You are on page 1of 22

Presidente Cory Aquino

Larawan 1: “Kuha mula sa: https://www.philstar.com/headlines/2019/08/01/1939767/filipinos-


should-emulate-corys-conviction-opposition-senators-say-her-10th-death-anniversary”

Maagang Buhay (Early Life)

Si Maria Corazon Cojuangco Aquino o mas kilala sa bilang Cory Aquino ay ipinanganak
noong ika-25 ng Enero 1933 sa Paniqui, Tarlac. Siya ay pang-anim sa walong mga anak nina
Jose Cojuangco na isang dating mambabatas at Demetria Sumulong na isang parmasiyutiko.
Bagama’t nagmula sa pamilya ng mga pulitiko, hindi siya nangarap na pumasok sa pulitika. Iba’t
ibang mga pag-uugali ang itinuro sa kanya ng kaniyang pamilya. Itinuro sa kanya ng kanyang
lolo na si Juan Sumulong na mas importanteng matutunan muna ang Tagalog bago ang Ingles.
Tinuruan naman siya ng kanyang lola na si Ysidra Cojuangco na maging disiplinado at masipag.
Isa sa mga naging turo ng kanyang lola ang paggising ng maaga bago pa sumikat ang araw.
Pinalaki siya sa simple at masinop na buhay kahit na ang kanyang pamilya partikular ang mga
Cojuangco ay mayayaman. Pinahahalagahan din ng kanyang pamilya edukasyon,
pagkakabuklod-buklod ng pamilya, at relihiyon.

Halos siyam na taong gulang pa lang noon si Cory noong sumiklab ang binomba ng mga
Hapon ang Pearl Harbor noong ika-8 ng Disyembre 1941. Lumikas sila sa Antipolo ngunit
bumalik din ng Manila noong ika-26 ng Disyembre dahil idineklarang bukas na siyudad ang
Manila. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, naging determinado si Cory na ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral. Tumuloy sila sa isang bahay ng mga Sumulong sa Sampaloc noong 1945 at
naghahandang lumipat sa isang bahay na malapit sa Kolehiyo ng De La Salle ngunit hindi
natuloy dahil ninakaw ang kanilang mga kabayo. Hindi kalaunan ay nalaman nilang pinatay ng
mga Hapon ang mga sibilyan na nagtatago doon kabilang na ang kanyang tiyo, tiya, mga pinsan,
at mga katulong. Kalaunan ay nabawi nila ang kanilang mga labi at nailibing sa Tarlac. Matapos
ang digmaan ay pinagpatuloy ni Cory at kanyang mga kapatid ang kanilang pag-aaral sa Estados
Unidos. Bumalik si Cory sa Manila noong 1953 upang mag-aral ng abogasya (Ninoy & Cory
Aquino Foundation, n.d.).

Hindi itinuloy ni Cory ang kanyang pag-aaral ng abogasya at pinakasalan si Benigno S.


Aquino Jr. o mas kilala bilang Ninoy sa simbahan ng Our Lady of Sorrows sa Pasay noong ika-
11 ng Oktubre 1954 (ABS-CBN News, 2014). Sila ay nagkaroon ng limang anak na sina Maria
Elena Aquino-Cruz o Ballsy na ipinanganak noong 1954, Aurora Corazon Abellada o Pinky na
ipinanganak noong 1957, dating Presidente Benigno Simeon Cojuangco Aquino III o Noynoy na
ipinanganak noong 1960, Victoria Elisa Aquino-Dee o Viel na ipinanganak noong 1961, at si
Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o Kris na ipinanganak noong 1971 (Ninoy & Cory
Aquino Foundation, n.d.b).
Edukasyon (Education)

Larawan 2: “Kuha mula sa: http://www.coryaquino.ph/index.php/essential/article/4a66ceac-


f098-11df-b3cf-001617d76479”

Si Cory ay nagtapos ng elementarya sa Kolehiyo ng Santa Eskolastika bilang


balediktoryan. Lumipat siya sa Kolehiyong Asuncion para mag-aral ng edukasyong sekondarya
matapos bombahin ng mga Hapon ang Kolehiyo ng Santa Eskolastika. Matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, nag-aral si Cory sa Akademya ng Ravenhill sa Philadelphia na isang
paaralan na pinapatakbo ng Asuncion. Matapos ang isang taon ay lumipat siya Paaralan ng Notre
Dame Convent sa New York at nagtapos ng sekondryang edukasyon noong 1949 (Ninoy & Cory
Aquino Foundation, n.d.). Siya naman ay nag-aral ng kolehiyo sa Kolehiyo ng Mount of St.
Vincent at nakapagtapos ng Batsilyer sa Wikang Pranses at Matematika noong 1953. Si Cory ay
nagsimulang mag-aral ngunit hindi niya ito itinuloy at sa halip ay pinakasalan si Benigno S.
Aquino Jr. (Ninoy & Cory Aquino Foundation, n.d.b).
Trabaho at Serbisyo bago maging Presidente (Works and Services before Presidency)

