You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

National Capital Judicial Region


REGIONAL TRIAL COURT
Branch 258, Paranaque City

People of the Philippines,


Complainant,
Crim Case No. 2019-0629
-versus-

Reaggie Zoleta,
Accused.

SALAYSAY PANGHUKUMAN NI
REAGGIE ZOLETA

Ako, REAGGIE ZOLETA. Pilipino, nasa hustong taong


gulang, at may pahatirang sulat sa c/o 508 Chateau de Baie Condo,
149 Roxas Blvd., Lungsod ng Paranaque, ay sumusumpa na
magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang sa mga
bagay-bagay na ayon sa abot ng aking sariling kaalaman. May
kamalayan na ang anumang pagsisinungaling ay may kaakibat na
pananagutan sa batas.

Ang salaysay na ito ay isinagawa sa harapan ni Atty. Wilson E.


Falcotelo sa kanayang tanggapan sa 508 Chateau de Baie Condo,
149 Roxas Blvd., Lungsod ng Paranaque.

Ang layunin ng salaysay ay upang patunayan ang mga


sumusunod:

1. Upang patunayan an pawang kasinungalingan ang mga sinabi


at testimonya ni Delfin Sabala na di-umano ninakaw ang
kanyang kagamitan pangtrabaho at di-umano ako ang
nagnakaw ng kanyang mga kagamitang;

2. Upang patunayan na simula Agosto 23, 2018 hanggang Agosto


26, 2018 ay wala ako sa vicinity ng Logistics Cargo Forwarders
Corporation dahil ako ay naka-official leave upang tulungan sa
pag-aasikaso ang aking asawa sa pagkamatay ng aking byenan;

3. Upang patunayan base sa mga dokumento na ang


pagkakaiwan ng mga kagamitan ni Delfin Sabala noong Agosto
2

23, 2018 sa pangangalaga ng Logistics Cargo Forwarders ay


kusang loob niyang ginawa at hindi ito ninakaw o pilit na
kinuha sa kanya;

4. Upang patunayan ang sunod sunod na pangyayari kung


papaano nakapagtrabaho Delfin Sabala sa pagkumpuni ng
sirang bahagi ng CAB ng TYG-958;

5. Upang patunayan na taliwas sa sinasabi no Delfin Sabala,


hindi siya pinigilan kunin ang kanyang mga kagamitan
pangtrabaho. Sa katunayan noon pa lamang sa barangay ay
ibinibigay na sa kanya ang mga gamit subalit siya ang ayaw
tumanggap ng mga ito;

6. Na upang patunayan na noong kinuha ni DElfin Sabala ang


kanyang mga gamit sa pangangalaga ng Logistics Cargo
Forwarders, ito ay nasa isang plastic container, nakakadena, may
padlock at ang susi ay nasa pangangalaga ni Delfin Sabala;

7. Upang kilalanin ang mga dokumentong magpaaptunay na


walang naganap na pagnanakaw ng mga gamit pangtrabaho ni
Delfin Sabala at ang di-umano pagnanakaw ay pawang
kasinungalingan lamang;

8. Upang patunayan ang mga kapinsalaang tinamo ng nahahabla


dahil sa walang basehang habla ng pagnanakaw;

9. At ano pang mga bagay upang panutanaya ng si G. Reaggie


Zoleta ay walang kinalaman sa di-umano maling bintang na
pagnanakaw;

SALAYSAY NI REAGGIE ZOLETA

1. T: Ginoong Zoleta, noong tumestigo si Delfin Sabala,


hanayagan niyang sinabi na noong Agosto 23, 2018 ay
sapilitan mong ninakaw o pinag-utos ang pagkuha na
kangyang mga gamit pangtrabaho, ano ang masasabi mo?

S: Wala pong katotohanan yan dahil sa sumusunod na


kadahilanan. Una hindi ko po maaring gawin ang bagay na
iyon dahil alam kong labag ito sa batas. Ikalawa,
impossible pong ako ang sapilitang kumuha ng mga gamit
ni Delfin Sabala noong Agosto 23, 2018 dahil noong
nasabing araw ako ay naka leave of absence upang
tulungan ang aking maybahay dahil sa pagkamatay ng
3

aking byenan. Ikatlo, base sa mga dokumento aking


nasaliksik, hindi ninakaw ang mga gamit ni Delfin Sabala.
Sa halip ang mga ito ay kusang loob niyang iniwan at
ipinagkatiwala sa pangangalaga ng Logistics Cargo
Forwrders Brokerage Corporation hanggat hindi pa niya
naibabalik ang sobrang salapi/pera mula sa Php36,000.00
na kanyang cash advance sa paggawa ng CAB TYG-958, po
sir.

