You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
National Prosecution Service
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Cabanatuan City, Nueva Ecija

RAIN ASHLEY BLUE MARCAIDA MADRID,


Complainant,

-versus- N.P.S. Doc. No. III-09-INV-23D-00967


For: Violation of RA 11648 (RAPE)
ROY BUNAG
Respondent.
x-----------------------x

KONTRA SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, ROY BUNAG, may sapat na taong gulang, Filipino at naninirahan sa Brgy.
4, Penaranda, Nueva Ecija, matapos na makapanumpa ng naayon sa batas ay kusang
loob na magsasalaysay gaya ng mga sumusunod:

1. Na ako ay ipinagsusumbong ng kasong Estafa ni Bryan Marcelo (Bryan for


brevity);

2. Na mariin kong itinatanggi ang sumbong laban sa akin ni Bryan sapagkat ito
ay walang katotohanan at pawang gawa gawa lamang;

3. Na ayon kay Bryan ay sa umpisa pa lamang daw ng bentahan ng lupa kung


saan ako ay tumulong na magbenta, ay mayroon na akong intension na
lokohin siya at ang kanyang nanay na aking kumare;

4. Na inaamin ko na ako ay nag-ahente ng lupa na aking pinaniwalaang pag-aari


ni Thalia Maniquiz;

5. Na, ang aking paniniwalang ito ay base na rin sa notaryadong “Kasulatan


ng Bilihan ng Lupa” kung saan si Thalia Maniquiz ang sinasabing may-ari
nito. Ang nasabing Kasulatan ay inilakip at minarkahan ko dito bilang Annex
“A”;

6. Na, lubos kong pinaniwalaan na si Thalia Maniquiz ang may-ari ng lupang


aking ibinebenta sapagkat sila ay may hawak na notaryadong dokumento at
ito ay ginawa noon pang 2 July 1988;

1|Page
7. Na, lubos rin ang paniniwala nila Thalia Maniquiz na kanila ang lupang
kanilang ibinebenta sapagkat mayroon silang kasulatan at sila na rin ang
pumusisyon dito ilang dekada na ang nakalilipas;

8. Na, wala kaming kaalam-alam na mayroon na palang nakapag-pagawa ng


titulo sa lupa nila Thalia Maniquiz;

9. Na, hindi sa akin napunta ang pera na ibinayad nila para sa lupang nabanggit;

10. Na, ako ay napilitan lamang na magsabi na aking papalitan ang nasabing
halaga sapagkat ako ay kanilang ginipit na sa barangay;

11. Na, ang pera sa nasabing bentahan ay napunta kina Matrilito Mariano at
Manolo Mariano na pawang mga pamangkin ni Thalia Maniquiz;

12. Ang Artikulo 315 ng Revised Penal Code ay nagsaasaad na ang estafa ay na-
komit kung:

By means of any of the following false pretenses


or fraudulent acts executed prior to or
simultaneously with the commission of the fraud

13. Na, maliwanag sa kaso na ito na ako ay walang ginawang anomang


panloloko sapagkat ang aking pag-aahente sa nasabing lupa ay base sa
notaryadong dokumento at testamento na rin ni Thalia Maniquiz na dapat
talagang mag-may-ari ng lupang nabanggit;

14. Na dahil dito, aking hinihiling sa Kagalang galang na Taga Usig na ipagwalang
saysay ang kaso laban sa akin/amin;

15. Na, ginawa ko ang salaysay na ito upang patunayan ang lahat ng nakasaad
dito;

Sa katunayan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ikaw 23 ng


Mayo 2023 dito sa Cabanatuan City.

ROY BUNAG
Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN, sa harap ko ngayong ika-23 ng Mayo


2023, dito sa Cabanatuan City. Pinatutunayan ko na personal kong sinuri buhat sa
nagsasalaysay ang mga bagay na nakasaad sa itaas nito at ako ay lubos na naniniwala na
ang nasabing salaysay ay sa kaniyang kusang loob at nauunawaan niya ang nilalaman
nito.

2|Page
_________________

3|Page

You might also like