You are on page 1of 8

(First image)

Kasaysayan.
Tag., [say.say]: (1) isang salaysay at kwento, (2) kahulugan, katuturan, kabuluhan, at kahalagahan; Mga
salaysay na may saysay; Mga salaysay na may saysay para sa sinasalaysayang grupo ng tao. *

(Sample)

* Mula kay Dr. Zeus A. Salazar, Pantayong Pananaw.

(caption)
NGAYON | Ang Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan na tanda ng ating pagka-Pilipino—lahing
malaya at nagkakaisa. Ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan (KAPIMAPA) ay
nakikiisa sa pagdiriwang. Kakabit ang tema mula sa National Historical Commission of the
Philippines (NHCP) na "Celebrating #Victory and Humanity."

Bakit Agosto ang buwan ng kasaysayan? At anu-ano ang mga kaganapan sa buwang ito ang kailangan
nating malaman? Halina't sabay-sabay nating tuklasin ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng bansa.

Format: Timeline. Subject for modification.


Bago pa ito naging Buwan ng Kasaysayan, tinawag itong “History Week” noong panahon ng Martial
Law sa bisa ng Proclamation No. 1105, s. 1973 na ginugunita mula ika-17 hanggang ika-23 ng
Setyembre. Makalipas ang isang taon, inilipat ito sa ika-15 hanggang ika-21 ng kaparehong buwan sa
bisa naman ng Proclamation No. 1304, s. 1974.

Taong 2012, inilipat ito ni Dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa bisa ng Proclamation No. 339
at tatawaging "History Month" na ipagdiriwang na tuwing buwan ng Agosto.

Ilang mga mahahalagang pangyayari sa buwan ng Agosto:

Agosto 1 | Taong 2009, pumanaw si Dating Pangulo Ma. Corazon Sumulong Cojuangco Aquino, sa
edad na 76 dahil sa sakit na colon cancer. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo sa Asya.
(Larawan ni Cory)
"I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life."
–Corazon Aquino

Agosto 2 | Taong 1799, ipinanganak si Padre Mariano Gomez sa Sta. Cruz, Manila. Isa siya sa tatlong
paring martir na mas kilala sa tawag na "GomBurZa" na binitay dahil sa pagsusulong ng sekularisasyon.
(Larawan ni Gomes)

"If I can only choose my own death I would prefer execution; then I would know the exact moment
when I shall meet my creator and prepare myself for the occasion."
–Mariano Gomez, sipi mula sa kasama niya sa kulungan na si Antonio Ma. Regidor.

Agosto 13 | Taong 1898, naganap ang labanan sa Maynila sa pagitan ng mga Kastila at Amerikano na
tinatawag na "mock battle" dahil nakaplano na ito bago pa man maganap. Ito ay isang paraan lamang
upang sagipin sa kahihiyan ang mga Kastila na natatalo na noong mga panahong iyon. Ito rin ang
naging simula ng okupasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas.
(Larawan ng Battle of Manila)
Agosto 14 | Taong 1835, ipinanganak si Padre Jacinto Zamora sa Pandacan, Maynila. Isa sa tatlong
paring GomBurZa na ginarote noong 1872.
(Larawan ni Zamora)

Agosto 19 | Taong 1872, ipinanganak si Manuel Luis Quezon sa Baler, Aurora. Siya ay nanungkulan
bilang pangulo ng pamahalaan komonwelt mula 1935 hanggang 1944. Itinuturing din siyang Ama ng
Wikang Pambansa.
(Larawan ni Quezon)
"I would rather have a country run like hell by Filipinos than a country run like heaven by the
Americans, because however a bad Filipino government might be, we can always change it."
–Manuel L. Quezon, Sipi mula sa kanyang Talumpati noong 1939.

Agosto 21 | Taong 1983, binaril at nasawi ang dating senador Benigno Aquino Jr. sa noon ay Manila
International Airport (Kasalukuyang Ninoy Aquino International Airport) matapos niyang umuwi
mula sa Estados Unidos. Ang kanyang pagkakapaslang ay naging hudyat ng mga serye ng protesta at
kalaunan ang naging dahilan para sa 1986 EDSA People Power Revolution.
(Larawan ni Ninoy)

"The Filipino is worth dying for."


