, paggawa sa kahoy, paggawa
ng palayok, paghabi ng pamaypay, basket, sumbre-
ro, silya, banig, atbp.), musika, pagguhit, pagsulat,
ehersisyong pisikal.
Pang-apat na
Grado: Ingles, pag-aaral sa kalikasan, sibika, aritmetika,
heograpiya, ehersisyong pisikal, gawaing pang-
industriya (batayang agrikultura, agham pambahay,
paggawa ng palayok, pagkakantero, paghahabi, pag-
titina, pagkukula, paggawa ng lubid, atbp.), pagsu-
lat, pisyolohiya, kalinisan. (Aizona, 1932, p. 200).
(ldinagdag ang phonics at good manners and right
conduct sa Grade Ill at IV).
Sa Intermediate School, ang kurikulum para sa General
Course ay ang sumusunod:
Panlimang
Grado: Gramatikang Ingles at komposisyon, pagbasa, arit-
metika, heograpiya, pag,aaral ng halaman, musika,
pagguhit, agrikultura para sa mga lalaki, at pama-
mahay at karaniwang pananahi sa mga babae.
Pang-anim
na Grado: Wika at gramatikang Ingles, aritmetika, kasaysayan
ng Pilipinas, heograpiyang pisikal, musika, pag-
guhit, buhay ng mga haypo, agrikultura para sa
mga lalaki, at pamamahay at karaniwang pananahi
para sa mga babae.
Pampitong
Grado: Gramatikang Ingles, aritmetika, pagbasa, musika,
pagguhit, pisyolohiya, kalinisan, pagkakarpintero
at paggawa sa bakal para sa mga lalaki, at pamama-
hay at panggagamot para sa mga babae, pamama-
raang panggobyerno at parlamentarya.
Mapapansin sa kurikulum ang pagbibigay-diin sa pagbabasa at pag-
susulat sa wikang Ingles. Mapupuna rin naman ang dami ng kurso
sa paggamit ng kamay o industrial skills.

Ang mga High School

Dahil na rin sa pagnanasa ng mga Amerikano na makapag-


38

tatag ng isang masaklaw na sistema ng edukasyon, nagkaroon ng


pangangailangan na magbukas ng isang sistema ng edukasyong
sekundarya na mapapasukan ng mga nakatapos na ng Elementary
School. Lalong umigting ang pangangailangan dahil ang tanging
napapasukan na mga High School noon ay mga pribadong paara-
lan ng simbahan na karaniwa'y para lamang sa mavayaman.
ltinatag ang sistema ng public secondary education noong
1902, at ipinailalim ito sa dibisyon superintendent na magsasa-
ayos ng mga paaralan sa mga kabesera, sa pagtataguyod ng mga
gobyernong pamprobinsiya.
Naging napakasaklaw ng mga kurso sa High School sa simula,
at kung minsa'y masyadong nalylulong sa pag-aaaral ng mga
"klasiko" sa Latin at Kastila. Di naglaon at naalis ang mga kursong
ito at napalitan ng biolohiya, gobyerno sibil, heograpiyang pangko-
mersiyo, at iba pang "materyalistikong" kurso. Dahil din sa pag-
nanasa ng mga Pilipino na maging higit na maka-Pilipino ang mga
High School, nadagdag ang mga kurso sa kasaysayan, heograpiya
at ekonomiya ng Pilipinas. Narito ang nabuong kurikulum ng
taong 1929:
Unang Taon: Panitikan at komposisyong Ingles, kasaysayan at
gobyerno ng Estados Unidos, mga pangyayari sa
kasalukuyan, alhebra, edukasyong pisikal.
Pangalawang
Taon: Panitikan at Komposisyong Ingles, siyensiya hene-
ral, kasaysayang heneral, mga pangyayari sa kasalu-
kuyan, heometriya, edukasyong pisikal.
Pangatlong
Taon: Panitikan at komposisyong Ingles, mga pangyayari
sa kasalukuyan, mataas na alhebra, rebu ng aritme-
tika, edukasyong pisikal.
Pang-a pat
na Taon: Panitikan at komposisyong Ingles, kondisyong
pang-ekonomiya ng Pilipinas, kasaysayan at gob-
yerno ng Pilipinas, mga pangyayari sa kasalukuyan,
pisikal, edukasyong pisikal. (Aizona, 1932, p. 230).
Makikita dito ang malaking empasis na ibinibigay ng kurikulum sa
wika at panitikang Ingles at sa kasaysayan ng Amerika. Gayundin
naman, hindi mapasusubalian ang "materyalistikong" oryestasyon
nito.
Ang Unibersidad ng Pilipinas

Hindi Elementary at High School lamang ang bubuo ng isang


39

malawak na sistema ng edukasyon. Kailangan ang institusyon o pa-


mantasan para sa matataas na kurso, na hindi rin naman mapapa-
ilalim sa mga relihiyoso. Kung isasaalang-alang na marami sa mga
bumuo ng Asamblea Filipina ay mga beterano ng Rebolusyon na
may kinalaman sa pagbubuo ng sekular na Universidad Literaria
de Filipinas noong 1898, mauunawaan kung bakit iminungkahi ng
Asamblea noong 1908 ang pagbubukas ng Unibersidad ng Pilipi-
nas "upang maisakatuparan ang pagmithi ng Pilipinas sa isang insti-
tusyon ng mataas na karunungan ng gobyerno, na walang anumang
kontrol ang mga klerigo" (AI zona, 1932, p. 273).
Kung ang Unibersidad ng Santo Tomas ay gumaya sa istruktu-
ra at kurikulum ng mga unibersidad S:l Espanya, ang Universidad
ng Pilipinas ay gumagad naman sa istruktura at organisasyon ng
mga unibersidad sa Estados Unidos. Ang administrasyon ng U.P.
ay nasa sa kamay ng Board of Regents na noong 1930 ay binubuo
ng: sekretaryo nQ lnstruksivon Publika, na siyang ex-officiong ta-
gapangulo ng Board; ang tagapangulo ng Komite sa lnstruksiyon
Publika sa House of Representatives; ang pangulo ng Unibersidad;
ang direktor ng edukasyon; isang kasapi ng University Council ng
U.P.; dalawang alumni ng U.P.; at tatlo pang miyembro na itina-
takda ng Gobernador-Heneral at sinasang-ayunan ng Senado.
Ang University Council na binubuo ng lahat ng guro maliban
sa mga instraktor, ay binuo noong 1911 at nahahati sa iba't ibang
komite, kasama na ang Executive Committee (na binubuo ng pa-
ngulo, registrar at lahat ng dekano ng iba't ibang kolehiyo), na
siyang nagpapatakbo sa iba't ibang aktibidades ng Unibersidad.
Mayroong sekretaryo, tesorero, komptroler, registrar ang Uniber-
sidad, nasa pagsisimula'y pawang Amerikano.
Unti-unting natatag ang iba't ibang kolehiyo ng unibersidad:
ang School of Fine fo.rts at College of Agriculture noong 1909;
ang College of Arts·and Sciences, Pharmacy, Engineering, Veteri-
nary Science noong 191 0; ang College of Law, 1911; ang College
of Education noong 1913; ang College of Dentistry, 1915, at ang
Conservatory of Music noong 1916. Ang College of Medicine ay
itinatag isang taon bago pa man nabuo ang U.P. Mayroon ding
Colleges of Surveying, S_anitation at Forestry, at University High
School ang Unibersidad (Aizona, 1932, pp. 273-79).
Dapat bigyang-diin dito na ang U.P. ay may sekular na oryen-
tasyon. Dahil ito'y huwad sa mga unibersidad na Amerikano, ito
ri'y nagkaroon ng maka-Amerikanong oryentasyon, tulad ng ipapa-
kita natin sa pangalawang bahagi.

