You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Lalawaigan ng Cavite ) P.P.


Bayan ng Silang )
x----------------------------x

COMPLAINT-AFFIDAVIT

Kami EVANGELINE C. SERRANO at FROILAN SERRANO,


Pilipino, sapat ang gulang, mag-asawa at naninirahan sa No. 128,
Barangay Biga II, Silang, Cavite, matapos na makapanumpa nang
naaayon sa ating saligang batas, ay malaya at kusang-loob na
nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Na aming inihahabla ng kasong panlilinlang si Celia A. Alora,


Pilipino, sapat ang gulang, dalaga at naninirahan sa No. 288, J.P.
Rizal Street, Barangay Tubuan II, Silang, Cavite;

2. Na noong February 07, 2014, ay ipinagbili ni Celia A. Alora


sa aming mag-asawa ang isang One Thousand (1,000) square-meter-
portion, ng kanyang 3,764 sqm na lupa na matatagpuan sa Barangay
Biga II, Silang, Cavite at sakop ng Katibayan ng Orihinal na Titulo No.
2015000360 sa halagang One Million Five Hundred Thousand Pesos
(Php 1,500,000.00). Bilang patunay ay aking inilakip dito ang sipi ng
isang Deed of Transfer/Sale of a Portion of Lot, bilang Annex “A”;

3. Ang titulo ng lupang ito ay Free Patent na na-issue noong


December 13, 2013 sa unang page nito ay nakalagay ang prohibition
to sell or mortgage the property covered thereby, within a period
of five (5) years from date it was issued kung kaya ang prohibition
ay hanggang sa December 12, 2018;

4. Kung kaya hindi muna namin inilipat sa pangalan naming


mag-asawa ang 1,000 square-meter-portion na ipinagbili sa amin ni
Celia Alora. Isa pa ay pumayag kami na bigyan siya ng limang (5)
buwan upang bilhing muli ang lupa sa amin;

5. Subalit kahit naipagbili na niya sa amin ang 1,000 square-


meter-portion ay isinama ito ni Celia Alora sa ginawa niyang
pagsasangla ng kanyang 3,764 sqm na lupa. Bilang patunay ay aming
inilakip dito ang sipi ng isang Contract of Loan With Real Property Mortgage
dated March 11, 2016, bilang Annex “B”;

6. Pagkaraang maisanla ang buong lupa niya kasama ang


bahaging ipinabgbili niya sa amin ay ipinagbili ni Celia Alora ang
buong lupa kasama na 1,000 square-meter-portion na ipinagbili sa
amin noong February 07, 2014, kay Florencio Janairo. Bilang patunay
ay aming inilakip dito ang sipi ng isang Deed of Absolute Sale of a Parcel
of Land, bilang Annex “C”;

7. Pagkatapos ng bilihan at sa kahit umiiral pa ang prohibition


to sell, ay nailipat ay ang buong lupa sa pangalan ni Florencio
Janairo. Bilang patunay ay aming inilakip dito ang sipi ng isang of
Transfer Certificate of Title No. 076-2018004880 in the name of Florencio R.
Janairo, Jr., bilang Annex “D”;

8. Maraming beses kaming nag-demand sa kanya na ibigay sa


amin ang 1,000 square meters na aming binili sa kanya pero ang lahat
naming demand ay nabale wala dahil hindi siya kumilos upang
mabawi ito. Ang pinakahuli naming demand ay noong Mayo 27, 2023
at sa kahit tinanggap niyang ang huling demand letter at hindi pa rin
niya ibinalik sa amin ang lupang binili namin sa kanya. Bilang
patunay ay aming inilakip dito ang sipi ng isang Demand Letter dated May
27, 2023, bilang Annex “E”;

9. Bagamat ang halaga ng aming pagkakabili sa lupang ito


noong 2014 ay Php 1,500,000.00 pero pagkaraan ng siyam (9) na taon
ay nasa limang (5) milyong piso na ang market value ng lupang ito.

10. Na aming isinagawa ang Sinumpaang Salaysay ng Habla na


ito upang patotohanan ang lahat ng nilalaman nito at upang hilingin
ang agarang pagsasampa ng kasong kriminal na panlilinlang laban
kay Celia Alora y Asas.

EVANGELINE SERRANO FROILAN SERRANO


Complainant Complainant

You might also like