You are on page 1of 1

AYAYATENKA

Ang Kabalintunaan ng Wikang Filipino: Marami ngunit Iisa

Cebuano, Ilocano, Ilonggo at iba pa. Napakaraming wika sa bansang Pilipinas, ngunit

tayo ba ay nagkakaisa? Ang wikang Filipino ay sumasaklaw sa mayamang kultura ng bansa. Ang

mga iba’t ibang katutubong wika ay hindi lamang simpleng pagkakaiba-iba sa wika. Kung

bibigyang pansin, ang wika ay bahagi ng kultura ng isang grupo ng tao. Kaya naman masasabing

ang wika ay ekspresyon o paraan din ng pagpapahayag ng kultura. Mula rito ay masasabing ang

wika ay pagpapakita ng mayamang kultura ng bansa.

Ang pagkakaisa(unity) ay hindi maaaring limitahan lamang sa

pagkakapareho(uniformity). Bagkus, humihigit ito sa panlabas na ekspresyon, na bagamat

magkakaiba ay nananatiling paring iisa(unity in diversity). Samakatuwid, ang wikang Filipino ay

hindi lamang buhay ngunit bumubuhay sa napakaraming kulturang sinasaklaw nito. Sa kwento

ng Tore ng Babel, maituturing na isang parusa ang ginawa ng Diyos na pagiba-ibahin ang

kanilang wika nang sa gayon ay di sila magkaunawaan. Sa kabilang banda naman ay ang kwento

ng Pentekostes, ang posibilidad ng pagkakaunawaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika. Ang

wikang Filipino ay hindi puristang tagalog. May mga salitang Filipino na hango sa ibang wika

katulad ng bayot(Cebuano) at gurang(Bisaya). Ang pagnanais na mapaunlad ang wikang

pambansa ay di lamang nakabatay sa tagalog, kundi narin sa iba pang mga katutubong wika.

Parusa man o biyaya ang pagkakaiba-iba ng ating wika, basta’t galing sa Diyos, ay

siguradong ito ay makakabuti para sa atin. Kaya dapa’t nating yakapin ang kabalintunaang ito

ng Wikang Filipino nang sa gayon ay lalo pa nating matuklasan ang kayamanan nitong taglay.

You might also like