You are on page 1of 1

Republic of the Philippines )

Province of Nueva Ecija )


Municipality of General Tinio ) S.S

SINUMPAANG SALAYSAY SA PAGTESTIGO

Ako, si JONNEL ABIOG FLORES, 47 taong gulang, kasalukuyang naninirahan sa


Rizal Street, Peñaranda, Nueva Ecija, matapos makapanumpa nang naaayon sa batas ay
nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Na, ako ang ama ng nagrereklamo na si Janine Flores;

2. Na, noong 17 January 2022, mga bandang 4:00 ng hapon, ako ay nasa likuran ng
aming bahay ng mapadaan si Enrico Aberin (Enrico) sa aming bahay;

3. Na, tiningnan niya ako ng masama, at bumubulong bulong na tila ba naghahamon


ng away. Inilakip ko ang kopya ng CCTV clip sa salaysay na ito at minarkahan bilang
Annex “A” upang patunayan ang aking isinaad;

4. Na, bandang alas 6:30 ng gabi ay bumalik si Enrico na lasing sa alak at gumawa ng
isang gulo/eskandalosa sa harap ng aming bahay. Muli kong inilakip ang kopya ng
CCTV clip bilang Annex “B” upang patunayan ang aking isinaad;

5. Na, nagsisigaw si ENRICO P. ABERIN at tinawag na “pokpok! Putatsing! Malandi!


Kung sino-sinong lalaki ang dinadala sa bahay! Pati kamag-anak ay pinapatulan”
ang aking anak na si JANINE TABERNA FLORES;

6. Na, paulit-ulit niya itong sinambit at isinigaw pati na rin nang kanyang kinakasama na
si ROSANA VILLA na noon ay nasa harapan na rin ng aming bahay;

7. Na, ilang buwan na ang nakararaan ay siniraan niya rin ang imahe ng

8. Na, ang simumpaang salaysay na ito ay aking kusang loob na isinagawa ng walang
nag-uudyok, bilang patotoo sa lahat ng nabanggit at nakasulat dito at para sa legal
na kagamitan nito.

JONNEL ABIOG FLORES


Nagsasalaysay
Driver’s License No.: C05-98-108950

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 19th day of February 2022 JONNEL
ABIOG FLORES at General Tinio, Nueva Ecija.

You might also like