You are on page 1of 2

Atin ngayon tutunghayan ng may pagmamalaki at pagmamahal

ang pagsasalin ng susi ng karapatan sa pagggamit ng 2-story


Classroom De Leon Mercado Type Building na itinayo para sa
mga batang mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Bagong
Pag-asa Annex, Barangay Sta. Ana dito sa bayan ng Taytay,
Lalawigan ng Rizal. Ipintayo ito bilang tugon sa pangangailangan
ng mga kabataan upang higit na mapaunlad ang kanilang
kaalaman sa larangan ng edukasyon. Naniniwala ako, na ang
Gusaling ito ang magsisilbing buhay na saksi sa pagsabog ng
mga karunungan para sa pag-unlad ng mga kabataang tagaTaytay. Ang tanging hiling ko sa mga mag-aaral at sa inyo mga
magulang na naway inyong pangalagaan at pahalagahan ang
inyong bagong paaralan. Ang De Leon Mercado Building na ito ay
angkinin ninyong inyong pangalawang tahanan. Naway bigyan
pa ako ng mabuting kalusugan upang ang aking pangarap na
higit pang makapaglingkod sa mga kabataan ay maisakatuparan.
Kaya sa bisa ng kapangyarihang iginawad sa akin bilang punong
lalawigan ng Rizal ay buong lugod kong isinasalin ang susi ng
karapatan sa paggamit ng bagong De Leon Mercado Type
Building. Kasihan nawa tayo ng Poong Maykapal at mabuhay ang
mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Bagong Pag-asa.

Sa ngalan ng 8 punongguro, at 458 na mga guro sa


Purok ng Taytay II lalong higit sa 97 mga guro dito
sa Paaralang Elementarya ng Bagong Pag-asa Main
at Annex, kasama ang 4660 na bilang ng mga magaaral ay malugod ko pong tinatanggap ang SUSI NG
KARAPATAN sa paggamit ng DE LEON MERCADO
TYPE BUILDING na siyang magiging saksi at
magsisilbing tahanan ng karunungan sa mga batang
mag-aaral ng Bagong Pag-asa Elementary School
Annex.

Naway panatilihin ninyo ang kaayusan at kalinisan


ng bagong gusaling ito.

You might also like