Larawan 3: “Kuha mula sa: http://www.coryaquino.ph/index.php/essential/article/4a66ceac-


f098-11df-b3cf-001617d76479”

Si Cory ay isang maybahay na nagpalaki sa kanyang mga anak hanggang sa umupo siya
sa pagka-presidente noong 1986. Naging taga-suporta siya ng kanyang asawa na si Ninoy
partikular na sa pulitika at tagapagsilbi kapag may bisita ang si Ninoy sa kanilang tahanan (Iyer,
1987). Naging masalimuot ang buhay nilang mag-asawa simula sa pagkakadakip kay Ninoy
noong panahon ng Batas Militar. Hinikayat ni Ninoy ang kanyang asawa na umalis ng bansa at
magtungo sa Australia ngunit tumanggi si Cory at nanatili sa bansa upang suportahan ang
kanyang asawa. Noong ika-8 ng Mayo 1980, tumungo ang pamilya sa Dallas, Texas upang
operahan si Ninoy sa puso at nanatili sila sa Boston ng tatlong taon. Nanatili si Cory sa tabi ng
kanyang asawa hanggang sa napagdesisyunan ni Ninoy na umuwi sa Pilipinas noong 1983 na
humantong sa kanyang pagkakapatay (Ninoy & Cory Aquino Foundation, n.d.b).
Pagka-presidente (Presidency)

Larawan 4: “Kuha mula sa: http://malacanang.gov.ph/corazon-aquino/”

Matapos ang pagkakapatay sa kanyang asawa, naging simbolo ng oposisyon at reporma


si Cory. Lumakas ang mga panawagan para sa pagbabago, dumami ang mga taong sumapi sa
mga protesta sa inilulunsad. Sa panawagan ng mga dayuhang lider, nagdeklara si dating
Presidente Marcos ng dagliang halalan noong 1986 upang patunayan ang kredibilidad ng
kanyang pamumuno (Biography.com Editors, 2019). Idineklara na panalo si Marcos ng
Kongreso ngunit tinutulan ito ng marami dahil sa malawakang pandaraya. Ang Simbahan,
Estados Unidos, mga estudyante, mga propesyonal, mga Heneral, at maging ang mga
nagbibilang ng mga boto ay nakiisa sa pagtutol sa pagkapanalo ni Marcos sa eleksyon na naging
hudyat ng Rebolusyong EDSA ng 1986 at pagtatapos ng rehimeng Marcos. Naluklok sa pwesto
si Cory sa pwesto bilang Pangulo noong ika-25 ng Pebrero 1986 at natapos noong ika-30 ng
Hunyo 1992.

Mga Programa (Programs)


Larawan 5: “Kuha mula sa: https://www.rappler.com/newsbreak/iq/121019-fast-facts-1987-
philippine-constitution”

Pagkaluklok ni Presidente Cory sa kanyang pwesto ay itinatag niya ang


Rebolusyonaryong Pamahalaan at tinanggal ang Kongeso na binubuo ng mga kaalyado ng dating
Pangulong Marcos. Binura niya ang Konstitusyon ng 1973 na ipinatupad sa panahon ni dating
Pangulong Marcos at pansamantalang pinalitan ng Proklamasyon Blg. 3 o tinawag ding
“Freedom Constitution” na nagsilbing Saligang Batas ng Pilipinas habang binubuo ang bagong
konstitusyon (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1986). Naratipikahan ang
bagong konstitusyon noong ika-2 ng Pebrero 1987 at sinimulang maipatupad noong ika-11 ng
Pebrero na sinuportahan ng mga mamamayan at ginagamit pa rin hanggang sa ngayon. Ang
komisyon na bumuo ng Konstitusyon ng 1987 ay napagdesisyunan ni Pangulong Cory na buuin
ng mga tao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang ilan sa mga probisyon na idinagdag sa
konstitusyon ay ang pagkakaroon ng “Administrative Code” na ilan sa mga nilalaman ay ang
paglilimita o pagbabawas sa kapangyarihan ng Presidente partikular sa pagpapatupad ng Batas
Militar at iba pang mga reporma sa ehekutibo (Official Gazette of the Republic of the
Philippines, 1987c), ang pagbabalik ng Kongreso (U.S. Department of State, 1996), ang
pagdaragdag ng “Family Code” na nagbigay ng mga reporma sa mga batas na may kaugnay sa
pamilya (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1987), ang pagdaragdag ng “Local
Government Code” na nagtatakda sa mga kapangyarihan ng lokal na pamahalaan (Official
Gazette of the Republic of the Philippines, 1991), ang pagkakaroon ng Rehiyong Awtonomo ng
Muslim Mindanao (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1989) at Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1987b).
Sa termino rin ni Presidente Cory naipasa ang Batas Republika Blg. 6655 o ang “Free
Public Secondary Education Act of 1988” na layong bigyan ng libreng matrikula at tanggalan ng
mga ibang bayarin sa paaralan ang mga mag-aaral ng sekundaryang edukasyon sa mga
pampublikong paaralan (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1988). Sinabi ni
Presidente Cory na isa ito sa kanyang mga pinakamatagumpay na polisiyang nagawa sa kanyang
pamumuno (Ninoy & Cory Aquino Foundation, n.d.c). Naipasa rin ang Batas Republika Blg.
6728 o ang “Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act” na ang
layunin ay mabigyan ng tulong pinansiyal mga estudyante at maging sa mga guro sa pribadong
mga paaralan (National Government Portal, 1988).