2. T: Ano ang katibayan mo na wala ka sa vicinity ng


Logistics Cargo Forwarders noong Agosto 23, 2018?

S: Naka leave po ako noon sa aking trabaho. Mula Agosto


23, 2018 hanggang Agosto 26, 2018 po sir. Katibayan kop o
itong approve leave of absence po sir.

Manifestation: Your Honor the proof of leave of absence


was marked as Exhibit “31”

3. T:Ginoong Zoleta, maari mo bang ihayag sa kagalang-


galang na Hukom kung ano ang trabaho mo sa Logistics
Cargo at kung paano nagging sub-contractor si Delfin
Sabala ng Logistics Cargo;

S. Ako po ang Operation Manager sa Logistics Cargo. Ang


pagiging sub-contractor ni Delfin Sabala sa Logistics Cargo
noong nanga-ilangan ang Logistics ng bihasang latero
upang irepair ang Cab ng isang truck na may plate number
TYG-958. Ito po ay maipapakita ng Request for Repair and
Maintenance.

Manifestation : Your Honor the Request for Repair and


Maintenance was marked as Exhibit “1”.

4. T. Ano ang nangyari matapos mag paskil ng kailangan na


latero?

S. Nag-apply si Delfin sa kumpanya. Dahil sa mga sinabi


niyang bihasa siya at sa mga pinakita niyang mga
Certification of Employment ay nakumbinsi niya kami na
kaya nya ang trabaho . Sa paniniwalang bihasa si Delfin
Sabala ay nagkasundo kami ng aking mga supervisor na
siya ang gumawa ng trabaho.

5. T. Ano ang sumunod na pangyayari?


4

S. Inindurso ko si Delfin sa Purchaser na si Alice Cos at


Admin Manager na si Marvick Javeluna upang maproseso
ang Purchase Order at mapa approve ito upang magawan
ng Purchase Requisition Form po

Manifestation: Your Honor the Purchase Order was


marked as Exhibit “3” and the Purchase Requisition Form
as Exhibit “4”.

6. T. Ano ang sumunod na pangyayari?

S. Agosto 9, 2018, nagsumite po si Delfin Sabala ng


quotation. Nakalagay po na sa labor materials
Php180,000.00 at kung labor lamang ay Php80,000.00 po na
bumaba ng hanggang Php70,000.00.

Manifestation: Your Honor the document referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibit
“2”.

7. T. Ano ang sumunod na pangyayari G. Testigo?

S. Dahil si Delfin Sabala ang nakuwa na gagawa ng repair,


noong Agosto 14, 2018 ay nagtungo siya sa aming
tanggapan at naki-usap na mag cash advance ng halagang
Php25,000.00 di-umano ibibili niya ng mga iba pa niyang
gamit. Nagdala na rin si Delfin ng mga gamit panggawa
niya

Manifestation: Your Honor the documents referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibit “5”
and Exhibit “8” .

8. T. Ano ang sumunod na pangyayari?

S . Nagsimula na po siyang magtrabaho noong Agosto 14,


2018 katulong ang kanyang helper. Tinanggal nila ang mga
sira at bulok na bahagi ng Cab ng truck tulad ng pintuan at
mga shig na bulok po.

9. T. Ano pa ang sumunod na pangyayari?

S. Noong Agosto 21, 2018 ay nagpasok si Delfin Sabala ng


kanyang kagamitan tulad ng 1 pirasong rachet; 1 pirasong
combination wrench 12”; 1 pirasong combination wrench
5

19”; 1 pirasong socket 12”; 1 pirasong socket 10”; 1


pirasongsocket 17”; 1 pirasong socket 24”total na pitong (7)
pirasong kagamitan po. Ito po ay nakatala sa logbook ng
security guard.

Manifestation: Your Honor the document referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibit
“7”.