Ang mga Vocational School

Sa mula't mula pa lamang ng pagtatatag ng sistema ng edu-


40

kasyon sa Pilipinas, pinakadiinan na ng mga Amerikano ang hala-


ga ng edukasyong bokasyonal para sa mga Pilipino, pagkat ito di-
umano ang nababagay sa mga taong may mababang pag-iisip. Si-
piin natin ang sulat ni Horace sa kanyang kapatid na si William
Taft:
upang ang mga Pilipino'y maturuan ng mga bagay na ka-
ya nila, i.e. mga gawaing industriyal at mekanikal. ..
Dapat sundin sa pagtuturo ang balangkas ng mga gawain
nina Hampton at Tuskegee. (May, 1976, p. 148).
Hindi nga kataka-taka ang pagbibigay-diin sa gawaing indus-
triyal o manwal sa mga paaralang elementarya at High School. At
!along hindi dapat pagtakhan na magtatag ang mga Amerikano ng
Division of Vocational Education (1928), na may apat na Departa-
mento: a) Department of Agricultural Instruction, b) Department
of Trades and Institutions, k) Department of Home Econemics,
d) Placement Department. Nasa sa ilalim ng apat na departamen-
tong ito ang iba't ibang paaralang bokasyunal.
Ang unang uri ng bokasyunal na paaralan ay ang School of
Arts and Trades. Noong 1909 binuksan ang unang trade school sa
Maynila na sinundan naman ng ilan pa sa mga probinsiya. Sa simu-
la'y tatlong taong kurso lamang sa antas na elementarya ang ibi-
nibigay ng mga paaralang ito, ngunit simula noong 1925, ay iti-
naas ang kurikulum upang maging paaralang sekundarya. Ang pina-
kakilala sa lahat ng mga paaralang may ganitong uri ay ang Philip-
pine School of Arts and Trades sa Maynila na itinaguyod ng Gob-
yerno Insular.
Ang prinsipal na mga kurso sa school of arts and trades ay
ang mga sumusunod: paggawa ng kabinet, pagtatayo ng gusali,
blacksmithing, paggawa .sa bakal at sa kahoy. ldinagdag din dito
ang mga kursong akademiko, tulad ng Ingles, aritmetika, kasay-
sayan at gobyerno ng Pilipinas.
Dahil pinahalagahan ng mga Amerikano ang agrikultura, ipi-
nasok ito sa mga paaralang elementarya. Gayunpaman, may parti-
kular na uri ng mga farming schools na itinatag ang gobyerno:
ang Agricultural School at ang Farm School, na kapwa nasa sa
antas na Intermediate. Ang Agricultural School ay boarding school,
samantalang ang Farm School ay day school na nagtuturo ng
"praktikal na pagbubukid sa mga lalaki at pamamahay at mga si-
ning ng bahay sa mga babai" (May, 1976, p. 250).
Prinsipal sa mga agricultural school ang Central Agricultural
School sa Munoz, Nueva Ecija. Layunin ng paaralang ito ang pag-
hahanda sa mga estudyante "upang maging magsasakang nagsasari li
at progresibo at upang humubog ng mga pinuno sa agrikultura"
(May, 1976, p. 250). Dito'y may mga kurso sa intermediate at se-
41

condary, sa pamamahala sa bukid, edukasyong pang-agrikultura at


mekanika sa bukid. Katulad ng Agricultural School, ang mga Rural
High School ay nagbibigay ng mga kurso sa agrikultura, ngunit sa
antas ng High Schoollamang.
Noong una'y walang matatawag na mga paaralan ang Home
Economics, pagkat ito ay ibinibigay lamang bilang kurso, una sa
antas na elementarya, at pagkatapos sa mataas na paaralan. Ang
huli ang siyang nagbibigay ng kursong may partikular na oryentas-
yon sa Home Economics. Sa unang taon ay kinukuha ang pagbu-
burda o paggawa ng engkahe at karaniwang pananahi; sa pangala-
wang taon, ang pamamahala ng bahay at karaniwang pananahi; sa
pangatlong taon, ang kimika ng pagkain, pagluluto at pagbuburda
o paggawa ng engkahe. Sa higit na propesyunal na antas, ang
School of Househeld Industries ay binuksan noong 1912 upang
magbigay ng kursong pang-anim na buwan, sa engkahe at burda,
sa pagbuburda ng linen, panyo, at lingerie.
Ang Philippine School of Commerce ay itinatag ng Gobyerno
noong 1904 upang magsanay ng mga tagatala ng kuwenta, tagama-
kinilya, tagapagsalin, istenograper, kahero, guro ng komersiyo, at
tagapagbenta. Ang kurikulum sa mga paaralang ito ay nagbabago
ayon sa konsentrasyon ng mga estudyante. Ang panitikan at kom-
posisyong Ingles, gobyerno ng Pilipinas, kasaysayan at gobyerno
ng Estados Unidos ay ilan sa mga kursong akademiko na idinadag-
dag sa mga kurso ng espesyalisasyon.
Ang Philippine Nautical School ang siyang Academia Nautica
noong panahon ng Kastila. Tinatanggap ng paaralan ang mga tapos
ng High School, at pinadadaan ang mga ito sa isang kursong nata-
tapas ng apat na taon. Ang unang dalawang taon ay akademiko,
kung saan tinuturuan ang mga kadete ng nabigasyon elementarya,
alhebra at heometriya, logaritmo at karaniwang Trigonometriya,
pagpipiloto at batayang pandaragat, sa unang taon; at mataas na
nabigasyon at mataas na pandaragat, sa pangalawang taon. Pagka-
tapos ng dalawang taon, nagsisilbi ang mga kadete bilang aprentis
sa inter-island ships.
Dapat nating linawin na ang karami han sa mga kurso at pa-
aralang bokasyonal na itinatag ng mga Amerikano ay nagsisilbi sa
mga gusali ng pamahalaan at gumawa ng mga muwebles nito; ang
Ang paaralan ng arts and trades ang siyang nagtayo ng marami sa
mg gusali ng pamahalaan at gumawa ng mga muwebles nito; ang
School of Household Industries ang gumawa ng mga handikrap
na siyang mabili sa Amerika; ang School of Commerce ang nagsa-
nay sa mga tagamakinilya, istenograper, atbp., na kinailangan sa
mga opisina ng pamahalaan; ang paaralang agrikultural ang nag-
sanay sa mga Pilipino upang lumaki ang ani at maging se/f-suffi-
42

cient ang bansa. Sa pangkalahatan, ang mga paaralang ito ay ni-


likha, di lamang dahil sa mahina ang isip ng Pilipino, kundi dahil
napagkakakuwaltahan din ng mga Amerikano ang "kadunguang"
iyon.

Ang mga Private Sectarian at Non-Sectarian School

Kahit na nagwakas na ang Rehimeng Espanyol, hindi naman


agad naglaho ang iba't ibang aspekto ng sistemang Espanyol. lsi'!
sa mga institusyong namana ng bagong panahon sa mga Kastila ay
ang mga institusyon ng edukasyong Kastila. Ito ang mga pribadong
paaralang Katoliko na dumami pa sa panahong ito, at nahahati pa
rin sa panlalaki at pambabae. Ang mga ito'y ang Ateneo de Manila,
San Juan de Letran, La Salle, S;;m Beda, para sa mga lalaki; at As-
sumption, St. Scholastica's at Holy Ghost College para sa mga
babae. Ang Unibersidad ng Santo Toma ay binuksan para sa mga
babae at lalaki.
Sa mga paaralang protestante naman, ang pinakakilala ay ang
Silliman University sa Dumaguete at ang Union Theological Semi-
nary.
Bukod sa mga paaralang sektaryan na ito, namutiktik din sa
ating dantaon ang mga paaralang pribado na ari ng mga indibidwal
na Pilipino o sekular na korporasyon. Dito'y mababanggit ang
Licea de Mani Ia, ang Escue Ia de Derecho, ang Centro Escolar Uni-
versity, ang lnstituto de Mujeres, and Philippine Women's Univer-
sity, ang University of Manila, ang National University, ang Far
Eastern University, ang Jose Rizal College, at ang National Teach-
ers College.
Ang lahat ng mga kolehiyo at unibersidad na ito ay kinaila-
ngang sumunod sa pagtuturo -rig ilang mga kursong i pinag-uutos ng
Bureau of Education. Gayunpaman, marami sa kanila ay gumawa
ng mga kurikulum na umaayon sa kani-kanilang layunin. Ang Ate-
nee at Letran ay patuloy na naglagay ng pag-aaral ng Latin at Kas-
tila at Katekismo at/o teolohiya sa kani-kanilang mga kurikulum.
Namumukod sa mga paaralang pribadong nabanggit ang Licea
de Manila at Escuela de Derecho na may naiibang oryentasyon. Sa
Licea ay makakukuha ang estudyante ng instruksiyong elementar-
ya at sekundarya na may makabayang oryentasyon, samantalang
sa Escuela de Derecho na ipinundar ni Felipe Calderon, ay mapag-
aaralan hindi lamang ang deretso kundi pati na ang nasyonalismo.
Hindi dapat pagtakhan ito pagkat ang mga nag-organisa at
nagturo ng mga paaralang ito ay mga beterano ng Rebolusyon na
nakapagturo din sa Universidad Literaria de FHipinas ng Republi-
ka. Kasama dito sina Mariano V. del Rosario, Hipolito Magsalin,
43

Felipe Calderon, at Leon Ma. Guerrero. Ang huli (na siyang nagbi-
gay ng talumpati para sa unang pagtatapos na idinaos ng Univer-
sidad Literaria sa Tarlac) ang. siya ring nagbigay ng talumpati sa
pagpapasinaya ng bagong Liceo de Manila. Wika ni Calderon, hing-
gil sa Escuela de Derecho: "Kailngan na ang pagtapusin nati'y
hindi lamang mga abogado; kailangang humubog tayo ng mga tao,
mga mamamayan, mga tunay na Pilipino" {Kalaw, 1965, p. 21, 23,
31 ).
ng edukasyon publika ng mga Amerikano ay naging "coeducation-
al" sa lahat ng antas, mali ban sa mga eskwelang tulad ng Nautical
School na natural lamang na maging panlalaki. Gayunpaman, ipi-
nagpatuloy ng mga paaralang Katoliko ang pagiging eksklusibo
para sa babae o lalaki, dahil sa takot nila sa tukso ng imoralidad.
Tumutol sa "coeducation" hindi lamang ang mga pari at madre,
kundi pati mga mayayamang hispanisado at konserbatibong tulad
ni Felix Roxas, pagkat "di dapat itabi sa apoy ang kumot; pagkat
darating ang dimonyo at pag-aapuyin ito" {Roxas, 1970 p. 335).

