You are on page 1of 3

CHAPTER 3

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay denesinyo para tukuyin at suriin ang mga karanasan/hamon ng

mga guro sa pagtuturo sa asignaturang filipino, ang kanilang mga pamamaraan at paano nila

nakaya ang DEFFICULTIES sa mga ito. Sa pag-aaral na ito, nakuha ang mga datos gamit ang

pagbibigay ng palatanungan.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang iininagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pagdulog. Para maging

espisipiko, descriptibong research survey ang metodong ginamit upang makalakap at mag-

analisa ng mga varyante sa paksang pag-aaralan. Ibig sabihin, mabibigyan ng kabuluhan ang

pag-aaral na ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga talatanungan. Naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito upang mas magiging madali ang paghahanap ng datos

mula sa mga tagapagtugon. Limitado lamang ang tagasagot ng mga katanungan ngunit ang uri ng

disenyong ito ay hindi lamang nakabatay sa bilang ng mga tagapagtugon. Kung kaya, mas

napapatatag ng mga manaliksik ang resulta ng mga questionnaires sa pamamagitan ng isang

panayam ot obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng impormasyon. Ang

desinyong gamit sa pag-aaral ay phenomological dahil ito ay nakatuon sa mga karanasan at

hamon ng mga guro sa asignaturang filipino. Descriptibo naman ang uri ng pananaliksik dahil ito

ay nakabase sa karanasan ng mga tagatugon.

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik


Ang mananaliksik ay napiling dito magsagawa ng pananaliksik para malaman ang

hinaharap na mga hamon ng mga guro na nagtuturo sa iba’t-ibang paaralan na nasasakop sa

Destrito ng Siquijor.

Ang tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang mga guro na mayroon ng karanasan sa

pagtuturo. Particularly, sa mga guro na natalaga sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa Senior

High. Pinili ng mga tagapananalikisk na ang mga guro lang sa Senior High ang kunan ng mga

datos sapagkat mas nahahamon ang mga guro dahil mas mahirap ang nasasakop na kaalaman na

itinuturo sa mga estudyante. Piniling mga guro lang sa High School para mas mapadali ang

pagkuha ng mag datos.

Instruments

Sa panahon ng pangunguha ng mga datos , pagbibigay ng palatanungan ang gagamitin.

Ang palatanungan ay ginamitan ng structura at binuo ng bukas-isip na mga katanongan. Napili

itong instrumento sapag-aaral na ito upang maging detalyado at maging bukas-isip sa mga

katanungan ang mga tagatugon. Hindi na ginamitan ng interview ang pamamaraan ng pagkuha

ng datos sapagkat ang iba ay walang masyadong oras at para di makaabala.

Pamamaraan

Individual at groupo ang ginamit sa pagbibigay ng mga palatanungan. Napagdesisyonang

30 (tatlumpo) mga guro ang bibigyan ng palatanungan na kung saan sa buong paaralan na

nasasakop sa destrito ng siquijor ang bibigyan ng mga palatanungan. Limitado ang pag-aaral

kaya 30 tatlumpo lang ang napiling tagatugon sa pag-aaaral na ito. Manggagaling ang 30 gurong

ito mula sa iba’t ibang paralaan sa probinsya ng Siquijor. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

orientasyon sa bawat guro bago simulan ang pagsasagot upang maisiguro ang pagkakaunawaan.
Pamamaraan ng Paglikom ng Datos

Ang unang isinagawa ay ang pagsulat ng mga katanungan sa isang midyum. Pagkatapos,

ibinahagi ang mga katanungang ito sa mga guro High School na napili sa pamamagitan ng

random sampling upang magsilbing reliability test sa pagsusuri. Isinulat ang sagot sa isang

sagutang papel na mismong ang mga tagapag-saliksik ang nagbigay. Mula rito ay nilikom ang

mga papel na may sagot at sinubukang analisahin at suriin ang bawat isa nito upang makakuha

ng mahalagang datos na gagamiting pagpapakahulugan ng kasagutan sa mga katanungan.

Matapos ilista ang mga kasagutan, dumaan ang mga datos sa isang estadistikang pag-aanalisa

upang malaman kung alin sa mga kasagutan, opinion ang mas nakakalamang upang otomatikong

maging mainam na kasagutan sa katanungang isinulat. Mas maigi ring malaman ang proporsyon

at porsyento ng bawat datos kaya ginamit ang pormula:

Proporsyon: P=f/n

Porsyento: %=(f/n) X 100

Kung saan:

f= ang dami ng tumugon sa isang opsyon ng isang sagot

n= kabuuang dami ng opsyon

You might also like