Pagdating sa sektor ng kalusugan, naipasa ng Kongreso ang Batas Republika Blg. 6675 o
ang “Generics Act” na nagbigay ng mas murang opsyon ng mga gamot sa mga mamamayan.
Mas naging ligtas ang pagbili at mas naging madali ang pagbili ng mga kailangang gamot dahil
sa batas na ito (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1988c). Nagkaroon din ng
programa upang mabakunahan ang mga bata, pagdating ng taong 1989 80 porsyento ng mga bata
sa Pilipinas ang nabakunahan at mas mataas ang bahagdan na ito kumpara sa ibang kalapit na
mga bansa. Pagdating sa mga panganganak na natulungan ng isang empleyado sa sektor ng
kalusugan mula taong 1986 hanggang 1988 ay nakakuha ng mahigit kumulang na 57 bahagdan
na mataas din kumpara sa mga kalapit na bansa. Tinatayang 85 porsyento naman ang
nakakagamit ng mga pasilidad para sa maglinis at mataas din ito kumpara sa ibang kalapit na
bansa (Office of the President, 1992).

Ipinasa ng administrasyon ni Pangulong Cory ang Batas Republika Blg. 7394 o ang
“Consumer Act of the Philippines” na nagsilbing proteksyon ng mga mamimili sa mga abusado
at mapagsamantalang mga negosyo. Naging daan din ito upang mas mapaganda ang kalidad ng
mga serbisyo at produkto na ibinibigay ng mga kompanya (Official Gazette of the Republic of
the Philippines, 1992).

Nagpatupad din si Presidente Cory ng kautusan na makakatulong sa pagpapayabong ng


kultura ng mga Pilipino. Ito ay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 255 (Official Gazette of the
Republic of the Philippines, 1987d) na nag-uutos magpatugtog ng apat na mga kantang gawa ng
mga Pilipino kada oras upang mapayabong ang lokal na industriya ng mga kanta at maging ang
kulturang Pilipino.
Naitatag ang Komisyon sa Isports ng Pilipinas sa administrasyon ni Presidente Cory
(Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1990). Ito ay ang komisyon na namamahala
sa mga bagay na may kinalaman sa isports o pampalakasan, sa pagsasanay sa mga atleta, at sa
paghahanda sa mga internasyonal na mga pagtitipon ng mga atleta.

Mga Hamon at Kahinaan (Challenges and Flaws)

Naging malaking hamon sa administrasyon ni Pangulong Cory ang minanang 28 milyong


dolyar na panlabas na utang mula sa administrasyon ni Presidente Marcos (The World Bank
Group, n.d.) at ang naghihingalong ekonomiya. Tumataas ang implasyon, marami ang utang, at
patuloy na bumababa ang “Gross Nation Product” o GNP na sumusukat sa kabuuang mga
serbisyo at produkto na nagawa ng mga Pilipino saanmang parte ng mundo (Payumo, Ronan,
Maniego, at Camba, 2014).

Isa rin sa mga problemang kinaharap ng administrasyon ni Presidente Cory ay ang


kapitalismong katoto o “crony” na kung saan ang mga negosyante na malalapit o may koneksyon
sa mga opisyal ng gobyerno ay nabibigyan ng ispesyal na pagtrato kapalit ng pabor sa opisyal
(Khatri, 2016). Naging laganap ang kapitalismong katoto sa rehimeng Marcos at nagdulot ng
pagkakaroon ng mga monopolyo, mga oligopolyo, at mga kartel sa iba’t ibang mga industriya at
pagpatay sa pantay-pantay na oportunidad na umunlad ng mga negosyo at paglago ng
ekonomiya.
Larawan 6: “Kuha mula sa: https://philippineslifestyle.com/1987-mendiola-massacre-black-
thursday/”