Mga Kondisyong Pisikal at Pedagohikal


Upang maunawaan ang tunay na pagsasapraktika ng pagtutu-
ro at ang nilalaman ng pagtuturo, kailangang tingnan natin ang
mga sumusunod na detalye ng paaralan, guro, pamamaraan ng pag-
tuturo at teksbuk.

Ang Mga Paaralan


lsa sa mga pangunahing suliranin ng mga Amerikano sa pag-
papalaganap ng kanilang sistema ng ·edukasyon ang kawalan o
kakulangan ng mga pisikal. na paaralang angkop sa epektibong
edukasyon. Maraming paglalarawan sa mga unang "paaralang" ito
ang naiwan ng mga Thomasite. Ani Maud Jarman, isa sa maga nag-
turo noong mga taong 1901:
Mayroon kaming bodegang lupa ang sahig. Walang mga
mesa. Mayroon lang mga bangko. Walang sulatan, wa-
lang mga pisara. Ginamit ko ang papel na pambalot na
nakuha ko sa Commisary bilang pisara ... Dahil walang
chalk, gumawa ako ng brotsa na magagamit sa papel na
pambalot . . . Ginamit ko ang mga larawan sa mga de-
lata ... (Pecson and Racelis, 1959).
·l!lltiJr1g tutuusi'y masuwerte pa nga si Jarman, pagkat ang iba, ba-
lf/!"T'.a't may nadatnang mga paaralan, ay hindi naman makapagturo
~ mabuti sa mga paaralang ito. Ayon kay Mary Fee (1910), ang
44

kanyang paaralan diumano ay dinadagsa hindi lamang ng mga


bata kundi ng mga kambing, na naglalagusan sa pinto ng bintana,
ngunit hindi man lang pansin ng mga bata (Pecson and Racelis,
1959, pp. 61-62). Ang iba nama'y pinaubaya na ang mga paaralan
noong panahon ng Kastila sa mga sundalo. (Ginawa itong mga
tambakan na siya naman daw bagay sa mga paaralang ito). Ani
R.G. Mcleod (1914):
Nilinis ang matatandang labi [ng mga bahay] at [nilag-
yan ang mga ito] ng pansamantalang dingding at bubong
na gawa sa kawayan, dahon ng niyog, o damo, kung alin
ang pinakamadaling kunin. Nagtulos ng mga maiigsing
kawayan sa lupa at ipinatong at itinali dito ang balang-
kas ng mahahabang kawayan na nagsilbing upuan at me-
sa na rin. Kapag napagod na ang estudyante sa pagkaka-
upo niya sa kawayan, maaari siyang lumuhod sa lupa at
gamiting mesa ang kawayan. Pagkatapos, kung abutin na
siya ng pagod na data ng di-regular na kustumbre [sa
pagkain], ng kakulangan sa tamang pagkain, at ng pag-
uulit-ulit ng isang banyagang wika nagiging unan naman
ang kawayan para sa munting ulong nahahapo. (Pecson
and Race lis, 1959, p. 10).
Gayunpaman, may mga gurong nahumaling sa ganitong mga kon-
disyon: Ani Alice M. Kelly (1912):
Sinimulan ko ang isang paaralan para sa mga lalaki no-
ong 1901, sa ilalim ng mga puno ng pino at ng langit na
bughaw ... Walang mga aklat, ngunit naroon naman ang
langit, ang mga puno, ang damo- oo, ang napakaraming
bagay na mapipi.tasan namin ng mga leksiyon, kahit sa
mga panahong yaon. (Pecson and Racelis, 1959, p. 79).
Sa Maynila, ang mga ginawang paaralan ay karaniwan nang
mga gusaling dati'y pinanghahawakan ng Departamento ng Giyera.
Halimbawa nito ang Cuartel Meisic sa Santa Cruz, na dati'y sa mga
militar, ngunit ibinigay na sa mga guro upang gawing paaralan
(Phil. Commission, 1906, p. 153). Magandang simbolo ng pataka-
rang Amerikano sa Pilipinas na ang kolonisasyon na dati'y ginawa
sa armas ay inilipat nasa bagong hukbo- ng mga gurong Amerika-
no.

Ang mga Guro

Sa pagsisimula, umangkat ang Gobyerno Insular ng 1,000 gu-


rong Amerikano upang makatulong sa pagsasaayos ng sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Ang unang grupo ay dumating noong 1901
45

sakay ng barkong U.S.S. Thomas (kaya Thomasite).


lba't iba ang naging dahilan ng pagpunta sa Pilipinas ng mga
grupong ito, kung kaya't natural lamang na maging iba-iba din ang
kanilang aktitud sa pagtuturo at sa kanilang mga estudyante. Kara-
niwan nang ilarawan ang mga gurong ito bilang mga mapagmalasa-
kit, maunawain, at mabubuting guro. Marahil ay may katotohanan
ito.
Ngunit totoo din naman na marami sa kanila ay mga oportu-
nistang tulad ni Blaine Free Moore na nagsabing ang mga estudyan-
te niya'y "170 nagkislot-kislot, nag-aalumpihit~ madadaldal na bar-
baro," na ang mga gurong Pilipino ay '~kayumangging mala-taong-
gubat," hindi daw dapat turuan an.g mga Pilipino na sila'y kapan-
tay ng iba pang tao at narito ang mga Amerikano para sa kanilang
kabutihan; na "ang tanging paraan para mapanghawakan ay mga
taong ito ay sa tanging paraang nauunawaan niya ... viz. sa pagpapa-
kita ng dahas;" na kung pagtuturo lamang daw ang kanyang aatu-
pagin ay uuwi na siya kaya't mabuti pang magmina na lamang si-
ya. Hindi katakataka na sabihin ng isa pang grupong Amerikano, si
de Laguna, na ang bagong mga gurong Amerikano ay "lehiyon ng
mga mandarambong (carpet-baggers), na dumatal upang pagsaman-
talahan ang bayan sa kani-kanilang munting paraan" (May, 1976,
p. 153). Di ito dapat pagtakhan pagkat marami naman sa mga gu-
rong ito ay dumating dito dahil sa hindi kanais-nais na dahilan, o
dili kaya'y "dahil sa pakikipagsapalaran at kuryosidad" (Aizona,
1932, p. 236).
Kinuha ang mga Amerikano upang maging superbisor lamang
ng mga gurong Pilipino, ngunit nang makita ng nauna na "kulang
na kulang" ang paghahanda ng mga gurong Pilipino sa pagtuturo,
napilitan na ring maging classroom teachers ang mga Thomasites.
Sa pagdaan ng mga taon, nang marami-rami na ring mga Pilipino
ang nagtapos sa Normal School, unti-unting napunta ang mga
Amerikano sa pagka-superbisor o superintendent hanggang sa tulu-
yan nang lumaganap ang Pilipinisasyon.
Hinggil sa pamamaraan ng pagtuturo ng mga grupong ito,
maraming pumupuri sa kanila dahil sa makabagong pamamaraan.
Wika ni Alzona, nagustuhan ang mga gurong ito dahil mayroon na
si lang mga "lesson plans"; ginagamit nil a ang :'project method";
maliliit ang klase nila kung kaya't nakukuha nilang makilala ang
kanilang mga estudyante; ang mga eksamen nila ay isinusulat, at
nindi na "objective type" kundi "essay type" upang mag-isip ang
oata; may mga aklatan na; mayroon nang mga klub para sa musika,
drama, atletiks at iba pa (Aizona, 1932, p. 234). Higit sa lahat,
oantay-pantay diumano ang tingin ng mga guro sa mga estudyan-
te; mahirap man o mayarnan, sila'y tinuturing na mga tao (Alzona,
46

1932,p.99).
Gayunpaman, hindi marahil dapat paniwalaan ang lahat ng
papuring ito, pagkat isang penomenon sa unang mga dekada ng
edukasyon publika sa Pilipinas ang mga pag-aaklas ng mga estud-
yante laban sa mga guro nilang Amerikano. Noong 1927, nag-
aklas ang mga estudyante sa Cavite High School dahil sa pagpapa-
hiya ng gurong Amerikano sa kanyang mga pinaparusahang estud-
yante. Pinapagdadala daw ang mga estudyanteng ito ng "colored
tags" sa loob at labas ng silid para malaman ng lahat na sila'y pina-
rurusahan (Roxas, 1970, p. 27).
Sa San Miguel, Bulacan, ayon sa isang artikulo sa Liwayway,
nagsipag-aklas noong Nobyembre 15, 1907 ang mga mag-aaral
dahil sa masamang kaugaliang ipinamalas sa tuwituwina
ng tagapagturong amerikana nasi Miss McReynold.
Sila raw ay nagsipagsabi na noong araw kay Mr.
Bordner tungkol sa palagi na pagpapamagat sa kanila ng
tagapagturo ng mga tawag na ungoy, kambing, tupa at
kung ano ano pang mga tawag na pagago. Ang balang
makagalitan ay pinagbubuhatan kaagad ng kamay at
hanggang sa may isang sinampal, niyugyog ang iba at sa
bintana naman ay inilalawit ang katawan ng iba pa. Si
Mr. Bordner ay nangakong hindi na gagawa ng anomang
masama ang nasabing tagaturo, ngunit nakaraang ang
may isang linggong hindi gumamit ng pagalimura at pag-
sakit sa mga bata ay inulit na naman ang dating karumal-
dumal na ugaling iyon, bagay lamang sa mga ganiyang
hubad sa karangalan at pagkamagandang asal, at noon
ngang ika-15 ng buwang nakaraan, ay nanampal na na-
man sa isang batang nagngangalang Venturina. ("Mga
Batang Nag~klas," 1907, p. 133).
7

