You are on page 1of 10

Yunit 4

Pasalita at Pasulat na Diskurso


Ang salitang diskurso ay mula sa salitang latin na discursus na nangangahulugang “running to and
from” na maiuugnay sa pagsalita at pagsulat na kumunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang
paglalahad ng mga impormasyon.
Ayon kay Webster (1974), ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumberasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistemang eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o
pasulat. Samakatuwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang
paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO


Ang pagsasalita ay ang kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas. Ito
ay karaniwang nangangahulugang pag-uusap ng hindi kukulangin sa dalawang tao (Espina at Borja, 2013). Ayon
naman kay Bernales (2001), ang pagsusulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
PASALITA PASULAT
SIKOLOHIKAL  gawaing sosyal  gawaing mag-isa
 may madla at may  isang anyo ng
interaksyong pakikipagtalastasan na
nagaganap; ginagawa nang nag-iisa
 may kagyat na pidbak  walang kagyat na
sa anyong berbal at di- pidbak kaya’t hindi agad
berbal; at mababago kung ano
 gumagamit ng mga ang naisulat
hudyat  maraming ginagawang
o paralinguistic pag-aakma ang
manunulat upang
maisaalang-alang
ang di-nakikitang
awdyens, o mambabasa

LINGGWISTIKA  maaring gumamit ng  kailangang mahusay


mga impormal at mga ang paglalahad ng
pinaikling konstruksyon kaisipan upang
ng mga salita makatiyak na malinaw
 maaring ulitin, baguhin ang dating sa
at linawin ang mambabasa
nabitiwang salita  mas mahaba ang
 napagbibigyan ang mga konstruksyon ng mga
pag-uulit ng mga pangungusap at may
pahayag tiyak na estrukturang
 nauulit ang anumang dapat na sundin
sinabi
KOGNITIBO  ang pagsasalita ay  natutuhan sa paaralan
madaling natatamo at kailangan ang pormal
 natutuhan sa isang na pagtuturo at
prosesong natural na pagkatuto
tila walang hirap  mahirap ang pagbubuo
 ang pagsasalin ng ng isusulat na mga
“innerspeech' (kaisipang ideya kaysa pagsasabi
binubuo bago ipahayag nito
sa anyong pasalita) ay  karamihan sa karanasan
isang madaling proseso ng mga bata sa
pagsulat ay hindi
maganda kaya ang
gawaing ito’y ego-
destructive lalo na
kung ang sulatin ay sa
W2 (pangalawang wika)

Magkakaiba ang estilo ng pagpapahayag ng kaisipan ayon sa layunin ng nagsasalita. Ito ay maaaring
ekspositori, deskriptibo, naratibo, argumentatibo
MGA URI NG PAGPAPAHAYAG

I. PAGLALARAWAN
 Nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay.
 Gumamit ng mga salitang naglalarawan, abstrak man ito o kongreto sa maisitilong pamamaraan.
 Katulong sa paglalarawan ang bahagi ng pananalitang pang – uri, pang – abay at pandiwa gayundin
ang iba’t ibang pandama ng mga manunulat upang malinaw na mailarawan ang teksto.
 Ang layunin nito ay bumubuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga bumabasa at mga nakikinig.
 Naaninag nang malinaw ang kaayusan at kaanyuan ng inilalarawan. Sa tulong ng mga manunulat,
nagagawa niyang maipakita ang tunay na larawan ng mga bagay – bagay sa paligid.
 Natutukoy ng madalian ang larawang inihahayag. Ang malinaw na pagalarawan ay daan tungo sa
mabilisang pagtukoy ng bagay na isinasaad.
 Natututong gamitin ang pang – uri sa tamang sitwasyon. Sa palagiang pagsusulat ng anyong
paglalarawan nalilinang dito ang kabatiran sa gawaing pagsusulat na gamit ang bahagi ng pananalitang
pang – uri, pang – abay at pandiwa.
 Nalilinang ang kabatirang pansarili sa gawaing paglalarawan.

