You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________Baitang at Seksyon: ___________________

Araling Panlipunan 6 Guro: ___________________ Iskor: __________________


___________________________________________________________________
Aralin : Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo, LAS 1
Pamagat ng Gawain: Ang panunungkulan nina Elpidio Rivera Quirino (1948-1953) at
Ramon Del Fiero Magsaysay (1953-1957)
Layunin : Nakikilala sina Elpidio Quirino at Ramon Magsaysay sa kanilang
panunungkulan bilang pangulo.
Sanggunian : MELCs/TUKLAS LAHI 6
Manunulat : JAYRALD IAN A. ALICNA

Elpidio Rivera Quirino (1948-1953)


Pagkaraang mamatay ni Manuel A. Roxas noong Abril 15, 1948, ang pangalawang
pangulong si Elpidio Quirino ang pumalit sa pagkapangulo. Nang matapos ang kanyang
termino, muli siyang umupo ng dagdag na apat na taon sa pagkapangulo, matapos
magwagi sa eleksiyon. Naging mga pangunahing suliranin ng administrasyong Quirino
ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kilusang komunistang
HUKBALAHAP, at mga isyu ng korapsyon.

Ramon Del Fiero Magsaysay (1953-1957)

Noong halalan ng 1953, tumakbo si Magsaysay bilang pangulo ng bansa sa ilalim


ng Partido Nacionalista laban kay Quirino. Dahil sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa,
sumuko sa kanya ang pinuno ng HUKBALAHAP, nanalo si Magsaysay at itinanghal na
ikatlong pangulo ng malayang republika.

Kilala bilang “Tagapagligtas ng Demokrasya” at “Kampeon ng Masa,” si Magsaysay


ang tinuturing ng marami na pinaka minamahal na pangulo ng bansa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Sinong pangulo ang pinalitan ni Elpidio Quirino?

2. Ilang taon ang nadagdag sa termino ni Elpidio Quirino bilang pangulo ng bansa?

3. Anong partido kabilang si Ramon Magsaysay ng siya ay tumakbo sa pagka pangulo?

4-5. Ano ang dalawang bansag kay Magsaysay, na itinuturing na pinakamahal na pangulo
ng bansa?

You might also like