Masasabing tila karaniwan ang pang-iinsultong ito, pagkat siya ring


naging dahilan ng pag-aaklas ng mga bata sa Bulacan High School
noong mga 1930 at sa isang paaralan sa Maynila nooong panahon
ding yaon, na siyang pinagkahiwalay ng landas ni Quezon at ni
Benigno Ramos, (ang huli'y isa sa mga nagsipag-aklas) (Antonio,
1975, p.9).
Ngunit sasandakot lamang ang mga gurong Amerikano kung
ihahambing sa dami ng mga gurong Pilipinong siyang tunay na na-
mahala sa mga paaralan sa Pilipinas sa iba't ibang antas. Marami sa
mga gurong Pilipinong ito ay nagsipag-aral sa mga paaralang nor-
mal upang mahasa sa Ingles at sa pamamaraang pang-edukasyon
ng mga Amerikano. Sa mga unang taon, masasabi marahil na na-
ging mapurol pa ang mga gurong ito bilang instrumento sa pag-
47

papalaganap ng Ingles at ng kultura nito. Ngunit sa pagdaraan ng


mga tcon, at sa "pagtataas" na rin ng pamantayan o istandard ng
pagtuturo sa mga paaralang normal, naging epektibo na rin sa pag-
tuturo ng maka-kanluraning edukasyon ang mga ito.
Maliban sa paaralang normal sa Pilipinas, ang mismong mga
unibersidad na rin sa Estados Unidos ang siyang humubog sa iba
pang gurong Pilipino, lalo nasa Unibersidad ng Pilipinas na nagka-
roon ng isang plano para sa sistematikong pagpapadala at pagpapa-
aral sa mga guro ng Unibersidad sa Amerika. Ang mga pensyona-
dong ito ang nalubog at "naburo" pa nga sa "awtentikong" edu-
kasyong Amerikano. Kung maalalal ang mataas na pagtingin sa
mga doktor ng pilosopiya na nanggaling sa Amerika noon at nga-
yon, masasabi natin na tunay ngang naging ideyal para sa mga gu-
rong Pilipino ang maging kasing- "husay" at kasing- "edukado"
(Amerikanisado ang tunay na ibig sabihin) ng kanilang idolong
gurong Amerikano.
Nalunod sa agos at baha ng mga gurong Amerikanisado ang
mga nasyonalistang tulad ng nagsipagturo sa Escuela de Derecho
at Liceo, na tila naging anakronismo na dahil sa kanilang pag-ibig
sa kalayaan, sa panahon ng malawakan at masugid na Amerikani-
sasyon.

Ang mga Teksbuk

Sa pangkalahatan, ang mga teksbuk na ginamit sa lahat ng


antas ng edukasyong publika sa unang mga taon ng mga Ameri-
kano sa Pilipinas ay pawang inangkat sa Amerika. Paunti-unti,
napalitan ang mga teksbuk na ito ng mga aklat na sinulat ng mga
Amerikano at/o Pilipino para sa mga estudyanteng Pilipino. Ting-
nan natin ang ilan sa. mga teksbuk na gina mit sa pagtuturo ng wika
at panitikang Ingles; sa iba't ibang antas.
Sa antas na primarya, ang mga teksbuk noong unang dekada
ay nasa sa wikang Kastila, pagkat inakala ng mga Amerikano na
ang mga Pilipino ay marurunong ng Kastila, dahil sila'y napaila-
lim sa mga Kastila nang tatlong dantaon. Nang makita nila ang ka-
nilang pagkakamali, umangkat ng mga teksbuk sa Ingles ang mga
Amerikano sa Pilipinas. Ang ilan sa mga unang "readers" na inang-
kat ay ang Baldwin Readers na siyang gamit sa paaralang primarya
sa Estados Unidos. Ngunit hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang
teksbuk na ito na naglalarawan ng "lily-white children and hard-
working middle class parents, living in a sturdy wooden homes in
prosperous American towns and cities," pagkat tunay namang ban-
yaga sa kanila ang mga ito, tulad na rin ng mga katagang "straw-
berry," "Jack Frost," at "fairy" (May, 1976, p. 147).
48

Higit na nagustuhan ng mga bata ang Insular Readers na tala-


gang ginawa para sa mga batang Pilipino. Dito'y may mga tauhan
nang nagngangalang Maria, Juan, Manuel at Rosita, at mga bagay-
bagay na kilala nila, tulad ng mangga, kalabaw, karomata, niyog,
abaka, kasko, at pagbabayo ng palay. Gayunpaman, pinansin ni
May na bagama't Pilipino nga ang nakikita sa libro, ang mga bagay
na ito'y ginamit lamang upang maparating ang mga "American va-
lues" (May, 1976, p. 150).
lsa sa mga values o pagpapahalagang ito ang pagsunod, lalo na
sa pag-aaral, na makikita sa siping ito mula sa isang babasahin sa
Grade II ng Insular Readers:
This boy did not go to school.
He went to play in the water.
He does not like to go to school.
He does not like to read and write.
He does not like his teacher.
He will not make jars and baskets.
He will get water for his mother.
He will carry the baskets for her.
He is not a good boy.
He is a bad boy.
He will not be a good man. (May, 1976, p. 160).
Ganito din ang tinukoy ng mga teksbuk sa Good Manners and
Right Conduct na ginamit simula noong 1913.
Bagamat mayroon nang mga Insular Readers, nagpatuloy pa
rin sa ilang paaralan ang paggamit sa mga "reader" na Amerikano,
tulad ng Kendall Series of Readers mula sa Grade I hanggang
Grade VIII. Sa mga teksbuk na tulad nito unang nabasa ng batang
Pilipino ang iba't ibang istorya, .alamat o kasaysayan ng mga daki-
lang Amerikano (Kendall and Stones, 1924).
Para naman sa kasaysayan ng Amerika, isa sa naging teksbuk
sa elementarya ang Primary History of the United States na nagsa-
salaysay ng "War of Independence," ng "War of 1812," ng "Civil·
War" at ng administrasyon ng mga naging presidente, ng "tagum-
pay" ni Dewey sa Pilipinas (Primary History of the United States,
1899).
Higit na marami ang teksbuk para sa panitikan at kasaysayan
ng Amerika sa paaralang sekundarya. Sa unang taon pa lamang, ki-
nukuha na ang Evangeline ni Longfellow, ang Philippine Prose and
Poetry (na binubuo ng mga akda sa Ingles ng mga Pilipino), A His-
tory of the United States ni Burnham at Melencio. Sa pangalawang
taon, pinababasa ang Sohrab and Rustum ni Arnold, ang Selec-
tions from Irving's Sketch Book. Sa pangatlong taon, ang English
49

Poems from Chaucer to Kipling, ang Silas Marner ni George


Eliot, ang Merchant of Venice ni Shakespeare. Sa pang-apat na
taon, pinatutuloy ang English Poems from Chaucer to Kipling,
at kinukuha ang Life of Samuel johnson ni Macaulay, at ang Mac-
beth ni Shakespeare. Sa lahat ng taon, may mga teksbuk sa pagsu-
sulat ng Ingles (Aizona, 1932, pp. 232-34).
Sa antas ng Unibersidad, higit na marami na ang pagpipiliang
mga teksbuk, kung kaya;t mahirap matukoy ang mga ito. Sabihin
na lamang na hanggang nitong huling dekada ay halos angkat pa
rin sa Amerika ang mga teksbuk sa Ingles na ginagamit sa Unibersi-
dad ng Pilipinas. Samantalang naging popular bilang teksbuk ang
mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas ni Gregorio Zaide na ang pa-
nanaw ay maka-Kastila, maka-Amerikano, at maka-Katoliko.