PROSESO NG PAGLALARAWAN
1. Pagtingin sa ilalarawan
- suriin at tingnang mabuti ang bawat anggulo ng bagay o pangyayaring isusulat o di kaya’y ang ilalarawan.
2. Pagpili ng mga salitang gagamitin
- bago simulan ang pagsusulat, siguraduhin ang pamimili ng pananalitang gagamitin na maglalarawan ng
bagay – bagay o pangyayari.
3. Pagsulat o Paglalarawan ng bagay o lugar o pangyayari
- ang maayos na pagkakasulat o pagkalahad ng bagay na inilalarawan ay instrumento upang maikintal sa
imahinasyon ng mambabasa o nakikinig ang diwang nais ipaabot. Dito lalapatan ng tmang gramatika ang
paglalarawan.
URI NG PAGLALARAWAN
1. Karaniwang Paglalarawan
- ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama, naririnig o di kaya’y nalalasahan, iyon ang
ilalaman sa ginagawang paglalarawan
- mailalarawan sa balintataw ng nakikinig o nagbabasa ang sinasabi ng manunulat dahil ito ang uri ng pahayag
na napakamakatotohanan.
Halimbawa:
Nakita ko kahapon sa palengke ang naging kaklase ko noong ako’y nasa hayskul. Higit siyang maputi
kaysa noon at sa tingin ko lalo pang gumanda. Tumangkad siya sa pakiwari ko kayat bagay na bagay ang suot
niyang mini skirt dahil lumitaw ang mahahaba’t mapuputi niyang mga binti. Mistulang Birhen, mapungay ang
kanyang mga mata na napapalibutan ng malalantik nitong pilikmata. Tamang – tama ang tangos at hugis ng
ilong, hindi parang sa ibong loro.

2. Masining na Paglalarawan
- Ito ay ang paglalarawang abstrak na di ,p nakikita nang kongrekto ang larawan o imahing isinasaaad ng
manunulat
- Kadalasay gumagamit din ito ng matalinghagang salita.
Halimbawa:
Makulay ang nagisnang buhay ni Desiree sa kamay ng kanyang kinagisnang mga magulang. Taos – puso
silang magmahal at laging bukas palad sa sinumang nangangailangan. Katunayan di tanging nag – iisang
inampon si Desiree ng mag – asawa. Nagkakailan din sila na pawang naghahangad ng kalinga ng
mapagpalang kamay sa mga nilalang. Lubhang mapalad si Desiree dahil ang mala – anghel na pagmumukha
niyay sapat upang makapagdulot ng kaligahayan sa mmga kilalang tagapagkupkop niya.

