You are on page 1of 16

CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN

TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES


AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Learning Area Filipino


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)
School Tanauan School of Fisheries Grade Level Grade 9
Teacher RYAN P. PALMARIA Learning Area Filipino (JHS)
LESSON
EXEMPLAR Teaching Date Marso 20 - 24, 2023 Quarter Ikatlong Markahan
Teaching Time No. of Days 4 araw
(see PIVOT 4A BOW for the number of
days)

I. Layunin Sa wakas ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Mauunawaan ang nilalaman ng akda.
b. Matutukoy ang katangian ng tauhan sa kwento
c. Mabibigyang kahulugan ang mga kilos, gawi at karakter ng mga
tauhan
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga piling akdang
Pangnilalaman tradisyonal ng Silangang Asya
B. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita sa
Pagganap pagiging Asyano
C. Most Essential Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa kaniyang kilos, gawi at
Learning karakter
Competencies (MELC) F9PB-IIIf-53
D. Enabling Gumamit ng iba’t ibang teknik upang mapalawak ang mensahe ng
Competencies akda sa pamamagitan ng pag- aanalisa sa napanood o
(If available, write napakinggang kwento.
the attached
enabling
competencies)
II. NILALAMAN Pagpapakahulugan sa Kilos, Gawi at karakter ng Tauhan
“Alamat ng Buhangin” ni Sheryll M. Rocero
III. MGA
MAPAGKUKUNAN
NG PAGKATUTO
A. Sanggunian Filipino 9, LEAP Quarter 3
Google. Com images
Mga Gabay na Filipino 9, LEAP Quarter 3
Pahina ng Guro
Mga Kagamitang Filipino 9 Quarter 3 Learning Packets
Pang-mag- aaral
Karagdagang https://www.spot.ph/arts-culture/64581/10-funniest-comic-strips-from-libreng-komiks
https://www.youtube.com/watch?v=dT00xm6jX4c
Kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=IT4-dyX1zpA

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Pinagkunang Batayan https://www.youtube.com/watch?v=ae5ExGlh51g


https://www.youtube.com/watch?v=5cx1k5mtRsI
https://www.youtube.com/watch?v=lCWd2N67gFU
IV. Mga Pamamaraan
Panalangin
Pagbati
Pagpapaayos ng silid-aralan
Pagsusuri ng Liban sa Klase
Kumustahan
A.Panimula
Balik-aral
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang linggo? Ako po Ginoo.
Sige Sofia, ano ang iyong kasagutan? Pagkakasunod-
sunod po ng
Mahusay! Ito nga ay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
pangyayari sa kwento kwento.
Paano nalalaman ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kwento? (tataas ang
kamay ng mga
mag-aaral)
Sige nga Levin, sabihin mo ang iyong kasagutan!
Sa
Magaling! pamamagitan
po ng mga
hudyat na
ginagamit sa
pagkakasunod-
sunod ng mga
Magbigay nga ng halimbawa ng mga hudyat na pangyayari.
ginagamit sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kwento?
Halimbawa po
Mahusay! ay “Una,
Ikalawa, Ikatlo,
Ikaw Jenny ano pa ang maibibigay mong ang panghuli”
halimbawa?
Mahusay! Mga araw po,
halimbawa po
ay “Lunes,
Unang Gawain Martes
hanggang
Tayo ay dadako na sa panibagong aralin, at bago Linggo” po

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

tayo dumako sa panibagong aralin ay may ipapakita


akong komiks na naglalaman ng usapan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Basahin at suriin ang kartun sa ibaba.
Ilarawan ang dalawang tauhan batay sa kanilang
usapan.
Test the Marites

Tungkol saan ang kanilang mga naging usapan?