Ang mga Reaksiyon sa Bagong Sistema ng Edukasyon


Hindi maaaring hindi magkaroon ng reaksiyon ang mga Pili-
pino sa isang sistema ng edukasyon na sinlawak at sinlalim ng iti-
~atag ng mga Amerikano sa Pilipinas. Mahahati ang mga reaksi-
yong ito sa mga sumusunod: a) ang reaksiyon ng mga Pederalista,
b) ang reaksiyon ng mga Nasyonalista, k) ang reaksiyon ng mga
Katoliko, at d) ang reaksiyon ng mga kasike.
Di dapat pagtakhan na ganap at masugid ang pagtataguyod
"lg mga Pederalista sa sistema ng edukasyon ng mga Amerikano,
::Jagkat ang ideolohiya ng partidong ito ay ang paghihigpit ng relas-
yon ng Pilipinas sa Estados Unidos, na tinitingala bilang bukal ng
demokrasya at ng lahat na yata ng mabuting bagay sa mundo. Ang
pinaka-kampiyon ng Partido Pederal ay si Trinidad Pardo de Tave-
ra, na nagsabing hindi dapat sansalain o tutulan ang edukasyong
dala ng mga Amerikano, p_agkat tanging ang edukasyon lamang na
ito ang siyang hahango sa atin sa ating mababang kalagayan, na
dapat pa nga tayong magtiwala sa lahing Anglo-Sahon, pagkat sila
ang "trustees of civilization" na magtatagumpay at iiral sa mundo
iito'y alingawngaw ni Josiah Strong at iba pang kampiyon ng
'Manifest Destiny"), na hindi dapat ikatakot ng mga Pilipino na
::Jaka mawala ang kanilang pagmamahal sa kalayaan dahil sa edu-
'asyong ito, pagkat sa katunayan, ang edukasyon pa ngang ito ang
"luhubog sa malayang Pilipino. Aniya:
Ang edukasyong ito ang siyang tanging paraan upang
magawang pamahalaan at patakbuhin ng sambayanang
Pilipino ang sarili nilang gobyerno ... Ang sambayanang
Pilipino, na edukado, malaya, at may kakayahang mag-
tamasa ng pamamahala-sa-sarili at karapatan sa kalayaan,
ay huhubugin ayon sa edukasyong ibinibigay ng mga gu-
50

rong Amerikano at Pilipino. Sa kanilang pagpupunyagi,


lalabas din balang araw ang isang bansang may kakaya-
hang lumuklok sa piling ng iba pang mga bansa. (Tavera,
1928,p. 189).
• • - r 1 - • ,

Tulad ni Tavera, sinabi ni Rafael Palma na dapat magpasalamat


ang Pilipinas "na nakadaupang-palad nito ang dalawang bayan [ang
Espanya at ang Amerika] na kapwaa nagpahintulot sa pagka-unlad
ng Pilipino at tumulong sa mga Pilipino sa kanilang kaunlaran"
(Palma, 1928, p. 240).
Negatibo ang pangalawang reaksiyon sa edukasyon ng mga
Amerikano na nanggaling sa mga Nasyunalista, na siyang bumubuo
ng intelihensiyang nasa sa mga paaralan 1 propesyon, Asamblea Fili-
pina, at lalong-lalo na sa pahayagang £/ Renacimiento. Sa huling
pahayagan kinabaka ng mga Nasyunalistang tulad ni Kalaw, ang
unti-unting pagkawala ng "diwang Pilipino" dahil sa "mapanuk-
song pakana ng Anglosahonismo." Sa kontekstong ito, nilabanan
nina Kalaw ang "paggamit sa Ingles, ang wika ng mananakop na
Amerikano, sa mga paaralan" (Kalaw, 1965, p. 43).
Silang reaksiyon nila sa edukasyong maka-Amerikano, itina-
tag ng mga Nasyunalista ang Liceo at ang Escuela de Derechong
nabanggit, upang makahubog ng mga "tunay na Pilipino." Ngunit
totoo namang may kalabuan ang nasyunalismo ng mga Nasyu-
nalistang ito, pagkat sa Escuela de Derecho mismo'y nandoroon
ang dalawang nagbabanggang ideolohiya ng pederalismo (Juan
Sumulong) at nasyunalismo (Rafael Palma, sa unang dekada.)
Malabo din naman ang ginawa nilang mungkahi para sa isang Uni-
bersidad ng Pilipinas na oo nga't walang relihiyoso ngunit domi-
nado naman ng mga Amerikan.ong guro't administrador at maka-
Amerikanong n1ga gu'ro. Makahulugan marahil ang unti-unting
pagbaling ng mga Nasyunalista na ring ito noong mga deka\:ia 30,
tungo sa pagtanggap at pagtingala pa nga sa sistema ng edukasyon
ng mga Amerikano, tulad ng matutunghayan sa Nasyunalistang
si Rafael Palma.
Ang pangatlong reaskiyon ay nqnggaling sa mga relihiyoso na
ang karamiha'y mga Kastila pa rin hanggang sa pangalawa o pa-
ngatlong dekada. Silang mga Katoliko sarado, natural lamang
na hindi magtiwala ang mga relihiyoso sa mga protestanteng Ame-
rikano. Marami sa mga Pilipino, lalo na ang mayayaman, ay su-
mang-ayon sa mga relihiyoso, kung kaya't nabuo na ang "panga-
ngailangan" para sa pagpapatuloy ng mga paaralang tulad ng Ate-
neo at Letran at para sa pagtatatag ng mga eskwelang tulad ng St.
Scholasticas's, La Salle at San Seda para sa mga anak ng mga Kato-
likong ito. Ani LeRoy:
51

Ang pagtatatag ng eskwelahang pribado ay sagot na rin


sa takot ng ilang magulang na ang mga eskwelang publi-
ko ng mga Amerikano ay "walang Diyos," bagaman ang
mga paaralang sinimulan ng mga paring Romano Kato-
liko ay hinubog, unang-una, para labanan ang pagtutu-
rong lubusang sekular. (LeRoy, 1968, p. 126).
At di rin naman nagkamali ang mga relihiyoso, pagkat, tulad ng
nangyari noong 1901 pa lamang, ayaw pu mayag ng mga Ameri ka-
na na magkaroon ng kurso sa relihiyon sa mga paaralang publiko.
Ang panghuling reaksiyon ay nanggaling sa mga kasike at
mayayamang maylupa. Naibigan ng mga ito ang makabagong edu-
kasyon na makatutulong sa "progreso" ngunit hindi nila nagustu-
han ang demokratikong katangian nito. Wika ni Le Roy:
Kung minsa'y hayagan nilang isinasaad ang di nila pag-
sang-ayon sa maigting na pagnanais na ipinapakita ng
gobyerno na ipadala sa mga paaralan ang mga "anak ng
bayan," at maya't maya'y may kasikeng makaluma na
nagsasabi nang tahasan, na hindi naman inihahanda ng
gayong edukasyon ang mga "pilyong" ito para sa kani-
lang gawain. (LeRoy, 1968, p. 111 ).
At talaga namang nagpakataas-taas ang mga anak ng kasike sa
rnga paaralang publiko. Sa San Miguel, Bulacan, isang gurong Ame-
...:kano ang nagsabi na upang matuto ng kapaki-pakinabang na
gawain ang mga bata ay inutusan niya ang kanyang mga estudyan-
lle upang kumuha ng kawayan sa may ilog para gawing bakod sa
paaralan. Namangha siya nang kinabukasa'y dumating ang mga ba-
ta - ngunit kasama ang kani-kanilang mga mutsatso na siyang pu-
putol ng kawayan.
Kung minsa'y nagi·ging katawa-tawa ang ganitong pagmata sa
rnaruming" lupa. Ani Wolff, tungkol sa bersiyon ng baseball sa
P:lipinas:
Ngunit buong lun!Jkot na iniulat ng mga pahayagang
Amerikano na nahihilig ang mga katutubo sa pagbabago
ng mga banal na alituntunin ng banal na laro, dahil ang
mga katutubong galing sa mabubuting pamilya at may
kilalang pangalan sa militar ay ayaw pumayag na ma-
rumhan ang kanilang dignidad sa pagtakbo-takbo sa mga
bases; ibig lamang nilang humampas ng bola. (Wolff,
1971,p.351)
Gayunman, di rin nagtagal at nawalang isa-isa ang mga nega-
.-oong reaksiyon sa sistema ng edukasyon ng mga Amerikano,
...,g ito'y maging popular at nang ito'y tauhan ng mga Pilipino na
52

mismo. Pinakamatagal na naging kontra sa edukasyon ng Unibersi-


dad ng Pilipinas ang sektor na Katoliko na patuloy paring pinapa-
sukan ng mga anak ng mayayaman at konserbatibong pamilyang
natatakot sa "ateismo" at "komunismo" ng pambansang paman-
tasan.

