You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Quezon
Lungsod ng Tayabas
Barangay Mate

DISENYO NG PROYEKTO

PAMAGAT : ISANG (1) ARAW NA PANTAS-ARAL NA MAY KAUGNAYAN SA


R.A 9262, R.A 7610 AT R.A 8353

NAGPANUKALA : Barangay GAD Focal Point System/Sangguniang Barangay

LOKASYON : Barangay Mate, Lungsod ng Tayabas

MAKIKINABANG : Siyam (9) na kababaihan mula sa mahirap na pamilya


Limampong (50) kabataang kababaihan
Dalawampu’t isa (21) kasapi ng KALIPI.

RASYONAL : Sa isinagawang pagpupulong ng BGFPS naging usapin ang mga


pang-aabuso na naitala sa barangay na kinabibilangan ng dalawang
menor de edad na babae ang isa ay nabibilang sa mahihirap na
pamilya at ang isa ay nagmula sa hanay ng Persons With Disabilities
o PWD. May naitala ding emosyonal na pang-aabuso na ang naging
suspek ay ang kaniyang mismong kinakasama. Sa mga sunod-sunod
na pangyayaring ito ninais ng BGFPS na magsagawa ng pantas-aral
patungkol sa mga batas na may kaugnayan sa pang-aabuso upang
mabigyan ng kaalaman ang ilang kababaihan sa barangay lalo’t higit
ang mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan na walang
kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili o ang kanilang mga anak
sa pang-aabuso. Sa panahon ng pandemya ay patuloy na lumaganap
ang karahasan sa barangay kabilang ang pang-gagahasa sa mga
batang kababaihan.Isa sa naging biktima dito ay paulit-ulit na naging
biktima ng pang mumulestiya dahil sa takot na

mag-sumbong sa mga kinauukulan.


PANGUNAHING LAYUNIN: Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng karagdagang
impormasyon at kaalaman ang mga kababaihan sa barangay
patungkol sa kanilang karapatan bilang isang babae.Imulat ang
kanilang mga kaisipin na hindi hadlang ang pagiging isang babae
lamang upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga karahasan at
ipaglaban ang kanilang karapatan. Gayundin upang maialis ang
takot sa mga nakakaranas ng pang-aabuso na agad na ipag-bigay
alam sa kinauukulan ang karahasang kanilang naranasan.Layunin
din ng proyektong ito na mapaalalahanan ang mga ina na maging
mapanuri sa mga ikinikilos ng kanilang mga anak.

URI NG PROYEKTO : PANTAS-ARAL NA MAY KAUGNAYAN SA R.A 9262 AT


R.A 7610 NA DADALUHAN NG WALUMPONG KABABAIHAN
SA BARANGAY

PAMAMARAAN : 1. Pag-sasaayos ng plano para sa isasagwang pantas-aral.


2. Paglalaan ng halagang kakailanganin sa proyekto.
3. Pakikipag-ugnayan sa mga kinakailangang tao para sa
katuparan ng proyekto.
4. Pagbibigay paanyaya sa walumpong (80) kababaihang
makikinabang sa takdang araw ng pagsasagawa ng pantas-aral.

PETSA : Mag sisimula ang nasabing aktibidad sa nilolooban ng


ikalawang quarter ng taong 2023.

DALOY NG PLANO : Inihain sa una at ikalawang pagpupulong ng BGFPS ang


pagpaplano ng proyekto. Sa unang quarter ng taong 2023 mag sasagawa
ng pagpaplano para sa katuparan ng proyekto, makikipag-ugnayan sa
kinauukulan bilang maging tagapag padaloy ng programa.

Iskedyul ng gawain : Ikalawang quarter ng taong 2023 (Hunyo)

Paghahanda Aktibidad
-paghahanda at pag-aproba ng Marso 28, 2022
Punong Barangay sa Disenyo ng
Proyekto.
Paunang Implimentasyon
-paglapit sa iba’t-ibang sangay ng
Mayo, 2023
gobyerno para sa mga
kakailanganin.

-paglalabas ng kaukulang pondo Hunyo, 2023


para sa isasagawang proyekto

Implimentasyon Pagsasagawa ng pantas-aral para sa Ikalawang linggo ng Hunyo,


walumpong (80) kababaihan sa 2023
barangay

BADYET : P44,000.00
- Pagkain (Am/Lunch/Pm) 100 Pax (80 participants/20
Facilitators including SB)
- Tarpaulin/Supplies
- IEC
- Token

Mga kinakailangang ihanda:


QUANTITY UNIT DESCRIPTION UNIT AMOUNT
PRICE
100 PAX AM SNACKS P65.00 P6,500.00
100 PAX FOOD LUNCH P160.00 P16,000.00
100 PAX PM SNACKS P65.00 P6,500.00
80 PCS SEMINAR SUPPLIES (Notes/Pen) P40.00 P3,200.00
TARPAULIN/CERTICICATE/TOKEN P3,000.00 P3,000.00
80 PCS IEC (Bag with VAW Law printed) P110.00 P8, 800.00
TOTAL P44, 000.00

PAGTATAYA : Pagkakaroon ng ebalwasyon sa mga nakinabang sa pantas-


aral.

Inihanda ni: Pinagtibay:

GENALYN A. ALCOREZA Kgg. JOHNNY J.


SUMILANG
Kalihim Punong Barangay

You might also like