You are on page 1of 24

6

ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Kontribusyon ng mga Pangulo ng
Ikatlong Republika
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Kontribusyon ng mga Pangulo ng
Ikatlong Republika
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lindon M. Garcia, Metchell P. Matilac, Cherish Ann C. Tiamson


Nerissa P. Brato, Maribelia M. Estandarte
Editor: Leila L. Ibita
Tagasuri: Jessica D. Lagura
Tagalapat: Metchell P. Matilac
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul- Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio- Assistant Schools division Superintendent
Christine C. Bagacay- Chief-Curriculum Implementation
Division
Leila L. Ibita- Education Program Supervisor- Araling
Panlipunan
Lorna C. Ragos- Education Program Supervisor
Learning Resources Management Section

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI
Office Address: E- Park, Apokon, Tagum City
______________________________
Telefax: __________________________
(084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Kontribusyon ng mga Pangulo ng
Ikatlong Republika
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral
ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Mga Progamang Ipinatupad ng
Aralin Iba’t-ibang Administrasyon
1 mula 1946-1972

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang naunang


mga gawain.

Sa modyul na ito, matutuhan mong pahalagahan ang mga


naipinamalas na pamamahala ng mga naging pangulo ng bansa sa panahon
ng Ikatlong Republika.

May mga Gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Natatalakay ang mga kontribusyon ng mga Pangulo ng Pilipinas sa


Ikatlong Republika sa pagtugon sa mga suliranin at hamon ng
bansa(AP6KP-IIe-5)

 Napapahalagahan ang pamamahala ng mga naging pangulo ng bansa


mula 1946 hanggang 1972

 Nakakasulat ng maikling sanaysay tungkol sa mga programang


ipinatupad ng mga pangulong nasa Ikatlong Republika.

1
Subukin Natin

PANUTO: Kilalanin ang mga pangulo ng Pilipinas.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

https://en.wikipedia.org/wiki/_2.jpg https://en.wikipedia.org/wiki/media/.jpg https://bayaningfilipino.blogspot.com/ .html

1. 2. 3.
_____________________ _____________________ _______________________

https://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/presi https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3
dent-of-philippines.html https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3 A%2F%2Fmalacanang.gov.ph%2Fpresidents%2
A%2F%2Fmalacanang.gov.ph%2Fpresidents%2 Fthird-republic%
Fthird-republic%

4. 5. 6.
_____________________ ______________________ _______________________

2
AralinNatin

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita. Isulat ang
nabuong sagot sa sagutang papel.

1. oulagnp - _____________________
2. gnatlokt alikbpure - _____________________
3. rgmapoa - _____________________
4. mapalaanha - _____________________
5. nraatpaka- _____________________

Gawin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga patakaran at programang


ipinatupad ng mga Pangulo sa Ikatlong Republika.

Sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa soberanya ng US,


nagsimula ang pagpapatupad ng iba’t ibang patakaran at programa sa ilalim ng
bagong-tatag ng Republika.
Kilala mo ba ang mga Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
Alam mo ba kung ano ang pinakamahalagang nagawa nila para sa ating bansa?

Manuel A. Roxas (1946-1948)


Abril 23, 1946 nang mahalal si Manuel A. Roxas bilang unang pangulo ng
Ikatlong Republika.
Sa pag-upo ni Roxas bilang pangulo, naharap ang bansa sa mga hamon ng
muling pagbangon matapos ang digmaan. Nahirapang makabangon ang bansa
sapagkat bukod sa mga nasirang inprastraktura, nawasak din ang halos 80
baghagdan ng mga paaralan at naparalisa ang transportasyon. Bagsak din ang
produksyon sanhi ng pagkasira ng palayan at taniman. Dagdag na suliranin din
ang mababang moral ng mga mamamayan dahil sa pagkawala ng kanilang mga

3
mahal sa buhay at kabuhayan. Napakalaking halaga ang kinakailangan upang
muling maisaayos ang bansa.
Ipinagpatuloy ng administrasyong Roxas ang pakikipag-ugnayan sa US
dahil sa paniniwalang malaki ang maitutulong nito para sa pagbangon ng bansa.
Ipinatupad ng pamunuang Roxas ang Bell Trade Act, Tydings Rehabilitation Act,
at Military Bases Agreement, na pawang maka-Amerikano.