Nagsagawa ng protesta ang mga magsasaka at mga trabahador sa mga lupang taniman
upang ipanawagan ang reporma sa lupa na hindi kalaunan ay humantong sa patayan sa Mendiola
o ang “Black Thursday” noong ika-22 ng Enero 1987. Matapos nito ay pinasa ang Kongreso ang
Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan o CARP (Official Gazette of the
Republic of the Philippines, 1988b) ngunit pinuna ng mga kritiko ang CARP dahil maaaring ang
probisyon na maaaring piliin ng mga may-ari ng lupain ang pamamahagi ng “stocks” imbis na
lupain ay nagmula sa mungkahi ng mga kapamilya niya na nagmamay-ari ng Hacienda Luisita
na isang malaking lupang taniman ng asukal (Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, 2013)
at ng mga kongresista na may-ari ng mga lupain. Naging korporasyon ang Hacienda Luisita at
piniling mamahagi ng mga “stocks” sa mga magsasaka imbis na ipamahagi ang mga lupain
(Arador, 2007).
Larawan 7: “Kuha mula sa: https://history-ph.blogspot.com/2014/11/mutiny-philippines-
december-coup.html”

Naging hamon din ang mga kudeta na inilunsad ng iba’t ibang mga grupo katulad ng mga
taga-suporta ng dating Pangulong Marcos at mga sundalong hindi kuntento sa pamamalakad ng
administrasyon (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1990c). Matapos ang serye
ng mga kudeta, humina ang ekonomiya ng Pilipinas dahil natakot ang mga mamumuhunan.

Matapos ang serye ng mga kudeta, nagkaroon naman ng krisis sa kuryente sa Maynila.
Maraming mga negosyo at mga residente ang naapektuhan ng ilang oras na kawalang ng
kuryente araw-araw at umabot sa 800 milyong dolyar ang nalugi sa ekonomiya mula Marso
hanggang Hunyo 1992 dahil dito (The Washington Post, 1992). Ito ay dahil sa lagpas kalahati ng
mga planta ng kuryente ang hindi gumagana dahil sa natamong pinsala sa bagyo, mababang lebel
ng tubig dahil sa El Niño na nararanasan noong mga panahon na iyon, at sa pangangailangan ng
pansamantalang pagsasara upang ayusin ang mga planta. Isa pa sa mga itinuturong dahilan ay
ang hindi pagpayag ni Presidente Cory na mabuksan ng planta nukleyar sa Bataan na may
kakayahang ibigay ang kulang na kuryente. Depensa naman ng mga kritiko ay hindi ligtas ang
planta at ang gumawa nito ay sinuhulan ang administrasyong Marcos (Drogin, 1990).

Sa termino rin ni Presidente Cory nakaranas ang Pilipinas ng serye ng mga kalamidad.
Nauna ang Bagyong Miding na tumama noong kalagitnaan ng Agosto at Setyembre taong 1986
at itinuturing na isa sa mga pinakamatagal na nabuhay na bagyo (JTWC, 1987). Nagdulot ito ng
pagkamatay ng 36 na katao at 20,000 na tao ang naapektuhan (Royal Observatory, 1986).
Sumunod ay ang Bagyong Sisang na tumama sa kalagitnaan ng Nobyembre taong 1987 at
sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas simula 1981. Kumitil ang bagyo ng
367 na buhay mahigit 200,000 ang nasugatan o nawalan ng tahanan dahil sa bagyo (Typhoon
kills 367 in Philippines, 1967).

Larawan 8: “Kuha mula sa: http://ffemagazine.com/this-week-in-philippine-history-mv-dona-


paz-asias-titanic/”

Noong ika-20 ng Disyembre 1987 naman, ang mga barkong MV Doña Paz na isang
pampasaherong barko at MT Vector na naglalaman ng mga langis ay nagbanggan malapit sa
Marinduque at Oriental Mindoro at ang mga langis na dala ng MT Vector ay nagliyab sa dagat
(SUPREME COURT, 1999). Umabot sa ilang libo ang mga namatay at tinuturing ito na
pinakamalalang disgrasya sa dagat sa mapayapang panahon (Eoan, 1988). Sumunod sa serye ng
mga bagyo na tumama sa Pilipinas noong administrasyong Aquino ay ang Bagyong Unsang
tumama noong Oktubre 1988 at sinasabing pinakamalakas na bagyo simula noong 1970. Naitala
na 346 katao ang namatay at 240 sa mga ito ay nagmula sa lumubog na sasakyang pandagat.
Naitala rin na 110,000 na katao ang nawalan ng tahanan matapos ang bagyo (Davis, 2008).
Sumunod ay ang Bagyong Tasing na kumitil sa buhay ng 30 katao at nagiwan ng 332,000 katao
na nawalan ng tahanan o nasugatan (Typhoon death toll climbs to 30, 1989). Pagdating ng ika-16
ng Hulyo 1990 ay niyanig ng lindol ang Luzon na may lakas na “7.8 magnitude”. Naitala na
1,200 ang namatay at 10 bilyong piso ang halaga ng mga nawasak na imprastraktura
(Punongbayan, et al., n.d.).