Mga Dapat Isaisip sa Pagsulat ng Talatang Naglalarawan


1. Ang Layon – kailangan ang malinaw na paglalarawan kung nais ipakita ay ang kaibahan ng isang bagay
sa kauri nito.
2. Ang Abot ng Tanaw – Makatutulong sa ikalilinaw ng paglalarawan kung ilalarawan lamang ang abot ng
tanaw mula sa kinaroroonan ng naglalarawan.
3. Mga katangiang namumukod – Humanap ng mga katangian na siyang magpapabukod sa mga kauri nito.
4. Ang anyo ng bagay sa kabuuan – ginagamitan ito ng mmga pangungusap nagpapakilala ng laki, hugis
at kulay ng ano mang bagay na inilalarawan
HALIMBAWA:
Si Juan
Magandang lalaki si Juan. Kitang – kita’t ito nang siya’y nagbibinata. Sa pangangatawan ni Juan,
masasalaming di siya gaanong nakapagbabanat ng katawan. Ang mga bisig niya’y di kakikitaan ng mga masel
kapag ikinilo hangang siko. Katunayan, kung siya ay madadamitan at itatalikod hitsura ng isang dalagang di
gaanong nag – ayos.
Nagkaganyan si Juan, patpatin, malambot, walang masel dahil noong kabataang gulang, madalas ang
kanyang pagkakasakit. Madalas na siya’y nasa pagamutan dahil sa sakit niyang hika o asthma sa panahong ito
ng modernisasyon. Hinahabol ang hininga tuwing napapagod. Katunayan sa kamusmusan niya di siya gaanong
nakapaglaro dahil na nga sa taglay na karamdaman.
Sa kabila ng lahat ng mga ito, larawan s uan ng kabaitan at kasipagan. Sa umaga, pagkagising matapos
mailigpit ang hinigan, pagdarasal ang inuuna bago lumabas sa sild – tulugan. Di niya nakakaligtaan ang
pasasalamat sa Poong Maykapal na siya’s binigyan pa ng buhay, kinaumagahan. Ugali niya ring uma – umaga’y
ialay sa Maykapal ang mga gawain sa buong maghapon, malaki man o maliit na gawain.
Kinagigiliwan ng lahat si Juan dahil nga sa kanyang kabaitan, pagkamagalang sa matatanda,
pagkapalakaibigan at pagkamatulungin kahit na siya ay sakitin. Si Juan, kung patuloy na iiral ang kagandahang
– asal hindi lalayo sa kanya ang magandang kapalaran. Sa kabataan, sa kanilang baryo, naiiba siya dahil may
angkin siyang karesma mula sa mga bata hanggang sa matatanda. Katunayan walang di nakakikilala kay Juan.
Mula sa pagpasok sa kanilang baryo hanggang sa dulong papalabas ng baryo, kilala si Juan.
Bakit ka nyo? Dahil nga sa Juan ay mabait, matulungin, mapagkatiwalaan at higit sa lahat marunong
makisama at makabigay. Si Juan ay huwaran sa kanyang mga kababaryo.

II. PAGLALAHAD
 Isang anyo ng diskors na may layuning magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magturo, at
magbigay – aliw.
 Layunin ng paglalahad ang makapagpaliwanag nang walang kinikilingan.
 Ang paglilinaw ng mga isyung may kalabisan at kasalimuotan ay lubhang kailangan kung hangad natin
ay kapayapaan at kaayusan.
 Ang paglalahad ay maaring masangkapan din ng pagsasalaysay, lalo na kung bumabanggit ng mga
halimbawang pangyayaring mahalaga sa ginagawang paglalahad.
 Maisasangkap mo rin sa paglalahad ang paglalarawan.
 Maisasangkap mo rin ang pagmamatuwid o pakikipagtalo sa iyong gagawing paglalahad o
pagpapaliwanag.

Katangian ng Paglalahad
1. Puno ng kaisipan na naglilinaw ng mga bagay – bagay o pangyayari.
2. Sa pagpapaliwanag, kailangang di maligoy.
3. Kailangan sa paglalahad ang gamit ng simpleng pananalita sa natural na pamamaraan.
4. Isa- isang ipaliwanag ang mga detalye kung kinakailangan upang maiwasan ang kaguluhan.
5. Kung pasalita ang pagpapaliwanga, sikaping maging malinaw ang papanalita at iwasan ang maraming
galaw ng katawan o kumpas ng kamay habang nagpapaliwanag.
6. Maaring gumamit ng iba pang alternatibong pananalita na di nalalayo ang kahulugan sa tunay na
kapaliwanagan.

Panahon ng Paglalahad
1. Kung hinihingan ka ng opinyon.
2. Kung kailangang ilahad ang sanhi at bunga.
3. Kung nais mong ipahayag ang pasalungat o di kaya’y pangsang – ayon.
4. Kung nais mong ibuod ang mga pangyayari o sitwasyon.

