You are on page 1of 32

Bigyang pansin ang mga sumusunod:

- Ang font na gagamitinn ay 12”


- Arial ang uri ng titik.
- Doble ang espasyo – double space’ ng pagsulat
- Sundin ang ‘basic’na panuntunan sa pagsulat ng papel talahanayan,
taltinigan, dahon ng pag – uulat at iba pa.
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Pag-aaral sa

Mga Salik na Nakaaapekto sa Grado sa Asignaturang Ingles

ng mga Kalalakihang Mag-aaral sa Grade 11- GAS-A

ng Mabitac Integrated National High School

Taong Panuruan 2018-2019.

Isang Pagpapahayag ng Saliksik (Action Research)

na Iniharap kay

Bb. Marilyn D. Monfero

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO SA PANANALIKSIK

Ng Mabitac Integrated National High School

Mabitac, Laguna

Nina

(Mga Pangalan ng Mananaliksik)

Baitang 11 - TVL
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO SA PANANALIKSIK,

ang pamanahong papel na ito ay pinamagatang

Mga Salik na Nakaaapekto sa Grado sa Asignaturang Ingles

ng mga Kalalakihang Mag-aaralsa Grade 11- GAS-B

ng Mabitac Integrated National High School

Taong Panuruan 2017-2018.

ay inihanda at iniharap

Nina

(Pangalan ng mga mananaliksik)

mula sa Baitang 11 - TVL

ng Mabitac Integrated National High School

tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino

sa Senior High School General Academic Strand / Tech. Voc. And Livelihood Track

bilang isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO SA PANANALIKSIK

Bb. Marilyn D. Monfero

(Guro sa Filipino)

Taong Panuruan 2018 – 2019


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

PASASALAMAT

Buong puso naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at

tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na

pagbuo ng pamanahong papel na ito.

Sa aming mga magulang na lubos na sumusuporta at gumagabay sa amin.

Kay Bb. Monfero, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat

hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa aming mapaganda at mailatha ang aming

papel.

Sa mga awtor, editor at mananaliksik na aming pinaghanguan ng mahahalagang

impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito.

Sa mga respondente, sa makatotohanang pagsagot at pagpapakita ng kabutihan

na lubos na nakatulong sa amin.

Sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi namin

maliliwanagan at hindi namin magagawa ang tamang mga hakbang upang matapos ang

aming pinaghirapang trabaho.

Muli, maraming – maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga Nanaliksik
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

TALAAN NG MGA NILALAMAN

i. Pamagat na Pahina …………………………………………………………..

ii. Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………….………..

iii. Pasasalamat ………………………………………………………………….

I. KABANATA 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

a. Panimula o Introduksyon …………………………………………………………

b. Layunin ng Pag - aaral ……………………………………………………………

c. Kahalagahan ng Pag - aaral ………………………………………………………

d. Inaasahang Bunga ………………………………………………………………….

e. Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………….

f. Depinisyon ng Terminolohiya ……………………………………………………

II. KABANATA 2: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

a. Lokal na Literatura …………………………………………………………………

b. Dayuhan / banyaga literature ……………………………………………………..

III. KABANATA 3: Metodolohiya/ Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

a. Disenyo ng Pananaliksik …………………………………………………………

b. Respondente ………………………………………………………………………

c. Mga Instrumento sa Pananaliksik ……………………………………………….

d. Tritment ng Datos …………………………………………………………………

IV. KABANATA 4: Presentasyon At Interpretasyon ng mga Datos

V. KABANATA 5: Lagom, kongklusyon at Rekomendasyon

a. Lagom ………………………………………………………………………
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

b. Kongklusyon …………………………………………………………………

c. Rekomendasyon ………………………………………………………….