Larawan 9: “Kuha mula sa: https://globalnation.inquirer.net/100047/filipinos-pinatubo-photo-


named-among-greatest-of-all-time#ixzz6CA4cwc2e”

Matapos ang isang taon, pumutok ang Bulkang Pinatubo noong ika-15 ng Hunyo 1991.
Ito ang ikalawa sa pinakamalaking pagsabog ng bulkan ng siglo (1900-2000). Umabot ang mga
abo galing sa bulkan sa Karagatang Indyano at ang mga pinakawalang usok at abo ng bulkan ay
naging dahilan upang bumaba temperatura ng mundo ng 0.5°C. Ang huli sa mga serye ng mga
mapaminsalang bagyo na tumama sa Pilipinas noong administrasyong Aquino ay ang Bagyong
Uring. Ang bagyong ito ay itinuturing na isa sa pinakamabagsik na bagyo dahil sa dami ng
naitalang namatay. Naitala na nasa pagitan ng 5,101 at 8,000 ang dami ng nasawi sa bagyo at
mahigit 1 bilyon piso ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian (Alojando at Padua, 2015).

Mga Tugon sa mga Hamon (Response to Challenges)

Piniling kilalanin ni Presidente Cory ang mga panlabas utang sa halip na piliing huwag
bayaran ito na binatikos ng ibang kritiko. Ang desisyon na ito ay mula sa mga payo ng ilang sa
mga opisyal sa loob ng gobyerno na maaaring magkaroon ng masamang imahe ang bansa sa
ibang bansa at sa mga mangungutang. Nangangailangan din ng bansa ang tulong pinansyal mula
sa ibang bansa na kinakailangan para makabangon ang ekonomiya at ang bansa at naging posible
ito dahil sa desisyon ng pangulo (U.S. Library of Congress, n.d.).

Upang maibangon ang ekonomiya, binuwag ni Pangulong Cory ang mga kartel, mga
monopolyo, at mga oligopolyo sa iba’t ibang mga industriya na inilagay ni Pangulong Marcos,
binawasan ang mga buwis sa mga agrikultural na produkto at sa taripa ng mga pataba sa lupa at
mga sasakyang pandagat at mga nagpaparami ng mga hayop. Pinalakas ang sektor ng agrikultura
sa pamamagitan ng iba’t ibang mga proyekto at pasilidad na itinayo para masuportahan ang mga
magsasaka (Office of the President, 1992).

Ipinasa ang CARP na may layuning maipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga
magsasaka mula sa mga may-ari ng lupain kapalit ng bayad mula sa gobyerno matapos ang mga
panawagan ng mga magsasaka. May probisyon ding sa halip na lupa ang ipamigay ay hati o
parte na lamang ng “stocks” sa korporasyon ang ibibigay sa mga magsasaka. Naging tugon ni
Presidente Cory sa mga kritiko ng probisyon na ito na sinasabing iniuugnay sa pagmamay-ari ng
pamilya niya sa Hacineda Luisita ay mas pinili ng mahigit siyamnapung porsiyento ng mga
trabahador sa Hacienda Luisita na makatanggap ng “stocks” imbis na lupain dahil malaki ang
kinakailangang kapital o pera sa pagtatanim ng asukal. Sinabi niya rin na mas malawak at
maganda ang programang ito dahil sakop ng reporma ang mga taniman ng asukal at buko (Ninoy
& Cory Aquino Foundation, n.d.c). Ginawa rin ang probisyon na ito dahil sa kakulangan sa oras
at pinansyal na limitasyon ng gobyerno (Office of the President, 1992).

Isinaayos ang sistema ng pangongolekta ng buwis upang mas lumaki ang pera ng
gobyerno na nagamit upang mapabuti ang ekonomiya at ang bansa (Office of the President,
1992). Nagkaroon din ng mga iba’t ibang mga programa at mga batas upang mapaganda ang
imahe ng Pilipinas at mabawi ang tiwala ng mga mamumuhunan sa bansa. Naging isa sa mga
pokus ay ang pagpapalago ng mga negosyo at puhunan na galing sa ibang bansa hindi lamang sa
Kalakhang Maynila kung hindi pati na rin sa ibang panig ng bansa (Office of the President,
1992). Ang ilan sa mga batas na nanghikayat sa mga mamumuhunan na mamuhunan sa Pilipinas
ay ang Batas Republika Blg. 7042 o ang “Foreign Investments Act” (Official Gazette of the
Republic of the Philippines, 1991b) at ang Batas Republika Blg. 6957 o ang “Built-Operate-
Transfer Law” (Official Gazette of the Republic of the Philippines, 1990b). Maliban sa
pagpapalago ng mga dayuhang puhunan, pinalakas din ng gobyerno ang mga maliliit na negosyo
sa pamamagitan ng pamimigay ng iba’t ibang mga tulong pinansyal at mga pautang (Office of
the President, 1992).