Paraan ng Paglalahad
1. Maaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan
- dito’y binibigyang paliwanag ang kahulugan ng mga pangyayari o isyung umiiral
2. Maaring sa pamamagitan ng pagbanggit ng pagkapareho.
- nililinaw dito’t ipinapaliwanag ang pagkapareho’t pagkakatulad ng mga bagay – bagay o ng mga
pangyayari
3. Maaring sa pamamagitan ng paghahambing
- ang paghahambing ng mga bagay – bagay o pangyayari sa paligid ay lubhang nangangailangan ng
ibayong paliwanag sa ikalilinaw ng isyu.
4. Maaring sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsang – ayon at di pagsang – ayon
- ang kapaliwanagan sa pagsang – ayon o di pagsang – ayon sa isang kaisipan o isyu ay lubhang nararapat
upang siya ay paniwalaan o di paniwalaan
5. Maaring sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at bunga
- ipinapaliwanag ng manunulat nang buong linaw ang naging sanhi ng mga pangyayari o kayay ang
kinahinatnang bunga ng mga nangyari.
6. Maaring sa pagbibigay kuro – kuro o opinyon
- Ang ibayong paliwanag ay kailangan sa pagbibigay ng niloloob sa bagay - bagay

Bahagi ng Paglalahad
A. SIMULA
Paraan ng paglalahad sa simula
1. Tanong
Halimbawa: May mapupuntahan ba ang tao sa mundo na hindi siya manganganib?
2. Makatawag – pansing pangungusap, parirala o salita
Halimbawa: Ako ang pintuan, ang sinumang taong pumasok sa akin ay maliligtas.
3. Pagsalaysay ng anekdota
Halimbawa: Nakilala niya ang tunay na kaibigan nang dumaating sa buhay niya ang isang
matinding pagsubok
4. Siniping pahayag
Halimbawa: Kung isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha at may pakitang giliw,
lalong ingatan at kaaway ang lihim
5. Saligang Kasaysayan
Halimbawa: Muling ibalik ang parusang kamatayan sa panahon ni dating pangulong Ramos noong
1991
B. KATAWAN
- lahat ng mga detalye sa paksang nililinang at mga dapat talakayin ay napapaloob sa bahaging ito.
C. WAKAS
Ang wakas ay maaring:
 Isang buod ng naging paksa
 Isang katanungan
 Pagbibigay opinyon sa maaring mangyari
 Pag – ulit ng binanggit sa simula
 Pagsipi ng isang taludtod ng tula o siniping pahayag

