You are on page 1of 8

Mga Tauhan:

- Joanie Surposa Uy
> Petitioner
- Irene Surposa
> Ina ng Petitioner
- Allan
> Kapatid ng Petitioner
- Jose Ngo Chua
> Respondent
- Catalino Chua
> Kapatid ng Respondent

Ang CHUAntrata; UY! Valid ba?


(Monologue)

: (Namamaypay, hindi mapakali sa init habang nakatanaw sa labas, may


daraang magnobyo, ang lalaki ay nasa edad 25 habang ang babae ay menor
de edad, buntis, kumunot ang noo dahil sa gulat) Oh?! Hindi ba’t
magpinsan ‘yon? Paano nangyaring— Atsaka, Naku! Tingnan mo nga naman.
Ang bata bata pa, nagpabuntis na! Tsk! Tsk! At ito namang lalaki
hindi na lang humanap ng ka-edad at hindi iyong pinsan?! Aba’y
kamag-anak pa talaga? Hindi ba, e bawal ‘yan? Tapos pag nanganak,
ano? Maghihirap at iiwan na lang ang responsibilidad? Naku, Naku,
totoo ngang, ang problema ay gawa mismo ng magulang, hindi ng bata!
Makapag-facebook na nga lang!
(Mababasa ang isang post tungkol sa Proof of Legitimate and
illegitimate filiation, sinuot ang salamin, bahagyang nakababa ang
cellphone habang binabasa ito nang malakas) Proof of Legitimate and
Illegitimate filiation. Batay sa datos na inilabas ng Philippine
Statistics Authority, mahigit kalahati ng kabuuang rehistradong live
births na kumakatawan sa 917,242 bagong panganak, ay ipinanganak ng
hindi kasal na na mga magulang. (Mapapatinging muli sa labas, maaalala
ang nakitang magnobyo) Oh, sakto. Aba, e mukhang dagdag na ang batang
iyon. Hindi magtatagal e mauuwi lang lahat ‘yan sa demandahan.

(Music plays, first song…)

Ako ang nakikita


Ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Paggising sa umaga
Sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskuwela
Kapag nangangatwiran
Ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako'y sunud-sunuran
Ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin

Ako'y walang kalayaan


Sunod sa utos lamang

(Music fades, patuloy sa pagpaypay habang umiiling…) Kawawang bata,


hindi pa man ipinapanganak,ay nakikita ko na ang mundong naghihintay
sa kanya.

ACT 1
SCENE 1

Tagpo: Umaga. Abala ang lahat sa kani-kaniyang gawain. Mga


estudyanteng gahol at nagmamadaling pumasok sa eskwela, mga aleng
papunta pa lamang sa pamilihan, busina ng mga sasakyang nagmamadali,
mahanging kapaligiran. Sa gilid ng kalsada ay sina Jose at Irene na
nag-uusap.

Chua: (Bakas ang inis sa mga mata, nakahawak ang isang kamay sa ulo
habang ang isa ay nakapamaywang. Patingin-tingin sa paligid, pilit na
hinihinaan ang boses) Hindi mo ba talaga ako naiintindihan, Irene?
Hindi ako pwedeng maging ama ng batang ‘yan. May asawa ako at kasal,
mahirap bang intindihin ‘yon? Hindi naman kita pababayaan, tutustusan
ko ang pangangailangan ng bata. Basta alam mo na ang ilalagay mo sa
birth certificate. Hindi pwedeng may makaalam.

Irene: Ganun na lang? Pagkatapos ng lahat ay wala ka palang balak na


panagutan ang bata? At sino naman ang dapat kong ilagay doon?!

Chua: Ewan ko. Pangalan ng tatay mo o kahit ano basta gawan mo ng


paraan! (Nagmamadaling umalis..)