MGA PANGHULING PAHINA

Mga Listahan ng Sanggunian …………………………………………………………

Apendiks ………………………………………………………………………………..
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

KABANATA I

A. PANIMULA O INTRODUKSYON

Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkatang pagtalakay ng

paksa. ANG PANIMULA O INTRODUKSYON (RASYONAL) Ito ay isang maikling

talataang kinapapalooban ngpangkalahatang pagtalakay ng paksa ng

pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. “Ano ba

ang tungkol sa iyong pinagaaralang paksa at Bakit kailangan pa itong

pagaralan.” Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa

bahaging ito ay sapat na. Ito ang unang bahagi ng papel. Nakatala dito

ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa. Inilalalahad sa unang

bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang ideya. Krusyal ang papel

ngpinakaunang pangungusap na bibitawan sa bahaging ito. Siguruhing

mababanggit ng mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa. Isang

paraan ito upang patunayan na feasible ang proyekto

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL (Paglalahad ng Suliranin)

Inilahahad ang pangkatang layunin o dahilan kung bakit isasagawa ang pag – aaral.

Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin sa anyong patanong. Inilalahad ang

pangkalahatang layunin o dahilankung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din

dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyongpatanong. Sa bahaging ito

nilalahad at inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus.Inilalahad

ditto ang mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa. Ito ay isa


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

sapinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang

mga katanungang inilahad ay nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-

sunod nito.

Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin:

1.ANYONG PATANONG (Question Form) - Ginagamitan ng tanong na "Ano" o

"Paano".

2. ANYONG PAPAKSA (Topical Form) - Ang anyong ito ay mas ginagamit sa mga

pangkalakalang pananaliksik na sa halip natawaging "paglalahad ng suliranin"

pinapalitan ito ng katagang "mga layunin ng pag-aaral". Nilalahad dito ang signifikans

ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad ditokung sino ang

makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan

ngbuong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng

edukasyon at siyensya

C. KAHALAGAHAN SA PAG - AARAL

Inilalahad ang signipikans o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik ng

paksa ng pag – aaral. Tinutukoy rito ang maaring maging kapakinabangan o halaga ng

pag- aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag – aaral.

Tinutukoy rito ang maaring maging kapakipakinabang halaga ng pag – aaral sa iba’t

ibang indibidual, pangkat, tanggapan, instiusyon, propesyon, disiplina o larangan.

HALIMBAWA:

Ang resulta ng pag-aaral ay makatutulong sa mga sumusunod:


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Mag-aaral. Malalaman nila ang kanilang kakayahan sa asignaturang Ingles at ang mga

salik na nakaapekto sa kanilang grado. Matututunan nila ang kanilang kalakasan at

kahinaan habang nagkakaroon ng bagong kaalaman mula sa asignatura at upang

makabuo ng solusyon sa kanilang mga kanihaan.

Mga Guro. Magbibigay ng kaalaman sa kanila tungkol sa perpormans ng kanilang mag-

aaral sa Ingles. Ito ang magsisilbing gabay para magkaroon ng plano kung anong istilo

at estratelihiyang gagamitin nila sa pagtuturo ng lenggwaheng Ingles.

Punungguro. Magkakaroon sila ng batayan kung paano matutulungan ang mga guro sa

pagbuo ng plano at pamumuno sa mga aktibidades sa paaralan na isasagawa upang

maging maayos at mabuti ang performans ng mga mag-aaral sa Ingles.

Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay makatutulong sa kagawaran upang makabuo ng mga

pamumunuang programa at isagawa sa lahat ng paaralan sa Pilipinas para mapataas

ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Ingles.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ang magpapabatid sa kanila kung ano ang kakayahan

ng kanilang anak sa talakayan, pagbabasa, at pagsulat gamit ang lenggwaheng Ingles.

Ito ang magsisilbing pagbabago sa kaugalian ng mga mag-aaral sa pag-aaral particular

na sa kanilang tirahan.

Mananaliksik. Ito ang magsisilbing batayan at maaring mapagkunan ng

impormasyon ng mga kaugnay na pag-aaral.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

D. INAASAHANG BUNGA

Nagpapahayag ng maaring maging resulta ng pag aaral na ito sa bawat

indibiduwal na nakakasama dito.