Magaling!
Tungkol po sa
Sino ang mga tauhan sa komiks? pagtatanong ng
presyo
Tama! Ang kostumer
Ano naman kaya ang katangian na ipinakita ng po at ang
dalawang tauhan? Tindera

Ang kostumer
po ay may
pagkamakulit at
hindi
nakakaunawa.
Para naman po
Bakit mo masasabing makulit ang kostumer? sa Tindera ay

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

may maikling
pasenya po.
Dahil po siya ay
Mahusay! Tama ang inyong mga naging kasagutan paulit-ulit ng
sa katangian ng dalawang tauhan pagtatanong

Ikalawang Gawain

May ipapakita akong bidyo na may kaunayan


sa ating aralin.

Vice shares the "Alamat ng Chismosa" | Tawag ng


Tanghalan
https://www.youtube.com/watch?v=dT00xm6jX4c

Tungkol saan ang napag-usapan?

Vice shares a story about the legend of Divisoria | Tungkol po sa


Tawag ng Tanghalan pinagmulan ng
https://www.youtube.com/watch?v=IT4-dyX1zpA isang chismosa

Tungkol saan ang napag-usapan?

Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? Tungkol po


kung paano
nabuo ang
Mahusay! salitang
divisoria
Vice shares the legend of the banana | Tawag ng
Tanghalan Si Divi po at si
https://www.youtube.com/watch? Chekchek
v=ae5ExGlh51g

Tungkol saan ang napag-usapan?

Tungkol po sa

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

kung paano
nabuo ang
salitang Saging
Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?

Tama! Ang
pangunahing
tauhan po ay si
Sasa, si Aging at
Sa paglalahat ng mga napanood, tungkol saan ang kanilang
mga magulang
ang mga ito?
Tungkol po ito
sa mga
Tama! pinagmulan ng
isang bagay.
Ano ang tawag sa pinagmulan ng isang bagay,
pook o mga pangyayari?

Ano nga ba ang Alamat?

Ang alamat ay ang mga haka-hakang


kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang
bayan. Mga haka hakang, palapalagay tungkol sa
pinang-galingan ng isang bayan. Ang alamat ay
mga kwentong bayan na isinasalin sa bawat
henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga
alamat ay kapupulutang ng mga aral. Ang mga
kwentong ito ay nagsasalamin ng ating kultura.

Ang isang alamat na kadalasang mga


kathang isip ay nagpasalin-salin sa iba’t ibang
panahon at henerasyon buhat sa ating mga
ninuno, ngunit masasalamin pa rin ang
katangian ng tauhan batay sa pananalita,
pagkilos na isinasaad sa kuwento. Nabibigay
kahulugan ang kilos, gawi at pananalita ng mga
tauhan o impresyon hinggil sa mga ikinikilos ng
mga tauhan sa akda.

Mga Kwentong Alamat Sa Pilipinas

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Ang mga alamat ay mga palapalagay na


kwentong bayan na nagsasabi tungkol sa
pinanggalingan ng isang lugar, bagay, tao. Ang
mga sumusunod ay ang mga kwentong alamat sa
pilipinas:

Alamat Ng Saging - Kwentong bayan tungkol sa


pinagmulan ng saging

Alamat Ng Pinya- ang pangunahing bida rito ay si


pina, na kinalaunan ay naging pinya

Alamat Ng Makahiya - Kwentong bayan tungkol


sa pinagmulan ng halaman na makahiya

Alamat Ng Luha - Eto ay kwento ni luwalhati, na


siyang pinagmulan ng luha

Alamat Ni Maria makiling- Ang kwentong ito ay


tungkol sa dalagang si maria makiling na siyang
pinagmulan ng bundok ng maria makiling

Alamat Ng Karagatan- Ang kwentong ito ay


patungkol sa bathala ng tubigan na si
amansinaya.