Ilan sa mga nagawa ng Administrasyong Roxas


Nagawa Paliwanag
Pagbibigay ng amnestiya Ginawa ito upang pagbuklurin muli ang mga
sa mga kolaborador nahating mamamayang Filipino noong panahon ng
okupasyon ng mga Hapones. Naniwala siyang ang
ginawang pakikiisa ng mga Filipino sa mga
Hapones ay paraan nila ng pagganap ng tungkulin
sa bansa.
Pagsusog sa Philippine Itinakda ng pagsusog sa batas na ito ang hatian sa
Rice Share Tenancy Act ani sa pagitan ng kasama at may lupa batay sa
kung sino ang babalikat sa mga gastos sa
pagsasaka. Tinawag itong batas 70/30 dahil 70%
ng ani ang maaaring mapunta sa kasama kung siya
ang babalikat sa lahat ng gamit at gastusin sa
pagsasaka.

Elpidio R. Quirino (1948-1953)


Sa biglaang pagpanaw ni Roxas, humalili sa kaniya bilang pangulo ang
kaniyang pangalawang pangulo na si Elipidio R. Quirino .Nang sumunod na
halalan noong 1949, nahalal si Quirino para sa isang buong termino bilang
ikalawang pangulo ng ikatlong Rebuplika ng Pilipinas. Ipinagpatuloy ni Quirino
ang paglutas sa mga suliraning naiwan ng nakaraang administrasyon.
Pangunahin na rito ang usaping sa kahirapan sanhi ng mababang sahod ng mga
mangagawa at pagkawala ng hanap buhay sa unti-unting pag-alis ng mga

4
negosyong Amerikano nagdulot ito ng ng kawalang ng tirahan at paglitaw ng mga
usapin sa rebelyon.
Nakasentro ang pamahalaang Quirino sa pagtugon sa mga
pangangalingang pangkabuhayan ng mga mamamayan, pagkakaroon ng
kapayapaan at kaayusan at pagpapanumbalik sa tiwala ng mga mamamayan sa
pamahalaan.
Nagawa Paliwanag
Pagbibigay ng Sa pamamagitan ng Proclamation No. 76 ay nabigyan
amnestiya sa mga ng amnestiya o kapatawaran ang mga rebelde. Nabigo
HUK ang programang ito dahil maraming pangako sa mga
rebelde ang hindi natupad. Nabigo rin ang mga
tangkang pakikipagnegosasyon sa pinuno ng mga Huk
na si Luis Taruc. Dahil sa paglala ng suliranin ng mga
rebelde. Itinalaga si Ramon Magsaysay bilang kalihim
ng national Defense upang siya ang mangasiwa sa
pagpasuko ng mga Huk
Pagsusulong sa Sa Tulong ng Presidents Action Committee on Social
kagalingang Amelioration ay natugunan ang mga pangangailangan
panlipunan tulad ng pagkain, damit, at gamot. Bumili ang
pamahalaan ng malawak na lupain at ipinamahagi ito
sa mga magsasaka. Pinag-aral din ang mga anak ng
mga dating HUK, at nagbigay ng edukasyon para sa
matatanda. Nagpatayo ang pamahalaan ng mga
pabahay, nagpautang sa mga magsasaka at
nagpatupad ng iba pang mga programang
makatutulong sa mga mamamayan.
Pagtatatag ng foreign Itinakda ng pagsusog sa batas na ito ang hatian sa ani
service sa pagitan ng kasama at may lupa batay sa kung sino
ang babalikat sa mga gastos sa pagsasaka. Tinawag
itong batas 70/30 dahil 70% ng ani ang maaaring
mapunta sa kasama kung siya ang babalikat sa lahat
ng gamit at gastusin sa pagsasaka.

5
Ramon Magsaysay (1953-1957)
Si Magsaysay ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

“Tagapagtanggol ng Demokrasya” at “Kampeon ng Masa” ang turing sa kanya


dahil naging prayoridad ni Magsaysay ang mga nayon o baryo sa kaniyang mga
programang pangkabuhayan.

