You are on page 1of 21

Tukuyin ang pangalan ng mga sumusunod na

bayani ng ating bansa.

Apolinario Mabini
Dr. Jose P. Rizal
Melchora Aquino
Gen. Emilio F. Aguinaldo
Emilio D. Jacinto
Ano ang pagkakakilala ninyo
sa kanila?

Ano ang mga nagawa nilang


katangi-tangi?
Bayani
Ang mga taong nagnais na mabigyang
kalayaan ang ating bansa.

Ang iba sa kanila ay nagpakadalubhasa sa ibang bansa upang


makaisip ng magandang paraan upang tulungang makalaya ang
ating bansa mula sa mga dayuhan.

Sila ang mga taong naglaan ng kanilang panahon, sarili, talino at


mga pagpupunyagi upang makapag-ambag ng Malaki sa kaunlaran
ng isang lugar.
Siya si Gregorio del Pilar, tinagurian
siyang “Bayani ng Pasong Tirad”, na
ipinanganak sa Bulakan, Bulacan. Siya
ang itinuturing na pinakabatang heneral
na lumaban sa mga Amerikano noong
panahon ng panunungkulan ni Emilio
Aguinaldo, ang pangulo ng Unang
Republika ng Pilipinas na naitatag sa
Malolos. Bilang isang heneral, namatay
siyang nakikipaglaban para sa
kasarinlan ng bansa.
Siya naman si Marcelo H. Del
Pilar na ipinanganak sa Bulakan,
Bulacan. Siya ay kilala bilang
“Dakilang Propagandista” at
naging patnugot ng La
Solidaridad, isang pahayagang
pampulitika na nagsilbing tinig ng
Kilusang Propaganda na
nananawagan sa pamamahala at
pagkakaroon ng kalayaan ng
Pilipinas.
Si Benigno S. Aquino Jr. o mas kilala sa
tawag na “Ninoy” ay ipinanganak sa
Concepcion, Tarlac noong Nobyembre 27, 1932.
Iminulat niya ang kaisipan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng kanyang mga sakripisyo,
mapayapa at tahimik na pakikipaglaban upang
labanan ang diktatoryal. Siya ay nagging
pangunahing kritiko ni Pangulong Marcos.
Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig sa Maynila
at bilang parangal ipinangalan ito sa kanya, ang
Ninoy Aquino International Airport.
Ibinuwis ni Ninoy ang kanyang buhay alang-
alang sa demokrasya ng bansa.
Si Jose Abad-Santos ay ipinanganak sa
San Fernando, Pampanga. Dahil sa
kanyang angking talino bilang abogado at
sistematikong pamamaraan sa paghawak
ng hustisya, tatlong beses siyang nahirang
bilang Kalihim ng Kagawaran ng
Katarungan at nagging Kataas-taasang
Hukom ng Korte Suprema noong 1941.
Pinili niyang ialay ang kanyang sariling
buhay para sa bansang Pilipinas kaysa sa
makipagkaisa sa mga Hapon.
Si Manuel Luis Quezon ang
tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa” ay ipinanganak sa Baler,
Aurora. Siya din ang kauna-unahang
Pangulo ng Komonwelt sa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano.
Tinatawag din siyang “Ama ng
Kasarinlang Pilipino” dahil sa
kanyang mga ginawa upang isulong
ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa
pamahalaang Amerikano.
Ipinanganak si Heneral Francisco
Makabulos sa La Paz, Tarlac noong Setyembre
17, 1871. Siya ang naging pinuno ng rebolusyon
ng Tarlac na nakisama sa Katipunan. Itinalaga
siya ni Heneral Emilio Aguinaldo na maging isa
sa mga heneral na mangunguna sa mga kasapi
sa Gitnang Luzan.
Nagtatag siya ng grupong Central Executive
Committee na tinawag na “Constitution of
Makabulos”. Naging inspirasyon siya sa mga
taga Tarlac sa taglay niyang katapangan para
sa pakikipaglaban sa kalayaan. Dahil dito unti-
unti rin niyang nagising ang damdaming
makabansa ng mga tao.
Si Trinidad Tecson ay ipinanganak sa San Miguel
Bulacan noong Nobyembre 18, 1848. Kahit na siya
ay babae lang hindi siya nag-alinlangan na
nagpasugat ng katawan at nagpatulo ng dugo
kasama ng mga lalaking kasapi ng Katipunan para
sa kasunduang tinatawag na blood compact”.
Nakipaglaban siya ng walang takot sa labin
dalawang madugong labanan sa rebolusyon sa
Bulacan kasama na rito ang nakilalang Battle of
Biak na Bato. Tinawag at binansagan siyang Mother
of Philippine Red Cross. Namatay siya noong 28,
1928. Ang katapangan niya sa pamamagitan ng
pagdaloy ng dugo ang nagbigay inspirasyon sa mga
taong magbigay ng dugo para madugtungan pa ang
maraming buhay.
Siya ay si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon
“Monching” Magsaysay. Siya ang ikapitong pangulo ng
Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso
17, 1957. Si Magsaysay ay ipinanganak sa Castillejos, Zambales
noong Agosto 31, 1907.
Ang kanyang mga magulang ay sina Exequiel Magsaysay at
Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan sa Pilipinas at
Jose Rizal College.Iniligtas ni Magsaysay sa demokrasya ang
Pilipinas. Ito ang pinakamahalaga na nagawa niya. Pinigil niya
ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc,
Supremo ng Huk o pinakamataas na lider ng komunista ay
sumuko sa kanya. Kaya siya ay tinawag na “Tagapagligtas na
lider ng komunista ay sumuko sa kanya. Siya ang pinakamahal
na Pangulo ng Pilipinas dahil sa ibinalik niya ang tiwala ng
pamahalaan. Subalit pagkatapos ng kanyang pamamahala ay
namatay siya dahil nahulog ang eroplanong sinasakyan niya sa
Bundok Mangunggal sa Balamban, Cebu noong Marso 17, 1957.
Pangkatang Gawain:

Pinoy Henyo
Nais mo bang maging tulad din nila?
Bakit?

Sinu-sino ang mga kilalang bayani sa


ating lalawigan?

Bakit sila kilala bilang isang bayani?


Kilalanin ang mga sumusunod na bayani ayon sa kanilang
pagkakakilanlan.
_________1. Siya ang itinuturing na pinakabatang heneral na lumaban sa mga
Amerikano s panahon ng panunungkulan ni Emilio Aguinaldo.

_________2. Kilala bilang “Dakilang Propagandista” at naging patnugot ng La


Solidaridad.

_________3. Siya ay pinatay sa Pandaigdigang Paliparan sa Maynila.

_________4. Tatlong beses siyang nahirang bilang Kalihim ng Kagawaran ng


Katarungan.

_________5. Nakipaglaban siya sa labindalawang madugong labanan sa


rebolusyon sa Bulacan.
Takdang Aralin:

Maghanap ng mga newsclips tungkol sa


mga taong naitanghal na bayani sa inyong
lalawigan o lugar. Idikit ang newsclips sa
bondpaper.
To God be the Glory!

You might also like