Upang maresolba ang problema sa kakulangang pinansyal ng gobyerno ay nagkaroon ng


paglipat ng ibang mga ibang pag-aari ng gobyerno sa pribadong sektor. Itinatag ang “Asset
Privatization Trust” upang maibenta ang ibang mga pag-aari at kompanyang kontrolado ng
gobyerno na nalulugi upang magkaroon ng pondo ang gobyerno (Official Gazette of the
Republic of the Philippines, 1986b). Ang mga nakolektang pondo ay nagamit sa pagpondo ng
CARP at sa pagpapanumbalik ng normal na operasyon ng Bangko Nasyonal ng Pilipinas o PNB
at Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas o DBP bilang mga bangko. Ang ilan sa mga
pinakamahahalagang pag-aari ng gobyerno na naibenta sa pribadong sektor ay ang Philippine
Airlines, Meralco Foundation Inc., Bangko Nasyonal ng Pilipinas, at Union Bank of the
Philippines (Office of the President, 1992).

Sa kabila ng mga sunod-sunod na mga kalamidad, bumuhos ang mga tulong mula sa iba’t
ibang mga bansa at mga organisasyon. Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay at suporta mula sa
iba’t ibang panig ng mundo. Umaksyon din ang gobyerno sa pamamagitan ng pagdedeklara ng
mga “State of Calamity” sa mga lugar na lubusang naapektuhan ng mga kalamidad. Pinakilos din
ang sandatahang lakas upang tumulong sa pagliligtas at pamimigay ng mga tulong sa mga
nasalanta ng mga kalamidad. Naglunsad ng mga programa para sa rehabilitasyon ng mga
nasalantang lugar at malaking halaga ng salapi ang nagamit para maibangon ang mga lugar na
ito. Nag-organisa rin ng mga grupo upang matutukan ang rehabilitasyon at mabilis na mabuo ang
mga nasirang gusali at imprastraktura na dala ng lindol at ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo
(Office of the President, 1992). Pagdating sa trahedya sa MV Doña Paz, pinanagot ng korte ang
mga may sala at responsibilidad sa nangyari.

Lagay at Daloy ng Ekonomiya

Mula sa mahinang ekonomiya na namana ni Presidente Cory kay Pangulong Marcos,


mapalago niya ito sa mga unang taon ng kanyang pamamahala sa pamamagitan ng iba’t ibang
mga programa at mga batas ngunit dahil sa mga kudeta at mga kalamidad na naganap, humina
ang ekonomiya ng bansa. Ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) o ang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng bansa (Payumo, Ronan, Maniego, at Camba, 2014).
Matapos ng termino ni Presidente Aquino ay nadagdagan ng 5 bilyong dolyar ang utang panlabas
ng Pilipinas (The World Bank Group, n.d.). Naging bumaba sa 10 bahagdan ng mga Pilipino ang
walang trabaho at tumaas sa 17 bahagdan ang implasyon (Sanger, 1992).
Bibliograpiya

ABS-CBN News. (2014, August 1). Throwback: How Ninoy, Cory got engaged. Retrieved

January 23, 2020, from https://news.abs-cbn.com/lifestyle/08/01/14/throwback-how-


ninoy-cory-got-engaged

Alojando, D., & Padua, D. M. V. (2015). WORST TYPHOONS OF THE PHILIPPINES (1947-

2014).

Arador, R. (2007, May 4). Life once ‘sweeter’ at Hacienda Luisita. Retrieved January 25, 2020,

from
https://web.archive.org/web/20081005095533/http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadli
nes/nation/view_article.php?article_id=64019

Biography.com Editors. (2019, August 9). Corazon Aquino Biography. Retrieved January 24,

2020, from https://www.biography.com/political-figure/corazon-aquino

Davis, L. A. (2008). Typhoons. In Natural Disasters. Retrieved from

https://books.google.com.ph/books?
id=CRzMOYIuLJEC&pg=PA369&lpg=PA369&dq=typhoon Ruby
1988&source=bl&ots=yUsBk1G4gf&sig=b5l0pHV1R-uCn-
w7jLR2zmevQwg&hl=en&sa=X&ei=-N8aT_-
fIKLy0gHhi4jRCw&redir_esc=y#v=onepage&q=typhoon Ruby 1988&f=false