(Music plays, Second song…)

Kung ang ibigin ka'y kasalanan


Hayaan mo silang ako ay husgahan
Hinding-hindi kita kayang iwanan
Kahit ang puso ko'y lubhang nasasaktan
(Music fades…)
SCENE 2

Tagpo: Mahaba ang naging araw ni Joanie, bakas ang pagod sa kaniyang
mukha. Hindi alintana ang init sa pagmamadali, ang mahalaga sa kanya
ay natapos na rin. Dala ang mga dokumento para sa petisyong kanyang
inihain.

Joanie: (Habang nagpupunas ng pawis) Sa wakas, natapos din! Sana naman


ay maaprubahan yung issuance ng decree of illegitimate filiation na
nai-file ko. Bakit? Porket ba kabit ang nanay ko e wala na kaming
karapatan sa yaman niya?! Aba, anak niya rin kami ‘no?

(Music plays, Third Song..)

May pangangailangan din ako


Di kasing yaman na tulad mo
Alam kong sanay bumitaw
Ang isang tulad mo
Lalayo na ba ako

Pano naman ako


Tinanggi mo ako
Binitawan mo lang ba talaga ako

Pano naman ako


Naghintay ng matagal sayo
Wala lang ba talaga lahat ng yon sayo
Ano na bang gagawin ko

(Music fades..)

Paparating ang kapatid na si Allan

Allan: Oh, anong nangyari sa lakad mo? Naayos naman ba? Naku at
sayang naman kung hindi natin makukuha ‘yon. Dapat maayos na natin
dahil may karapatan din tayo sa ating future legitime, support at
filiation.

Joanie: Eh, ayos naman. Sana ay ma-grant.

Allan: Ano ba ang nilalaman ng complaint mo?

Joanie: Ayun, inilagay ko na nagkaroon sila ng relasyon habang kasal


siya sa iba. At nagbunga iyon ng dalawang anak at inutos niyang
ilagay sa birth certificate si Alfredo Surposa at Irene Ducay. Pero
sinabi ko rin naman doon na sinuportahan tayo financially mula
pagkabata at binigyan pa ng trabaho. Sinabi ko rin na nandun siya sa
tuwing may espesyal okasyon sa atin, o kung hindi naman gaya noong
kasal ko, eh pinapunta niya bilang representative si Catalino.

Allan: Tama, ganun nga dapat. Oh, eh paano? May kailangan ba akong
gawin? Kung wala e, mauuna na ako.

Joanie: Tatawagan ka na lang kung sakaling may dapat pirmahan.


(Tumayo at nagpaalam sa papaalis na kapatid, muling mapapangiti dahil
sa mga naiisip, ang pera, ang mana.)

(Music plays, fourth song..)

Ilang kaso pa ba ang ihahain, oh giliw ko?


Ilang ulit pa ba ang uulitin, oh giliw ko?
Ilang beses na akong bumabalik dito
'Di mo man lang napapansin ang kailangan ko

Ibigay mo lang ngayon


Aking ama’y walang humpay na pamana

At asahang, peperahan ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
'Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba na
Tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya

(Music fades..)

ACT 2
SCENE 1

Tagpo: Sa Answer (sagot) ni Chua laban sa Complaint ni Joanie sa


kaniya, pinabulaanan niya ang mga nakapaloob dito kung saan
sinasabing siya ay nagkaroon ng relasyon kay Irene at anak niya ang
Petitioner. Nagkaroon ng pagdinig patungkol dito.

Alas otso na nang makuwi siya ng bahay. Galit niyang sinalubong ang
pinto.

Chua: (Padabog na inilapag ang dalang papel.) Eh ano pa ba ang


kailangan nila? Hindi pa ba sapat na sinuportahan ko sila? At saka,
teka, hindi ba’t nagkasundo na kami? Napunan ko na ang obligasyon ko
sa naging kasunduan namin.

: Ano naman po ang naging sagot niyo? (Habang nagpupunas ng mesa)

Chua: Sinabi kong walang namagitan sa amin ni Irene at hindi ko siya


anak. Alam ko naman na ang habol nyan kaya ganyan. Tsk tsk.