Ilan sa mga nagawa ng administrayong Magsaysay ang mga sumusunod:

 Land Reform Act of 1995 – ito ay ang pamamahagi ng lupain sa mga


nangungupahan ng lupa na magkaroon ng pag-asang makapagmamay-ari.
 Pinabuti ang buhay ng magsaksaka sa pamamagitan ng pagpapautang
niya ng mga pambili ng kagamitang pansaka. Inayos ang mga daan at tulay
upang mapabilis ang daloy ng mga produkto sa mga baryo.
 Pagpapatupad ng mga batas tungo sa pagpapabuti sa antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan, kabilang dito ang mga sumusunod :
a. Republic Act No. 1160 – Itinatag nito ang National Resettlement and
Rehabilitation Administration upang mangasiwa sa pamamahagi ng
lupain sa mga magsasaka sa Palawan at Mindanao.
b. Agricultural Tenancy Act of 1954– nagtatakda sa ugnayan at mga
karapatan ng kasama at may lupa.
c. Republic Act No. 821 –Agricultural Credit Cooperative Financing
Administration- nangasiwa sa isang sistemang pinansiyal sa
pagpapautang at pagbuo ng mga kooperatiba para sa mga
magsasaka.
d. Magna Carta of Labor –Ito ay tungkol sa karapatan ng mga
manggagawa at ang makatarungang ugnayan ng mga empleyado at
ng kanilang amo.
e. Laurel-Langley Agreement – Pinawalang bisa nito ang ilang probisyon
sa malayang kalakalan na nakasaad sa Bell Trade Act kung saan
hindi kontrolado ng mga Amerikano ang halaga ng piso.

6
 Paglikha ng Presidential Complaints and Action Committee- Ito’y
pagbubukas ng Malacanang sa karaniwang tao upang personal na marinig
ni Magsaysay ang pagpapahalaga sa mga karaniwang mamamayan.
 Nakikipagtulungan sa iba pang bansa si Pang. Magsaysay na maitatag ang
Southeast Asia Treaty Organization (SEATO). Layunin nitong isulong ang
pagpalaganap ng demokrasya upang tiyakin ang pananaig ng demokrasya
sa Timog-silangang Asya.
 Pagsasabatas ng RA 1425 Rizal Law, naglalayong pag-aralan ang buhay,
mga sulatin, at ideya ni Rizal sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan.

Ilan sa mga nagawa ng administrayong Magsaysay ang sumusunod:

Carlos P. Garcia (1957-1961)

Si Carlos P. Garcia ang humalili sa loob ng walong buwang natira sa


termino ng yumaong Pangulong Magsaysay. Hindi nagtagal nahalal siya noong
1957 bilang ika- apat na pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ilan sa mga programa ni Pangulong Carlos P. Garcia ang sumusunod:

 Filipino First Policy o Patakarang “Pilipino Muna” – Pag-bibigay ng


prayoridad sa mga lokal na mangangalakal at pagtaguyod na tangkilikin
ang mga produktong gawa sa sariling bansa.
 Bohleen-Serrano Agreement- Ang pag papaikli ng kasunduang ito (mula
sa 99 taon hanggagng sa 25 na taon nalamang ng paggamit ng mga
Amerikano sa mga base militar at pag tanggal nito ng kapangyarihan na
kontrolin ang Olongapo.
 Association of South East Asia- Itinatag noong Hulyo 31,1961 upang
higpitan ang ugnayan ng Pilipinas at ibang bansa sa Asya at ang
pagpapabuti sa kalagayang pangkultura at ekonomiko nito.
 Republic Cultural Heritage Award- Ang gawad na ito ay inilunsad upang
isulong ang kulturang Filipino sa pamamagitan ng pag bibigay parangal sa
mga natatanging manunulat, mananaysay, at iba pang alagad ng sining.

7
Diosdado P. Macapagal (1961-1965)

Sa halalan noong Nobyembre 14, 1961, tinalo ng noon ay pangalawang


pangulo na si Diosdado P. Macapagal si Garcia. Makaraan nito ay naupo si
Macapagal bilang ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika. Nanalo naman
bilang pangalawang pangulo ang dating senador na si Emmanuel Pelaez.
Kabilang sa mga itinuring na pinakamalalaking hamon sa administrasyong
Macapagal ang pagiging mabuway ng ekonomiya ng bansa. Patuloy ang pagbaba
ng halaga ng piso sa panahong ito. Laganap pa rin ang kahirapan at kawalan ng
hanapbuhay ng maraming Filipino. Tulad mga nagdaang pangulo, nilayon din ni
Macapagal na pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan. Naging
sentro ng kaniyang panunungkulan ang paglutas sa suliranin sa kawalan ng
hanapbuhay, mababang pasahod sa mga manggagawa, pangangailangn sa
murang pabahay, at pagkakaroon ng matatag na ekonomiya.
Binago ni Macapagal ang tuon ng ekonomiya ng Pilipinas. Hinikayat ang
pagluluwas ng mga produkto at binaklas sa pagpasok ng mga produktong
dayuhan upang mapasigla ang ekonomiya.

