You are on page 1of 4

THIRD PERIODICAL TEST- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Pangalan: _____________________________________ Petsa:_______________


Baitang 3

I. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Alin ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino? May dumating na bisita si ate ____.
A. pinaalis mo siya dahil tulog si ate
B. pinaghanda mo siya ng inuming malamig
C. hindi mo pinapasok dahil wala si ate
D. sinabi mong maghintay na lang sa labas ng bahay dahil wala si ate
_____2. Dumalaw si lola at ____.
A. kunwari wala kang nakita
B. umalis din sa araw na iyon
C. ikaw ay magmano
D. huwag silang pansinin
_____3. Mayroon kayong mga bisita sa bahay, mga kamag-anak mula sa malayong
probinsya ano ang dapat mong gawin?
A. istimahin silang mabuti
B. tanungin kung bakit sila pumunta
C. wag silang intindihin
D. itanong kung kailn sila babalik sa probinsya
_____4. Nagpunta ka sa bahay ng kalaro mo, nakasado ang kanilang pinto. Ano ang
gagawin mo?
A. buksan agad
B. kakatok muna
C. aalis na lang
D. sisigaw
_____5. Sabado at araw ng paglilinis ninyong magkakapatid ng inyong tahanan at
bakuran ngunit inanyayahan kang mamasyal ng mga kaibigan mo. Ano
ang mabuti mong gawin?
A. mamasyal muna bago maglinis
B. hindi ka na mamamasyal
C. maglinis muna bago mamasyal
D. umiyak kasi hindi ka makasama ng pamamasyal
_____6. Ano ang dapat gawin sa mga patapong basura upang mapakinabangan muli?
A. itapon upang pulutin ng iba
B. ibaon sa lupa
C. ipamigay
D. itabi at i-recycle

_____7. Bukod sa muling paggamit sa patapong basura, ano pa ang pakinabang nito?
A. maaring ibenta at makadagdag sa pangangailangan
B. maaring makapagpaganda ng kapaligiran
C. A at B
D. wala sa nabanggit
_____8. Alin ang wasto?
A. pagtatapon ng basura pag walang nakakakita
B. pagsunog ng basura
C. pag-iwan ng basura sa kalsada
D. pagtapon ng basura sa tamang oras at tapunan
_____9. Dapat bang ipagmalaki ang magandang kaugalian ng Pilipino?
A. oo B. hindi C. siguro D. hindi ko alam
_____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang kaugalian ng mga Pilipino?
A. magalang B. matulungin C. maka Diyos D. makasarili
_____11. Paano natin maipadadama ang pagmamahal sa kapwa?
A. pagtulong sa mahihirap
B. huwag pansinin ang kapitbahay
C. pabayaan ang kaaway
D. mamuhay mag-isa
_____12. Ang sabay-sabay ng pagbuhat ng kubo, pamimigay ng libreng gamot,
pagpapakain ng libre sa mga biktima ng kalamidad ay mga halimbawa ng ____.
A. bayanihan B. brigada C. clean-up drive D. Sama-sama
_____13. Sinusunod mo ang tamang tagubilin ng mga nakakatanda sa pamilya, anong
kaugaliang Pilipino mayroon ka?
A. magalang B. masunurin C. maawain D. matapat
_____14. Ang mga tagubilin ng mga nakakatanda sa pamilya ay dapat __________.
A. iwasan B. pahalagahan C. kalimutan D. ipasa sa iba
_____15. Paano tayo makakatulong sa mga namumuno ng ating pamayanan?
A. Sumunod sa tagubilin ng mga namumuno sa ating pamayanan.
B. Makinig sa utos ng mga namumuno sa ating pamayanan.
C. Makipagtulungan sa mga namumuno sa ating pamayanan.
D. Lahat ng nabanggit
_____16. Alin sa mga sumusunod ang tuntunin sa pamayanan?
A. pumunta sa mataong lugar
B. maglaro sa kalsada
C. magkalat ng basura
D. maglinis sa kapaligiran
_____17. Anong mangyayari sa atin kung hindi tayo susunod sa mga tuntunin ng
pamayanan?
A. mapapahamak tayo
B. magiging malakas tayo
C. magiging tahimik ang buhay
D. Mananalo tayo

_____18. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nasa mataong lugar?
A. makipagsiksikan
B. makipagtulakan
C. magsuot ng face mask
D. Makipagkuwentuhan
_____19. Gaano kadalas tayo dapat maghugas ng kamay sa isang araw?
A. maraming beses
B. dalawang beses
C. isang beses
D. hindi kailangan
_____20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong kilos at gawi sa
pangangalaga ng sariling kaligtasan?
A. pagbabad sa computer games
B. paglalaro sa lansangan
C. panonood ng computer games hanggang magdamag
D. pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan tungkol sa Covid-19
_____21. Mayroong programang Tree Planting sa inyong barangay. Ano ang gagawin
mo?
A. Hahayaan ko lang sila
B. Hindi ako dadalo
C. Lalahok ako
D. Wala akong pakialam
_____22. Ano ang dapat gawin ng isang batang tulad mo sa mga proyektong
ipinatutupad ng inyong pamayanan?
A. Balewalain ko ito
B. Susundin ko ito
C. Magbulag-bulagan ako
D. Ayaw kong makialam
_____23. Ano ang mabuting maidudulot ng pakikilahok sa proyekto ng inyong
pamayanan?
A. Magiging mayabang ako
B. Magiging malinis at ligtas ang ating pamayanan
C. Magiging magulo ito
D. Masisira ang samahan ng bawat isa
_____24. Ito ay ilaw trapiko na tumutukoy na dapat hihinto ang mga sasakyan.
A. Asul B. pula C. dilaw D. berde
_____25. Si Ana ay lilipat sa kabila ng kalsada. Saan siya dapat tatawid?
A. Pedestrian lane
B. tatakbo sa gitna ng kalsada
C. sasakay ng dyip
D. wala sa nabanggit

_____26. Ang larawang ito ay nangangahulugan na____


A. paparada dito
B. bawal pumarada dito
C. pedestrian lane
D. bawal bumusina
_____27. Si Jose ay nagmamaneho ng kotse. Tumunog ang kanyang celpon. Ano ang
gagawin niya?
A. sasagutin ang tumatawag
B. hihinto sa gilid ng kalsada at sagutin ang tumatawag
C. itapon ang celpon
D. wala sa nabanggit
_____28. Sasakay si Eliam ng dyip. Saan siya dapat pumara ng dyip?
A. sa harap ng pedestrian lane
B . sa gitna ng kalsada
C. papara kahit saan niya gusto
D. sa tamang sakayan
_____29. Anong kondisyon nang panahon na may kasamang malakas na ulan, kulog,
kidlat at may matinding ihip ng hangin?
A. buhawi B. El Niño C. bagyo D. La Niña
_____30. Anong karaniwang ginagawa kapag mayroong isinasagawang Earthquake
Drill?
A. duck, cover, and hold
B. magtago sa ilalim ng punongkahoy
C. tatawa at maglalaro sa silid-aralan
D. tatakbo sa labas

You might also like