Mga Uri ng Paglalahad


1. Balita
o ito ay isang uri ng pahayag ng mga pangyayaring naganap na o nagaganap pa sa pali – palibot.
o itoy mga naganap na sangkot ang tao o ang mga tao, ang pinangyarihan, kailan nangyari, paano
at bakit nagyari.
o kabilang sa mainam na pagbabalita ang di pagsangkot ng sariling opinyon o kuro – kuro ng isang
manunulat.
o layunin ng pagbabalita ang makapaglahad ng buong katotohanan o makapagpasiwalat ng
impormasyon sa karamihan.
2. Editoryal
o ang bahaging ito ay tungkuling isulat ng editor – in chief. Kapag nasa pahayagan na, palagiang
lugar nito ang kaliwang bahagi ng pahayagan, sa alinmang pahina ito nais isulat.
Uri ng editoryal:
a. Nagpapabatid f. Nanlilibang
b. Nagpapakahulugan g. Sumasalungat
c. Nangangatwiran h. Nagtatanggol
d. Nanghihikayat i. Nang - uuyam
e. Nagpapahalaga
3. Suring – basa
o sa paglalahad na ito, ipinakikita ng manunuri ang kagandahan, kahalagahan, maging kapintasan
ng akdang binasa.
o pinagtuunang pansin ang kaisipan/diwang nilalaman ng akda, ang pananalitang ginamit maging
ang istilo ng awtor.
o sa hulihan ng pagsusuri, nagbibigay ng mungkahi ang manunulat ng mga bagay sa lalong
ikagaganda ng akda.
4. Rebyu
o naiiba ang rebyu sa pagusussri sa bahaging ito sa suring – basa dahil nakatuon ito sa pelikulang
pinanood.
o sinusuri dito ang kagandahan, kaangkupan ng paksa sa mga manonood gayundin ang kapintasan
ng pelikula kung mayroon man.
o bahagi ng sinusuri sa rebyu ang mga tauhang nagsiganap, ang tagpuan ng pelikula, ang
sinematograpiya na kinabibilnangan ng props, ilaw, musika at iba pa.
o sinusuri rin sa rebyu ang pagpapahalaga na rito’y mapupulot ng madlang manonood.
5. Sanaysay
o isa itong uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari upang maibigay o mailahad ang
kaukulang paliwanag sa ikalilinaw ng paksang pinag – usapan
o ang kadang ito ay maaring maikli o mahaba.
o iniayos na lamang sa inihayag na kuru – kuro, damdamin, pag – unawa at sa pananaw ng
manunulat.
Uri ng sanaysay:
a. Pormal
b. Di – pormal
6. Panuto
o sa pagbibigay ng panuto, pagsubok man ito sa loob ng klasrum o sa pansariling ipapagawa,
lubhang kailangan ang malinaw na pagpapaliwanag.
o ang simpleng pananalita at pagbibigay ng direskyon at nararapat kung ang hangarin ay
pagkakaunawaan at tamang kilos at gawa sa nais maganap.
7. Talumpati
o ito’y paglalahad na nagbibigay paliwanag upang siya’y paniniwalaan ng isa o maraming
tagapakinig.
o maaring ganapin sa isang maliit na umpukan o sa maraming manonood
Uri ng talumpati:
a. Walang paghahandang talumpati (extemporaneous) – ito ang talumpating di binigyan ng mahabang oras
na paghahanda sa sasabihin ng mananalumpati. Kadalasan sa loob lamang ng 3 minutong pag – iisip ng
sasabihin ang ibibigay.
b. Kagyat na pagtatalumpati (impromptu) - ito ang agarang pagsagot sa itinatanong ng sinuman. Maaring
tulad ng pagtatanong ng guro sa loob ng klasrum sa oras ng reseteysyon. Maari rinyaong biglaang
pagtawag sa iyo upang magasalita.
c. Talumpating pangkabatiran - ito ang talumpating pang –entablado o kaya’y pangkontest.
Lubhang/puspusan itong pinaghandaan, sinasualo dahil may takdang araw at oras sa pagbigkas nito. Ito
ay maibibilang na pormal na pagsasalita

III. PAGSASALAYSAY
o Ang layunin ng pagsasalaysay ay magkuwento ng mga magkakaugnay na mga pangyayari langksap ang
mga kalagayan ng tauhan at tagpuan
o Laging kakakailanganin ang mga taunhang gumaganap, ang mga sitwasyong kinasasakungtan ng mga
tauhan, ang pook na pinangyarihan at ang panahon ng pagkaganap ng mga pangyayaring ikinukwento.

Hanguan ng Isasalasay
1. Sariling karanasan – sa baguhang mananalaysay na medyo di pa gaanong sanay ang utak sa
pagsasalaysay, ang pag – alala sa mga naging karanasan ay isang mainam na paksa
2. Sa narinig o sa napakinggan sa iba – hindi masamang maisulat mo ang buhay ng iba kung ang layunin
mo ay maganda. Bilang manunulat, nasa sa iyong kaparaanan sa larangan ng pagsasalaysay ang
maisitilong pamamaraan sa pagtalakay ng mga pangyayari sa buhay ng iba.
3. Napanood sa telebisyon o sa pelikula - sa panonood ng pelikula o ng telebisyon maging mapanuri tayo
upnag mula rito’y makabo ng panibagong isasalaysay.
4. Bungang – isip – sa galaw ng isip o imahinasyon ng manunulat nakakalikha ito ng isang di karaniwang
salaysay.
5. Panaginip/bungang – tulog – sa mga taong may malikot na imahinasyon ang bungang – tulog ay
mapanghawakan para sa isang magandang salaysay.