10. T. Ano pa ang sumunod na pangyayari?

S . Base sa mga dokumento at information mula sa mga


nasa office noong Augsut 22, 2018, napag-alaman ko na
noong Agosto 22, 2018 kahit hindi pa naka ¼ ng trabaho
si Delfine ay nag cash advance uli si Delfin ng halagang
Php11, 750.00, katibayan po ang Cash Advance Form na
may lagda ni Delfin sir.

Manifestation: Your Honor the document referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibit
“6”.

11.T. Matapos makapag cash advance si Delfin Sabala, ano


ang sumunod na nangyari?

S. Dahil sa naka leave po ako noong Agosto 22, 2018,


napag alaman ko na nag request si Delfin Sabala ng mga
gamit pampintura. Dahil dito ay minabuti ng Admin
Officer at Safety Officer na si Engr. Arvin Aquino na suriin
ang trabaho ni Delfin Sabala. Nakita na hindi maayos ang
pagkaka repair ni Delfin Sabala ng mga sirang bahagi ng
TYG-958. Nakita din po na hindi tinanggal ang mga
kalawang. Gumawa din si Engr. Aquino ng Report ng
kanyang inspection.

Manifestation: Your Honor the document referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibit
“13”.

12.T. Matapos ma inspection ni Engr. Arvin Aquino ang


trabaho ni Delfin at malaman na hindi maayos ang
pagkakagawa ay ano ang sumunod na nangyari

S. Napag-alaman ko po na personal na sinuri ni Mr.


Atienza ang trabaho ni Delfin Sabala at nadikubre nito na
hindi totoong hindi maayos o balbon ang pagkaka-repair
6

nito kaya nag-utos ang management na ipahold muna ang


trabaho po.

13. T. Ano naman ang sumunod na pangyayari?

S. Dahil sa naka leave nga po ako simula Agosto 23, 2018


hanggang Agosto 26, 2018. Napag-alaman ko po na noong
Agosto23, 2018, matapos ipa-batid kay Delfin Sabala ang
pagpapahold ng trabaho ay isinauli ni Delfin Sabala ang
kanyang ID kay Ms. Alice Cos at nagsabing hindi na daw
po sya magtratrabaho.

14.T. Sabi ni Delfin Sabala ikaw daw ang nag-utos na


kumpiskahin at nagnakaw ng kanyang mga gamit, ano
ang masasabi mo dito?

S. Wala pong katotohanan iyan. Wala po ako noong mga


panahon na iyon kung kayat imposibleng ako ang mag-
utos o magnakaw ng mga gamit niya. Ang totoo po ng
lahat ay inamin nya mismo sa affidavit nya na hindi ako
ang nag-utos o kumuha ng mga gamit nya. Sa salaysay
niya sinabi niya na bago siya kumain noong Agosto 23,
2018 ay iniwan nya ngmga gamit niya subalit pagbalik niya
ay wala na daw ang gamit niya. Ito ay isang pag-amin na
hindi niya alam kung sino ang kumuha o nagnakaw ng
mga gamit niya.

15. T. Ano ang sumunod na pangyayari?

S. Noong pagbalik ko sa trabaho ng Agosto 27, 2018 ay ni


report na lamang sa akin ni Ms. Marvick ang mga
pangyayari. At noong Agosto 30, 2018 ay dumating si
Delfin Sabala kung kayat pinatawag ko ang lahat ng mga
may kaalaman sa mga pangyayari. Matapos kong
malaman ang mga ito ay kinausap ko si Delfin na hindi
nagustuhan ng management ang kanyang pagrepair kung
kayat hindi na itutuloy ang trabaho at tinanong ko siya
kung magkano ang babayaran ng kumpanya sa sampung
(10) araw nilang trabaho. Sinabi ni Delfin na P1,000.00 kada
araw para sa kanya at P400 kada araw sa helper niya.
Suma total Ph14,000.00 lahat. At ang Php14,000.00 ay
ibabawas na lang sa kanyang cash advance na Php
36,750.00 at ibabalik niya ito.
7

Manifestation: Your Honor the documents referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibits
“16”; “17”; “18” at “19”.

16.T. Ano ang sumunod na pangyayari?