Talahanayan 1.1. Ilan sa mga nagawa ng Administrasyong Macapagal


Nagawa Paliwanag
Agricultural Land Sa pamamagitan ng batas na ito ay nailipat sa mga
Reform Code of 1963 magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka. Bahagi ng
batas ang Kalipunan ng Karapatan ng mga kasama
na nagsulong sa kanilang kapakanan bilang
manggagawa.
Ibinalik ang Ito ay bilang pagkilalala sa deklarasyon ng kalayaan
pagdiriwang ng Araw ng ng mga Filipino mula sa mga Espanyol noong 1896.
Kasarinlan sa Hunyo Samantala, itinakda ang Hulyo 4 bilang Filipino-
12, mula sa araw na American Friendship Day.
itinakda ng mga
Amerikanona Hulyo 4

8
Pormal na pag-angkin Ipinaglaban ni Macapagal na ang nasabing teritoryo
sa Sabah ay kinilalalng pagmamay-ari ng bansa.
Ang pag-angking ito ay maaaring makaaapekto sa
relasyon ng Pilipinas sa bansang Malaysia, subalit
nanindigan ang pangulo para dito.
Naging kasapi ang Layunin ng MAPHILINDO na mapalawak ang
bansa ng MAPHILINDO pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Malaysia at
(Malaysia, Philippines, Indonesia. Tuon ng samahan ang pagtutulungan sa
Indonesia) pagaharap sa mga suliranin sa iba’t ibang larangan.
Pagpapasimula sa mga Pormal na inilunsad ang IRRI sa unang bahagi ng
Gawain ng panunungkulan ni Macapagal. Pinasimulan ang
International Rice mahahalagang pag-aaral tungkol sa mga butil ng
Research Institute palay na magbibigay ng higit na maraming ani,
(IRRI) gayundin ang tungkol sa tatlong beses na pagtatanim
ng palay sa loob ng isang taon.

Ferdinand E. Marcos (1965-1986)


Sa halalan noong Nobyembre 19, 1965 nagwagi si Ferdinand E. Marcos
bilang ikaanim na pangulo ng Ikatlong Republika. Nanalo namang pangalawang
pangulo si Fernando Lopez.
Minana ni Marcos ang mga suliraning ekonomiko mula sa mga naunang
administrasyon. Isang malaking hamon sa kaniyang pagkapangulo ang pagtugon
sa mga pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng hanapbuhay, tirahan, at
maayos na antas ng pamumuhay.
Ang unang termino ng panunungkulan ni Marcos ay naging mabunga
sapagkat napagtuonan dito ang pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga
mamamayan. Ilan sa ipinatupad na proyekto ay ang sa imprastraktura –
pagpapagawa ng mga daan, tulay, ospital at sentrong pangkultura. Nabigyang
pansin din ang pagtugon sa mga suliranin sa Mindanao.

