You are on page 1of 33

Magandang Hapon

Mga bata!
Araling panlipunan 2
Natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod at ang
kanilang kahalagahan sa komunidad (e.g. guro,
pulis, brgy. tanod, bumbero, nars, doktor,
tagakolekta ng basura, kartero, karpintero, tubero,
atbp.) AP2PKKIVa-2
MATCHING GAMES!
Hanapin ang magkapareho na
larawan sa bawat box. Kung sino ang
pangkat na unang makahanap
ng magkaparehong larawan ay
sila ang may puntos. Larawan ito ng
mga naglilingkod sa komunidad
1 2 3
4 5 6
7 8 9
10 11 12
Ano-ano ang inyong mga
nakitang larawan?
Nais nyo ba na maging
katulad o kagaya nila na
naglilingkod sa
pamahalaan?
Panuto: Kilalanin ang mga taong
naglilingkod at ang kanilang kahlagahan
sa isang komunidad.
 
May mga taong nagbibigay ng
paglilingkod sa ating komunidad na
nakatutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga naninirahan
dito. Kilalanin sila.
Magsasaka –
nagtatanim ng
halaman upang
pagkunan ng
pagkain.
Karpintero –
gumagawa at
nagkukumpuni ng
mga bahay, gusali
at iba pang tirahan
ng mga tao.
Guro – nagtuturo
sa mga magaaral
upang matuto sa
ibaibang asignatura
at kagandahang
asal.
Tubero – nag-aayos
at nagkukumpuni ng
linya ng tubo ng
tubig patungo sa
mga tahanan at iba
pang gusali.
Narito naman ang mga
nagbibigay ng paglilingkod
para sa kalusugan ng
komunidad.
Nars –
tumutulong sa
doctor sa
pangangalaga ng
mga maysakit
Doktor –
nagbibigay ng
serbisyo ng
panggagamot sa
mga taong
maysakit.
Barangay Health Worker
– umiikot sa komunidad
upang ipaalam ang mga
impormasyong
pangkalusugan.
Tumutulong sa Barangay
Health Center.
Kaminero – naglilinis
ng kalsada at daan
upang mapanatili ang
kalinisan ng
kapaligiran ng
komunidad.
Basurero –
namamahala sa
pagkuha at
pagtatapon ng
basura.
May mga tao ring
naglilingkod para sa
kaligtasan at kaayusan
ng komunidad. Kilalanin
sila.
Bumbero –
tumutulong sa
pagsugpo ng apoy
sa mga nasusunog
na bahay, gusali at
iba pa.
Pulis – nagpapanatili
ng kaayusan at
kapayapaan ng
komunidad. Sila rin
ang humuhuli sa mga
nagkakasala sa
batas.
Kapitan ng
Barangay –
namumuno sa
kapakanan,
kaayusan, kaunlaran
at kapayapaan ng
nasasakupang
komunidad.
Barangay Tanod –
tumutulong sa
Kapitan ng Barangay
sa pagpapanatili ng
kaligtasan ng mga
tao sa komunidad.
Panuto: Tingnan ang baway larawan. Tukuyin kung sino
ito bilang naglilingkod sa komunidad. Bilugan ang tamang
sagot na nasa loob ng kahon.

Barangay Tanod
 
Pulis
 
Pulis
 
Bumbero
 
Doktor
 
Kaminero
 
Nars
 
Doktor
 
Guro
 
Mananahi
 
Panuto: Isulat kung sino ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
  Guro Bumbero Karpintero
 
Basurero kaminero
1._____________ Tagapaglinis ng mga kalsada at kanal upang ang mga tao ay ligtas
sa sakit.
 
2. ____________ Kumokolekta sa mga basura sa komunidad.
 
3. ____________ Nagtuturo sa mga bata kung paano bumasa, sumulat at matuto ng
magandang asal.
 
4. ____________ Gumagawa ng bahay
 
 
5. ______________ tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog na bahayan, gusali at iba
pa.
Pangkatang gawain.
  Panuto: Tukuyin kung sino ang sinsabi sa bawat pangungusap.
Unang Pangkat Isulat ang kanilang pangalan sa bawat guhit na nakalaan.
 
 
1.________________ Sila ang gumagamot sa mga maysakit.
 
2.________________Sila ang humuhuli sa taog nagkakasala sa
batas.
 
3. ________________ Sila ang katuwang ng mga doctor upang
alagaan ang mga maysakit.
 
4. _________________ Namumuno sa kapakanan, kaayusan,
kaunlaran at kapayapaan ng nasasakupang komunidad.
 
5. __________________ Sila tumutulong sa pagsugpo ng apoy
sa mga nasusunog na bahayan, gusali at iba pa.
 
 
 
Pangalawang Pangkat:
Panuto: Tukuyin kung sino ang mga nasa larawan. Isulat ang tamang sagot sa
bawat linyang nakalaan.
Panuto: Sagutin ang tanong.
 
Paano mo pahahalagahan ang mga
mahahalagang ambag o tulong ng
iba’t-ibang tao sa komunidad tulad
ng guro, doctor, nars, kapitan ng
barangay at iba pa?
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
 
Sino-sino mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa ating
komunidad na nakatutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga naninirahan dito?
 
Sino-sino naman ang mga taong naglilingkod sa ating
komunidad na nakatutugon sa kalusugan?
 
Sino-sino naman ang mga taong naglilingkod para sa
kapayapaan at kaayusan ng komunidad
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung
sino ang tinutukoy nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
 
1.Siya ang gumagamot sa mga maysakit.
a. doktor
b. pulis
c. nars
 
2. Siya ang ngatuturo sa mga bata upang matutong bumasa,
sumulat, at ng kabuting asal.
a. bumbero
b. kaminero
c. guro
3. Siya ang nangunguna sa mga gawaing pang barangay.
a. Punong Barangay o Kapitan
b. karpintero
c. pulis
 
4. Siya ang isa sa pinakamahalaga sa komunidad.
Nagtatanim siya ng gulay, mais, prutas at bigas upang may
makain ang naninirahan sa isang komunidad.
a. magsasaka
b. mangingisda
c. basurero
 
5. Siya ang gumagawa ng
bahay.
a. tubero
b. bumbero
c. karpintero

You might also like