You are on page 1of 1

Name: ___________________________ Grade & Section: ___5___________Score: __________________

School:_________________________Teacher: _________________________ Subject: Araling Panlipunan 5


LAS Writer: ERA D. TANION Content Editor: KRISTINE MARIE S. OLIVAR
Lesson Topic: Pagkakaisa Liberal na Pamumuno Quarter 4 Wk.2 LAS 1
Learning Targets: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
( AP5PKB-IVd- 2 ).
Napahahalagahan ang liberal na pamumuno.
Reference(s): K to 12 MELCs AP5 Quarter 4 week 1 & 2
Gabuat,M.; Mercado, M.; and Jose, M; 2016. Araling Panlipunan 5. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing Company, p. 252
Nilalaman
Ang Liberal na Pamumuno

Sumiklab ang isang himagsikan sa Espanya noong Setyembre 19, 1868. Nagsimula ang himagsikang
ito sa pagpapalit ng pamamahala ng Espanya mula sa kamay ng mga konserbatibong tungo sa mga liberal.
Isang bagong gobernador-heneral ang ipinadala sa Pilipinas sa panahong ito, siya si Carlos Maria de la Torre.
Ang tiwala ng mga Pilipino ay madaling nakuha ng heneral. Nakilala si de la Torre sa kaniyang liberal na
pamamahala sa Pilipinas. Natuto siyang makinig sa mga suliranin ng mga mamamayan at makihalubilo sa
mga tao, Espanyol man o Pilipino. Pinag-utos nya na ipatigil paghahagupit bilang parusa; winakasan ang pag-
eespiya sa mga pahayagan; at hinikayat ang malayang mamahayag. Naniwala siya na pantay-pantay ang
lahat ng tao. Sa ilalim ng kaniyang liderato ay naranasan ng mga Pilipino ang kalayaan sa pagpapahayag ng
kanilang sarili.

Nang dahil sa liberal na pamumuno nagkaisa ang mga mamayang Pilipino upang ipaglaban ang
kanilang mga karapatan. Namulat sila sa mga katiwalian ng pamahalaang Espanyol at nagising ang kanilang
damdaming makabayan.

Pinalitan siya bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de Izquierdo matapos ang dalawang taong
panunungkulan. Si Izquierdo ay naging kabaliktaran ni de la Torre sa pamumuno. Kinilala siya bilang isa sa
pinakamalupit na namuno sa Pilipinas. Lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Pilipino para sa pagbabago at
kasarinlan sa panahong ito.

Gawain A. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Sino ang kinilala sa kanyang liberal na pamumuno? ____________________________________________


2. Kailan sumiklab ang isang himagsikan sa Espanya? ____________________________________________
3. Sino ang kinilala bilang pinakamalupit na namuno sa Pilipinas? ___________________________________
4. Ano-ano ang ipinagbawal ni de la Torre?
a._________________________________________________________________________________
b. _________________________________________________________________________________
c. _________________________________________________________________________________

5. Paano nakuha ni de la Torre ang tiwala ng mga Pilipino?


_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
Gawain B. Ano ang kahalagahan ng liberal na pamumuno? ( 5 puntos )
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka
Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Wasto at sapat ang mga naibigay na detalye o 3
nilalaman.
Maayos ang organisasyon at tama ang mga bantas. 2
Kabuuang Puntos 5

You might also like