You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Tarlac State University


COLLEGE OF EDUCATION
CENTER OF DEVELOPMENT
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 982-6062; fax No. 9045) 982-0110
Re-Accredited Level III by the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the
Philippines

Talang - Ulat
sa
FM20: Intro sa Pagsasalita
Paksa: Mga Uri ng Pagpapahayag

Isinumite ni:
Francheska P. Dalida
BSED 4E-I

Isinumite kay:
Dr. Jessica Marie I. Dela Peña
Guro sa FM20
I. Layunin:
a. Naibibigay ang kahulugan ng Pagpapahayag
b. Nasusuri ang pagkakaiba ng dalawang paraan ng diskurso o
pagpapahayag
c. Na-iisa-isa ang apat na pangunahing uri ng pagpapahayag

II. Panimula:

Pagpapahayag o Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng


makahulugang palitan ng salita o pangungusap ang dalawa o higit pang tao.
Ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga saloobin, ng kanyang mga paniniwala,
ng lahat ng kanyang mga nalalaman, pagpapahayag ng kanilang ideya ay
naaayon sa iba’t ibang paraan o layunin. Maaaring nais ng isang indibidwal na
magsalaysay, maglarawan, maglahad o mangatwiran.

III. Nilalaman:

Dalawang Paraan ng Pagpapahayag o Diskurso

1. Pasalita (verbal) – oral


2. Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra.

Pagkakaiba ng Pasulat at Pasalitang Pagpapahayag

PASULAT

SIKOLOHIKAL LINGGWISTIK KOGNITIBO


 gawaing mag-isa  kailangang  natutuhan sa
mahusay ang paaralan at
paglalahad ng kailangan ang
kaisipan upang pormal na
makatiyak na pagtuturo at
malinaw ang pagkatuto;
dating sa
mambabasa.
 isang anyo ng  mas mahaba ang  mahirap ang
pakikipagtalastasan konstruksyon ng pagbubuo ng
na ginagawa nang mga pangungusap isusulat na mga
nag-iisa; at may tiyak na ideya kaysa
estrukturang pagsasabi nito; at
dapat na sundin.
 maraming  karamihan sa
ginagawang pag- karanasan ng mga
aakma ang bata sa pagsulat ay
manunulat upang hindi maganda
maisaalang-alang kaya ang gawaing
ang di-nakikitang ito’y ego-
awdyens, o destructive lalo na
mambabasa; kung ang sulatin
minsan siya mismo ay sa W2
ang gumaganap na (pangalawang
tagabasa ng sulat wika)
na ginagawa; at

 walang kagyat na
pidbak kaya’t hindi
agad na mababago
kung ano ang
naisulat

 kailangang
panindigan kung
ano ang naisulat

PASALITA

SIKOLOHIKAL LINGGWISTIK KOGNITIBO


 gawaing sosyal  maaring gumamit  natutuhan sa
ng mga impormal paaralan at
at mga pinaikling kailangan ang
konstruksyon ng pormal na
mga salita. pagtuturo at
pagkatuto;

 dahil may  maaring ulitin,  mahirap ang


awdyens at may baguhin at linawin pagbubuo ng
interaksyong ang nabitiwang isusulat na mga
nagaganap; salita ayon sa ideya kaysa
reaksyon ng pagsasabi nito; at
tagapakinig
 may kagyat na  napagbibigyan ang  karamihan sa
pidbak sa anyong mga pag-uulit ng karanasan ng mga
berbal at di- mga pahayag bata sa pagsulat ay
berbal; at hindi maganda
kaya ang gawaing
ito’y ego-
destructive lalo na
kung ang sulatin
ay sa W2
(pangalawang
wika)

 gumagamit ng  nauulit ang


mga hudyat o anumang sinabi
paralinguistic
Konteksto ng Pagpapahayag o Diskurso - tumutukoy sa oras,
espasyo at maging ang taong kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang
konteksto ng pagpapahayag ay nararapat na pagtuonan din ng pansin dahil
maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng komunikasyon kundi
maging sa kalalabasan nito.

Konteksto ng diskurso:

a. Interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa.


b. Panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang
pangkat tulad ng isang klase.
c. Pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o
samahan tulad ng isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga
empleyado.
d. Pangmasa – sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya.
e. Interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na
pangkat.
f. Pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na
kasarian tulad ng usapang lalake.

Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:

1. Paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng


konteksto dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di
kaya ay pambabae o panlalake.
2. Layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga
taong sangkot, dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa
pamamaraang magiging daan sa katuparan ng layunin, maaaring
mapabago ang pananaw ng isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba
pa
3. Pagsasawika ng Ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa
samu’t saring pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang
taong may kakayahang pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano
ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap ng kinakausap.
4. Tagatanggap– ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na
may iba’t ibang takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa
pakiramdam ng tagahatid na malinaw ang mensahe niya, maaaring iba
naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang
niya ang tagatanggap.
Apat na Pangunahing Uri ng Pagpapahayag

1. Paglalarawan
Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang
tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming
nararamdamn ng isang tao at hayop. Samakatuwid ang paglalarawang
diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa
kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang
pagiging malikhain.

2. Pagsasalaysay
Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga
kaganapan maging sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari.Sa
pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang
kaniyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa
ibang tao.Sa pagsasalaysay,marapat lamang na maisaalang–alang ang
pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan.Dahil ang hindi pagsasaalang-alang
sa pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng
mambabasa o tagapakinig.

3. Paglalahad
Ito ay diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang
isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang
kaalaman na inihahayag sa isang maayos at malinaw na pamamaraan
upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at dagdag na kaalaman ng
ibang tao. Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao na makabuo ng
kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang
imbentor,pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at
marami pang iba.

4. Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng
mambabasa o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong
argumento.Kailangan ang mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu
at may kakayahang maiayos ang kaisipan upang magamit sa
pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang kanyang argumento.

SANGGUNIAN:
https://www.google.com/search?biw=1366&bih=625&ei=LTMOXfm
DEMSHoASxuLToBg&q=wika+lipunan+at+kultura+pdf&oq=wika%2Cl
i&gs_l=psy-
wiz.......0i71j0i67j0i131j0i131i67.oXfWaPR0GCQ
IV. PAGSUSULIT

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON: MARKA:

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang bansang Tsina ay binubuo ng 23 na lalawigan. Alin sa mga lalawigang ito


ang itinuturing de facto independent country?
a. Taiwan c. Macau
b. Hong Kong d. Singapore
2. Ang dalawang bansang ito ay itinuturing special administrative areas.
a. Taiwan at Tsina c. Hongkong at Singapore
b. Hongkong at Macau d. Taiwan at Hongkong
3. Ang salitang Taiwan ay nangangahulugan sa Filipino na?
a. Baybaying may pilapil c. Formosa
b. Ilha Formosa d. Magandang pulo
4. Alin ang kabisera ng Taiwan?
a. Macau c. Taipei
b. Beijing d. Tsina
5. Ito ang dalawang pangunahing relihiyon na umiiral sa Taiwan.
a. Islam at Buddhism c. Protestantismo at Islam
b. Taoism at Christianism d. Buddhism at Christianism

6-10. Pag-isa-isahin ang mga bansang kabilang sa Apat na Tigreng Asyano o Apat
na Dragong Asyano

V. DOKUMENTASYON

You might also like