You are on page 1of 28

9

Filipino
Unang Markahan - Modyul 4
Tatak Ko Ito...Pilipino (Sanaysay)
F9PU-If-44

N
AA

I
IL
AL
AH

IB
M

B
PA
AG
G
IN

N
AR

PI
-A

II
G
PA

D
IN
H
Filipino– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Tatak Ko Ito...Pilipino (Sanaysay)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim : Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Carolina G. Dela Cruz


Editor : Estrelita P. Sali
Tagasuri : Gemma A. Mata
Tagaguhit : Alberto B. Cruz Jr.
Tagalapat : Alberto B. Cruz Jr.

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Anastacia N. Victorino, EdD


EPS – Filipino

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 4
Tatak Ko Ito...Pilipino (Sanaysay)
F9PU-If-44
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa araling Tatak Ko Ito...Pilipino (Sanaysay).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


Tatak Ko Ito...Pilipino (Sanaysay).

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng


ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay
sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

2
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Sa Aralin 1.4 ay tumatalakay sa sanaysay patungkol sa mga pangyayaring naganap


sa bansang Pilipinas. Nakapaloob dito ang ilang mga gawaing hahamon sa iyong kakaya-
han na may kaugnayan sa ating paksa.

Mababasa sa araling ito ang mga sumusunod:

 Tatak Ko Ito… Pilipino (Sanaysay) ni Carolina G. Dela Cruz

 Kahulugan ng sanaysay at uri nito

 Paggamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw

Pagkatapos ng aralin , inaasahang malilinang ang mga sumusunod:

 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan (F9PT-If-42)

 Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na


debate o kauri nito. (F9PD-If-42)

 Naisusulat ang sariling opinyon sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng


kabataang Asyano. (F9PU-If-44)

 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.

(F9WG-If-44)

4
Subukin
Paunang Pagtataya

Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Elemento ng sanaysay na karaniwang sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang


akda?”

a. paksa c. ideya
b. kaisipan d. tagpuan
2. Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng sariling opinyon o pananaw ng
sumulat hinggil sa isang paksa.

a. dula c. kwento
b. sanaysay d. nobela
3. “Mapalad ang nagbibigay nang bukal sa kalooban sapagkat ito’y may kalakip na
swerte sa buhay.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob
ng pangungusap?

a. nagbibigay c. kalakip
b. bukal d. pagpapala sa buhay
4. Uri ng sanaysay na naglalaman ng seryosong paksa, kailangan nito ng masusing
pag-aaral at malalim na pag-unawa sa tinatalakay, gamit dito ang mga piling salita.

a. pormal c. berbal
b. di pormal d. di - berbal
5. Dumating ang Amerikano, dala pa rin ay pananakop. Nagpanggap na kaibigan
ngunit isa rin palang tunay na kaaway. Ang may salungguhit ay halimbawa ng ___.

a. pang-angkop c. pang-ukol
b. pangatnig d. ingklitik
6. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa paksang karaniwan at may magaan na
pananalita, nakapaloob ang saloobin at sariling kaisipan ng may akda.

a. pormal c. berbal
b. di pormal d. di - berbal
7. Bahagi ng sanaysay na kakikitaan ng pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa

paksang tinatalakay.

a. panimula c. katawan
b. wakas d. pamagat

5
8. Dayuhang nanakop sa Pilipinas sa mahabang panahon.

a. Amerikano b. Kastila c. Hapon d. Korea

(Ibigay kung anong pamamaraan ng pagsasalaysay ang ginamit sa bilang 9-12)

9. “Mahalagang mabigyan ng sapat na tubig ang mga halaman sa araw ng tag-init


sapagkat ito’y manunuyo at makaaapekto sa pagtubo nang maayos ng mga hala-
man.”

a. pormal b. di pormal c. berbal d.di - berbal

10. “Halika! may sasabihin ako. Ibig-ibig ko nang pasukin ang kursong iyon ngunit kami
ay walang kakayahan upang mag-aral. Nakalulungkot na labis.

a. pormal b. di pormal c.berbal d. di - berbal

11. “Psssst! Hindi mo iyan dapat iyakan, sadyang mapaglaro ang tadhana, may mga
pagsubok tayong mabigat at kailangang harapin.”