Paglalagom: Ang Edukasyong Kolonyal

Dalawa ang naging taktika ng Espanya sa pagpapanatiling ko-


lonya sa Pilipinas noon!,:~ Dantaon 19. Dalawa din ang naging pa-
ngunahing taktika ng Amerika sa Dantaon 20 upang mapanatiling
kolonya ang Pilipinas, kahit ito'y bigyan na ng "kalayaan." Ang
dalawang taktikang ito ay sumulpot nasa unang dekada pa lamang
ng ating dantaon, sa katauhan ng dalawang naging direktor ng edu-
kasyon noon. Kinatawan ni Fred Atkinson (1900-1902) ang takti-
ka ng pagbibigay-diin sa gawaing manwal o industriyal: samanta-
lang sinagisag naman ni David Barrows (1903-1909) ang taktika ng
pagbubukas ng isip ng Pilipino sa karunungang "liberal" o "pampa-
nitikan." Ang unang paraan ay natuon sa antas ng hindi nakariri-
wasa, samantalang ang pangalawang paraan ang siyang nagamit pa-
ra sa intelehensiya, mayaman man o mahirap, at ibang propersyu-
nal na nakapag-aral sa matatas na paaralan at unibersidad.
Alinman sa dalawang taktikang ito ay kapwa umano para sa
paghahanda sa Pilipino upang matutuhan niya ang kanyang karapa-
tan, upang sa gayo'y matututo siyang umugit sa sari ling gobyerno.
Wika nina Blair at Robertson hinggil sa pag-unlad ng edukasyong
industriyal sa Pilipinas:

Dapat maging pangunahin sa mga gagawing pagpapa-un-


lad ang edukasy'ong industriyal, na. di lamang magsasa-
nay sa kahusayan ng Pilipino sa paggawa-sa-kamay sa ta-
mang paraan, kundi magtuturo rin sa kanya ng dignidad
ng paggawa-sa-kamay, anuman ang kanyang ranggo o es-
tado, at sa gayo'y makatutulong sa paghahanda sa kan-
ya, at makapagpapadali sa panahong matatamasa na niya
ang pamamahala-sa-sarili nang higit kaysa ngayon. (Blair
at Robertson, Torno 46, p. 367).
At sinabi mismo ni Barrows na dapat magkaroon ng edukasyon
para sa lahat mismo ni Barrows na dapat magkaroon ng edukasyon-
para sa lahat ng uri ng Pilipino sa :lahat ng komunidad, pagkat itol
lamang ang makapagpapalaya sa kanila at magpapaunawa sa kanila.
ng kanilang mga karapatan. Wika ni Barrows: "Dalawang taon Ia~
mang ng pagtuturp sa bata ng aritmetika ay sisira, sq loob ng isan
henerasyon, sa nakaririmarim na pakikisama o gapos ng pagkaka-
53

utang na siyang umiiral ngayon sa kanayunan." (May, 1976, p.


159).
Ngunit alinpaman sa dalawang taktikang ito ay hindi naka-
tulong sa layuning gawing "mamamayan" ang Pilipino. Wika ni
May: "Ang trahedya ng pagpupunyagi ng edukasyong Ameri kana
ay ito, na sa kabila ng magaganda nitong layunin, ay di naman na-
ihanda ng Bureau of Education ang mga Pilipino, sa pagiging mama-
mayan man o sa paggawang kapakipakinabang" (May, 1976, p.
183). Sinabi niya ito tungkol sa sistema ng edukasyon noong
unang dekada, ngunit naniniwala kami na maari itong sabihin hing-
gi I sa sistemang pang-edukasyon ng mga Amerikano hanggang
noong 1930.
Kung pakalilimiin, maidurugtong natin na ang tunay na dahl-
ian kung bakit hindi nagtagumpay ang sistemang ito sa paghubog
ng tunay na "mamamayang Pilipino" ay pagkat hindi naman ito
ang tunay na layunin ng sistema, kundi manapa'y ang paghubog ng
mga Pi/ipinong magiging matapat sa in teres na Amerikano. lpaliwa-
nag l'lat:n ito.
i\Jegatibo ang prinsipal na maging epekto ng pagbibigay-diin sa
uri ng edukasyong industriyal sa mga Pilipino. Hindi namin sinasa-
bi na hindi maaaring maging positibo ang edukasyong industriyal;
sinasabi lamang namin na ang pagkakagamit at pagkakapalaganap
nita sa mga Pilipino sa panahong iyon ay nakabuti lamang sainte-
res ng mga Amerikano. Una, ang mga paaralang industriyal, tulad
ng nabanggit na, ay talagang t~mugon sa pangangailangan ng indi-
bidwal na pangangailangan o sa pangangailangan ng Gobyerno In-
sular. Binigyang-diin ang pagbuburda at paggawa-ng-engkahe sa
mga panyo, kobrekama, takip sa mesa at lingerie, hindi dahil ito
ang kailangan ng mga nagbuburda, kundi dahil ito ang higit na pag-
kakakitaan ng Amerik~nong kapitalistang nagbibili nita sa Amerika.
Binigyang-diin ang schools of arts dnd trades, hindi dahil sa pagga-
wa ng aparador o paggawa sa kahoy ang unang pangangailangan ng
Pilipino, kundi dahil ang mga paaralang ito ang makagagawa ng
mga muwebles at gusaling kailangan ng Gobyerno Insular. Ang
agrikultura ay lagi nang pinagdiinan ng mga Amerikano, hindi
upang tayo'y maging sagana sa palay, kundi upang tayo'y maging
sagana sa palay upang huwag na tayong mag-asam pa ng industri-
yalisasyon, na siyang prinsipal na pinagkakakitaan ng mga Ameri-
r~ano sa bansa. Pinamutiktik ang mqa taqamakinilva. istenograper,
tagatala ng kuwenta at tagabenta, hindi dahil sa ito ang kailangan
ng mga Pilipino kundi dahil ito ang mga gala may na magpapagalaw
sa industriyang Amerikano sa Pilipinas. Kangino nga bang mga pro-
dukto ang ipagbibili ng mga tagabentang ito, halimbawa, kundi
arodukto na rin ng mga industriyang Amerikano sa Pilipinas? To-
toong kumikita rin naman ang mga Pilipino sa kanilang paggawa ng
54

mga trabahong nabanggit, ngunit sa higit na malawak na perspekti-


ba, ang kanilang trabaho ay siya na ring "mantikang pinaggigisa-
han sa kanila."
Bukod pa sa rita, ang pagbibigay-diin sa gawaing industriyal
ay pagbibigay-diin na rin sa kamay at hindi sa utak ng isang tao;
ito'y paggawang makina sa tao, makinang magagamit ng sinumang
umupa, kahit ito'y nakasasama sa sariling bansa. Kaya nga't napa-
kalaki ng kontradiksyon sa siniping bahagi mula kina Blair at Ro-
bertson, na nagsasabing sa pamamagitan ng pagka-unawa ng Pili pi-
no sa "dignidad ng paggawa" ay matututo siyang maging ganap na
"mamamayan." Kung tutuusi'y wala namang pinagkaiba ang tak-
tikang ito, sa mungkahi ng mga prayleng tulad nina Zamora, na
panatilihin na lamang ang mga "Indio" sa mekanikal na gawain
pagkat ito ang "kaya" ng kanilang pag-iisip. Di ba't isang uri na rin
ito ng brutalisasyon? Di ba't ang hayop ay hindi maaaring maging
"mamamayan" kailanman?
Sa kabilang dako, higit kayang maihahanda ang mga Pilipino
para sa pagsasarili, kung ibababad sila sa "edukasyong literaryo" o
"liberal" na karunungan? Sagot nami'y /along hindi. Kung tutuu-
sin, ito ngang uri ng edukasyon na ito ang namalasak sa Sangkapu-
luan, sa lahat ng antas ng edukasyon ng mga Amerikano, kung ka-
ya't nagtagumpay nang di gayun-gayon lamang ang "mapayapang"
kolonisasyon ng Pilipinas. Dahil sa "literaryo" at "liberal" na edu-
kasyong ito, naging ganap nang Amerikano ang pag-iisip, pag-uuga-
li, panlasa, at pangkalahatang pananaw ng mga Pilipino.
Noong mga taong 1906 pa lamang, napuna na ni Kalaw ang
pagbabago sa ating mga babaeng nagtapos o nag-aral sa Normal
School. Ayaw na raw matawag na da/aga ng mga ito, kundi girls.
Mistulang mga Amerikana na sila "nag-uuusal ng banyagang wika,
habang hawak ng kaniyang kamay ang talaksan ng mga aklat na
Ingles." (Kalaw, pp. 41-42). At di lamang sa Maynila, kundi sa mga
probinsiya man ay naging ganap ang tagumpay sa kolonisasyon ng
mga bata sa paaralang elementarya. Wika ni Juan Pimental, gober-
nador ng Ambos Camarines noong 1903:
Wala nang higit pang matatag na Amerikanista sa probin-
siya kundi ang mga mag-aaral na sa nakaraang dalawa o
tatlong taon ay napailalim sa personal na impluwensiya
ng gurong Amerikano, at hindi basta nawawala ang ga-
yong bagong pananaliq sa mga pamamaraan at ideyang
Amerikano. (Pecson at Racelis, 1959, p. 751.

