You are on page 1of 1

Republic of the Philippines )

Province of Nueva Ecija )


Municipality of General Tinio ) S.S

SINUMPAANG SALAYSAY SA PAGTESTIGO

Ako, si LAUDEMER VISTA, walang-asawa, 43 taong gulang, magsasaka, kasalukuyang


naninirahan sa Barangay Rio Chico, General Tinio, Nueva Ecija, matapos makapanumpa nang
naaayon sa batas ay nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Na, noong 29 April 2022 mga bandang alas-9 ng umaga, ako ay nasa Barangay Rio Chico,
General Tinio Nueva Ecija malapit sa bahay ng aking tita na si EDNA V. QUILON (tita
Edna);

2. Na, nandoon rin ang isa kong tita na si JOSEPHINE V. BULACAN (tita Jocy), na siyang
ihinahabla sa kasong Trespass to dwelling at slight Physical Injuries ng kanyang kapatid
na si tita Edna;

3. Na, nag-ugat ang di pagkakaunawaan patungkol sa online post ng aking tito na nasa
ibang bansa kaugnay nang pag-putol nang naghahabala ng wifi connection nito;

4. Na, nang sila ay nagsasalitaan, ay nasa labas ng bahay ni tita Edna si Tita Jocy;

5. Na, bigla na lamang sinugod si Tita Jocy si Tita Edna sa bahay nito; malakas na itinulak
nito ang gate, at bunsod nito ay nadaganan ng nasabing gate si tita Edna;

6. Na, nakapasok si tita Jocy sa terrace ng bahay ni tita Edna, at nang inaawat ko sila, ay
sinubukan kong itayo si Tita Edna, ay tinadyakan pa niya ito at sinabi na “papatayin
kita!”

7. Na, ang simumpaang salaysay na ito ay aking kusang loob na isinagawa ng walang nag-
uudyok, bilang patotoo sa lahat ng nabanggit at nakasulat dito at para sa legal na
kagamitan nito.

LAUDEMER VISTA
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 15th day of June 2022 by LAUDEMER
VISTA hereat General Tinio, Nueva Ecija.

You might also like