a. pormal b. di pormal c. berbal d. di - berbal

12. “Napakadakila ng salitang pag-ibig ngunit sa maraming pagkakataon, ang kasakiman


ay nakapag-aanyong pag-ibig. Hindi mapasusubaliang dahil sa hinahangad na
tunay ay kasakiman na ang bumabalot at hindi na ang salitang pagmamahal.”

a. pormal b. di pormal c. berbal d. di - berbal

13. “Maraming mga kabataan sa kasalukuyang panahon ang yumayakap sa banyagang


kultura. Tunay na mas kailangang higit na mapagyaman ang kulturang atin upang
hindi ito maglaho sa paglipas ng panahon.” Alin ang pag-ugnay na ginamit?

a. marami b. hindi c. tunay na d. atin

14. “Aalis si nanay patungong palengke upang bumili ng gulay pagkatapos ay dederetso
siya sa bahay nina lola para idaan ang iba niyang pinamili.” Ano ang ginamit na
pang-ugnay na nagdaragdag?

a. pagkatapos b. siya c. upang d. para

15. “Mahirap mapahinuhod ang mga taong sarado ang isipan sa iba’t ibang pagbabago
ng pamahalaan.” Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit?

a.mapigil b. maawat c. mapasunod d. magpanggap

6
Aralin
Tatak Ko Ito… Pilipino
1.4 ni Carolina G. Dela Cruz
( Sanaysay )

Ang mga Pilipino ay may taglay na kultura at yamang kaiba sa


lahat. Bilang isang lahi hangad ng bawat isa ang kalayaan laban sa
mga dayuhang lumupig. Dumaan na sa maraming pagsubok ang
nakaraan na nagbuwis ng buhay ang karamihan upang makamit ang
kalayaan. Sa kasalukuyan, masasabi mo pa rin bang ikaw ay tuluyang
lumaya na?

Balikan
Gawain 1: Itala ang mga kaugalian/kultura sa bansang Pilipinas gamit ang graphic
organizer sa ibaba.

PILIPINAS

Gawain 2: Paghambingin Mo!


Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pamahalaan sa Pilipinas noon at
ngayon gamit ang venn diagram.

Pamahalaan Noon Pamahalaan Ngayon

pagkakakaiba pagkakatulad pagkakakaiba

Ngayo’y higit nating palalimin ang iyong kaalaman sa kalagayan ng


Pilipinas noon maging sa kasalukuyan. Basahin at unawaing mabuti ang
akda.

7
Tuklasin

Lunsaran
Tatak Ko Ito… Pilipino
(Sanaysay)
ni: Carolina G. dela Cruz

Sarisari. Halo-halo, Iba-iba. Kakaiba! Pinanday ng panahon. Hi-


nulma ng mga impluwensya at pagbabago!.
Lahing Kayumanggi. Produkto ng samu’t saring impluwensya
mula noon hanggang ngayon — ang kulturang Pilipino. Bago pa man
dumating ang mga dayuhang kanluranin mayroon ng mga kalinangan at
kulturang umiiral sa bansa. May sariling alpabeto — ang baybayin. Sa
pamamahala naman ay may mga datu, lakam, rajah, sultan. Pagdating
naman sa ispiritwalidad, nangasiwa ang mga babaylan. Sa aspeto ng
kabuhayan, hindi rin maitatangging tayo ay mayroon nang masiglang
pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa.
Ito’y isang patunay na mayroon na tayong kabihasnang
maipagmamalaki. Hindi ang banyaga ang nagdala nito sapagkat tayo’y
bihasa at sibilisado na bago pa man ang kanluranisasyon ng bansa.
Nang dumating ang Kastila, bitbit ang Katolisismo, pilit
ipinayakap, hinubog sa kaalamang pananampalataya na ang kabalintunaan
ay paglaganap ng pang-aabuso ng mga nag-aanyong maamong tupa.
Dumating ang Amerikano, dala pa rin ay pananakop,
nagpanggap na kaibigan ngunit isa rin palang tunay na kaaway.
Edukasyon ay ipinalaganap. Kaisipang bayan ay pinalitan ng
kaisipang busabos. Inalila at muli pinagsamantalahan ang
inosenteng isipan.