HALIMBAWA:

Isinagawa ang pamanahunang papel na ito upang mabatid ng mga guro,

magulang at maging ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at kahinaan sa

asignaturang Ingles. Ang pag-aaral na ito ang magiging gabay sa mga mag-aaral upang

mapataas ang antas ng kanilang kaalaman sa Ingles. Malaki ang posibilidad na disiplina

sa sarili ang kahinaan ng mga mag-aaral, mula sa kaugalian hanggang sa asal sa

talakayan.

E. SAKLAW AT LIMITASYON

Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang

parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung ano – ano ang mga salik na

maaring makatugon sa lugar ng pag – aaral. Tinutukoy ang simula at hangganan

ng pananaliksik. Dito itinakda angparameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa

bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pagaaral. Nagtataglay ito ng

dalawang talata. Ang Unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag aaral, habang

angIkalawang talata ay tumutukoy naman sa limutasyon ng

pananaliksik. Tinatalakay ng bahaging ito ngpananaliksik ang maaaring

sasaklawin sa pag aaral. Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak ng sangkopng

ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral

gayundin angkatatagpuan ng mga datos na kakailanganin. Naglalaman ang


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

bahaging ito ng tiyak na bilang ng mgakasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at

ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak napanahong sakop ng

pag-aaral.

F. DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Itinatala sa depinisyon ng terminolohiya ang mga katawagang makailang ginamit sa

pananaliksik at ang bawat isaý binibigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay

maaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na sepinisyon ng mga katawagan) o

operasyunal (kung paano ginamit sa pananaliksik). Inililista rito ang mga salitang

ginagamit sa pagaaral. Tanging mga katawagan, salita, o pariralang may espesyal na

gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaaral ang bibigyan ng depinisyon. Ang

pagbibigay ng kahulugan ay may dalawang paraan.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag – aaral at mga babasahin o

literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik, kailangan ding matukoy ng

mananaliksik kung sinu – sino ang mga may – akda ng naunang pag – aaral o

literature, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resultang ng pag –

aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam dito ng mananaliksik ang

kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

Hanggat maari, ang mga pag – aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin ditto

ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding gumamit ng

mga pag – aaral at literaturang local at dayuhan. Hanggat maari rin, tiyaking ang mga

material na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: obhektibo o

walang kinikilingan; nauugnay o relevant sa pag – aaral; sapat ang dami o hindi

napakakaunti.

A.LOKAL NA LITERATURA

B. DAYUHAN NA LITERATURA
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

KABANATA III

Metodolohiya/ Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Nililinaw nito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag – aaral.

Maaaring gamiting pamaraan sa pagkalap ng mga datos o materyales sa pananaliksik

ang internet interbyu, library at iba pa.

HALIMBAWA

Ang naisasagawang pag-aaral ay gumamit ng diskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng diskriptibong pananaliksik, ngunit napiling gamitin ang

Discriptive Survey Research, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para

makalikom ng mga datos. Maniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito

para sa paksang pinagmulan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula

sa maraming respondente.

Ang naisasagawang pag-aaral ay gumamit ng diskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik upang matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa grado sa asignaturang

Ingles ng mga kalalakihang mag-aaral sa Grade-11 GAS A.

Ang diskriptibong metodolohiya ng pananaliksik ay mainam gamitin sa

paghahanap ng katotohanan ayon kay Calderon at Gonzales (2005) bilang nabanggit ni

Checa (2007). Inilalarawan nito “kung ano” at “ano talaga ang umiiral” tulad ng

kasalukuyang kalagayan at sitwasyon. Ito ay naglalahad ng paghahambing at kaibahan

ng mga sukat, interpretasyon at pagsusuri.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Dagdag dito, sinabi ni Calmorin (1994) bilang nabanggit ni Gordula (2004), na sa

diskriptibong metodolohiya ang pag-aaral ay nakatuon sa kasalukuyang kalagayan. Ang

layunin ay makakita ng panibagong katotohanan na maaaring maging iba’t ibang anyo

tulad ng dagdag na pananaw sa panibagong kaswal na relasyon at pagkakaroon ng

eksaktong pagbabalangkas ng mga problema na bibigyan ng solusyon.

