You are on page 1of 3

Lesson Plan in AP

I. Layunin
Sa pagtatapos ng minuto, magagawa ng 80% ng mga mag-aaral sa klase ang sumusunod:
a. Nabibigyang halaga ang pangunahing suliranin at hamon
b. Naipapamalas ang kakayanang umunawa at pagpapahalaga ng kasaysayan ng Pilipinas na may
kooperasyon na makikita sa bawat mag-aaral
c. Nasusuri ang buhay at pangunahing suliranin at hamong kinaharap ni Ramon Magsaysay

II. Subject Matter


Topic: Life of Ramon Magsaysay
Material: Visual Aid, Board, Pictures
References: Nasusuri ang pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula mula
1953 hanggang 1961 -AP6SHK-IIIa-b-1

III.Procedure
A.Preliminary Activities
1.Prayer
2.Lupang Hinirang
3.Panunumpa
4.Energizer

B.Motivation
Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo ang bawat pangkat ay bibigyan ng parehong puzzle, at
mamimili ng dalawang kinatawan sa bawat groupo kung sino ang magdidikit ng kanilang puzzle sa
harapan, kung sino ang unang matatapos ay siyang mananalo.

C.Presentation
Pagpapakita ng iba’t ibang larawan tungkol sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Magsaysay.
Ang mga mag-aaral ay inaatasang magbigay ng kanilang opiniyon sa nasabing mga larawan
D.Discussion

Sino ang ika pitong pangulo ng Pilipinas?


-Si Ramon Magsaysay

MAHALAGANG TANDAAN:
 Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957).
 Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907-kina Exequiel
Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose
Rizal College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).
 Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago
magdigmaan.
 Enero 26, 1945- bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa
Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales
 1950 - Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap.
Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang * Komunista at naging napakatanyag sa
mamamayan.
 Eleksiyon (1953)- tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika
ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

 Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang


pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis
Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa
kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
 Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng
Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
 Marso 17, 1957- Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa
pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa
Balamban, Cebu.

E.Generalization
Ano buong pangalan ni Magsaysay?
Pang-ilan na Pangulo Si Ramon Magsaysay

F.Application
Pepe Kampeon ng isang katauhan Castillejos, Zambales Cebu

1953 Try-Tran Motors Iniligtas sa Demokrasya Monching 1975

Kampeon ng mga Masa Suzuki Pakikipagdigmaan 1957 1963

Direksyon: Piliin ang tamang sagot na nakapaloob sa kahon at isulat ito sa patlang bago
ang numero.
______1. Ano ang palayaw ni Ramon Magsaysay
_______2. Taon kung saan tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika
ng Pilipinas.
_______3. Ito ang pinakamahalagang nagawa ni Magsaysay
_______4. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng ___noong panahong bago magdigmaan.
_______5. Tinawag si Magsaysay ng ___ dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa
pamahalaan.
_______6. Lugar kung saan isinilang si Ramon Magsaysay

_______7. Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng
eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu.

G.Assignment

You might also like