Katangian ng Mahusay na Salaysay


1. May maikli ngunit orihinal na salaysay
2. Nakikita ang kahalagahan ng paksa o ng pangunahing diwa
3. Maayos at direstsong naipapakita ang mga pangyayari ayon sa pagkasunod – sunod nito
4. Hindi nakakabagot ang simula at wakas ng salaysay.

Mga Elementong Nakapagpaganda sa Diwa ng Salaysay


a. Tauhan – Sila ang mga taong bumubuo ng maikling kuwento. Ang kilos ng bawat isa’y mahalaga sa
kabuuan ng maikling kuwento.
b. Tagpuan – ang luagr na pinangyarihan ng mga detalye sa akda ay may malaking bahagi sa salaysay ng
akda.
c. Banghay – ang bahaging ito ang nagsasalaysay sa mambabasa ng kabuuan ng mga pangyayari sa
kuwento.
d. Tunggalian – dito makikita ang suliranin o sigalot sa loob ng maikling kuwento.
Uri ng tunggalian:
 Tunggalian laban sa sarili – sa sitwasyong ito, ang tauhan mismo ay halos nalilito kung gagawin
niya angbagay o hindi
 Tunggalian sa iba pang tauhan – dito’y naglalaban ang hangarin ng dalawang tauhan. Ang sa
bida at sa kontrabida ng kuwento
 Tunggilian laban sa kapaligiran o kalikasan – dito ang pangunahing tauhan at ang mga tao sa
paligid niya ay may suliranin.
e. Kasukdulan – ito ang bahaging ika na kahindik – hindik. Narito ang pinakamataas na damdamin na
mararanasan ng mambabasa sa pagbabasa niya.
f. Paksa/Tema – ito ang mahalagang pinag – uusapan o tinatalakay sa kuwento. Nakasentro sa paksa ang
daloy ng mga pangyayari.
g. Wakas – ang huling bahagi na nagsasabi ng kapalaran ng mga tauhan. Matutunghayan din dito ang
iiwang mensahe/kaisipan ng awtor sa mga mambabasa.
Mga Uri ng Salaysay:
1. Maikling Kwento – ito ay uri ng panitikan na sa isang upuan maaring matapos kaagad ang binabasa.
Kakaunti ang mga tauhan at iisa ang tagpuan at may iisang paksang pinag – uusapan.
Mga uri ng maikling kuwento:
a. Kwento ng tagpuan
b. Kwento ng tauhan
c. Kwento ng banghay
2. Alamat – uri ng panitikan na isinasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay – bagay
3. Anekdota – ito’y salaysay na ibinatay sa tunay na naganap sa buhay ng isang ao. Maaring nakatutuwa o
nakalulungkot.
4. Talambuhay – ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaring siya mismo ang sumulat o
ito ay sinulat ng iba para sa kanya.
5. Nobela – binubuo ito ng maraming tauhan at tagpuan at may kasalimuotan ang daloy ng mga pangyayari
sa akda.
6. Jornal – salaysay ng karaniwang nagaganap sa buhay, mga naobserbahan sa pali - paligid,
naobserbahan sa kapwa at sa iba pa.

