You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________Baitang at Seksyon: __________________

Araling Panlipunan 6 Guro: _____________________ Iskor: _______________


___________________________________________________________________
Aralin : Ikatlong Markahan, Ikaapat na Linggo, LAS 3
Pamagat ng Gawain: Mga Naiambag ni Manuel A. Roxas sa Bansa
Layunin : Natutukoy ang mga kontribusyon ni Manuel A. Roxas sa panahon
ng kanyang panunungkulan.
Sanggunian : MELCs/TUKLAS LAHI 6
Manunulat : LEAH MAE E. CABAÑOG

Mga Naiambag ni Manuel A. Roxas sa Bansa


Noong siya ay miyembro ng Kongreso, kasama siya nina Sergio Osmeña sa
pagpunta sa Estados Unidos upang isabatas ang batas Hare-Hawes-Cutting, isa sa
mga misyong pang kalayaan ng Pilipinas noong panahon ng Commonwealth. Noong
1934, kabilang siya sa kumbensyong naghabi ng Saligang Batas ng 1935. Nang siya
ay naging pangulo, ipinroklama ni Roxas ang pangkalahatang amnestiya sa mga
kolaborador ng mga Hapones noong Pebrero 13, 1948. Isinabay ang kanyang
inagurasyon sa pagka pangulo ang pagraratipika ng Treaty of General Relations na
nagbigay sa Pilipinas ng ganap na kalayaan mula sa Amerikano. Dahil sa mga
suliraning bunga ng digmaan, ipinatupad ni Roxas ang mga patakarang inihain ng
Estados Unidos kaugnay ng pagbibigay ng tulong nito sa Pilipinas, ang Philippines
Rehabilitation Act of 1946, Bell Trade Act, Military Bases Agreement, Military
Assistance Agreement, at Mutual Defense Treaty. Kaugnay nito, itinatag niya ang
Rehabilitation Finance Corporation (RFC) na ngayon ay kilala bilang Development
Bank of the Philippines. Layunin nitong mag pautang para sa rehabilitasyon ng
agrikultura, komersyo, industriya, at mga imprastrukturang nasira ng digmaan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Kailan ipinroklama ni Roxas ang pangkalahatang amnestiya sa mga kolaborador


ng mga Hapones? _____________________________
2. Anong batas ang isa sa mga mismong pangkalayaan ng Pilipinas noong
panahon ng Commonwealth? ____________________________
3. Kilala bilang Development Bank of the Philippines. _______________________
4. Ano ang layunin ng RFC o DBP? _____________________________
5. Sino ang kasama ni Roxas sa pagpunta sa Estados Unidos?
________________

QR CODE

You might also like