(Music plays, fifth song..)

Pare ko, mayro'n akong problema


'Wag mong sabihing "Na naman?"
Binabalak niyang kuhanin aking yaman
Hindi ko maintindihan
'Wag na nating idaan sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

Anong sarap, nagkaroon kami ng kasunduan


Napuno sila ng pag-asa
'Yun pala, hindi lang ‘yon ang kaya
(((!/)/₱/₱Akala yata’y pwede pa
Hindi man natin isipin, kailangang tanggapin
Kung kailan ka nagkompromiso, 'tsaka ka n'ya gagaguhin

Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?


'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa n'ya lang ako, letseng agreement 'to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Oh-oh-oh, whoa-oh-oh

(Music fades..)

*phone call*

Jose: (Kinuha ang phone mula sa bulsa para tawagan si Joanie.) Hello?
Oh, hindi ba’t nag-usap at nagkasundo na tayo? ANo na naman ba ang
kailangan mo? Hindi pa ba sapat ang nakuha mo? Ayaw ko na ng gulo.

Joanie: (mula sa kabilang linya) Edi kung ayaw mo ng gulo, bigyan mo


na lang ako ulit ng pera.

Jose: (habang pinipigilan ang galit) O, sige. Bibigyan ko ulit kayo ng


pera. Magkasundo tayo ulit, pirmahan niyo at i-waive ang mga mana
niyo. (pinatay ang phone) ‘Yan ang akala niyo. Anong akala niyo?
Mauuto niyo pa ako? Sa pagkakaalam ko ay barred na ito ng res
judicata, e. Uutakan niyo pa ako?

(Music plays, sixth song..)

Dumilim ang paligid


May tumawag sa pangalan ko
Aba’y ayaw pumayag
Tinanong kung okey lang ako
Sabay nag-file ng kaso
May hinihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na

At ngayon
Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

(Music fades..)

SCENE 2

Tagpo: Sa korte (court decision.)

: The issue of this case is whether or not the compromise agreement


entered into between Joanie and Jose, duly approved by RTC-Branch 9
constitutes res judicata in the case still pending before RTC-Branch
24.

Judge: The pending case is not barred by res judicata. The compromise
agreement between Joanie and Jose is covered by the prohibition under
Article 2035 of the Civil Code since it intended to settle the
question of Joanie's status and filiation and also waived her rights
to future support and future legitime as an illegitimate child of
Jose. It is settled in law, that the status and filiation of a child
cannot be compromised. Public policy demands that there be no
compromise on the status and filiation of a child. Paternity and
filiation or the lack of the same, is a relationship that must be
judicially established, and it is for the Court to declare its
existence or absence. It cannot be left to the will or agreement of
the parties. The compromise agreement is void ab initio and vests no
rights and creates no obligations.
(pinukpok yung martilyo HAHAHAHA si queenie may sabi nyan)

(gavel daw pala tawag don HAHAHAHAHAHAHHAHAA gusto daw sana ni queenie
magsolo performance guys!!!)

Matapos madesisyunan ng korte ang nasabing kaso, samantalang habang

😔
ang iba ay abala sa pakikipag-usap, si Joanie ay nalungkot dahil di
nakakuha ng another yaman (awww sad -queenie ) Kaya’t kakanta na
lang siya ng final song.

(Music plays, seventh song..)

Nakita ko ang iyong yaman


No'ng ako ay bata pa
At ang galing-galing mong magbigay
Mapa-working man o money

Ngunit ang paborito


Ay pagbigay mo ng two million
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo

Pagkagaling sa 'skuwela ay
Didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay
Tinuturuan mo ako

Umaapaw ang aking kamay


At walang kamalay-malay
Na pinuno mo na ang wallet ko
At ngumiti na tunay

(Music fades..)

Endinggggg…..!!!!!!

You might also like