Drogin, B. (1990, April 24). Brownouts Darken Outlook for Aquino : Philippines: Power outages

cripple industry and snarl traffic. Criticism has focused on the president. Retrieved
January 26, 2020, from https://www.latimes.com/archives/la-xpm-1990-04-24-mn-336-
story.html

Eljera, B. (2014, March 9). Filipino’s Pinatubo photo named among greatest of all time Read
more: https://globalnation.inquirer.net/100047/filipinos-pinatubo-photo-named-among-
greatest-of-all-time#ixzz6CA4cwc2e

Eoan, H. C. (1988, January 4). The Philippines Off Mindoro, a Night to Remember. Retrieved

January 26, 2020, from


https://web.archive.org/web/20071209182552/http://www.time.com/time/magazine/articl
e/0,9171,966394,00.html

Gavilan, J. (2018, February 1). FAST FACTS: 1987 Philippine Constitution. Retrieved January

25, 2020, from https://www.rappler.com/newsbreak/iq/121019-fast-facts-1987-


philippine-constitution

Iyer, P. (1987, January 5). Corazon Aquino. Retrieved January 23, 2020, from

https://web.archive.org/web/20071220000538/http://www.time.com/time/subscriber/pers
onoftheyear/archive/stories/1986.html

JTWC. (1987). CHAPTER Ill - SUMMARY OF WESTERN NORTH PACIFIC AND NORTH

INDIAN OCEAN TROPICAL CYCLONES. Retrieved January 26, 2020, from


http://web.archive.org/web/20110607014741/http://www.usno.navy.mil/NOOC/nmfc-
ph/RSS/jtwc/atcr/1986atcr/pdf/chapter3.pdf

Khatri, N. (2016). Definitions of Cronyism, Corruption, and Crony Capitalism. In Crony

Capitalism in India. doi: https://doi.org/10.1007/978-1-137-58287-4_1

Martin, M. G. (2017, January 22). On this day, January 22, 1987: The Mendiola Massacre,

‘Black Thursday.’ Retrieved January 25, 2020, from


https://philippineslifestyle.com/1987-mendiola-massacre-black-thursday/

National Government Portal. (1988, July 25). Republic Act No. 6728. Retrieved January 26,

2020, from https://www.gov.ph/documents/20147/335067/19890610-RA-6728-CCA.pdf

Ninoy & Cory Aquino Foundation. (n.d.). Essential Cory Aquino: The Young Cory. Retrieved
January 23, 2020, from http://www.coryaquino.ph/index.php/essential/article/4a66ceac-
f098-11df-b3cf-001617d76479

Ninoy & Cory Aquino Foundation. (n.d.b). Essential Cory Aquino: Her life with Ninoy Aquino.

Retrieved January 23, 2020, from


http://www.coryaquino.ph/index.php/essential/article/516835d2-f099-11df-b3cf-
001617d76479

Ninoy & Cory Aquino Foundation. (n.d.c). Essential Cory - THE UNPAVED ROAD TO THE

PRESIDENCY. Retrieved January 25, 2020, from


http://www.coryaquino.ph/index.php/essential/article/9921a3da-f1f3-11df-b3cf-
001617d76479

Office of the President. (1992, June). The AQUINO MANAGEMENT Of The PRESIDENCY .

Retrieved January 26, 2020, from http://malacanang.gov.ph/wp-


content/uploads/ThePresidentReport.pdf

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1986, March 25). Proclamation No. 3, s.

1986. Retrieved January 24, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1986/03/25/proclamation-no-3-s-1986-2/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1986b, December 8). Proclamation No. 50,

s. 1986. Retrieved January 26, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1986/12/08/proclamation-no-50-s-1986/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1987, July 6). Executive Order No. 209, s.

1987. Retrieved January 25, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1987/07/06/executive-order-no-209-s-1987/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1987b, July 15). Executive Order No. 220, s.
1987. Retrieved January 25, 2020, from
https://www.officialgazette.gov.ph/1987/07/15/executive-order-no-220-s-1987/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1987c, July 25). Executive Order No. 292.

Retrieved January 25, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1987/07/25/executive-order-no-292-s-1987/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1987d, July 25). Executive Order No. 255.

Retrieved January 26, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1987/07/25/executive-order-no-255-july-25-1987/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1988, May 26). Republic Act No. 6655.

Retrieved January 25, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1988/05/26/republic-act-no-6655/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1988b, June 10). Republic Act No. 6657.

Retrieved January 25, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1988/06/10/republic-act-no-6657/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1988c, September 13). Republic Act No.

6675. Retrieved January 26, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1988/09/13/republic-act-no-6675/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1989, August 1). Republic Act No. 6734.

Retrieved January 25, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1989/08/01/republic-act-no-6734/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1990, January 24). Republic Act No. 6847.

