You are on page 1of 3

I.

KONSIDERASYON

2.1. Layunin ng Proyekto

Isang pangyayaring nagaganap sa Lungsod ng Batangas pagsapit ng hapon ay ang

paglalabasan ng mga ibon na sumasampa sa mga kable ng mga kuryente.

Pinaniniwalaan na ang mga ibon na ito ay nagmula pa sa ibang bansa upang

makatakas sa malamig na temperatura. Dahil sa pangyayaring ito ang mga

mamayan ng Batangas ay nangangamba sa ano mang dulot dala ng mga ibon.

Ang ‘I-PUT, the Umbrella Drop Catcher’ ay isang alternatibong proyekto upang

mabawasan ang pangamba ng mga mamayan sa Batangas City. Layunin ng

proyektong ito na matugunan ang suliraning hatid ng mga ibon na naglilipana sa

ilang bahagi ng bayan. Sa pamamagitan ng “I-PUT”;

 Ang mga dumi ng ibon ay masasalo ng mga payong at ang mga duming naipon

ay magsisilbing pataba ng halaman.

 Magsisilbi pang akit ng turista ang mga payong na nakakabit sa taas ng daan.

 Ang mga tao ay hindi na mangangamba na dumaan sa mga kalye na

pinamumugaran ng mga ibon( barn swallows).

 Mapipigilan ang pagpatak ng dumi sa bahagi ng katawan ng tao.

 Magsisilbi ring proteksyon sa init na mula sa araw at magsisilbing silong tuwing

umuulan.
2.2. Oras at Gastos

Ang pagsasakatuparan ng isang proyekto ay nangangailangan ng mahabang

panahon ng pagpaplano at paghahanda. Ang pagkakaroon ng iskeydyul ng mga

gawain at tamang alokasyon ng budget ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng isang

proyekto.Sa pamamagitan nito nasususri ang kaugnayan ng alokasyon sa

kakapusan at pangangailangan. Napapahalagahan din ang paggawa ng tamang

desisyon upang matugunan ang pangangailangan sa pagbuo ng mungkahing

proyekto.

Narito ang mga iskedyul ng mga aktibidades upang maayos na maisaktuparan

ang mungkahing solusyon sa nasabing isyu.

AKTIBIDADES ARAW ORAS

Pagpaplano at Isang Buwan bago ang 8:00am -4:00 pm


Paghahanda pagpapatupad ng proyekto

Pagkakabit ng mga Limang araw (Lunes hanggang


payong(Pagpapatrabaho) Biyarnes) 8:00am -4:00 pm

Dalawang Linggo pagkatapos


Ebalwasyon ng pagkakabit ng mga payong.
8:00am - 12:00 pm
Alokasyon Budget

Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng pondo upang magkaroon ng


progreso at maisakatuparan ang proyektong nais imungkahi ng mga mananaliksik.

Ang pondong gagamitin sa pagsasakatuparan ng proyektong ito ay mula sa


kontribusyon ng mga mananaliksik at pera na magmumula sa mga donasyon ng mga
taong may interes sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng alokasyon ng badyet na kakailanganin ng


proyektong ito:

Alokasyon ng Budget Halaga

Pagpaplano (Pangangalap ng Impormasyon) 500

Paghahanda(Paglalakad ng mga papel sa mga 500

ahensya,transpo.atbp.)

Pamimili ng mga Kagamitan( payong, atbp) 5,000

Pagpapatrabaho(Sweldo:sampung 10,000

manggagawa,meryenda,atbp.)

Kabuuang Budget 16,000

2.3. SAKOP NG PAG-AARAL

You might also like