8
Dumating ang mga Hapones, dala rin ay katampalasan at
karahasan. Narito si Kano, nagpanggap na tagapagtanggol muli subalit
tulad ng mga nauna’y pananakop ang siyang nilalayon.
Lumaban nang lumaban ang mga Pilipino kahit sino pang
amu-amuhan o diyos-diyosan ang dumating, sa madaling salita ang mga
Pilipino ay hindi nagpapaagrabyado makamtan lamang ang laya para sa
bansa.
Lumipas ang panahon, kasaysayan at kultura’y muling
hinubog...Batas militar ni Marcos, EDSA Revolution ni Cory. Impeachment
ni Erap. EDSA II,III. “I am sorry” ni Gloria. Aquino ulit. Duterteng mahigpit.
Sa pag-iiba-iba ng ihip ng pulitika, pagbabago’y isinisigaw.
Mga kaisipan ay binago at kultura’y nasadlak sa maraming
pagtatanong. Bukas na pumapasok ang makabagong pananakop. Ngayo’y
mga Pilipino ay hindi magkamayaw sa pagyakap kung ano ang maibibigay
ng galing sa labas. Dumating ang K-Pop, K-drama, chinovela, anime,
imported goods, swiss chocolate at china made products. Malaya na nga
ba tayo? Siguro? Marahil? Oo?
Kanluranisasyo’y kaliwa’t kanan sa pagdaiti at pagmamantsa sa
kalinangang Pilipino. Tunay na walang masama sa pagyakap ng kultura at
impluwensya ng iba. Ngunit ang masama at hindi kailanman
katanggap-tanggap ay ang pagbalewala sa sariling pagkakakilanlan.
Tunay na lumipas man ang panahon ay umaalingawngaw pa rin
ang tinig ni Antonio Luna na “ tunay nating mga kaaway ay ang ating
sarili”. Tayo mismo ang sanhi ng ating paglimot. Nakalulungkot, nakata-
takot, nakabibigla, nakapanghahamon.
Iba tayo. Pilipino ang lahi. Pilipino ang kultura. Kasaysaya’y
kultura. Tangkiliking unang-una! Tagumpay sa huli! Kilalanin natin palagi
ang kulturang atin. Sa lahat ng mga ito, ‘wag na ‘wag nating iwawaglit na
tayo ay may sarili pa ring pagkakakilanlan, hinulma man ng iba ngunit
nagpapakaiba.
Sa kabuuan, sarisari man, halo-halo at iba-iba ang nagtangkang
dumildil sa ating kultura, mananatiling… ikaw, ako at tayo! Tatak ko ito.
Tatak… Pilipino!

9
Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob din ng


pangungusap na ginamitan nito.

1. Ang mga Pilipino ay nasadlak sa kamay ng mga


dayuhan ngunit bumangon at lumaban upang di ma-
hulog nang tuluyan.
2. Pinanday ng panahon ang kulturang Pilipino na ibang-
iba sa kanluranin, hinubog nang maayos, patuloy na
ginagawa at ginagamit ng bawat isa.
3. Hindi maitatangging tayo ay mayroon nang
masiglang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa,
kaya naman itong magandang relasyon na ito ay
nagpapatuloy sa kasalukuyan.
4. Nang dumating ang mga Kastila ay pilit pinayakap
ang kanilang kultura, ayaw man ay pilit itinuro at
pinagamit sa mga Pilipino.
5. Sa kasalukuyan, bukas na pumapasok ang
makabagong pananakop sapagkat di natin alintana
ang malayang pagdating at paglabas ng mga produk-
tong mula sa ibang bansa.

Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang paksa ng binasa?


2. Ibigay ang kulturang taglay na ng mga Pilipino bago pa tayo sakupin ng mga
dayuhan?

10
3. Sino-sinong mga dayuhan ang umalipin sa Pilipinas? Ibigay ang kanilang iniwan sa
bansang ito?
4. Ano ang layunin ng sumulat ng sanaysay?
5. Sa anong uri ng sanaysay maihahanay ang binasang akda? Patunayan.
6. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng
Silangang Asya?

Suriin

Kaugnay sa nabasa mong teksto, iyo namang alamin at higit na


palalimin ang kayarian ng akda.

Ang Sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng


pananaw ng sumulat hinggil sa isang paksa. Nasusulat ito sa anyong
tuluyan, ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng
paghahatid ng nais maipabatid sa mambabasa.

Ayon kay Alejandro G Abadilla (Ama ng Sanaysay), ang sanaysay ay pagsasalaysay


ng isang sanay. Kaya’t kailangang may sapat na karanasan, palabasa, mapagmasid sa
paligid ang sinomang susulat nito. Ang mga sanaysay ay maaaring naglalaman ng pagpu-
na, pagbibigay ng opinyon, impormasyon, naglilibang at nagbibigay - pagmumunimuni sa
isang paksa.