9
Ilan sa mga nagawa ng Administrasyong Marcos
Nagawa Paliwanag
Green Ang mga programang tulad ng Masagana 99,
Revolution paggamit ng miracle rice at pagtatayo ng mga sistema
ng patubig ay nakatulong sa pagtaas ng produksiyon
ng mga magsasaka. Dahil dito ay naranasan ng
Pilipinas na magluwas ng bigas sa ibang mga bansa.
Pagpapaunlad sa Sa pamamagitan ng National Cottage Industries
mga cottage Development Authority ay napaunlad ang mga
industry industriyang nakatuon sa paggawa ng mga produkto
mula sa kawayan, ratan, seramika, tela at kahoy.
Nagdulot ito ng karagdagang trabaho at kita sa mga
Filipino. Nakilala rin sa ibang mga bansa ang mga
handicaraft na gawang Filipino dahil sa pagluluwas sa
mga produktong ito.
Elektripikasyon sa Sa ilalim ng Rural Electrification Program ay
kanayunan inilunsad ang malawakang pagbibigay ng serbisyong
pang-elektrisidad sa mga kanayunan. Itinatag ang
National Electrification Administration at bumuo ng
mga kooperatiba upang mangasiwa sa maayos na
serbisyo ng kuryente sa mga pamayanan.
Pagpapaunlad ng Itinayo ang Cultural Center of the Philippines, Folk
kaalamang Arts Theater, Philippine International Convention
pangkaisipan at Center at Manila Cococnut Palace. Kung saan
kultura nagtanghal ng mga palabas na kultural at
programang pangkalinangan. Dahil dito ay
napaunlad ang sining at kultura at naakit ang mga
turista na bumisita sa bansa.

Pagpapalawak sa Ito ay sa pamamagitan ng:


ugnayang panlabas  Pakikipag-ugnayan sa mga bansang sosyalista
at komunista tulad ng China at Russia

10
 Pagdaraos ng Manila Summit Conference noong
Oktubre 1966 na dinaluhan ng mga bansa sa
Asya at Australia
 Pagiging isa sa mga nagtatag sa Association of
Southeast Asian Nations noong 1967 na
naglayong mapaunlad ang aspektong
pangkabuhayan, pangkultura at panlipunan ng
mga kasaping bansa.
Dahil dito, nakapagtatag ng mabuting ugnayan
panlabas si Marcos. Ang mga ito ay naging daan sa
pagdagdag ng mga oportunidad sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.

Naging mabunga sa unang termino ni Marcos. Gumanda ang imahen ng


Pilipinas sa ibang bansa at nagkaroon ng mas magandang kalagayan ang
ekonomiya nito. Bagama’t may mga kontrobersiya ring maiuugnay sa
administrasyong Marcos, muli siyang nanalo sa pambansang halalan ng 1969.
Sa ikalawang termino ni Marcos, nag-iba ang sitwasyon ng bansa. Naharap
sa matitinding hamon ng kahirapan ang mga mamamayan. Sinubukang tuparin
ni Marcos ang kaniyang pangakong paunlarin ang kabuhayan ng bawat
mamamayan, ngunit hindi siya nagtagumpay. Higit na nakita ng mga tao ang
kawalan ng hanapbuhay, kaguluhan dulot ng mga nag-aaklas na manggagawa,
kabi-kabilang krimen, at mga industriyang itinayo na hindi sumusulong. Naging
karaniwan ang halos araw-araw na pagsasagawa ng boycott, rally, at
demonstrasyon sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Naging usap-usapan ang mga
kaso ng malawakang katiwalian sa pamahalaan, paglabag sa karapatang pantao,
at pagmamalabis ng mga opisyal sa kanilang kapangyarihan.
Tiningnan ng administrasyong Marcos ang mga suliraning nabanggit bilang
mga sagabal sa pagpapaunlad ng mga programang pangkaunlaran. Ginamit ni
Marcos ang mga ito na dahilan upang isailalim niya ang Pilipinas sa batas
military noong Setyembre 21, 1972.

11
Sanayin Natin

Panuto: Tukuyin ang mga Pangulo sa Ikatlong Republika na


nagpatupad ng programang nakasaad sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng iyong tamang sagot sa sagutang
papel.
A. Manuel A. Roxas E. Carlos P. Garcia
B. Elpidio R. Quirino F. Diosdado P. Macapagal
C. Ramon F. Magsaysa G. Ferdinand E. Marcos
D. Manuel L. Quezon

____1. Patakarang Filipino Muna o Filipino First Policy


____2. Military Bases Agreement
____3. Land Reform Tenure Law
____4. Pagbalik ng Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12
____5. President’s Action Committee on Social Ameliorization
____6.Rural Electricfication Program
____7. Pormal nag-angkin sa Sabah
____8. Pagsusog sa Rice Share Tenancy Act
____9. Pagbibigay ng amnestiya sa mga HUK
____10. Masagana 99