B. MGA RESPONDENTE

Ang sumusunod na seksyon aytumatalakay sa mag baryabol(variable)na

binigyang konsiderasyon kasama naang uri ng lebel ng bawat isa. Ito ay sinusundan ng

target napopulasyon at ang sampling .Ang target na populasyon ay dapatilahad nang

malinaw.

Tinutukoy nito ang mga tao na maaring may katangian batay sa inyong pag – aaral

at maaaring may makakatukoy para masolusyunan ang problema. Sa bahaging ito

tinutukoy ang mga respondent ng sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

HALIMBAWA:

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyanter sa paaralan ng

Mabitac Integrated National High School. Pinili ang mga responsente sapagkat sila ang

isa sa mga pinakaepektibong mapagkukunan ng impormasyon. Ang mga respondente sa

pag-aaral na ito ay ang mga kalalakihang mag-aaral sa Grade 11-GAS A ng Mabitac

Integrated National High School. Ang mga respondente ang pagsasagutin sa mga

talatanungan ng mananaliksik at pagkukunan ng mga datos upang makuha ang

porsiyento sa mga salik na magiging resulta sa isasagawang pananaliksik.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

C.MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos

at impormasyon. Inisa – isa rito ang mga hakbang na kanyang ginagawa at kung maari,

kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging ito, maaring

mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagkoconduct ng sarbey kwestyoneyr sa mga

respondent bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang maari sa deskriptibong

sarbey.

HALIMBAWA:

Ang mananaliksik ay gumamit ng Descriptive Survey Research Design, na

gumamit ng talatanungan(survey questionnaire) para makakuha ng mga datos at

impormasyon na kinakailangan mula sa respondente. Kabilang din sa talatanungan ang

grado ng mga respondenteng mag-aaral sa asignaturang Ingles noong nakaraang taon.

Ang pamanahong papel ay isang panimulang pag-aaral kaya’t wala kaming

ginagawa pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng matataas na kompleks na istatistikal na pamamaraan. Opinyon o

damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa

survey questionnaire.

Ang talatanungan ay binubuo ng tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay personal na

impormasyon tungkol sa edad, kasarian, pinal na grado sa Ingles noong nakaraang taon,

antas ng edukasyon ng mga magulang at buwanang kita ng mga magulang. Ang

ikalawang bahagi ay tumutukoy sa pag-uugali sa asignaturang Ingles (binubuo ng 10

katanungan). Ang ikatlong bahagi ay nakabatay sa gawi sa pag-aaral na binubuo ng (15

katanungan).
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Ang grado na makukuha sa talatanungan ay nakabase sa numerong isasagot ng

mga mag-aaral.

Antas Deskripsiyon

5 - Palagi

4 - Madalas

3 - Minsan

2 - Madalang

1 - Hindi kailanman

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang instrumentong ginamit sa pagkuhang mga datos ay ang sumusunod

nadapat bigyan ng pokus sa presentasyon. Ang mga tiyak na hakbang sa

pagbabalideyt ng instrumento ay dapatna ilahad, ang mga instrumentongnakahanda na

ay dapat talakayin ayonsa mga isinasagawang pagsubok sabaliditi at reliyyabiliti.

Makatutulong din kung isasama ang paraan ng pag-administer ng pagsusulat.

Ang kasunod na inilahad ay ang disenyong istatsitikal at ang pagsusumang ginamit sa


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

mga datos na nakuha. Ang dahilan sa pagpili ng istatistika ay dapat banggitin sa

bahaging ito.

HALIMBAWA:

Ang pamanahong papel ay isang panimulang pag-aaral kaya’t walang ginagawa

pagtatangka ang mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng matataas na kompleks na istatistikal na pamamaraan. Opinyon o

damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey

questionnaire. Ang mga datos ay ilalahad sa pamamagitan ng porsiyento na nakalap sa

antas ng numerong isinagot ng mga respondente. Mula sa datos na nakalap gagawa ng

pagtatala ang mananaliksik at aalamin ang bahagdan sa bawat ng kontribusyon ng bawat

salik na nakaapekto sa grado ng mag-aaral sa Ingles.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

KABANATA IV

Presentasyon At Interpretasyon ng mga Datos

Ang bahagi na dapat ihambing ang nakuhang resulta sa mga resultang nakuha

ng mga naunang pananaliksik. Sa kasong ito, ang mga kasalukuyang resulta ay

maaaring kinumpirma/magpatotoo o tumaliwas sa resulta ng mga naunang pag-aaral,

Ang mga talahanayan, grap at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong sa

kalinawan ng presentasyon.