Retrieved January 26, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1990/01/24/republic-act-no-6847/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1990b, July 9). Republic Act No. 6957.
Retrieved January 26, 2020, from
https://www.officialgazette.gov.ph/1990/07/09/republic-act-no-6957/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1990c, October 3). The Final Report of the

Fact-Finding Commission: IV: Military Intervention in the Philippines: 1986 – 1987.


Retrieved January 26, 2020, from https://www.officialgazette.gov.ph/1990/10/03/the-
final-report-of-the-fact-finding-commission-iv-military-intervention-in-the-philippines-
1986-1987/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1991, October 10). Republic Act No. 7160.

Retrieved January 25, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1991/10/10/republic-act-no-7160/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1991b, June 13). Republic Act No. 7042.

Retrieved January 26, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1991/06/13/republic-act-no-7042/

Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1992, April 13). Republic Act No. 7394.

Retrieved January 26, 2020, from


https://www.officialgazette.gov.ph/1992/04/13/republic-act-no-7394-s-1992/

Payumo, C. S., Ronan, J. R., Maniego, N. L., & Camba, A. L. (2014). Measuring National

Income and Output. In Understanding Economics (p. 155).

Punongbayan, R. S., Rimando, R. E., Daligdig, J. A., Besana, G. M., Daag, A. S., Nakata, T., &

Tsutsumi, H. (n.d.). 1990 July 16 Ms7.8 Luzon Earthquake. Retrieved January 27, 2020,
from https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/earthquake/destructive-earthquake-of-
the-philippines/2-uncategorised/212-1990-july-16-ms7-9-luzon-earthquake

Philstar.com. (2019, August 1). Retrieved January 24, 2020, from


https://www.philstar.com/headlines/2019/08/01/1939767/filipinos-should-emulate-corys-
conviction-opposition-senators-say-her-10th-death-anniversary

Raposas, A. (2014, November 24). Mutiny Philippines: The December Coup. Retrieved January

26, 2020, from https://history-ph.blogspot.com/2014/11/mutiny-philippines-december-


coup.html

Royal Observatory. (1986). Meteorological Results 1986 Part III Tropical Cyclone Summaries.

Retrieved January 26, 2020, from


http://web.archive.org/web/20170709034633/http://www.hko.gov.hk/publica/tc/tc1986.p
df

Sanger, D. E. (1992, June 8). Her Term About to End, Aquino 'Hasn't Made Much Difference' to

the Poor. Retrieved February 5, 2020, from


https://www.nytimes.com/1992/06/08/world/her-term-about-to-end-aquino-hasn-t-made-
much-difference-to-the-poor.html

SUPREME COURT. (1999, September 30). G.R. No. 131166. Retrieved January 26, 2020, from

http://www.lawphil.net/judjuris/juri1999/sep1999/gr_131166_1999.html

The Washington Post. (1992, June 30). Aquino exits after 6 tumultuous years. The Register

Guard. Retrieved from https://news.google.com/newspapers?


nid=1310&dat=19920630&id=i0JWAAAAIBAJ&sjid=jOoDAAAAIBAJ&pg=6975,659
0916

The World Bank Group. (n.d.). External debt stocks, total (DOD, current US$) - Philippines.

Retrieved January 26, 2020, from


https://data.worldbank.org/indicator/DT.DOD.DECT.CD?
end=2018&locations=PH&start=1986

This week in Philippine hiStory: MV Doña Paz: Asia’s Titanic. (2014, December 20). Retrieved
January 27, 2020, from http://ffemagazine.com/this-week-in-philippine-history-mv-dona-
paz-asias-titanic/

Typhoon death toll climbs to 30. (1989, October 23). The Freelance Star. Retrieved from

https://news.google.com/newspapers?
id=NmcQAAAAIBAJ&sjid=xYsDAAAAIBAJ&pg=3044,1787470&dq=typhoon
elsie&hl=en

Typhoon kills 367 in Philippines. (1967, November 27). The Mohave Daily Miner. Retrieved

from https://news.google.com/newspapers?
nid=943&dat=19871127&id=uTpQAAAAIBAJ&sjid=r1YDAAAAIBAJ&pg=7186,344
7117&hl=en

Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura. (2013, November). For Land and Justice: The

Continuing Agrarian Struggle in Hacienda Luisita. Report of the 2013 Hacienda Luisita
National Fact-Finding Mission. Retrieved January 25, 2020, from
https://luisitawatch.files.wordpress.com/2014/02/hl-report.pdf

U.S. Department of State. (1996, November). Retrieved January 25, 2020, from

https://web.archive.org/web/20120320055328/http://dosfan.lib.uic.edu/ERC/bgnotes/eap/
philippines9611.html

U.S. Library of Congress. (n.d.). The Aquino Government. Retrieved January 26, 2020, from

http://countrystudies.us/philippines/58.htm

You might also like