Alamat Ng Aso - Kwento na nagsasabi tungkol sa


pinagmulan ng aso. Ang mga pangunahing bida
dito ay si Roque at ang kanyang pamilya

Alamat Ng Bahaghari - Kwentong bayan na


patungkol sa hindi pagkakasundo sunod nina
Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at
Lila, na siyang pangunahing bahagi ng bahaghari

Pagtukoy sa mga Katangian ng Tauhan

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Ang isang tauhan sa akda ay nailalarawan sa


pamamagitan ng pag- unawa kung ano ang
kaniyang ikinilos, paano siya nagsasalita at
maging ang reaksiyon niya sa mga sitwasyon sa
kuwento. May iba’t ibang paraan ang isang
manunulat sa pagpapalutang ng katangian ng
isang tauhan.
Kadalasan, ang mga tauhan ay inilalarawan
sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-uri.
Kung minsan, ang katangian ay inilalahad ng
may-akda batay sa gampanin nito sa kuwento.
Kaya mahalaga na nabibigyang- kahulugan
natin ang kilos, gawi at karakter ng tauhan
upang matukoy ang kaniyang katangian

Mga halimbawa ng katangian ng tauhan:

1.Mabait
2.Matapat
3.Magalang
4.Masunurin
5.Marunong rumespeto
6.Marunong makaintindi
7.Madaling pakisamahan
8.Maalahanin
9.Responsableng tao
10. Magalang
B.Pagpapaunlad Ikatlong Gawain

Basahin o panoorin ang Akdang “Ang Alamat ng


Buhangin” ni Sheryll M. Rocero na nagmula sa
bansang Turkey

“Ang Alamat ng Buhangin”


ni Sheryll M. Rocero

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Noong unang panahon may isang magandang


dilag na nagngangalang Beha. Siya ay maputi,
balinkinitan ang katawan at may mahabang buhok na
nakatira sa dalampasigang Bingan. Ulila na siya sa
magulang kaya mag-isang
namumuhay doon.
Isang araw habang siya'y nangunguha ng
prutas na saging, may dumating na isang pandigmang
barko, nang di ano-ano'y may isang lalaking matipuno
na nagtataglay ng dugong banyaga. Habang nag
oobserba siya sa paligid napansin ng lalaki ang isang
maliit na kubo at agad siyang nagtungo roon upang
magtanong kung ano o saang lugar siya napadpad.
Habang naglalakad ang lalaki patungo sa kubo nakita
niya si Beha na nangunguha ng saging sa tabi ng
kubo, siya'y nangusap. Nagulat na lamang si Beha sa
lalaking iyon at agad tumakbo paloob ng kubo.
Nagtaka at natawa na lamang ang lalaki sa inasal ni
Beha kaya sinundan na lamang niya ito sa munting
kubo. Marahan siyangkumatok at
nagsalita..."Binibini, maaari bang magtanong?
"Unti-unting binuksan ni Beha ang pinto at
sumagot, "Ginoo, nagtatanong ka na hindi ba!?..."Sino
ka at bakit parang ngayon lamang kita nakita sa
islang ito?" "Magtatanong lamang sana ako binibini
kung nasaang lugar na ba ako naroroon?""Ah.....
Ganoon ba..""Ako si Tonio ang kapitan ng barkong
iyon, ako ay isang manlalakbay mula sa bansang
Europa."
"Ngunit paano nangyari iyon, isa kang manlalakbay
pero 'di mo man lang alam kung
naasan ka?"
"Nung ako'y nasa kalagitnaan ng pasipiko hindi
ko inasahang may darating na malakas na bagyo,
winasak nito ang mapang aking gamit pati na rin ang
kompas na panukat sa direksyong aking tinatahak"
" Marahil ikaw nga ay nawawala Ginoong Tonio.
Ah ako nga pala si Beha" "'Di mo man lang ba ako
papasukin Binibining Beha?" "Pasensiya
na..."Pinapasok ni Beha si Tonio sa kanyang munting