HALIMBAWA:

Batay sa personal na impormasyon, kapwa 10 porsiyento sa mga respondente

ang may edad na 16,18,19,20 at 60 porsiyento ang may edad na 17. Samantalang, 20

porsiyento naman ang may grado na 80 pababa noong nakaraang taon, 70 porsiyento

sa 80-85 at 10 porsiyento sa 86-90. Ang lahat ng respondente ay kapwa mga lalaki na

mula sa 11 GAS-A.

80%
EDAD
60%

40%

20%

0%
16 17 18 19 20

Pigura 1: Edad
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Pigura 2: Grado sa Ingles noong nakaraang taon

Grado sa Ingles noong


nakaraang taon
100%

50%

0%
79 pababa 80-85 86-90 91-95 95 pataas

Pigura 3: Kasarian ng mga Respondente

Pangkat na Kinabibilangan

120%
100%
80%
60%
40%
20%
0%
11 GAS-A 11 GAS-B 11-TVL

Kasarian ng mga
150%
Respondente
100%

50%

0%
Lalaki Babae

Pigura 4: Pangkat na Kinabibilangan


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Sa ikalawang bahagi ng talatanungan na base sa kaugalian sa Asignaturang

Ingles, 60 porsiyento ang sumagot ng minsan, 30 porsiyento ang sumagot ng madalang

at 10 porsiyento ang sumagot na hindi sila kailanman gumagamit ng lenggwaheng Ingles

sa bahay. Sa ikalawang katanungan, 50 porsiyento ang sumagot ng madalas, 40

porsiyento sa minsan at 10 porsiyento ang sumagot na madalang silang gumamit ng

Ingles sa paaralan. Sa ika-tatlong katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng madalas,

20 porsiyento sa minsan, 50 porsiyento sa madalang at 20 porsiyento ang hindi

kailanman gumagamit ng Ingles sa pagtatanong. Sa ika-apat na katanungan, 10

porsiyento ang sumagot ng madalas , 30 porsiyento sa minsan at 60 porsiyento ang

madalang gumamit ng Ingles sa pagbibigay opinyon at kumento. Sa ika-limang

katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng palagi, 40 porsiyento sa madalas, 40

porsiyento sa minsan at 10 porsiyento ang sumagot na hindi sila kailanman nanonood ng

mga pelikulang Ingles para mapataas ang kanilang kakayahan sa pagsasalita. Sa ika-

anim na katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng madalas, 30 porsiyento sa minsan,

40 porsiyento sa madalang at 20 porsiyento ang sumagot na hindi sila kailanman

nagbabasa ng libro at iba pang babasahin. Sa ika-pitong katanungan, 10 porsiyento ang

sumagot ng minsan, 40 porsiyento sa madalang at 50 porsiyento ang sumagot na hindi

sia kailanman sumasali sa pamunuang Ingles. Sa ika-walong katanungan, 10 porsiyento

ang sumagot ng madalas, 10 porsiyento sa minsan, 50 porsiyento sa madalang at 30

porsiyento ang sumagot na hindi sila kailanman nakikilahok sa mga aktibidades sa Ingles

na may kaugnayan sa pagsasalita ng lenggwaheng Ingles.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Sa ika-tatlong bahagi batay sa kasanayan sa Ingles sa unang katanungan, 70

porsiyento ang sumagot ng madalas, 20 porsiyento sa minsan at 10 porsiyento ang

sumagot sa madalang silang maghanap ng mapagkukunan ng impormasyon sa takdang

aralin. Sa ikalawang katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng madalas, 50 porsiyento

