You are on page 1of 2

Name: ____________________________ Grade & Section: __________________

Subject: TLE (AGRICULTURE) 5 Teacher: __________________ Score:


Lesson : Unang Markahan, Una at Ikalawang Linggo, LAS 3
Activity Title : Pamamaraan at Pag-iingat sa Paggawa ng Abonong Organiko
Learning Target (s) : Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa
ng abonong organiko. (EPP5AG-0b-4)
Reference(s) : SLM TLE 5 Agriculture
LAS Writer : Jeanny D. Barade
Pamamaraan sa Paggawa ng Compost Pit
1. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa bahay o
anumang anyong tubig.
2. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro, ang habang
limang metro, at ang lalim ay isang metro.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga
pinagbalatang gulay at prutas. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay
hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka hanggang umabot
ng 15 sentimetro ang kapal. Patungan naman ang ikalawang patong ng lupa, abo o
apog.
5. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang
tambak. Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging pantay-pantay ang
pagkakabulok ng kalat at panatilihing tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa
pamamagitan ng paglalagay ng ilang pirasong patpat at kawayan.
6. Diligan ang ibabaw ng hukay upang pumatag.
7. Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayang inalisan ng buko at binutasan
sa gilid.
8. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang
tambak. Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging pantay-pantay ang
pagkakabulok ng kalat.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga paraan sa paggawa ng abonong organiko.Isulat
ang titik A-F sa patlang bago ang bilang.

_____1. Diligin ang ibabaw ng hukay upang pumatag.

_____2. Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayan na inalisan ng buko at
binutasan sa gilid.

_____3. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa bahayo


anumang anyong tubig.

_____4. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro, habang
limang metro,at ang lalim ay isang metro.

_____5. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at
mga pinagbalatang gulay at prutas. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay
hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
_____6. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at haluin
ang tambak. Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging pantay- pantay ang
pagkakabulok ng kalat.
Pamamaraan ng Composting na Karaniwang Ginagamit
1. Compost pit ay isang paraan din sa pagbubulok ng mga basura sa pamamagitan ng
paghuhukay sa lupa at pagsasama-sama ng mga nabubulok na bagay katulad ng dumi
ng hayop, dahon, balat ng prutas, damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng
lote.
2. Basket composting ay isang paraan sa pagbubulok ng mga basura sa isang
lalagyan. Ito ay madalas ginagawa kapag walang bakanteng lote sa
bakuran.Napakahalaga ang magagawang abono sa paraan na ito. Napabubuti ang
hilatsa ng lupa at lusog na paglaki ng mga pananim. Napaka epektibong pataba na
hindi magastos.

Ito ang mga Paraan sa Paggawa ng Basket Composting.


1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May
isang metro ang lalim.
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon, dayami,
pinagbalatang gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad din ng compost
pit hanggang mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang
mabulok kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para
magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

Mga Pag-iingat sa Paggawa ng compost pit.


➢ Ihanda ang mga angkop na mga gamit/kagamitan sa paggawa.
➢ Mag-ingat sa paggamit ng kagamitan/materyales lalong lalo na sa matutulis na
kagamitan.
➢ Gumamit ng apron,bota,face mask,gwantes at kasuotang may mahabang manggas
at pantalon na may proteksyon ang paa sa mga mikrobyo at insekto (PPE na
kasuotan)
➢ Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.

You might also like