You are on page 1of 16

PANUKALANG

PROYEKTO
● Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong
nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng
bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na kita,
trabaho, kaayusan sa komunidad, at iba pa.

● Kapag ikaw ay susulat ng panukalang proyekto, dapat mong gawing


makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto. Bukod rito,
dapat ring itanghal ang mga benepisyo na makukuha rito.

● Nakasalalay sa konteksto ng institusyong paghahainan ng panukala ang


magiging ispesipikong anyo ng isang panukalang proyekto.
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin ang sumusunod na mga
tanong:
● Ano ang nais mong maging proyekto?

● Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?

● Kailan at saan mo ito dapat isagawa?

● Paano mo ito isasagawa?

● Gaano katagal mo itong gagawin?

● May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

❖ Mahalagang matutuhan ng mag-aaral ang ganitong uri ng akademikong sulatin


upang malinang ang kasanayang mag-isip, magmungkahi, masusing magsiyasat,
at magpasiya o bumuo ng desisyon.
● Magkano ang kabuoang halaga ng iyong baon sa
loob ng isang buwan?
● Paano mo ginagastos ang iyong baon sa loob ng
isang buwan? Idetalye nang maayos ang iyong
sagot.
● May naitatabi ka ba mula sa iyong baon?
● Pinaplano mo ba na dapat ay may natitira sa iyong
baon upang makaipon? Bakit?
● Nagtitipid ka ba dahil sa mayroon kang pansariling
panukala na nais mong paggamitan ng naipon mong
pera?
❑ Mahalaga na maging makatotohanan ang panukalang proyekto dahil kung ang
panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa
proyekto ay hindi ito maaaring payagan o sang-ayunan. Maaaring magdulot ito
ng maling pag-iisip para sa iba o maging sanhi pa ng pagkawala ng tiwala sa
nagpanukala.

❑ Kung ang ihahain mong panukala ay tumutugon sa mabuting kapakanan ng


lahat, tiyak na agaran itong sasang-ayunan. Kung maaari, tiyaking
naisasaalang-alang ng panukalang proyekto ang kabutihan ng lahat, hindi
lamang pansarili o ng iilang tao.
❑ Hindi maligoy at kagyat ang paglalahad ng mga detalye tulad ng
kahalagahan, katangian, at iba pang mga datos para sa panukalang
proyekto ang nilalaman ng ganitong uri ng sulatin. Naisasagawa ito
sa pamamagitan ng direktang pagdedetalye ng mga kinakailangang
bagay sa proyekto at direkta ring paliwanag sa proseso ng
pagsasagawa ng proyekto.
Ang isang panukalang proyekto ang may tatlong bahagi: Panimula, Katawan, at
Kongklusyon.

Sa panimula, nakasaaad ang mga rasyonal o mga problema, layunin, o ang motibasyon
ng pag-gawa ng panukalang proyekto.

Ang katawan ay nilalagyan ng mga detalye ng mga kailangang gawin at ang badyet para
sa proyektong gagawin.

kongklusyon naman nilalahad ang mga benepisyong makukuha sa proyekto. Maaari din
na maging bahagi ng kongklusyon ang anumang rekomendasyon na maibibigay para sa
mga susunod pang proyekto.
❑ Matapos isulat ang panukalang proyekto, huwag kalilimutan
na nararapat na maglakip ng liham na humihiling ng
pagsang-ayon. Ito ay sa kadahilanang kinakailangan ng
kasulatan sa pagpapatibay para sa kautusang pagpapatupad
ng proyekto o kontrata.
I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na hardin sa ABC
elementary school.
II. Proponent ng proyekto: Juan Dela Cruz
III. Kategorya:
Ang proyektong pag sasaayos ng hardin ay pangangalap ng pondong galing sa
gagawing fund raising upang makakolekta ng sapat na pera para sa proyektong ito
kasama ang tulong ng mga guro,magulang at punungguro ng ABC elementary
school.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan
at matapos ang pag sasaayos ng hardin at pagdadagdag ng mga tanim para sa
vertical garden na ilalahad sa ibaba.
Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon
Pag aaproba ng punong
Pebrero 25-30, 2020 ABC
guro
Maghahanap ng
Marso 03-24, 2020 donasyon para sa mga ABC
libro
Paghahanap ng murang
Marso 26-April 05, 2020 DEF Plant Supplies
tanim para sa hardin
Inaasahang araw ng
Marso 27-April 10, 2020 pangongolekta ng mga LHS
tanim.
Paglalahad ng tawad
para sa mga materyales
Abril 17- May 30, 2020 na gagamitin sa pag EFG Hardware Company
papagawa ng lagayan ng
mga tanim.
Inaasahang pagsisismula ng
Abril 11-16, 2020 proyekto sa pag sasaayos ng ABC
lagayan mga tanim.

Pagsasaayos ng mga
Mayo 25-31, 2020 ABC
nakolektang tanim.

Enero 02, 2020 Pagtatapos ng proyekto ABC

Pormal na pagbubukas ng
Enero 05, 2020 ABC
hardin
V. Rasyonal:
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa
pagkakaroon ng maayos at organisadong hardin sa ABC Elementary School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto:

Ang proyektong ito ay maaabutan ng mahigit limang buwan upang ang nais
matamong pag papaganda sa hardin ay maitutupad.
VII. Badget:
Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.

Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong


Bilang ng Aytem
Aytem aytem pangkalahatan (php)

Pangangalap ng
0 0
donasyong tanim
Base sa sinumiteng
Pagbili ng mga
presyo ng DEF Plant 500 15,000
dagdag na tanim
Supplies
Pagpapagawa ng
mga bagong lagayan
2,500 15,000
ng mga tanim sa
vertical garden
Kabuuang gastusin Php 30,000
VIII. Pakinabang:

Ang mga mag aaral ng ABC Elementary ang makikinabang sa proyektong ito dahil
matuturuan ang mga bata sa kahalagahan ng patanim at pag-alaga ng mga isang
hardin. Sa paraang ito, matuturuan rin ang mga bata ng “hands-on” na paraan.

You might also like