Dalawang Uri:
1. Pormal o Maanyo - tinatawag din itong impersonal, ito ay nagtataglay ng pananaliksik
at pinag-aaralang mabuti. Maingat sa pagpili ng mga salitang ginagamit.

2. Di-pormal o Impormal - tinatawag din itong personal o palagayan. Maaaring ilahad ng


sumulat ang kanyang sariling opinyon o saloobin sa paksang kanyang isusulat.

11
Tatlong Bahagi ng Sanaysay

Panimula
Sa bahaging ito nakasaalay kung ipagpapatuloy ng isang mambabasa
na basahin o hindi ang sanaysay. Kailangan makuha ang interes ng
babasa upang magkaroon ng ganang tapusin ito hanggang huli.

Gitna
Dito nakalagay lahat ng mga ideya at pagtalakay sa paksa. Nakalahad
dito ang mahahalagang puntos, ebidensya na nakalap, proseso at
kailangang detalye upang ibangon ang paksang tinatalakay.

Wakas
Ito ang huling bahagi na nagbubuod sa buong paksa. Papasok dito ang
pangkalahatang impresyon ng sumulat.

Bukod sa kaalaman hinggil sa sanaysay at kung paano bumuo nito, mahalagang


malaman din natin na isa sa paraan upang makabuo ng sanaysay ay ang paggamit ng
pang-ugnay.
Pang-ugnay— nag-uugnay sa salita, parirala, sugnay at pangungusap. Isa sa mga uri nito
ay ang pangatnig na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala at pangungusap.

Ilang Halimbawa ng Pang-ugnay


1. Pagdaragdag– at, ulit, pagkatapos, bukod
Hal: Bago pa man dumating ang mga dayuhang kanluranin mayroon ng mga ka
linangan at kulturang umiiral sa bansa.
2. Pahambing—sa kabilang banda, pero, subalit, gayuman
Hal: Narito si Kano, nagpanggap na tagapagtanggol muli subalit tulad ng mga
nauna’y pananakop ang siyang nilalayon.
3. Pagpapatunay—tunay na, sa katunayan, kung saan, dahil sa
Hal: Kanluranisasyo’y kaliwa’t kanan sa pagdaiti at pagmamantsa sa
kalinangang Pilipino. Tunay na walang masama sa pagyakap ng kultura at
impluwensya ng iba.
4. Pag-uulit– gaya ng sinabi ko, sa madaling salita
Hal: Lumaban nang lumaban ang mga Pilipino kahit sino pang amu-amuhan o
diyos-diyosan ang dumating, sa madaling salita ang mga Pilipino ay hindi
nagpapaagrabyado makamtan lamang ang laya para sa bansa.

12
5. Pagbubuod– sa pagbubod, kaya naman, bilang paglalahat, sa kabuuan
Hal: Sa lahat ng mga ito, ‘wag na ‘wag nating iwawaglit na tayo ay may sarili pa ring
pagkakakilanlan, hinulma man ng iba ngunit nagpapakaiba.
Hal: Sa kabuuan, sarisari man, halo- halo at iba-iba ang nagtangkang dumildil sa
ating kultura, mananatiling… ikaw, ako at tayo! Tatak ko ito. Tatak… Pilipino!

Pagyamanin

Pagsasanay 1
Lagyan ng tsek (√ )ang kahon kung tama o totoo ang inilalahad ng pangungusap at ekis
( X ) kung mali o hindi totoo.

1. Ang kulturang Pilipino ay produkto ng mga samu’t saring impluwesya


mula noon hanggang ngayon at ang kabataan sa kasalukuyan ang
magpapatuloy nito.

2. Bago pa man dumating ang mga dayuhang kanluranin tayo ay wala


pang kalinangan at kulturang maituturing.

3. Ang mga Pilipino ay may sariling alpabeto na tinatawag na baybayin.

4. Bago pa tayo sakupin ng banyaga, pinamamahalaan na tayo ng mga datu,


lakam, rajah at sultan.

5. Dumating ang mga Kastila sa bansa at pinayakap ang Katolisismo.

6. Sinakop ang Pilipinas ng mga Amerikano at ipinalaganap nila ang edukasyon


sa bansa.

7. Dumating ang mga Hapones sa bansa upang magpanggap na kaaway


at mananakop.

