You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Katarungan
Tanggapan ng Manananggol Pambayan
(PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE)
REGION IV-B
BATANGAS CITY DISTRICT OFFICE
Hall of Justice, Pallocan West, Batangas City

Ika-12 ng Setyembre, 2011

Bb. ROWENA DE TORRES


Balintawak Street,
Bolo, Bauan, Batangas

Bb. De Torres:

Ito po ay kaugnay ng aming liham na may petsa na Nobyembre 30, 2010.


Nakasaad po sa nasabing liham na ang pagkakautang lamang ninyo kay Gng. Leonora
Perea ay nagkakahalaga ng ISANDAANG LIBONG PISO (P100,000) at noon pong
aming suriing mabuti ang dokumentong kanyang hawak ay napag-alaman namin na
ang nabanggit na halaga ay bahagi lamang ng inyong pagkakautang. Na base po sa
inyong pinirmahan na dokumento na may petsa na ika-5 ng Hunyo 2009 ay
pinananggapan ninyo na ang kabuang pagkakautang ninyo kay Gng. Leonora Perea ay
nagkakahalaga ng ISANDAAN AT LIMAMPU’T LIMANG LIBONG (P155,000)
PISO at ito ay babayaran ninyo sa loob ng isang taon mula sa nasabing petsa o
hanggang ika-4 ng Hunyo, 2010 na hindi ninyo tinupad.

Kaugnay po nito, sa huli pong pagkakataon, kayo ay binibigyan namin ng


sampung araw mula sa pagkatanggap ninyo ng liham na ito para bayaran ang
kabuoang halaga ng inyong pagkakautang kay Gng. Leonora Perea at kung kayo po
ay hindi tatalima ay mapipilitan na si Gng. Perea na itaas ang kanyang reklamo sa
inyo sa hukuman.

Kami po ay umaasa sa daglian ninyong pagtalima sa bagay na ito upang


maiwasan ang abala at gastusin sa Hukuman.

Lubos na gumagalang,

MARIA CONCEPCION SERRANO-ALTEA


Public Attorney 2

You might also like