You are on page 1of 13

Ligal at lumawak

na konsepto ng
pagkamamamayan
Angie L. Britania
lumawak na pananaw ng
pagkamamamayan
Patuloy ang paglawak ng konsepto ng
pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan
ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang
bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng
estado, bagkus, maituturing ito bilang
pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng
kanilang lipunan.
lumawak na pananaw ng
pagkamamamayan
Ang pagkamamamayan ng isang indiblduwal ay
nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga
tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng
kaniyang mga karapatan para sa kabutihang
panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng
indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan
kasama ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga
pagbabagong nagaganap sa lipunan ang
isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang
lipunan na may mga karapatan at
tungkuling dapat gampanang inaasahan na
siya ay magiging aktibong kalahok sa
pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng
lipunan at sa mas malawak na layunin ng
pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng
pagkamamamayan, igigiit ng isang
məmamayan ang kaniyang mga
karapatan para sa ikabubuti ng bayan.
Kaniyang gagamitin ang pamamaraang
ipinahihintulot ng batas upang iparating
sa mga kinauukulan ang kaniyang mga
hinaing at saloobin.
Ang mamamayan ngayon ay
hindi tagasunod lamang sa mga
ipinag-uutos ng pamahalaan
sapagkat wala namang
monopolyo ang pamahalaan sa
mga patakarang ipatutupad sa
isang estado.
Kung gayon, hindi niya inaasa sa
pamahalaan ang kapakanan ng
lipunan sa halip, siya ay
nakikipagdiyalogo rito upang
bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga
hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng
pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang
mga katangian ng isang mabuting mamamayan.
Ayon kay Yeban (2004), ang isang
responsableng mamamayan ay inaasahang
makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may
respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani, ganap ang mga
karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may
disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing
pag-iisip.
Naglahad ang abogadong si
Ngunit sa kabila ng
Alex Lacson ng labindalawang
gawaing maaaring makatulong pagiging simple ng mga
sa ating bansa. Ang mga ito ay maaaring
gawaing ito ay maituturing na magbunga ang mga ito ng
mga simpleng hakbangin na malawakang pagbabago
maaaring gawin ng bawat isa sa
atin.
sa ating lipunan.
Little things Every Filipino
Can do to help our country

1 4
Sumunod sa batas-trapiko Positibong magpahayag ng
Sumunod sa batas. tungkol sa atin gayundin sa
sariling bansa

2 5
Laging humingi ng opisyal na Igalang ang nagpapatupad ng
resibo sa anumang binibili. batas-trapiko, pulis at iba
pang lingkod-bayan.

3 6
Huwag bumili ng mga bagay Itapon nang wasto ang
na smuggle. Bilhin ang mga basura. Ihiwalay. Iresiklo.
lokal na produkto. Bilhin ang Pangalagaan.
gawang Pinoy.

Lacson, Alexander L. (2005)


Little things Every Filipino
Can do to help our country

7 10
Suportahan ang inyong Magbayad ng buwis.
simbahan.

8 11
Tapusin nang may katapatan Tulungan ang isang iskolar o
ang tungkulin sa panahon ng isang batang mahirap.
eleksiyon.

9 12
Maglingkod nang maayos sa Maging mabuting magulang.
pinapasukan. Turuan ng pagmamahal sa
bayan ang mga anak.

Lacson, Alexander L. (2005)


Thank
you

You might also like