8. Sumibol ang makabagong panahon — ang kasalukuyan, naging bukas


pa rin ang pagpasok ng makabagong pananakop.

9. Sa kasalukuyan, hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga bagay na nang-


galing sa labas ng bansa.

10. Ayon kay Antonio Luna, ang tunay raw nating kaaway ay ang ating sarili.

13
Pagsasanay 2
Ayusin ang salitang nakakahon upang makuha ang kasingkahulugan ng mga sali-
tang nakatala sa tapat nito at bigyan ito ng pagpapaliwanag kung ano ang pag-unawa sa
salitang iniayos.

1. PIGING - HDAANAN ____________________________________________

2. NAYAMOT ISNNAI - __________________________________________

3. BULAGTA ANHDUSYA - ________________________________________

4. PAGKABAGOT - PINIAKGAP _____________________________________

5. PUMUSLIT KASAMTU - __________________________________________

Pagsasanay 3
Hanapin sa loob ng kahon ang nawawalang pang-ugnay sa loob ng pangungusap at
isulat ito sa patlang.

ngunit at tunay na
subalit sa kabuuan

1. Bago pa man dumating ang mga dayuhang kanluranin, mayroon ng mga kalinangan
________ kulturang umiiral sa bansa.
2. Dumating ang Amerikano, dala pa rin ay pananakop, nagpanggap na kaibigan
_______ isa rin palang tunay na kaaway.
3. Kanluranisasyo’y kaliwa’t kanan sa pagdaiti at pagmamantsa sa kalinangang Pilipino.
_________ walang masama sa pagyakap ng kultura at impluwensya ng iba.
4. Narito si Kano, nagpanggap na tagapagtanggol muli _____ tulad ng mga nauna’y
pananakop ang siyang nilalayon.
5. _______ sarisari man, halo- halo at iba-iba ang nagtangkang dumildil sa ating kultu-
ra, mananatiling… ikaw, ako at tayo! Tatak ko ito. Tatak… Pilipino!

14
Pagsasanay 4
Sagutin ang katanungang nasa kahon at ilahad ang kasagutan sa nakalaang bahagi
at gamitan ito ng pang-ugnay. Gayahin ang pormat na nakatala.

Dapat Hindi Dapat

______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ Ibigay ang ______________________
______________________ mga dapat at ______________________
______________________ hindi dapat ______________________
______________________ na katangian ______________________
______________________ ng mga ______________________
______________________ kabataang ______________________
______________________ Asyano. ______________________

Konklusyon
_____________________________
_____________________________

Kraytirya
a. Malaman na naibigay ang datos ng Dapat at Hindi Dapat —————10 puntos
b. Naibuod at nakapagbigay ng pangkalahatang impresyon —————- 5 puntos
Kabuuan —-———15 puntos

15
Pagsasanay 5
Panoorin ang inihandang video at sagutin ang mga katanungan batay sa napanood.
https://www.youtube.com/results?search_query=debate+2016+presidential+philippines

(Kung walang internet sa bahay ay maaring manunod sa telebisyon ng anumang


katatagpuan na debate o kauri nito.)
Tanong:
1. Ano ang paksa ng napanuod na debate?
2. Ayon sa panig ng mga nagdedebate, ilahad ang kani-kanilang opinyon hinggil sa
paksa.
3. Sa iyong palagay nailahad ba nang mahusay ang mga datos ng bawat panig?
Patunayan.
4. Bilang tagapanuod, ano ang maibibigay mong opinyon o sariling pagkukuro hinggil
sa paksa?

Isaisip

Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang kaisipan batay sa napag-aralan.

Ang natutuhan ko sa aralin ay __________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

Bilang isang kabataang Pilipino, ang gagawing ambag ko sa bansa


ay _______________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Ang natutuhan ko sa aralin ay _____________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________

16
Isagawa

Batay sa mga sitwasyong nakalahad sa ibaba tukuyin sa sarili kung ito’y iyong gagawin,
hindi gagawin o ipagwawalambahala. Piliin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng hugis bi-
tuin sa kahon.

