You are on page 1of 4

Lumalaganap Na Isyu Tungkol Sa Bakuna

Mula sa: Para sa Bayan Medical Organization


Brgy. 516 Sampaloc, Manila, 1008 Metro Manila
Pebrero 26, 2019
Haba ng Panahong Gugugulin: Isang buwan

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Nagdeklara ang Department of Health ng measles o tigdas outbreak sa Metro


Manila dahil sa pagdami ng mga taong tinatamaan nito. Karamihan sa mga kaso ng
tigdas ay nanggagaling sa Metro Manila. Ayon sa DOH, 1,841 na kaso na ang naitala sa
lungsod at 32 naman ang namatay dahil sa sakit. Mula sa naitalang impormasyon, 6 sa
10 na indibidwal o 64% ay walang bakuna laban sa tigdas. 2 sa 5 naman ang hindi alam
ang kanilang vaccination status. Ang Measles ay isang sakit na maiiwasan kung may
bakuna lamang anag bata. Ang sakit na ito ay viral at nakakahawa. Maaaring magdulot
ito ng pneumonia at diarrhea sa mga pasyente. Maaari rin itong makadulot ng
kamatayan kung papabayaan lamang at hindi aaaksyunan.

Maraming sanggol at bata ang namamatay dahil sa mga kumakalat na mga sakit.
Sa panahon ngayon, binibigyang pansin ng mga magulang ang pagpapabakuna sa
kanilang mga anak upang maprotektahan sila laban sa anumang sakit. Taon-taon, higit
sa isang milyong mga bata ang namamatay dahil sa mga sakit na maaari namang
malutas sa pamamagitan ng pagbabakuna. Ang pagbabakuna ay nagliligtas sa mga bata
sa mga napakapanganib na sakit ng pagkabata, isinasaksak man ito o pinaiinom. Ito ay
nagiging mabisa kung ibinibigay ito bago magkasakit. Mas malaki ang posibilidad na
magkaroon ng ubo, tigdas, at marami pang sakit na maaring magdulot ng kamatayan
ang isang bata na hindi nabakunahan.

Ang isang batang nabakunahan ay protektado sa mga iba’t ibang uri ng sakit na
maari din magdulot ng pagkakaroon ng kapansanan o mas malala pa dito ay magdulot
ng kamatayan. Bawat batang lalaki at babae ay may karapatang magkaroon ng maagang
proteksiyon nararapat lamang na mapabakunahan ng kompleto. Isang malaking usapin
ngayon ang pangamba na nadarama ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang
mga anak dahil na rin sa mga bali-balita ukol sa mga lumalabas na problema tungkol sa
dengvaxia at measles outbreak sa Maynila.

Karamihan sa mga nababahala ukol sa isyung ito ay ang mga magulang at mga
taong nabakunahan na. Dahil dito, maraming salusalungat na impormasyon tungkol sa
pagbabakuna ang lumaganap at karamihan dito ay walang basehan. Ang maling
oryentasiyon ukol sa pagbabakuna ay isang nakakabahalang isyu na dapat tugunan sa
Lungsod ng Maynila.
II. LAYUNIN

Ang layunin ng proyektng ito ay mabigyan ng solusyon ang isyu tungkol sa


bakuna dahil sa mga masasamang komento at balita na nakabalot sa isyung ito na
ikinatatakot ng maraming magulang kaya naman madami na ang tumatanggi sa
pagbakuna sa kanilang mga anak. Nais rin ng organisasyon na magtalaga ng mga
proyekto upang mahikayat ang masa na magpabakuna at maagapan ang mga sakit na
maaaring dumapo sa mga bata at matatanda. Ang mga proyekto ay lubos na pinag-
isipan upang makakuha ng atensyon ng mga iba’t ibang edad ng tao.