–Benigno Aquino Jr.
Agosto 23 | Taong 1896, pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga cedula sa pamumuno ni
Andres Bonifacio. Ito ay simbolo ng paglaban sa pamahalaang Kastila at para sa kalayaan. Tinatawag
din itong "Unang Sigaw sa Pugad Lawin," ang simula ng rebolusyong Pilipino.
(Larawan ng Rebolusyon)

Agosto 30 | Taong 1850, ipinanganak si Marcelo H. Del Pilar sa Cupang (Ngayon ay Barangay San
Nicolas), Bulakan, Bulacan. Isang propagandista, manunulat, at Pilipinong naghahangad ng
pagkakapantay-pantay sa bawat isa.

"Insurrection is the last remedy, especially when the people have acquired the belief that peaceful
means to secure the remedies for evils prove futile.”
— Marcelo H. Del Pilar

Agosto 30 | Taong 1896, isinailalim ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco sa martial law ang walong
lalawigan na pinaghihinalaang may mga rebolusyonaryo. Ito ang mga lalawigan ng Manila, Bulacan,
Cavite, Pampanga, Tarlac, Laguna, Batangas, at Nueva Ecija .
Agosto 31 | Taong 1907, ipinanganak si Ramon Magsaysay sa Iba, Zambales. Siya ang ika-pitong
pangulo ng Pilipinas at kilala bilang "Kampeon ng Masa." Marami sa kanyang mga programa ay para sa
mga ordinaryong Pilipino at mga magsasaka. Isang halimbawa nito ay ang Agricultural Tenants Act of
1954.

"We have a glorious past. Now we must build a future worthy of that past."
–Ramon Magsaysay, Sipi mula sa kanyang Inaugural speech. December 30, 1953.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng kasaysayan sa ating buhay. Sabi nga ng ating bayani Dr. Jose
Rizal, " Upang mabatid ang tadhana ng isang bayan, lubhang kinakailangan buksan ang aklat na
nagsasalaysay ng nakaraan nito."
Nararapat na kahit hindi buwan ng kasaysayan ay palagi nating gunitain ang nakaraan dahil ito ang
gagabay sa atin sa kinabukasan. At ang hiwaga nito ay magmumula sa pagmamahal natin sa bayang
dakila.

May saysay ang nakalipas!


Mabuhay ang kasaysayan!

(All images are subject for modification)

Mga Pinagkukunan ng Impormasyon:

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1255/today-in-philippine-history-august-1-2009-
corazon-aquino-died-of-colon-cancer

https://www.officialgazette.gov.ph/1974/08/22/proclamation-no-1304-s-1974/

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1256/today-in-philippine-history-august-2-1799-father-
mariano-gomez-was-born-in-sta-cruz-manila

SANTIAGO, L. (1982). The Last Will of Padre Mariano Gomes. Philippine Studies, 30(3), 395-407.
Retrieved August 4, 2021, from http://www.jstor.org/stable/42632618

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/483/today-in-philippine-history-august-13-1898-the-
battle-of-manila-occurred

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/485/today-in-philippine-history-august-14-1835-jacinto-
zamora-was-born-in-pandacan-manila

https://www.officialgazette.gov.ph/1939/12/09/speech-of-president-quezon-on-civil-liberties-
december-9-1939/

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1265/today-in-philippine-history-august-19-1878-
manuel-quezon-was-born-in-baler-aurora
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/516/today-in-philippine-history-august-21-1983-ninoy-
aquino-was-assassinated

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/523/today-in-philippine-history-august-23-1896-
katipuneros-led-by-andres-bonifacio-tore-their-cedulas

https://www.officialgazette.gov.ph/1953/12/30/inaugural-address-of-president-magsaysay-december-
30-1953/

https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/09/kaspil-1-2-and-
greatwk-17-18-b-
alituntunin.pdf&ved=2ahUKEwj40dST_JbyAhVP4WEKHYJPBu0QFnoECBEQAg&usg=AOvVa
w2pGeMGJ8K-T5C9EEjaJVw6

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/2050/today-in-philippine-history-august-30-1896-
governor-blanco-placed-8-provinces-under-martial-law

You might also like