At kung ang mga bata at gurong nag-aral sa Pilipinas ay naging


Amerikanista, ano pa nga kaya kundi ganap nang Amerikano ang
mga pensyunadong nanggaling sa Amerika, sa mga unang deka-
55

dang ito? At hindi ito matatawag na eksahersayon, pagkat kung


ang mga mag-aaral na Pilipino na nanatili sa Pilipinas at kumuha
pa ng mga asignaturang tulad ng kasaysayan at gobyerno ng Pili-
pinas ay naging Amerikanisado din, ano pa nga kaya ang mang-
yayari sa mga Pilipinong nagtira sa bansang Amerika mismo at
nag-aral sa mga unibersidad na Amerikano na ang kurikulum ay
para sa mga Amerikano?
Kung kaya naman, malinaw din na bagama't naging "demo-
kratiko" ang edukasyon pagkat ito'y nakarating hanggang sa mga
baryo at naabot ng mahihirap, hindi naman naging para sa pagpa-
patatag ng tunay na demokrasya ng mga Pilipino ang edukasyong
iyon, pagkat ang batang makatapos sa paaralang yaon ay totoo na-
mang nagiging kaaway na ng tunay na pagsasarili ng kanyang ban-
sa. Ang diploma mula sa mga paaralan ng mga Amerikano ay pag-
papakilala na rin sa batang nagtapos bilang Amerikanisado.
Kung kaya naman, ni walang batayan ang inis at takot ng mga
kasike sa "demokratikong" edukasyong ito; ang edukasyon pa
ngang ito ang nagpanatili sa status quo, pagkat kung tutuusin ay
hindi naman ninais ng mga Amerikano na baguhin ang piyudal na
kaayusan ng gobyerno, pagkat higit na madali para sa interes ng
mga Amerikanong kapitalista ang piyudal na sistema kaysa demo-
kratikong sistema. Sa piyudal na sistema ang kailangan na lang
"kausapin" at "ayusin" ay ang ilang may-ari ng lupa, na siya ring
nasa sa gobyerno.
Ngunit ano naman ang sama ng pagiging Amerikanisado? Di
ba't ang lahat naman ng kultura ay nanghiram ng iba't ibang bagay
sa ibang bansa? Totoong walang kulturang dalisay, ngunit hindi
ito ang puntong dapat isaalang-alang. Nakasama ang amerakani-
sasyon, hindi dahil sa mga indibidwal na mga aspekto 'ng "kaunla-
rang" natutuhan sa mga Amerikano, kundi dahil sa pangkalahatan,
ay bumuo ito ng kaisipan at panlasang kolonyal na nagtali sa ating
bansa sa ekonomiya ng Amerika. Walang iniwan ang amerikanisa-
dong Pilipino sa isang addict ng opyo, na dahil sa kanyang "panla-
sa" ay bili na lamang ng bili ng "kailangan" niyang opyo, kahit
ito'y nakasasama na sa kanya.
Pinakamalinaw na pagpapaliwanag ng sama ng Amerikanisas-
yon ang isang artikulo ni Teodoro M Kalaw. Wika niya dito:
... Ang Amerikanisasyong lumalabas ngayon, kung ga-
yon, ay hindi lamang ang Amerikanisasyon ng mga paa-
ralan, teksbuk at institusyong pampulitika, kundi ang
Amerikanisasyon ng ating mga pangangailangang mater-
val, mula sa awtomobil, kurbata, sumbrero at kamisa-
dentro, hanggang sa pinakahuling papel at instrumen-
tong pansulat.
Lumikha ng pangangailangan sa lahat ng antas! -
Ito ang sigaw sa pagsalakay ng mananakop na kapitalis-
ta, ang sigaw na siya ring vae victis para sa bayang nasisi-
il pagkat walang sari ling buhay na industriyal.
Mayroong ibang uri ng pagiging banyaga o Amerikanisas-
yon, na dumarating, na naririto na, na nagpapalaganap
sa kanyang sarili, na ngayo'y higit na ang takas kaysa ka-
hapon, at bukas ay higit pa ang magiging pinsala kaysa
ngayon, at yao'y ang pagiging banyaga o Amerikanisas-
yon ng ating mga hangari't pangangailangan, na siyang
dahilan kung bakit tayo'y waring napipilitang gumamit
ng mga bagay na banyaga, o kaya'y pumanig sa banyaga
kaysa sa sari ling atin, dahil na rin sa kakulangan ng ating
pag-uugali. (Kalaw, 1930, pp. 195-96)
Dahil sa mga artipisyal na "pangangailangang" tinukoy ni Kalaw
ay naging biktima at patuloy pa rin tayong nagiging biktima ng
ekonomiya ng Estados Unidos.
Kung nagkaganito na nga at tayo'y nakatingala sa Estados
Unidos, at nakatali ang ating ekonomiya sa kanila, ano pa nga
ba ang ibig sabihin ng "kalayaang" ibibigay sa atin ng Amerika?
Di ba't malinaw na ngayon, na kung ito ma'y ibigay, ay pagkat
tayo'y "handa" na, sa kanilang pananaw, alalaong baga, amerika-
nisado na, kung kaya't tiyak na hindi na natin paaalisin pa o baba-
guhin pa ang mga interes ng Amerika sa Pilipinas.
Sa pangkalahatan, tunay na nagtagumpay ang sistema ng edu-
kasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, pagkat sa paraan man ng
paaralang industriyal o sa paraan ng edukasyong "liberal" at "lite-
raryo/' ay ganap na nahuli at naitali ng Amerikano ang Pilipino sa
kanyang interes. Naihanda kaya nita tayo para sa pagsas·arili? Pa-
lagay nami'y oo, ngunit sa limitadong "pagsasarili," na nagbigay sa
atin kunwari ng kalayaang pulitikal, habang pinanatili tayong ko-
lonya sa higit na mahalagang antaas ng ekonomiya.

Pangkalahatang Paglalagom
Sa walong dekada mu Ia 1863 hanggang 1935, nagdaan ang Pi-
lipinas sa tatlong rehimen na nagtangkang isagawa sa bansa ang ka-
ni-kanilang layunin. Sa huling mga taon ng kanilang dominasyon,
sinikap ng mga Kastila na mapanatili ang Pilipinas bilang kolonya
ng Espanya, sa antas ng pulitika at ekonomiya. Sa napakaigsing
panahon ng Republika ng Pilipinas, tinangka ng mga Pilipinong
ilustrado na magtatag ng isang bansang tunay na Pilipino, at
57

malaya sa pulitika, ekonomiya at kultura. Sa unang mga dekada ng


okupasyong Amerikano, sinikap ng mga Amerikano na matali ang
Pilipinas sa ekonomiya ng Amerika.
Sa pagsasagawa ng kani-kanilang layunin, malinaw na ginamit
ng Kastila, llustradong Pilipino at Amerikano ang sistema ng edu-
kasyon. Dalawang prinsipal na paraan ang pilit na isinakatuparan
ng mga Kastila. Pinalaganap ng mga "liberal" na Kastila ang edu-
kasyong primarya at sekundarya, upang mapadali ang hispanisas-
yon ng malawak na sambayanan, nang sa gayo'y maging realidad
ang asimilasyon ng kolonya sa lnang Bansa. Sinunod naman ng
mga prayleng Kastila ang paraan ng brutalisasyon sa sambayanan,
upang mapanatiling dungo at sunud-sunuran ang mga ito. Kapwa
di nagtagumpay ang dalawang paraang ito, dahil sa mga dahilang
natalakay na, at noong 1896 ay nag-alsa ang mga Pilipino upang
wakasan ang paghahari ng Espanya.
Hindi natin maaaring husgahan nang tiyakan at marahas, ang
edukasyon sa ilalim ng Republika. Sabihin na lamang natin na
ilinubog ng mga pinuno ng Republika ang edukasyon upang higit
'tong maging "Pilipino." Gayunman, naipakita natin na ang ken-
septa ng "Pilipino" ng mga pinuno ay pinakitid ng kanilang ilus-
trado, maka-Kastila, at mayamang pananaw, kung kaya't pinasu-
subalian natin ang maaaring naging tagumpay ng edukasyong ibig
sana nilang palaganapin. Kung hindi nawasak ang unang Republi-
<a, maaaring naging instrumento ito ng paghahari nman ng mga
ilustrado at mayayamang Pilipino, na siya na ngang nagtagumpay
sa pangalawang bahagi ng Himagsikan.
Nakita ng mga Amerikano na hindi epektibong paraan ang
armas para sa kolonisasyon ng Pilipinas, kung kaya't kinasangka-
pan nita ang edukasyon bilang instrumento ng pasipikasyon. Da-
l.awa ang kanilang paniamaraang ginamit. Sinikap ng ilang mga di-
rektor ng Bureau of Education na panatilihin sa antas ng edukas-
yong industriyal ang mga Pilipino, upang hindi gaanong mag-isip
at upang makatugon pati sa agarang pangangailangan ng kalakalan
sa Amerika. Tinangka naman ng ilang direktor at ng mga gurong
Amerikano at gurong Pilipinong maka-Amerikano, na palaganapin
ang "liberal" at "literaryong" edukasyon, upang matutuhan ng
-nga Pilipino ang kulturang Amerikano. Nagtagumpay ang data-
wang pamamaraan sa tunay, malawakan, at malalim na kolonisas-
','On ng sambayanan, tala pa't ginawang propaganda ng Amerika
"''a ito'y kanilang isasakatuparan "upang mahubog ang mga Pilipi-
-,o bilang mga ganap na mamamayan para sa kanilang pagsasarili."
;o-!igit na naging matagumpay ang Amerika sa paggamit ng edu-
!(asyon bilang instrumento ng paghahari, pagkat nagawa nila itong
-nalawakan at nabigyan nila ito ng maganda't "mabait" na mukha.
58

