___________________________________________________________________ Aralin : Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo, LAS 3 Pamagat ng Gawain : Mga ambag nina Elpidio Quirino at Ramon Magsaysay sa Pilipinas Layunin : Naiisa-isa ang mga ambag nina Elpidio Quirino at Ramon Magsaysay sa Pilipinas Sanggunian : MELCs/TUKLAS LAHI 6 Manunulat : JAYRALD IAN A. ALICNA
Mga Naiambag ni Elpidio Quirino sa Bansa
1.Nagawa niyang magdala ng kahanga-hangang paglago na 9.43% sa
pangkalahatang ekonomiya 2. Nakapagpatayo ang pamahalaan ng mga pabrika na nagdala ng maraming trabaho para sa mga mamamayan 3. Committee on Social Amelioration 4. Patatagin ang halaga ng piso at balansehin ang national budget 5. Pinaunlad ang Sistema ng irigasyon sa mga taniman 6. Pinasinayaan ang paggamit ng Hydroelectric energy mula sa Maria Cristina Falls at 7. Bulacan upang malutas ang problema sa kuryente sa Luzon 8. Pinaayos ang mga lansangan 9. Nagtatag ng mga organisasyon sa pagbangon ng bawat Pilipino gaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Social Security Commision at President’s Action Mga Naiambag ni Ramon Magsaysay sa Bansa 1.Naging kalihim ng National Defense at nilabanan ang HUKBALAHAP 2. Namahagi ng iba’t ibang tulong sa mga mamamayang naapektuhan ng karahasan. 3. Nabago ang pananaw ng publiko sa Hukbo ng Pilipinas at tumaas ang paghanga nila rito. 4. Bumaba ang bilang ng mga rebeldeng Huk, at maski ang pinuno nitong si Luis Taruc ay sumuko kay Magsaysay. 5. Napalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 7.3%. 6. Napabagsak ang presyo ng mga bilihin. 7. Nagpakilala ng mga reporma upang kitilin ang hindi pantay na pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa pamamagitan ng Land Tenure Reform Law. 8. Nagtatag ng programang matulungan ang mga magsasaka gaya ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat bilang. 1. Ibigay ang dalawang programang itinatag ni Ramon Magsaysay upang matulungan ang mga magsasaka sa panahon ng kanyang panunungkulan.
2. Magbigay ng tatlong kontribusyon ni Elpidio Quirino upang mapabuti ang kalagayan
ng Pilipinas, sa panahon ng kanyang panunungkulan. QR CODE