1. Bilang kabataan, palagiang tatangkilikin ang mga produkto ng bansang Pilipinas at


hindi kailanman bibili at tatangkilik sa mga bagay na galing sa labas ng bansa.

gagawin di gagawin ipagwawalambahala

2. Makikisama sa mga protesta ng iba’t ibang grupo laban sa pamahalaan at hindi


kailanman sasang-ayon sa pinatutupad ng gobyerno.

gagawin di gagawin Ipagwawalambahala

3. Sa nangyayaring krisis sa bansa, ang pagkakaroon ng pandemya ay nanaisin kong


sa loob muna ng bahay manatili upang sa simpleng paraan ay makatulong ako
sa bayan.

gagawin di gagawin ipagwawalambahala

Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel (1-4).
1. Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng pananaw ng sumulat tungkol sa
paksa at nasusulat ito sa anyong tuluyan.
a. sanaysay b. kuwento c. dula d. nobela
2. Tukuyin ang pang-ugnay na ginamit sa loob ng pangungusap. “Kailangang
sumunod ng bawat Pilipino sa pamahalaan lalo’t sa panahon ngayon ng krisis ngunit
nakalulungkot na may ilang gumagawa pa rin ng hindi mabuti.”
a. kailangan b. lalo c. hindi d. ngunit
3. Tukuyin ang pang-ugnay na ginamit. “Huwag mo siyang tularan sapagkat masama
ang kaniyang ginagawa.”
a. sapagkat b. huwag c. kaniya d. mo
4. Nag-uugnay ito sa salita, parirala, sugnay at pangungusap.
a. pang-angkop b. pantukoy c. pang-ugnay d. pandiwa

17
Tama o Mali: Isulat sa bawat bilang ang salitang TAMA kung ang tinutukoy sa loob ng
pangungusap ay wasto, MALI naman kung hindi tama at guhitan ang salitang nagpamali
rito. (5-8)
______5. Bilang isang kabataang Pilipino, isa sa mga dapat na katangiang taglayin ang
maging mapagmahal sa kultura at sa lahing pinagmulan.
______6. Sa kasalukuyang nangyayaring pandemya sa bansa marapat lamang na
tumulong ang lahat lalo na ang kabataan sa pamamagitan ng paglabas nila ng tahanan.
______7. Pang-angkop ang ginagamit upang pangdugtungin ang mga salita, parirala,
sugnay at pangungusap.
______8. Pormal ang sanaysay kung ito ay maingat na inilalahad ang mga kaisipan at
salitang ginagamit, ganun din ito’y nangangailangan ng pananaliksik.

Gumawa ng limang pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan na gi-


nagamitan ng pang-ugnay (9-13).
9.____________________________________________________________________
10.___________________________________________________________________
11.___________________________________________________________________
12.___________________________________________________________________
13.___________________________________________________________________

Bumuo ng isang talata na may limang pangungusap, ito ay nagsasaad ng sariling opinyon
tungkol sa “ Bilang Kabataan, Ito ang Ambag Ko sa Pamahalaan sa Kasalukuyang Krisis
ng Bansa” (14-20).
Kraytirya:
Nilalaman———————————–——---4 puntos
Binubuo ng limang pangungusap ————3puntos

18
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang sanaysay na may paksang “ Mga Dapat at Hindi Dapat na Katangian
ng Isang Kabataang Pilipino”. Sundin ang panuntunan sa ibaba.

