You are on page 1of 15

PAGBIBIGAY

SOLUSYON
SA
SULIRANING
NAOBSERBAHAN
LAYUNIN:

Inaasahang nakapagbibigay ng sarili at


maaaring solusyon sa isang suliraning
naobserbahan sa paligid.
 Basahing mabuti ang isang kwento
tungkol sa isang mag-anak.

Alamin kung ano ang suliraning


naobserbahan nila sa kanilang paligi.
Ang Naudlot na Bakasyon

Tuwang-tuwa si Biboy dahil makapagbabakasyon na silang


pamilya kung saan naninirahan ang kanilang Lolo at Lola.
Ngayon lang siya ulit nakalabas ng bahay dahil sa Enhance
Community Quarantine na dulot ng COVID-19.
Habang nilalasap niya ang masarap na pagbyahe sa
loob ng kanilang sasakyan palagi siyang napapatingin
sa itaas. Salamat po Panginoon, dahil nagkaroon ng
pagkakataon na maulit ng muli ang mga bagay na
matagal ko nang pinapangarap, gaya ng paglanghap ng
malamig na simoy ng hangin, pagkain ng mga sariwang
gulay at prutas at higit sa lahat ang pagligo sa malamig,
malinis at malinaw na tubig sa sapa.
Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakbay ng biglang
dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan na
may dalang kulog at kidlat. Halos hindi na makita ang daanan,
kasabay na pagsabi ni nanay kay tatay na mag-iingat sa
pagmamaneho. Nabigla kami ng biglang magpreno at ihinto ni
tatay ang sasakyan. “Nasiraan po ba tayo?” Naku anak! Hindi
tayo makapagpatuloy, hindi tayo makakadaan. Tingnan niyo,
malaking umbok ng lupa ang nakaharang sa kalsada. Oo nga!
Hindi makakaya ng sasakyan natin na daanan iyan.
“Napakalaking suliranin sa pamayanan natin ito.” Oo nga tay!
dahil sa landslide na iyan, marami ang hindi makakadaan.
Kaya lang wala naman ibang sisisihin diyan, kasi tao rin ang may gawa kung
bakit nauubos na ang malalaking puno sa kabundukan. Tama ka diyan Biboy!
pero may paraan pa naman para hindi na maulit ang pangyayaring iyan.
Kailangan lahat ng tao ay magtulungan sa pagtatanim ng puno para
mapalitan ang mga pinutol na punong kahoy. Pati po ba kami ni Kuya Biboy
ay tutulong? Oo anak! Sige po tay, sisimulan ko na ang pagtatanim ng puno
sa likod ng bahay natin para hindi magka landslide doon.
O sige, paandarin mo na ang sasakyan at uuwi na
tayo sa bahay. Pinabalik ng tatay ang sasakyan at
muling tinahak ng mag-anak ang daan pauwi ng
kanilang bahay. Ang kasiyahang naramdaman ni
Biboy ay napalitan ng lungkot dahil hindi na
matutuloy ang kanilang iniisip na gagawin pagdating
sa bukid.
Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng solusyon sa
suliranin:
1.Alamin ang tunay na suliranin at pinagmulan nito.
2.Pag-aralan ang posibleng solusyon.
3.Isipin ang taong makatutulong sa iyo upang malutas
ang suliranin.
4.Isipin ang maaaring maging kalalabasan o
kahihinatnan.
Ibigay ang maaaring suliranin at solusyon sa
binasang kwento sa itaas. Ilagay ito sa loob ng kahon.
Piliin kung ano ang mabisang solusyon sa bawat suliranin. Lagyan
ng √ ang mas mabisang solusyon.

1.Corona Virus
_____ pagsusuot ng face mask at face
shield, paggamit ng alcohol at
pagsunod sa social distancing.
_____ paghingi ng pera sa gobyerno.
. Baradong Kanal
2

_____ pagtatapon ng basura kung saan-


saan.
_____ paghihiwalay ng basura at huwag
magtapon kung saan-saan.
3.Global Warming
_____ pagtitipid sa pagkunsumo ng
tubig at kuryente
_____ pagtatanim ng mga puno’t
halaman at pangangalaga sa
kalikasan.
4.Pagtaas ng mga bilihin
_____ pagtatanim ng iba’t ibang
gulay sa bakuran
_____ maghanap ng trabaho na
may mas malaking sahod
5. Pagkalat ng sakit na Dengue
_____ paglilinis ng kapaligiran araw-araw at
huwag mag-iimbak ng tubig ng matagal kung
hindi naman kailangan
_____ putulin ang mga halaman at puno sa
buong paligid ng bahay

You might also like