12
Tandaan Natin
 Ipinatupad ng pamunuang Roxas ang Bell Trade Act kung saan
nagbigay ito ng “pantay na karapatan” sa mga Pilipino at
Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman
ng bansa.
 Nilagdaan noong 1947 angUS-RP Military Bases Agreement na
nagpahintulot sa mga Amerikano na magtatag ng base militar sa
Pilipinas.
 Sa tulong ng Foreign Service o sangay ng pamahalaan na
namamahala sa pakikipag ugnayan ng Pilipinas, napagtibay nito
ang ugnayan sa ibang bansa, si Pangulong Quirino ang
nanungkulang kalihim nito.
 Ang nakikitang sagot ni pangulong Quirino upang matugunan
ang pangangailangan ng mamamayan ay ang pag buo ng
President’s Action Committee on Social Amelioration.
 Tinagurian si Magsaysay bilang “Tagapagtanggol ng Demokrasya”
at “Kampeon ng Masa”. Prayoridad ng kanyang pamahalaan ang
tumugon sa mga suliranin ng mga magsasaka at ng mga
manggagawa, at nagsisikap mapabuti ang pamumuhay ng
mahihirap.
 Nagtapos ang pag–aalsa ng mga rebeldeng Huk sa panahon ng
pamamahala ni Pangulong Ramon F. Magsaysay.
 Isa siya sa mga nagtatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty
Organization)-Layunin nitong isulong ang pagpapalaganap ng
demokrasya at supilin ang komunismo.
 Ang Patakarang “Pilipino Muna” o Filipino First Policy ay
ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia, naglalayong mabigyan
ng karapatan at pagkakataong unahing mapaunlad ang
kabuhayan bago ang ibang bansa.
 Inilunsad din ang programang Pagtitipid, Hinikayat niya ang mga
mamayan at pamahalaan na magkaroon ng payak o
simplengpamumuhay, kapaki-pakinabang na pamumuhunan at
katapatan sa tungkulin.

13
 Isinulong din ni Pangulong Garcia ang pagtangkilik at pagkilala
sa mga PIlipinong mahusay sa alagad ng sining sa pamamagitan
ng pag gawad ng Republic Cultural Award.
 Pinalitan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang petsa ng
pagdiriwang ng kalayan ng bansa, mula Hulyo 4 ay naging Hunyo
12.
 Naging mabunga ang panunungkulan ni Pangulong Marcos sapagkat
napagtuonan dito ang pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng
mga mamamayan tulad ng proyektong pang imprastraktura –
pagpapagawa ng mga daan, tulay, ospital at sentrong pangkultura.

Suriin Natin
Panuto: Piliin ang mga programang tinutukoy sa bawat bilang sa loob ng kahon
sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

_______________1. Ginawa ito upang pagbuklurin muli ang mga nahating


mamamayang Filipino noong panahon ng okupasyon ng mga
Hapones.

_______________2. Itinakda ng pagsusog sa batas na ito ang hatian sa ani sa


pagitan ng kasama at may lupa batay sa kung sino ang
babalikat sa mga gastos sa pagsasaka.

_______________3. Ang gawad na ito ay inulunsad upang isulong ang Kulturang


Filipino sa pamamagitan ng pag bibigay parangal sa mga
natatanging manunulat, mananaysay, at iba pang algad ng
sining.

_______________4. Itinayo ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts


Theater, Philipppine International Convention Center at
Manila Coconut Palace.

_______________5. Ito ay tungkol sa karapatan ng mga manggagawa at ang


Makatarungang ugnayan ng mga empleyado at kanilang amo.

_______________6. Sa Tulong ng Presidents Action Committee on Social


Ameloration ay natugunan ang mga pangangailangan tulad ng
pagkain, damit at gamot.

_______________7. Pinawalang bias nito ang ilang probisyon sa malayang


kalakalan na nakasaad sa Bell Trade Act kung saan hindi

14
kontrolado ng mga Amerikano ang halaga ng Piso.

_______________8. Agricultural Credit Cooperative Financing Adminsitration-


nagsagawa sa isang Sistemang pinansiyal sa pagpapautang at
pagbuo ng mga kooperatiba para sa mga magsasaka.

________________9. Nagtatakada sa uganayan at karapatan ng kasama at may


lupa.