IV.PANGANGATUWIRAN
Katuturan ng Pangangatwiran
o Isang bagay na hindi natin matatakasan sa pamumuhay at sa ating propesyo kaya dapat nating pag –
aralan ang isang mabisang paraan upang makapanghikayat (Belvez, et.al. 1994)
o Isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay
maging katanggap – tanggap o kapani – paniwala. (Badayos 2001)
o Uri ng pahayag na kailangang isangkot ang paglalarawan, paglalahad at pagsasalaysay kung nais nating
tayoy paniwalaan at lubusang maging mabigat ang ating paninindigan.
Mga Sangkap sa Mabisang Pangangatwiran
1. Paksa - tumutukoy ito sa pinag – usapan na dapat bigyang katwiran.
2. Pangyayari – tumutukoy sa panindigan sa mga bagay o isyu na lubhang makatotohanan.
3. Proposisyon – ito ay pahayag na dapat pagtalunan kayat maaring makaakit ng mga tagapakinig o
tagapagsalita.
4. Personalidad – sa pangangatwiran, elemento rin ang personalidad dahil may mga pagkakataon na ang
personalidad ay sapat sa katotohanan o kabalintunan nito.

Kahalagahan ng Pangangatwiran
1. Para maipananggol ang sarili
2. Paglilinaw ng mga magulong isyu
3. Maibahagi sa iba ang katotohanan o alam.
4. Makahikayat na siyay paniwalaan.

Mga Uri ng Pangangatwiran


1. Pangangatwirang Induktibo/Pabuod
o ang pangangatwiran ay nagsisimula sa malikot na detalye ng katwiran tungo sa pangkalahatang
katwiran.
2. Pangangtwirang Deduktibo o Pasaklaw
o ang pangangatwiran ay nagmumula sa pangkalahatan tungo sa mga detalye o maliliit na
katwiran.
Ang silohismo ay binubuo ng 3 magkakagunay na pahayag
 Pangunahing batayan – pang – unang pangkaisipan
 Ang pangalawang batayan – kaisipang nabuo na ibinatay sa unang kaisipan
 Kongklusyon – nabuo batay sa unang dalawang kaisipan na ginagamitan ng katagang
kung
Halimbawa:
Unang kaisipan – ang mga guro ay matitiyaga at masisipag
Pangalawang kaisipan – Si Raquel ay guro
Pangatlong kaisipan – Kung gayon si Raquel ay matiyaga at masipag.

Proposisyon
o Ito ang tinutukoy na paksa ng pagtatalo na maaring magpahayag ng anyong pagsalungat o kayay
pagsang – ayon.
Ang mga Aspekto sa pagbuo ng proposisyon
1. Pangyayari – tumutukoy o ibinabatay ang proposisyon sa mga kaganapan sa kapaligiran.
Halimbawa: Nagkaroon ng malawakang rally sa mga daanangn matao noong isang araw.
2. Patakaran – ang uri ng proposisyong ito ay gamit sa pagpapahayag ng pagtatalong pampubliko. Ang
pagtatalo ng daawang koponan ay upang mabatid ang kawastuhan o kamalian ng binabalak niya.

Pagtatalo o Argumentasyon
o ay gawain ng dalawang koponan na pinipili upang mangatwiran sa isang makabuluhang isyu
Upang mapagtagumpayan ang pagtatalo, kailangang:
 Dapat nakapangalap ng marami o sapat na datos na magagamit na katibayan ng ipinananggol na panig
.
 Ang ibayong pagsasanay ay nararapat din upang wlang anumang suliraning ditoy lumabas.

Uri ng Pagtatalo
1. Pormal – sa pagtatalong ito, lubusang pinaghandaan ang gagawing panggangatwiran lalo na kung
pakikitunggali na ihaharap sa madla o pangkontest, ang gagawin.
Halimbawa ng Paksa:
- Dapat ba o di dapat paniniwalaan na siSec. Jessie Robredo ay huwaran?
- Ang pangulong Marcos noong panahon niya ay tunay na diktador?
2. Di – Pormal - Itoy pagtatalong di na puspusan ang pangangalap ng datos upang makapanindig o
makapangatwiran.
Maaring mag – interbyu o magtanong – tanong sa mga marunong upang mangalap ng kaisipan.
Halimbawa:
- Dapat o di dapat ipagbawal ang aborsyon?
- Dapat o di dapat alisin ang VAT sa gasolina sa Pilipinas?

