You are on page 1of 2

Kabanata 28

Pamagat: Ang mga Katatakutan

Halagang Pangkatauhan: Ang kahinahunan ay nakatutulong upang makapag-isip ang tao at


hindi madala ng anumang pagkatakot.
Talasalitaan:
a. Ligalig- gulo
- Ang mga tao ang nagkagulo ng lumabas sa sasakyan ang pinakasikat at
gwapong artista.
b. Matumal- mahinang benta
- Tumigil na sa pagtitinda si sinang dahil sa mahinang benta ng kanyang mga
libro.
c. Sumangguni- magtanong
- Bago bumili ng bagong cellphone si Tasya ay sinabihan siya ng kaniyang ama
na magtanong muna sa kanyang ina kung pwedeng bawasan ang ipon niya.
d. Naguudyok- nanghihikayat
- Sinabi ni Lolita kay Lala na may nanghihikayat sa kanya na sumali sa isang
drawing contest.
e. Sinisindak- tinatakot
- Napilitang magtago si Anthony dahil tinatakot siya ni Jinrey.
f. Nangatal- nanginig ang katawan dahil sa takot o galit
- Nanginig ang katawan ni Ira dahil sag alit niya kay Jeth.
Buod:
Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama
sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Itoy pinatunayan ng mga paskil.
Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot
sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali.
Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang
mga baril at pulburat bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay
palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang
madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at
iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi.
Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata.
Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang

gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.
Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsimula na raw ang himagsikan.
Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng
mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang
eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit.
Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang
bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril. Patay!
Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw
iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isay si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na
kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng
kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.
May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunway binanggit ng isa si San
Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si
Simoun.
Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng
pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si
Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang
bagong dating.
Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong
Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang
kayumanggi. Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita.

You might also like