sa minsan, 30 porsiyento sa madalang at 10 porsiyento ang sumagot na hindi nila

kailanman maaral ang tinatalakay sa silid-aralan sa tuwing lumiliban. Sa ika-tatlong

katanungan, 20 porsiyento ang sumagot ng madalas, 20 porsiyento sa minsan, 50

porsiyento sa madalang at 10 porsiyento ang sumagot na hindi sila kailanman nagamit

ng Ingles sa pagtatalumpati. Sa ika-apat na katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng

madalas, 50 porsiyento ang sumagot na hindi sila kailanman nag-aaral at naghahanda

sa kanilang pagsusulit. Sa ika-limang katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng palagi,

10 porsiyento sa madalas, 60 porsiyento sa minsan, at 20 porsiyento ang sumagot ng

madalang sila magtanong sa guro kapag hindi naiintindihan ang leksyon. Sa ika-anim na

katanungan, 10 porsiyento ang sumagot ng palagi 40 porsiyento sa madalas, 30

porsiyento sa minsan, 10 porsiyento sa madalang at 10 porsiyento ang sumagot na hindi

nila kailanman ginagawa ang kanilang takdang aralin bago manood ng telebisyon.

70%

60%

50%
Palagi
40% Madalas
Minsan
30%
Madalang
20%
Hindi Kailanman
10%

0%
T1 T2 T3 T4 T5 T6 T7 T8
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Pigura 5: Kabuuan ng Respondenteng Sumagot ng Palagi, Madalas, Minsan, Madalang

at Hindi Kailanman sa Katanungan II.

80%

70%

60%
Palagi
50%
Madalas
40%
Minsan
30% Madalang
20% Hindi Kailanman

10%

0%
T1 T2 T3 T4 T5 T6

Pigura 6: Kabuuan ng Respondenteng Sumagot ng Palagi, Madalas, Minsan, Madalang

at Hindi Kailanman sa Katanungan III.

Batay sa kasagutang nakalap sa mga respondente lumalabas na kawalan ng

disiplina ng mga mag-aaral ang isa sa pinakamabigat na salik na nakaaapekto sa

kanilang grado sa Ingles. Nakasaad din sa bawat talatanungan na hindi palagiang

gumagamit ng wikang Ingles ang mga respondente at ang ilan ay hindi kailanman

gumagawa ng paraan upang mapaunlad ay mahubog ang kanilang kakayahan sa Ingles.

Mula sa hindi paggamit ng salitang Ingles sa tahanan hanggang sa hindi pagsali sa mga

aktibidades sa Ingles makikitang nasa mag-aaral ang nagiging dahilan ng pagbagsak ng

kanilang grado.
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

KABANATA V

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

A. LAGOM

Ang lagom (buod) ay nagsasama-sama ng mga pangunahin at

mahahalagang natuklasan sa pag-aaral. Dapat na maging maingat sa bahaging

ito. Hindi dapat isama ang kahit ano lamang. Mga payak na pagpapahayag ang

gamitin tungkol sa layunin ng pag-aaral, mga kalahok o respondent, panahon ng

pag-aaral, paraan ng pananaliksik, instrumento at disenyong ginamit.

HALIMBAWA

Ang pag-aaral na ito ay may layuning tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa

grado sa Asignaturang Ingles ng mga lalaking mag-aaral mula sa Grade 11 GAS-A

ng Mabitac Integrated National High School, Taong Panuruan 2017-2018. Nakalahad

sa introduksiyon ang mga depinisyon ng kaalaman at kung paano ito makakamtan.

Ang mga deskripsiyon ng kaalamn at pagkatuto ay mula sa mga personalidad na

nagsagawa ng mga pag-aaral ukol dito.

Batay naman sa mga kaugnay na pag-aaral, nakasaad dito na may mga University

Student Council na napatalsik sa pwesto dahil sa mababang grado kung kaya’t

napako na ang mga mag-aaral sa pagpapataas ng grado sa ibat-ibang asignatura.