_______________10. Layunin nitong isulong ang pagpalaganap ng demokrasya


upang tiyakin ang pananig ng demoksya sa Timog-Silangang
Asya

 Agricultural Tenancy Act of 1951


 Pagbibigay ng amnestiya sa mga Kolaborador
 Republic Cultural Heritage Award
 Magna Carta of Labor
 Pagsulong sa Kagalingang Panlipunan
 Pagtatag ng Foreign Service
 Laurel Langley Agreement
 Republic Act No. 821
 SEATO
 Pagpaunlad ng Kaalamang Pangkaisipan At Kultura

Payabungn Natin

Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga programa ipinatupad ng isa sa


mga pangulo ng Ikatlong Republika. Talakayin ang ambag nito sa pag-unlad ng
lipunan at bansa. Maaring ilahad ang mga epekto nito hanggang sa kasalukuyan.
Kung mayroon man. Gawing gabay sa pagtupad ng tungkulin ang mga
sumusunod na rubrik.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

15
Gawing gabay sa pagtupad ng tungkulin ang sumusunod na rubrik.
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Wasto at batay sa katotohanan ang
nilalaman ng sanaysay. Natatalakay ng
wasto ang patakaran o programa at 10
nailahad ang epekto nito sa kasalukuyan
Mensahe Nailahad nang maayos ang mensahe ng
sanaysay 7
Estilo ng Maayos at malinaw ang pagkakasulat 3
pagsulat ng sanaysay.
Madali itong maunawaan ng bababsa.
Kabuuang Puntos 20

16
Pagnilayan Natin

Panuto: Kopyahin sa iyong kuwaderno ang talahanayan. Punan ng tsek (/) ang
wastong hanay.

Hindi sapat
Sapat ang Lubos ang
ang
Mga Kakayahan kakayahan kakayahan
kakayahan
ko ko
ko
Napahalagahan ang pamamahala
ng mga naging pangulo ng bansa
mula 1946 hanggang 1972
Nasusuri ang mga patakaran at
programa ng pamahalaan upang
matugunan ang mga suliranin at
hamon sa kasarinlan at
pagkabansa ng Pilipinas
Naiisa-isa ang mga kontribusyon
ng bawat pangulo na
nakapagdulot ng kaunlaran sa
lipunan at bansa
Nakabubuo ng konklusyon
tungkol sa pamamahala ng
nasabing mga pangulo

17
18
Suriin Natin
1. Pagbibigay ng
Amnestiya sa mga
Kolaborador
2. Pagtatag ng
Foreign Service
3. Republic Cultural
Heritage Award
4. Pagapaunlad ng
Kaalamang
Pangkaisipan at
Kultura
5. Magna Carta of
Labor
6. Pagsulong sa
Kagalingang
Panlipunan
7. Laurel-Langley
Agreement
8. Republic Act No.
821
Pagnilayan Natin Pagyabungin Natin 9. Agricultural
Tenancy Act of
Malayang pagbibigay Malayang 1951.
at pagtanggap ng mga pagbibigay at 10. SEATO
sagot sa mga bata pagtanggap ng mga
sagot sa mga bata
Subukin Natin
Sanayin Natin Aralin Natin
1. Manuel A. Roxas
1. D 6.G 1. Pangulo
2. Ikatlong 2. Elpidio R. Quirino
2. A 7.F 3. Ramon F.
3. E 8. A Republika
3. Programa Magsaysay
4. E 9. B 4. Carlos P. Garcia
5. B 10. F 4. Pamahalaan
5. Karapatan 5. Ferdinand E.
Marcos
6. Diosdado P.
Macapagal
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Quizol, Mary Christine F., Ong, Angela Y., Ong, Jerome A., Villan, Vicente P. PhD,
Mercado, Michael M. Corpuz, Gringco M..Araling Panlipunan (Pag-usbongng
Nasyonalismong Pilipino)

Department of Education, Most Essential Learning Competency, Pasig City:


DepEd-BLR, 2017, 28-29

https://lrmds.deped.gov.ph/search?filter=title&search_param=&query=EA
SE+Modyul+12%3A+Ang+Pananakop+ng+mga+Amerikano
https://philippineculturaleducation.com.ph/base-militar/

Antonio, Eleanor D., Banlaygas, Emilia L., Dalio, Evangeline M. Kayamanan


(Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan

19
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education- Division of Tagum City

Office Address : Energy Park, Apokon,Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address : tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like