You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

KABANATA III

DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga paraan at prosidyur na ginamit upang masagutan

ang inilahad na suliranin sa pag-aaral. Ang mga kinakailangang impormasyon tulad ng ginamit

na disenyo ng paglalahad, populasyon at repondente, instrumentong pananaliksik, prosidyur sa

pngangalap ng datos at istatistikal tritment ng datos na nilalaman nito.

Disenyo ng Paglalahad

Ang pag-aaral ay pinamagatang “Persepsyon ng mga ika- labing isang baitang na

estudyante sa Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate sa

pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo” Sapagkat layunin nitong malaman ang

persepsyon ng mga estudyanteng kabahagi sa usaping ito. Upang makamit ang layuning ito ng

pag-aaral, napagkasunduan ng mga mananliksik na gumamit ng deskriptibong disenyo ng

paglalahad dahil sa ito ang babagay sa uri ng pag-aaral na ito.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Respondante

Ang mga respondante sa pag-aaral ay nagmula sa mga estudyante sa ika- 11 baitang sa

iba’t ibang strand ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehinsibo ng Masbate, Annex

Campus. Ang pag-aaral ay may kabuuang tatlumpong (30) respondante, kung saan ang mga

mananaliksik ay magbibigay ng mga talatanungan.

Ang mga respondante ay nagmula sa ika-11 baitang ng STEM, ABM, at GAS Strand.

Kung saan nangangailangan ng sampung (10) estudyante mula STEM, sampung (10) estudyante

mula sa ABM at sampung (10) estudyante mula sa GAS.

Ang mga mananaliksik at nagtakda lamang ng hindi hihigit sa tatlumpong (30)

respondante sapagkat ito ang napagkasunduan upang mapadali ang pagkalap ng mga datos,

matutukan ng mabuti ang proseso at pagsasakatuparan ng pag-aaral, at higit sa lahat, ay na

masiguro na matatapos ang pag-aaral sa itinakdang petsa ng pagpasa.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o pagsasarbey bilang pangunahing

instumento sa pagkalap ng mga mahahalagang datos sa pamamagitan ng pagsasagot ng sarbey-

kwestyuneyr sa mga mag-aaral sa ika 11 baitang ng Pambansang Mataas na Paaralang

Komprehensibo ng Masbate. Ang kwestyuneyr ay naglalaman ng open ended na uri ng mga

tanong kung saan may kalayang maglahad ang mga respondate ng kanilang mga sariling sagot o

opinyon tungkol sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Mga Kagamitan

Ang mga kagamitan ng mga mananaliksik sa pananaliksik at kaukulang gamit nito ay ang

mga sumusunod na nakatala:

Papel at Panulat- Ito ang kagamitan ng mga mananaliksik upang makakalap ng impormasyon.

Ginagamit ito upang maitala ng mga respondante ang kanilang mga kasagutan sa tanong ng mga

mananaliksik.

Camera- Ginamit ito upang makunan ng litrato ang mga respondante na gagamitin sa

dokumentasyon ng pananaliksik.

Laptop – Dito inilalagay o tinitipa ng mga mananaliksik ang mga nilalaman ng pananaliksik.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Prosidyural sa Pangangalap ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng surbey bilang prosidyur sa pangangalap ng datos

at may nakahandang talatanungan upang maitala ang mga datos mula sa mga sagot ng mga

respondente.

Ginagamit din ang surbey upang makalap ang kabuuan bilang ng populasyon at maging

ang profayl ng mga respondente.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Republika ng Pilipinas
Kagarawan ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Aming Respondente,

Magandang araw!
Kami po ay mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate na
kasalukuyang nasa ikalabin-isang taong mag-aaral ng seksiyon Pythagoras, na nagsasagawa
ng pananaliksik tungkol sa paksang “Persepsiyon ng mga Ikalabin-dalawang Baitang na
Estudyante sa Pambansang Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate sa Pagtanggal
ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo”. Ang pananaliksik na ito ay para asignaturang Pagbasa
at Pagsusuri tungo sa iba’t-ibang teksto tungo sa Pananaliksik.

Kaugnay nito, maaari po ba naming mahiling na kayo ay maglaan ng kaunting oras na


sagutan ang aming inihandang talatanungan upang mabatid naming ang inyong opinyon sa
aming paksang “Persepsiyon ng mga Ikalabing-isang Baitang na Estudyante sa Pambansang
Mataas na Paaralang Komprehensibo ng Masbate sa Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo”. Ang kaunting oras na mailalaan ninyo sa amin ay lubos na makakatulong upang
higit naming malaman ang inyong mga persepsyon tungkol sa pagtanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo. Kalakip po ng liham na ito ang aming mga tanong sa panayam.
Maraming salamat po at nawa’y makamit namin ang positibong tugon ninyo kaugnay ng
kahilingang ito!

Lubos na gumagalang:

Vargas, Chelsea A. Ortinero, Shemeah R. Cantuba, Sheina Mae R.

Inofre, Christine P. Menor, Francis L.

Inaprubahan ni:
Arleza A. Buenviaje
Guro sa Pananaliksik
Republika ng Pilipinas
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

TALATANUNGAN NG INTERBYU
Pangalan (Opsyonal): __________________ Seksyon: ___________________
Petsa: ___________
Direksiyon: Lagyan ng tsek (√) ang iyong napiling sagot.
1. Sang-ayon ka ba sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo?
OO HINDI
2. Magkakaroon ba ng negatibong epekto ang pagtanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo sa mga estudyante?
OO WALA
3. Magkakaroon ba ng mga negatibong epekto ang pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo sa mga gurong ang itinuturo ay
Filipino?
OO WALA
Direksyon: Sagutin at ipaliwanag kung bakit.
4. Sa iyong opinyon, nararapat bang tanggalin ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo? Bakit?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
5. Ano-ano sa tingin mo ang mga magiging epekto ng pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo sa mga estudyante sa tertiary?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
6. Ano-ano sa tingin mo ang mga magiging epekto ng pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo sa mga gurong ang itinuturo ay
Filipino?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG
KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Nalikom ng mga mananaliksik ang mga datos na maayos at malinaw. Ang mga datos na

nakalap ay siyang magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga

datos na ito ay nakalap ng may-akda mula sa mga mag-aaral na tumugon sa talatanungan ay

ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at eksaktong bilang ng mga mag-aaral ukol

sa kanilang persepsyon. Ang mga resulta ay inalisa at ikinumpara ayon sa pagkakaiba ng mga

tumugon. Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap upang makamtan ng

may kaayusan ang tamang resulta at upang makapagbigay ng malinaw at madaling pag-unawa sa

mga nag nanais na makabasang nasabing pag-aaral. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil

mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga ito. Ang pormularyong

ginamit sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento = Bilang ng Tugon/Kabuuang Bilang ng Respondente×100

You might also like