You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Katarungan
Tanggapan ng Manananggol Pambayan
(PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE)
REGION IV
BATANGAS CITY DISTRICT OFFICE
Hall of Justice, Pallocan West, Batangas City

Ika-3 ng Pebrero, 2010

ANGLOSAXON MEDRANO BUGAYONG


Kumintang Ibaba, Batangas City |

G. Bugayong:

Ang liham pong ito ay sa ngalan ng iyong asawa na si Maria Hazel Gotis
Bugayong. Nagsadya siya sa aming Tanggapan at nagharap ng reklamo laban
sa iyo. Nagbigay siya ng salaysay na ikaw ay nahuli niya kasama pa ang ibang
niyang testigo na pumipisan at naninirahan sa isang bahay kasama ang isang
babae na hindi mo naman asawa. Ito ay malinaw na paglabag sa batas bilang
isang may-asawa at pamilyadong asawa at ama. Dahil dito ay maaari kang
panagutin sa kasong Concubinage o Pambabae, pati na rin ang babaeng iyong
kinakasama. Ang pagkakaroon ng kaso ay makakapigil sa iyong pag-aabroad o
pag-alis. Bukod pa dito ay may reklamo rin ang iyong misis sa hindi mo
pagbibigay ng sapat na supporta sa kanya at sa inyong mga anak. Sa ilalim ng
batas ang ganitong kakulangan ay maaari ring ikaso sa Hukuman bilang
paglabag sa RA 9262 o sa kasong “Abadonment”.

Sa kabila ng pagpupursige ng iyong misis na maitaas na ang kaso sa


Korte ay minabuti muna ng Tanggapan at ng nakalagda sa ibaba nito na ikaw ay
bigyan ng pagkakataon na madinig sa reklamong ito at magkaroon ng pag-aayos
o katanggap-tanggap na mapapagkasunduan sa pagitan mo at iyong misis na
naghain ng reklamo dito sa Tanggapan.

Dahil dito, ikaw ay aming iniimbitahan dito sa aming Tanggapan, bukas,


ika-4 ng Pebrero, 2010, sa ganap na 1:30 ng hapon upang sikaping maisaayos
ang mga reklamong nabanggit.

Lubos na gumagalang,

MARIAN P. LUBIS HERMOSO


Public Attorney II
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Katarungan
Tanggapan ng Manananggol Pambayan
(PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE)
REGION IV
BATANGAS CITY DISTRICT OFFICE
Hall of Justice, Pallocan West, Batangas City
Tel: 723-3996

November 23, 2009

ARVIN J. ROLDAN
c/o THE GENERAL MANAGER
MONTENEGRO SHIPPING LINES
Pier, Batangas City

G. Roldan:

Dumulog po sa aming Tanggapan ang inyong legal na asawa na si


ROWENA D. ROLDAN hinggil sa kanyang reklamo laban sa inyo. Ayon sa
kanya, kayo ay may mga naging anak sa kanya na menor de edad na sina
MECAELA ROLDAN, ARVIN ROLDAN, at ANTHONY ROLDAN na nasa
kanyang pangangalaga.

Ayon po sa ating umiiral na batas, kayo ay may obligasyon sa inyong


anak lalo pa nga at sila ay menor de edad pa lamang na bigyan ng kaukulang
sustento para sa kanyang pangaraw-araw na pangangailangan. Ngunit ayon
kay Gng. Rowena , sa kabila ng inyong kakayahan dahil kayo naman ay may
pinagkakakitaan bilang kapitan ng barko ay hindi kayo tumutupad sa inyong
obligasyon na magbigay ng sapat na suporta. Ayon din sa kanya ay iniwan
ninyo sila noong Disyembre 18, 2008 at may iba na kayong kinakasamang
babae, ito ay labag sa batas sa ilalim ng Republic Act 9262.

Kaugnay po nito, ay malugod namin kayong inaanyayahang magsadya


sa aming tanggapan sa ika-3 ng Disyembre 2009, Huwebes alas 9:30 ng
umaga upang mapag-usapan natin ang tungkol sa bagay na ito at ng hindi na
umabot pa sa hukuman at ganun din naman upang makaiwas sa abala at
gastusin sa paglilitis.

Ito na po lamang at umaasa po kami sa inyong pagdating.


Lubos na gumagalang,

MARIA THERESA G. BAROLA


Public Attorney II

You might also like