S. Pumayag naman po si Delfin Sabala sa dapat niyang


swelduhin pero ayaw na po niya ibalik ang sobrang pera
na Php22,750.00 mula sa cash advance niya kaya
nagkasundu po kami na hulugan na lamang niya ang
nasabing Php22,750.00 at ang mga gamit niya ay for
safekeeping na lang at mananatili sa bodega hanggang sa
makumpleto niya ang pagbabayad ng Php22,750.00.

17.T. Ano ang sumunod na pangyayari?

S. Nagulat na lamang ako noong makatanggap ako ng


patawag sa Tanggapan ng Barangay San Dionisio na
hinahabla na ako ni Delfin Sabala sa di-umano pagkuha ng
kanyang mga gamit.

18. T. Ano ang nangyari sa Barangay ?

S. Pinakinggan ang magkabilang panig at ipinaliwanag ko


na hindi hinohold at ninakaw ang gamit ni Delfin. Sa halip
sila ibinigay sa aking ina. Noong mga panahon na iyon ay
may sakit na ang aking ina at lagi na lamang po nakaratay
sa higaan kung kayat paano nilang makaharap at maka-
usap ang aking ina. Tangin ako na lamang ang nag-
aasikaso ng lahat ng lupain ng mga Camara, sir.

19.T. Maliban sa mga dokumentong nabanggit, ano naman


ang maipapakita mo hindi ninakaw ang mga gamin ni
Delfin Sabala?

S . Mga larawan po na nagpapakita na noong kunin ni


Delfin ang mga gamit niya mula sa bodega ng Logistics
Cargo, ang mga ito ay nakalagay sa isang plastic box ,
naka- kadena at may kandado. At ang sus isa nasabing
kandado ay nasa pangangalaga ni Delfin Sabal ana
nagpapahiwatig na siya mismo ang nagtago at nagligpit ng
kanyang mga gamit at nilagyan niya pa ito ng mga
kandado/padlock kung saan ang susi at nasa kanyang
pangangalaga. Kung totoong ninakaw ang mga gamit ni
Delfin Sabala bakit pa nasa kanya ang mga susi ng
kandado.
8

Manifestation: Your Honor the documents referred to by


the witness was marked during the pre-trial as Exhibits
“20” to “30”.

20.T. Ano pa ang iyong masasabi sa lahat ng mga akusasyon


sa iyo?

S. Lahat po ng akusasyon laban sa akin ay wala pong


katotohanan. Ginawa lamang po iyan para hindi maibalik
ni Delfin Sabala ang Php22,750.00 sobra cash advance.
Ginawa lang po niya itong dahilan.

21.T. Ano pa ang gusto mong iparating sa kagalang-galang na


hukom?

S. Hinihiling ko po na sana na ma attain ko ang justice


mula sa walang basehang akusasyon at pawalang sala ako
dito sa mga hindi makataong akusasyon. Makapamuhay
ng maayos at tahimik. Makahanap ng maayos na trabaho
at makamit ang kapayapaan sa buhay.

22.T. Bakit mo nasabi ang mga iyan?

S. Ng dahil po kasi sa kasong ito ay natanggal ako sa


trabaho ko sa Logistics. Hanggang ngayon ay hindi pa po
ako nakakahanap ng katumbas na trabaho dahil
lumalabas na may pending akong kaso.

23.. T. Handa mo bang lagdaan ang salaysay mong ito?

S. Opo.

REAGGIE ZOLETA
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this __ April


2023, affiant who is personally known to me and who has
satisfactorily shown competent evidence of his __________ as proof
of identity.

Doc No. ______:


Page No. ______:
Book No. ______:
Series of 2023.
9

LAWYER’S ATTESTATION

I, ATTY. WILSON E. FALCOTELO, do hereby attest that (a) I


have conducted and supervised the examination of the witness,
REAGGIE ZOLETA (b) I have faithfully recorded or caused to be
recorded the questions asked and the corresponding answers that
the witness gave; and (c) neither I nor any other person then present
or assisting me coached the witness regarding the latter’s answers.

WILSON E. FALCOTELO
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___ of April


2023 affiant personally known to me and who has satisfactorily
shown competent evidence of his identity in the form of his IBP ID
No. 33803 as proof of his identity.

Doc No. ______:


Page No. ______:
Book No. ______:
Series of 2023.

You might also like