III. PLANO NG DAPAT GAWIN

A. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpupulong ng miyebro ng organisasyon para mapagusapan ang isyu
tungkol sa vaccine o bakuna. (1 araw)
2. Paghahanap ng lugar na maaring pagdausan ng nasabing Fun Run. (3
araw)
3. Paghahanap ng sponsor para sa gaganapin na mga aktibidad. (2 araw)
4. Pagpapadala ng mga liham sa mga kukuning tagapagsalita para sa
seminar. (1 araw)
5. Pakikipagugnayan sa iba pang NGO. (2 araw)
6. Pagpapasa, pag-aapruba at paglalabas ng inisyal na badyet para sa mga
aktibidad. (1 araw)
7. Pagsasagawa ng mga programa at aktibidad. (Isang buwan)

B. Kalendaryo ng mga Programa at Aktibidad

Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday

1 2

3 4 5 6 7 8 9
Pag-papasa Pag-aapruba Fun Run
ng badyet ng badyet 5 am-BGC

10 11 12 13 14 15 16
Pagaudit ng Paglalabas Pagpupulong Paghahanda
gastos sa ng badyet para sa para sa
Fun Run gaganapin Seminar
na mga 10 pm - 2:30
programa pm

8 am - 10:30
am

17 18 Seminar 19 Seminar 20 21 22 23
1 pm - 4:30 1 pm - 4:30
pm pm

24 25 26 27 28 29 30
Libreng Libreng Libreng Libreng Libreng
bakuna bakuna bakuna bakuna bakuna
8 am - 5 pm 8 am - 5 pm 8 am - 5 pm 8 am - 5 pm
8 am - 5 pm
Malate, Sampaloc, Tondo, Santa Cruz,
Pandacan,
Manila Manila Manila Manila
Manila

31
Pagaudit ng
pangkalaha
tang gastos

IV. BADYET
Ang badyet na gagastusin sa proyektong ito ay galing sa kikitain ng grupo
mula sa fun run na kanilang isasagawa. Hindi kinakailangan ng malakihang
badyet sapagkat ang grupo ay maghahanap ng mga asosasyon/organisasyon na
maaaring maging sponsor ng mga kakailanganin sa proyektong ito. Ang
proyektong ito ay gugugol ng Php 33,000 para sa iba pang mga materyales na
gagamitin.

MGA GASTUSIN HALAGA

Pagkain at inumin para sa mga volunteers Php 10,000

Pagpapagawa ng mga tarpaulin at flyers Php 3,000

Tent Php 5,000

Mic at Sound system Php 8,000

LED/Projector Php 4,000

Mga upuan at lamesa Php 3,000


V. BENEPISYO NG PROYEKTO at mga MAKIKINABANG NITO

Ang pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa pagbabakuna ay magiging kapaki-


pakinabang ‘di lamang sa mga magulang ng Lungsod ng Maynila kundi para na rin sa
kapakanan ng mga bata. Ang panganib sa pagkawala ng buhay o pagkakaroon ng
malubhang sakit ng mga bata ay maiiwasan. Ang pagkakaroon ng tamang kaalaman
ukol sa mga bakunang ipinapamigay ng libre ng pamahalaan ay makatutulong upang
maibsan ang pag-aalala ng mga magulang sa lungsod sapagkat ang ibang mga pamilya
dito ay naging biktima na ng Dengvaxia vaccine noong nagsagawa ng free vaccination
program noong 2017.

Mula sa proyektong ito, makikinabang rin ang mga health organizations,


sapagkat muling manunumbalik ang tiwala sa kanila ng mga tao at mahihinuha nila na
hindi lahat ng bakuna ay nakakasama. Higit sa lahat, hindi na matatakot ang mga
magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak sapagkat may kamalayan na sila sa mga
positibo at negatibong epekto ng mga bakuna. Ang libreng bakuna ay makakatulong rin
sa mga kabataang hindi pa napapabakunahan sa mga nasabing barangay upang
makaiwas sa anumang sakuna, lalo na sa nababalitaang measles outbreak sa lungsod ng
Maynila.

You might also like