You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LALAWIGAN NG BATANGAS) S.S.

KUSANG LOOB NA PAGPAPAKULONG


NA MAY KAHILINGAN PARA MAKAPAGPIYANSA
(WAIVER OF ARTICLE 125 WITH MOTION TO FIX BAIL)

AKO, JOHN MICHAEL FLORES y EVANGELISTA, nasa hustong gulang,


Filipino at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Masaya, Padre Garcia, Batangas, matapos na
makapanumpa nang naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng
mga sumusunod:

Na ako ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Padre Garcia Municipal Police


Station para sa kasong “Violation of R.A. 9262” na diumanoy naganap noong ika-28
August 2020, ganap na 10:00 ng gabi;

Na hinihiling ko sa kinauukulan na maimbestigahan ng husto ang aking kaso


bago pa man ito isampa sa Hukuman;

Na kaugnay pa rin nito ay aking ipinapawalang-saysay ang aking karapatan sa


ilalim ng Artikulo 125 ng Revised Penal Code of the Philippines;

Na habang iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang aking kaso, ay pumapayag


ako na magpasailalim at mapasa-pangangalaga ng nasabing mga alagad ng batas ng
nasabing sangay ng Pulisya;

Na hinihiling ko rin sa Tagausig Panlalawigan na magtalaga ng halaga ng


piyansa upang ako’y pansamantalang makalaya;

Na ginawa ko ang kahilingang ito ng malaya at kusang loob na walang sinumang


nanakot, namilit o gumamit ng dahas sa akin.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong


ika-1 ng Setyembre 2020 dito sa Lalawigan ng Batangas, Pilipinas.

JOHN MICHAEL E. FLORES


Nagsalaysay
Pinatnubayan ni:

MARIA MONICA PAMELA I. MENDOZA


Public Attorney II

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-1 ng Setyembre 2020


dito sa Lalawigan ng Batangas, Pilipinas.

CERTIFICATION

I hereby certify that I have personally examined the affiant and that I am satisfied
and convinced that he fully understood the contents of his affidavit.

You might also like