Kapansin-pansin sa lahat ng panahon at rehimen na, baga-


ma't ang nagsisimula o nagpapalaganap ng sistema ng edukasyon
ay ang minoridad sa itaas (banyaga man o Pilipino), ang kanilang
pinupuntirya palagi ay ang malawak na masa ng sambayanan. Sa
ganang amin, ito ay pagtanggap at pagkilala na rin sa masa bilang
pinakamahalagang elementong makapagpapasiya sa tagumpay o
pagkatalo ng isang rehimen. Kahit ang mga prayle at Amerikanong
nangmata sa masa ay nagsikap sa kani-kanilang paraan na masupil
ang masang iyon.
Gayunman, bagamat masa ang laging pinagtutuunan ng masi-
gasig na atensiyon ng mga edukador, wala isa man sa mga rehimeng
nabanggit ang tunay na nagsaalang-alang o nakaunawa kaya sa in-
teres ng sambayanan, na siyang dapat na pinaglingkuran sana ng
edukasyon. Ang lahat ay nagsumikap na masupil, rna-indoctrinate,
o gawing "Kristiyano" o "sibilisado" o gawing "producktibo" ka-
va ang rnasa, ngunit walang nagtanong kung ang mga paraang ito
ay nakabubuti sa kabuhayan ng magsasaka, ng manggagawa, at
iba pang "maliliit na tao."
Kung pakakaisipin, wala isa man sa mga sistema ng edukas-
yong tinalakay ang nakabuti sa sambayanan. Sapagkat ang mga sis-
temang ito'y ibig lamang gumamlt sa kanila. Kung tunay ngang ka-
butihan ng masa ang isinaalang-alang, nakita sana na ang tunay na
kabutihan ng sambayanang yaon ay ang pagpapalaya sa kanila sa
larangan ng ekonomiya, ang pagpapalaya sa kanila sa mga puwersa
na sumipsip sa kanilang dugo at pumuti ng kanilang mga buhay, sa
ilalim ng mga Kastila, llustradong Pilipino at Amerikano. Walang
isa man sa mga sistema ang nagsikap na imulat ang masa sa
kanilang tunay na karapatan na mabuhay nang malaya at mara-
ngal, nang hindi pil'}agsasamantalahan ng iisang uri o lahi, maging
ito ma'y marahas o· "mapagkandili."
Masakit pa ngang 'isipin, na sa kasaysayan ng ating bansa, ang
masa ang siyang laging nagbubuwis ng pawis at buhay para sa "rna-
rurunong" at tuso nilang amo. Ang mga "Indio" ang nakibaka para
sa mga Kastila laban sa mga kaaway ng Espanya; ang mga "Indio"
ang nagbayad ng buwis at nagbigay ng walang-bayad na paggawa
para sa mga proyekto ng Kastila; ang mga "Indio" pa rin ang gina-
mit ng Kastila upang sugpuin ang kapwa nila "indio" na nagmithi
ng kalayaan mula sa Kastila. Ang mga Pilipinong mahihirap ang hu-
mawak ng itak, baril at sugigi upang makamit ang kalayaan ng Re-
publika. Ang mga Pilipinong mahihirap ang nagburda at nagtayo
ng gusali para sa mga Amerikano, at sila rin ang nag-araro, nagta-
nim, naggapas; sila ang nagmakinilya at nagtinda, at nagturo -
para makabili ang mga anak nila ng mansanas at History of the
United States na magpapatatag sa kolonisasyon ng Amerika sa
59

Pilipinas. Tunay ngang nagamit ang masa laban sa sarili nilang ka-
pakanan.
Gayunman, sa ating panahon, ang espada ng edukasyong pi-
namayapa sa Pilipino ay nagkaroon ng isa pang talim. Sa kanilang
"pagmumulat" sa Pilipino, at sa kanilang pagsisimula ng tradis-
yong intelektuwal sa Pilipinas, nahasa ang isip ng ilang Pilipino at
nakapagsimulang magtanong kung tama nga ba ang sistemang ito,
kung dapat nga bang ipagpatuloy ang isang sistema na nagpapadali
lamang sa higit pang malawak na pagsasamantala sa ekonomiya ng
bansa. Marami na sa mga intelektuwal na ito ang ibig bumuo ng
isang sistema ng edukasyon na magiging Pilipino, at higit sa lahat
ay magiging makamasa. Sa larangan ng kasaysayan, pinalaganap
ni Teodoro A. Agoncillo ang pagpapairal ng oryentasyong Pilipi-
no, samantalang sinimulan ni Renata Constantino ang oryentas-
yong makamasa. Kung paglilimiin na ang dalawang ito'y produkto
ng Amerikanisadong Unibersidad ng Pilipinas, mapapaniwalaan nga
marahil ang obserbasyon ni Francisco Benitez na:
... Sinadya man o hindi, ang Amerika, dahil sa kanyang
sistema ng edukasyong publiko, sa kanyang matatayog
na layunin na kinatawan ng kanyang kasaysayan, at sa
kanyang demokratikong organisasyon ng lipunan, ang
siya na ring nagtaguyod sa paglaganap at pagyabong ng
patriotismo sa atin. (Benitez, 1931, p. 184).
lto'y nagpapatunay lamang na ang espadang ginamit sa paniniil,
kung hindi ganap na mapanghahawakan, ay maaaring gamitin la-
ban.sa maniniil.

SANGGUNIAN
Agoncillo, Teodoro A.
1960. Malolos, The Crisis of the Republic. Quezon City: University of the Philip-
pines.

Agoncillo, Teodoro A., at Milagros Guerrero.


1971. History of the Filipino People. Quezon City: R.P. Garcia Publishing.

Alzona, Encarnacion.
1932. A History of Education in the Philippines 1565·1930. manila: University
of the Philippines Press.

Antonio, Lilia F.
1975. "Ang Ugnayan ng Lipunan at Panitikan sa Mga Maikling Kuwento ni Bri·
gido C. Batungbakal." M.A. Thesis, Unibersidad ng Pilipinas.

Benitez, Francisco.
1931. "Education and Nationalism: Filipino·American Relations" sa Pecson at
Racelis, Tales of the American Teachers in the Philippines.
60

Kalaw, Teodoro M. . . ....... k M ·•


1965. Aide-de-Camp to Freedom. Salin sa Ingles nt Mana Kalaw-Kattll'"'a • ant
ta: Teodoro M. Kalaw Society.

1930. Dietario Espiritual 1926-1927. Manila.

1969. The Philippine Revolution. Mandaluyong: Jorge B. Vargas Foundation.

Kendall, Calvin N., at Marion Paine Stevens.


1924. Eighth Reader (The Kendall Series of Readers). Boston: D.C. Health.

Le Roy, James.
1968. Philippine Life in Town and Country. Sa: The Philippine Circa 1900.
Manila: Filipiniana Book Guild.

Legaspi, Edelwina C.
1973. The Anti-Imperialist Movement in the United States 1898-1900. Sa·
Philippine Social Sciences and Humanities Review, Tomo 33, Big. 3-4
(Setyembre-Disyembre 1968). Quezon City: College of Arts and Sciences,
Unibersidad ng Pilipinas.

May, Glenn A.
1976. "Social Engineering in the Philippines: The Aims and Execution of Ameri·
can Educational Policy, 1900-1913." Sa: Philippine Studies, Tomo 24.

1907. "Mga Satang Nagsilikas" Sa: Ang Liwayway, Tomo I, Big, 5, p. 133.

Palma, Rafael.
1928. "Ecleaticism and Nationalism," sa Vicente Hilario at Eliseo Ouirino.
Thinking for Ourselves. Ed. II. Manila: Oriental Commercial.

Pardo de Tavera, Trinidad H.


"The Filipino Soul." Sa: Vicente Hilario at Eliseo Quirino, Thinking for
Ourselves.
Pecson, Geronima T. at Maria Racelis.
1959. Manila. Tales of the AmericanTeachers in the Philippines. Manila: Carmela
and Bauermann.

Primary History of the United States.


1899. New York: Benziger Brothers.

Rosario, Tomas G. del.


1904, "La lntruccion Publica bajo el Regimen Espanol," sa Censo de las tslads
Filipinas. Tomo 3, Washington: Government Printing Office.
Roxas, Felix.
1970. The World of Felix Roxas. Salin mula sa Kastila nina Angel Estrada at Vi-
cente del Carmen. Manila: Filipinana Book Guild.
Philippine Commission.
1907, Seventh Annual Report of the Philippine Commission 1906. (Part Three).
Washington: Government Printing Office.

Stevens, Joseph Earle.


1968. Yesterdays in the Philippines. Sa: The Philippines Circa 1900.
laylor John M.R.
1971. The Philippine Insurrection Against the United States. Torno 3 (Mayo 19,
1898-Pebrero 4, 1899). Pasay City: Eu(lenio Looez Foundation.

Wolff, Leon.
1971, Little Brown Brother. Makati: Erewhon Press.

You might also like