Kaugnay nito, ayon naman sa artikulo sa “Ang Blog ni Sarimau” nakalathala na walang

taong bobo tamad meron.

Dagdag dito, batay din sa paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos,

60 porsiyento ng mga respondent ang may edad na 17 samantalang 10 porsiyento


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

dito ay may edad na 16,17,18 at 19 kapwa mga lalaking mula Grade 11 GAS-A at

may mga gradong 75-86. Sa mga talatanungan mas marami ang nagsagot ng minsan,

madalang at hindi kailanman kaysa sa madalas at palagi.

B. KONKLUSYON

Ang kongklusyon ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa mga

tanong na inimbestigahan. Kailangang angkop ang ibibigay na sagot sa mga inilahad na tiyak

na mga tanong. Kailangang makita sa kongklusyon ang mga natutuhang patotoo sa pag-

aaral. Kailangang ilahad ito sa isang maikli ngunit tiyak na paglalahad ng mga kinakailangang

impormasyon. Kailangang ipahayag sa isang daang (100%) ng pagkamakatotohanan at

kawastuhan.

HALIMBAWA

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na mas

mainam kung papauwiin na lamang ang mga mag-aaral sa oras ng tanghalian. Gayundin

naman, habaan ang oras ng "lunch break" ng mga mag-aaral upang magawa nila ang

kanilang mga gawain, iusod na lamang ang oras ng simula ng klase at gayundin ang

uwian.

Mas makabubuti ito upang magawa ang mga mahahalagang gawain sa tanghali,

hindi maaapektuhan ang kalusugan ng mga mag-aaral at para hindi na gumawa ng

anumang bagay ang mga mag-aaral tulad ng pagka-cutting.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

C. REKOMENDASYON

Sa rekomendasyon naman inilalahad ang mga mungkahing maaaring

makatulong sa hinaharap ng mananaliksik upang maging kapaki-pakinabang ang

isinasagawang pag-aaral. Kailangang kaugnay lamang ng tinatalakay sa pagsisiyasat.

Kailangang magkaroon ng modelo paraang praktikal at kapani-paniwala. Kailangang nakatuon

sa tao, may kakayahang maisagawa ang inirekomenda. Dapat na isaalang-alang ang

pagsisiyasat ng rekomendasyon.

HALIMBAWA:

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral malugod at mapagpakumbabang

iminumungkahi ng mananaliksik sa mga personalidad, paaralan, guro at mga institusyon

ang mga sumusunod. Magkaroon ng programa tulad ng “Ingles na libro para sa mga

Pilipino” kung saan mamamahagi ang DepEd ng mga babasahin na naglalaman ng mga

artikulong Ingles at mga katanungan ukol dito. Sa ganitong paraan mapapataas ang

kaalaman, pang-unawa at sukat ng kaisipan ng mga mag-aaral pagdating sa

Asignaturang Ingles. Ito ang magsisilbing learning material ng mga mag-aaral kung kaya’t

ang bakanteng oras sa hapon ay maaaring gamitin upang sila’y maturuan ukol sa

nilalaman ng libro. Sa punungguro, ang punungguro ang isa sa mangunguna sa bawat

paaralan. Maaaring magsagawa ng pagpupulong kasama ang mga guro at mag-aaral

ukol sa pagkakaroon ng Reading Society kung saan may mga mag-aaral na magtuturo

sa kanilang kapwa mag-aaral ng pagbabasa kung nahihirapan sa pagbigkas ng mga

salita. Sa mga guro, sila ang gagabay sa mga mag-aaral. Sila ang maaaring magsagawa
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

ng reading test upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral at para magabayan

ang mga magiging frustration sa resulta ng nabanggit na test. Sa mga magulang,

Gabayan sa bahay ang mga anak at himukin silang gumawa ng mga proyekto at takdang

aralin. Bigyan ng oras ang mga anak para gumala at maglaro ngunit maglaan ng mas

maraming oras para sa kanilang pagbabasa ng mga tinalakay sa paaralan.