 may tatlong talata na nagtataglay ng simula, gitna at wakas

 gumamit ng pang-ugnay sa pagbuo nito

 lumikha ng sariling pamagat batay sa nabuong sanaysay

Kraytirya sa Paggawa
1. Nilalaman
- mabisang nailahad ang sariling opinyon batay sa paksa ______ 10 puntos
2. Paggamit ng Pang-ugnay
-mabisang nakagamit ng higit sa limang pang-ugnay _________ 5 puntos
3. Kalinisan at kaayusan ng gawa
- malinis at may kaayusan ang pagkakagawa ng sanaysay _____ 5 puntos
Kabuuan : 20 puntos
19
20
Sa antas ng iyong pag-unawa
1. Ang tatak ng isang Pilipino
- nakapasok dito ang kultura, kaugalian, kasaysayan at kasalukuyang pangyayari
2. Mayroon na tayong sariling alpabeto at namumuno bago dumating ang mga mananakop.
3. Kastila—relihiyon, Amerikano—edukasyon at Hapon– karahasan
4. Maimulat sa mambabasa ang kasaysayan at ang kalasukuyang kaganapan sa bansa.
5. Di pormal, sapagkat magaan ang pagkakalahad ng mga ideya
Makikita rito ang paraan ng pamumuhay, kultura at kaugalian ng bansa
Paglinang ng Talasalitaan
1. nasadlak— di mahulog
2. pinanday ng panahon—hinubog nang maayos
3. masiglang pakikipag-ugnayan—magandang relasyon
4. pilit na pinayakap—pilit itinuro
5. bukas na pumapasok—malayang pagdating
Tuklasin Paunang Pagtataya
Gawain 1 Iba’t iba ang magiging kasagutan dito. 1. a
 mahusay tumanggap ng bisita 2. b
3. d
 magalang lalo na sa nakakatanda
4. a
 bayanihan
5. b
 matinding pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino 6. b
Gawain 2. Paghambingin mo! 7. c
(maaaring marami ang maging kasagutang dito) 8. b
Pamahalaan Noon (kaibahan) 9. a
-nasasakop ito ng dayuhan at tahasan ang pahirap sa mga 10. b
Pilipino.
11. b
Pamahalaan Ngayon (kaibahan)
12. a
-Pilipino na ang namumuno at may kalayaan ang pagkilos ng
13. c
mga naninirahan dito.
14. a
Pagkakatulad
15. c
- ang mga Pilipino noon at ngayon ay naghahanap parin ng
tunay na kahulugan ng kalayaan.
Susi sa Pagwawasto
21
Isaisip
(Maaaring may iba pang kasagutang ang mga mag-aaral dito)
 Natutuhan ko sa aralin ay kung ano ang sanaysay at mga uri nito, gayundin ang paggamit ng pang-
ugnay sa mabisang paglalahad ng mga kaisipan at datos sa sanaysay.
 Bilang isang Pilipino gagawin kong ambag sa bansa at maibahagi ko ang aking kakayahan bilang tao,
maisalin ko sa iba at sa magiging anak ko ang kulturang minana pa natin sa mga ninuno natin.
 Sa pagbuo ng sanaysay mahalagang gumamit ng pang-ugnay upang mapagdugtong ang mga
kaisipan ay nagiging mabisa ang pamamaraang ito sa kaanyuan ng isang sanaysay.
Pagsasanay 3
1. at
2. ngunit
3. tunay na
4. subalit
5. sa kabuuan
Pagsasanay 4
Iba-iba ang magiging nilalaman ng kasagutan ng mag-aaral sa bahaging ito (15 puntos) nakabatay sa
kraytiryang ibinigay.
Pagsasanay 5
Ang kasagutan ng mag-aaral ang nakabatay sa kanyang napanuod na video o sa telebisyon.
Pagyamanin
Pagsasanay 1
1. √ 6. √
2. X 7. X
3. √ 8. X
4. √ 9. √
5. √ 10. √
Pagsasanay 2
1. PIGING–(HANDAAN)—salo-salong handog sa taong binibigyang parangal
2. NAYAMOT-(NAINIS)- nararamdamang negatibo ng tao na mas mababaw sa pagkagalit.
3. NAKABULAGTA-(NAKAHANDUSAY)-nahiga siya maaaring dalang kahinaan.
4. PAGKAINIP-(PAGKABAGOT)- nawalan ng pasensya.
5. PUMUSLIT-(TUMAKAS)- palihim na umalis
22
Karagdagang Gawain
Iba-iba ang magiging nilalaman ng kasagutan ng mag-aaral sa bahaging ito.
Tayahin
1. a
2. d
3. a
4. c
5. TAMA
6. MALI– paglabas ng tahanan
7. MALI –pang-angkop
8. TAMA
9. Iba-ibang pangungusap ang mabubuo kailangan lamang makagamit ng sumusunod na
10. pang ugnay:
11. at, ulit, pagkatapos, bukod, sa kabilang banda, pero,subalit, gayuman,
12 tunay na, sa katunayan, kung saan, dahil sa,gaya ng sinabi ko, sa madaling salita (marami pang
uri ng pang-ugnay ang maaaring gamitin)
13.
14-20 Iba-iba ang magiging nilalaman ng kasagutan ng mag-aaral sa bahaging ito.
Isagawa
Nakabatay ang sagot sa magiging disisyon ng mag-aaral sa katayuan nya sa kasalukuyan.
Sanggunian:

Aklat

Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

Cruz, Isagani R., at Soledad S. Reyes,1984.Ang ating Panikan

Internet

https://slideshare.net/midnight-jassy/mga-pangugnay-pangatnig-pangangkop-at-pangukol

https://www.youtube.com/watch?v=0haQhDsfP-s&t=1922s

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like