You are on page 1of 2

KASULATAN NG SANGLA

Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan


nina:

MELANIE M. DE GUZMAN, nasa hustong gulang, may-asawa at


nakatira sa Brgy. Soledad Sta. Rosa Nueva Ecija na sa kasulatang ito ay
tinaguriang NAGSANGLA;

at

NIÑO A. CAMPS, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa


Brgy. Cruz Roja, Cabanatuan City sa kasulatang ito ay tinaguriang
PINAGSANGLAAN;

NAGPAPATUNAY

Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng halagang


TATLUMPUNG LIBONG PISO (P30,000.00) na tinanggap at sumakamay ng
NAGSANGLA ngayong ika-5 ng Oktobre 2021 na pinapatunayan ng kanyang
lagda dito. Ang nasabing pagkakautang ay pinagkasuduan na babayaran sa
loob ng isang (1) buwan.

Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA


ang isang Yamaha Mio i 125s Motorcycle.

Bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng


NAGSANGLA ang PINAGSANGLAAN na gamitin ang Motorsiklo na sarili
niyang pag-aari, at ang hiniram napera ng NAGSANGLA, na nagkakahalaga
ng TATLUMPUNG LIBONG PISO (P30,000) ay magkakaroon ng interes na
limang porsiyento (5%) at ito ay napagkasunduan ng NAGSANGLA at ng
PINAGSANGLAAN.

Ang nasabing Motorsiklo ay tunay na pagmamay-ari ng NAGSANGLA at


walang ibang utang o sanlang pinanagutan.

Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang at


ang interes nito, ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay.
Subalit kung hindi naman niya ito magawang bayaran, ang Kasulatang ito ay
iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatakdang batas.

Maaaring i-renew ang kasulatang ito ng naaayon sa mapagkasunduan


ng NAGSANGLA AT PINAGSANGLAAN.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa


kasulatang ito ngayong ika-5 ng Oktubre 2021 sa lungsod ng Cabanatuan,
lalawigan ng Nueva Ecija, Pilipinas.

MELANIE M. DE GUZMAN NIÑO A. CAMPS


Nagsangla Pinagsanglaan

MGA SAKSI:

Lagda at Pangalan Lagda at Pangalan

You might also like