You are on page 1of 1

Pamagat ng Proyekto:

Pagbibigay kaalaman tungkol sa maagang pag-aasawa.

Kategorya ng Proyekto:

Ang proyekto ay isang seminar para sa mga kabataan sa Barangay Alijis upang mamulat sila at
magabayan sa mga maaaring epekto ng maagang pag-aasawa.

Proponent ng Proyekto:

G. John Dhaniel Gamao

Deskripsiyon ng Proyekto:

Ang seminar ay isang programa para sa mga kabataan. Itatalakay dito ang mga sanhi at bunga ng
maagang pag-aasawa. Bibigyan din ang mga kabataan ng gabay kung paano ito maiiwasan.

Petsa:

Ang seminar na ito ay magtatagal ng isa't kalahating oras mula 9:00 hanggang 10:30 ng umaga ng
Enero 27,2020.

Rasyonal:

Isang napakalaki at napapanahon ngayon ang maagang pagpasok ng mga kabataan sa usaping
pagpapamilya. Kaya isang seminar na naglalayong mabawasan ang mga kaso nito ay isang malaking
tulong para sa ating pamayanan at sa ating bansa. 100 kabataan ang inaasahang dadalo sa proyektong ito
bilang tagapakinig at tagapagbigay ng kanilang hinaing. Maituturing na epektibo at mapalad ang proyekto
dahil dadalo ang mga kinatawan ng DSWD na magbibigay din ng kanilang pahayag tungkol sa isyung ito.

Gastusin ng Proyekto:

Sa proyektong ito tinatayang nasa Php. 5000 ang kabuuang halaga na inilalaan sa sumusunod na
pagkakagastusan:

Aytem Halaga Kabuuan


Pagkain ng Ispiker Php. 500 Php. 500
Sertipiko ng Isipiker na may Php. 200 x 2 Php. 400
Frame
Sertipiko ng mga Kalahok Php. 5 x 100 Php. 500
Honorarium ng Ispiker Php. 2,500 Php. 2,500
Tarpaulin Php. 550 x 2 Php. 1,100
Kabuuan: Php. 5,000

Benepisyong Dulot ng Proyekto:

Magbibigay ng kamulatan at gabay sa mga kabataan tungkol sa maagang pag-aasawa, kung ano
ang mga magiging epekto nito sa kanilang buhay.

You might also like