Ang Debateng Oxford - Oregon


o Ito ang pangkaraniwang uri ng debate.
o Bago simulan ang pagtatalo, pinabubunot ang dalawang koponan para sa panig na kanilang
ipagtatanggol.
o Karaniwan ng bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong miyembro.
Paano ginawa?
 May tatlong elemento ang oxford – oregon:
 Ang nagtatanggol sa panig
 Ang interpeleysyon o pagtatanungan
 Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech

Mga tuntunin sa pagsasalia ng mga magsisipagdebate:


1. Unang tagapagsalita (sang – ayon) – pagpapaalam sa katunggali ng panig nilang sang – ayon sa
proposisyong inihain.
2. Unang tagapagsalita (di – sang – ayon) – pagtatanong ukol sa unang talumpati at tulad ng unang
tagapagsalita, ilalahad niya ang panig na di sang – ayon sa proposisyon.
3. Ikalawang tagapagsalita (S) – ang sang – ayong panig ay magtatanong sa unang nagsalitang di sang –
ayon (DS) sa proposisyon/
3. Ikalawang tagapagsalita (DS) – tatanungin ng ikalawang tagapagsalita ang unang nagsalitang sang –
ayon ang panig.
4. ilahad na rin ang argumentong di sang – ayon sa proposisyon
4. Ikatlong tagapagsalita (S) – siya’y panig sang – ayon na magtatanong sa ikalawang tagapagsalita (Ds)
5. ilalahad rin ang sariling argumentong sang – ayon (S) sa proposisyon.
5. Ikatlong Tagapagsalita (DS) siya’y panig ng di sang – ayon na magtatanong ukol sa ikalawang
tagapagsalita sang – ayon (S)
6. maglalahad na rin siya ng argumentong di sang – ayon sa proposisyon
6. Ikatlong tagapagsalita (S) panig ng sang – ayon ay bibigkas ng kanyang talumpating nagtutuligsa o
nagpapabulaan sa sinabi ng kabilang panig.
7. Unang tagapagsalita (S) – angpanig ng sang – ayon (s) ay bibigkas ng kanyang talumpating nanunuligsa
o nagpapabulaan sa sinabi ng kabilang panig
8. Unang tagapagsalita (DS) – ang panig ng di sang – ayon ay bibigkas ng kanyang talumpating nanunuligsa
sa sinabi ng kabilang panig.

Sanggunian

Abangan, et al. (2009). Retorika:Masining na pagpapahayag.


Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya saPagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya.
Batnag, Aurora E. et.al. 2011. Sayusay – Sining ng Mabisang Pagpapahayag, C & E Publishing Inc.
Bendalan, Nilda (2013). Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag. Wiseman’s Books Trading, Inc.
Bernales, Rolando et al. (2018). Retorika, Ang Sining ng Pagpapahayag. Mutya Publishing House, Inc. Potrero, Malabon City.
Bisa , Simplicio P. et al. 2008.Masining na Pagpapahayag , C & E Publishing Inc.
Cantre, Melinda C. et.al. 2013. Filipino 3 – Ang Masining na Pagpapahayag (Retorika), Lorimar Publishing Inc.Inc.
De Guzman, Nestor C., et al. (2013). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications
Lededica, Leyson D., et al. (2008). Retorika. Patnubay sa Masining na Pagpapahayag San Juan, Gloria P., San Juan, Corazon P.,
Rosario, Mag-atas U., Carpio, Perla DS, at Cabaysa, William G. (2005). Panunuring Pampanitikan. Manila:
Booklore Publishing Corporation.
Maranan, Mario H.(2013) Masining na Pagpapahayag (Para sa Antas Tersyarya). Mindshapers Co. Inc.
Torres-Yu, Rosario.(Ed) (1981). Panitikan at Kritisismo, Bahagi I-III. Maynila: National Bookstore

You might also like