You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Lungsod ng Malolos)
Lalawigan ng Bulacan)

SINUMPAANG SALAYSAY
AKO, si MARIA LUISA M. BERNABE, nasa hustong gulang, Filipino at
naninirahan sa 0574 Agnaya, Plaridel, Bulacan, matapos manumpa ng ayon sa
batas, ay nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Ang lahat po ng aking sasabihin ay base sa aking nasaksihan at nalalaman


patungkol sa usapin sa pagitan ni G. Evan Jeffrey Taledo at Gng. Agustine
M. Villanueva, na aking nakakatandang kapatid.

2. Nang makita po namin na tanggal ang alulod sa harapang bahagi ng aming


mga bahay ay agad nagtungo ang aking kapatid na si Gng. Agustin sa bahay
ni G. Raven Judie Tuazon upang tanungin ito kung sino ang nag-alis ng
nasabing alulod na ang sagot po ay ang kuya daw po o si G. Toledo ang may
gawa;

3. At nang sumunod na araw inantay ni Gng. Agustina si G. Toledo upang


kausapin at tanungin kung bakit niya inalis ang alulod, na nag dudulot ng
malakas na bugso ng tubig kapag umuulan nang malakas. Ang tanging sagot
ni G. Toledo ay barado daw po kasi ng tuyong dahoon ang alulod at sa
harapan po ng bahay nila tumatapon ang tubig;

4. Pinakiusapan po ni Gng. Agustine si G. Toledo na ibalik sa dati ang alulod


ngunit hindi po niya ito binalik. Maging ang kanyang kapamilya ay
pinakiusapan din ni Gng. Agustine na muling ibalik ang alulod ngunit
naging bingi sila dito;

5. Ang pangyayari pong ito ay isa lamang sa mga maling ginagawa ng pamilya
ni G. Toledo na hindi lingid sa kaalaman niya. Ang ilang pa pong maling
ginagawa nila ay ang mga sumusunod:

 Pagtatapon ng maruming tubig mula sa pinag-paliguan ng kanilang mga


alagang hayop.
 Pagpapadaloy ng tubig mula sa pinaghugasan ng kanilang motorsiklo.
 Pagtatapon ng tubig mula sa kanilang lababo at mula sa pinaglabhan.

6. Dahil wala po silang tamang daluyan ng tubig o kanal. Na kaming mga


kalapit na bahay ay apektado, sapagkat sa harapang bahagi po ng aming mga
bahay ito dumadaloy. Ang mga gawain pong ito ay nagdulot ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya ni G. Toledo at ng aming pamilya.
Mula taong 2021 hanggang sa kasalukuyan. Ang akin pong mga isinalaysay
ay may kalakip na mga larawan bilang patunay sa mga gawaing ito, at may
blotter din sa barangay;
7. Ginawa ko ang salaysay na ito upang patunayan ang katotohanan ng
nakalahad sa itaas, upang suportahan ang depensa ni Agustina Villanueva
laban sa mga bintang sa kanya, at sa anupamang legal na maaring
paggamitan nito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, Kami ay lumagda ngayong


_________________ dito sa Lungsod ng Malolos, Lalawigan ng Bulacan.

MARIA LUISA M. BERNABE


Nagsalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP KO ngayong


______________, ng dito sa Lungsod ng Malolos, Lalawigan ng Bulacan.

You might also like