TALAAN NG SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

B. Mga Magasin
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

C.Mga Di-nalathalang Babasahin/Tesis at/o Disertasyon

D.Internet

HALIMBAWA

A. MGA AKLAT

Aquino, Gaudencio V. “Effective Teaching,” National Bookstore, Philippines, 2003

Calderon, Jose F. “Foundation of Education,” Rex Bookstore, Inc.,Philippines,

2003

Murcia, Marrianne C. “Teaching English as a Second Foreign Laguage,”

Thompson Learning Asia, 2006

B. Mga Babasahin at pag-aaral

Checa, Mary Rose Ann A. (2007), Determinants of Academic Performance of

Students in English, Mathematics and Science in Selected Public Elementary Schools in

the District of Lumban,” Laguna State Polytechnic College, Siniloan, Laguna

Gordula,Elaine Rose V. (2004), “The Teaching of English and the Students’

Performance Input to Faculty and Student Development,” Laguna State Polytechnic

University, Siniloan, Laguna

C. Internet

Mula sa http://www.everydaysociologyblog.com/2012/05/the-failure-of-grades.html
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Mula sa http://pinoyweekly.org/new/2010/12/grado-bilang-sukatan-ng-karangalan-at-

kahusayan/

Mula sa https://www.scribd.com/doc/45995136/Bakit-Karamihan-sa-mga-Estudyante-

ay-Mayroong-Mababa-at-Bagsak-na-Marka-sa-Eskwelahan-Pananaliksik

MGA DAHONG DAGDAG O APENDIKS

A. Liham na Humihingi ng Pahintulot sa Pagsasagawa ng Pag-aaralb.


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

B. Talatanungan

C. Talaan ng mga Katanungan sa Pakikipanayam

D. MGA IMPORMASYON NG MANANALIKSIK (RESUME)

HALIMBAWA

A. TALATANUNGAN SA SARBEY

HALIMBAWA:

Mga Salik na Nakaaapekto sa Grado sa Asignaturang Ingles ng mga Kalalakihang

Mag-aaral sa Grade 11- GAS-A ng

Mabitac Integrated National High School

Taong Panuruan 2017-2018.

I. PANGUNAHING IMPORMASYON

Pangalan:

Grado sa Ingles noong nakaraang taon:

Edad:

Paaralan:

II. Kaugalian sa Asignaturang Ingles


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

Panuto: Ang pahayag sa Ibaba ay nagpapakita ng iyong kaugalian sa Ingles. Gamitin

ang antas batay sa numero.

5 - Palagi

4 - Madalas

3 - Minsan

2 - Madalang

1 - Hindi Kailanman

KATANUNGAN 5 4 3 2 1

1. Gumagamit ako ng lenggwaheng Ingles

sa bahay.

2. Gumagamit ako ng lenggwaheng Ingles

sa paaralan.

3. Gumagamit ako ng Ingles sa

pagtatanong.

4. Gumagamit ako ng Ingles sa

pagbibigay opinion at komento


Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

5. Nanonood ako ng mga pelikulang

Ingles para mapataas ang kakayahan

sa pagsasalita.

6. Nagbabasa ako ng Ingles na libro at iba

pang babasahin

7. Sumasali ako sa pamunuang Ingles

8. Lumalahok ako sa mga aktibidades sa

Ingles na may kaugnayan sa

pagsasalita ng lenggwaheng Ingles.

III. Kasanayan sa Pag-aaral

KATANUNGAN 5 4 3 2 1

1. Naghahanap ako ng mapagkukunan

ng impormasyon sa aking takdang

aralin.

2. Inaaral ko ang tinalakay sa aming silid-

aralan sa tuwing ako’y lumiliban.

3. Nagtutungo ako sa silid aklatan araw-

araw.
Mabitac Integrated National High School
2018 - 2019

4. Nag-aaral ako at naghahanda sa

aming pagsusulit.

5. Nagtatanong ako sa aking guro kung

hindi ko naintindihan ang kaniyang

tinalakay

6. Ginagawa ko muna ang aking takdang

aralin bago manood ng telebisyon o

maglaro.

You might also like