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

tahanan. Marami silang napag usapan tungkol sa


mga ekspedisyon at paglalakbay nito sa iba't ibang
bahagi ng mundo, Marami ring nalaman si Tonio kay
Beha at sa isla kung saan siya napadpad. Dumating
ang oras ng pag- alis ni Tonio, upang magbigay ng
ulat sa hari tungkol sa mga natuklasan niya sa loob
ng halos anim na buwan niyang paglalayag.
Nagpaalam na siya kay Beha at ipainagpatuloy ang
paglalayag patungo sa kaniyang destinasyon. Sa
kaunting oras ng paglagi ni Tonio, nadama ni Beha
ang kakaibang pakiramdam, tila nga ba siya'y
nahulog na sa manlalayag ng minsang lang napadpad
sa kaniyang lugar.
Buwan ang lumipas, patuloy na umaasa si
Beha na muli niyang makikita si Tonio, at hindi siya
nabigo. Buwan ng Mayo sa huling araw ng tag-sibol
ay may dumaong sa mabatong dalampasigan ng
Bingan at tila pamilyar ito kay Beha.Pagkababa pa
lamang ni Tonio sa barko ay napatakbo si Beha sa
pagkagalak masilayan ulit si Tonio. Napayakap si
Beha sa kanya na siyang ikinagulat ni Tonio..."Oh,
Beha ganyan ka ba
kasabik na makita ako?" gulat at pabirong sabi ni
Tonio kay Beha "Paumanhin, nabigla lamang ako,
matagal na rin mula ng huli kitang nakita". "Ako rin
Beha masaya ako na muli kitang makita, naaalala mo
pa ba noong unang akong mapadpad dito, nakatuwa
ang iyong mga inasal at oras na tayo'y masayang nag-
uusap, tila ba
nahulog na ata ako sayo Beha, nagbalik lamang ako
upang maihayag ko ang nararamdaman ko sayo
Beha"
"Ha... Mukhang ganoon na rin ata ako sayo
Tonio..."Lumalim nang lumalim ang ugnayan ng
dalawa hangggang sa nagkapalagayan na nga sila ng
loob... Ang akala ni Beha ay mananatili na si Tonio
ngunit kinakailangan pa ulit bumalik ni Tonio sa
Europa. Nangako siya kay Beha ns siya'y babalik
makalipas lamang ang tatlong buwan upang ito'y
pakasalan at magkasamang maglalakbay.

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Naghintay nang naghintay si Beha sa mabatong


dalampasigan,lumipas na ang
tatlo,apat,limang buwan hanggang umabot na sa taon
ang kaniyang paghihintay, ngunit ni anino ni Tonio ay
di na nagpakita, unti-unting nalungkot sa Beha sa
ginawa ni Tonio ang kaisa-isang lalaking kanyang
minahal ng higit pa sa kanyang sarili ay di
tumupad sa mga pangakong kanyang binitawan. Ang
kaniyang kalungkutan ay napalitan ng tampo at galit,
sinumpa niya Tonio habang hawak ang mga bato sa
dalampasigang kung saan unang sumibol ang
pagmamahalang nawalan na ng saysay. Lumipas ang
panahon na hindi na muling nasilayan si Beha sa
masaganang isla kung saan siya namuhay. Kapansin-
pansin na ang dating mabatong dalampasigan, ay
napapaligiran na ng mga maliliit at pinong bato na
kalauna'y tinawag na buhangin. Gayunpaman
pinaniniwaalan nila di dahil sa galit ni Beha kay Tonio
kaya naging maliit ang bato kundi tanda ito na kahit
hindi na muling nagpakita si Tonio ang pagmamahal
ni Beha ay hindi magbabago."Kung ikaw man ay
magbalik
sa hinaharap makita mo sana ang mgamaliliit na
batong ito na tanda ng aking wagas na pagmamahal
tulad ng mga bituin sa langit na wagas na
nagniningning para sa’yo at sindami rin ng mga tala
na patuloy na mag-aabang sa'yong muling pagbabalik
aking nag-iisang Tonio”. Beha at Tonio

https://www.youtube.com/watch?v=lCWd2N67gFU
Sa dalampasigan
Mga Gabay ng Tanong: ng Bingan po.
Kung saan
1. Sino ang mga tauhan sa alamat? naninirahan si
Tama! Beha at sa hindi
inaasahang
2. Saan ang tagpuan ng binasang akda? Ilarawan. pangyayari ay
napadpad si
Tonio.

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Maaaring ito ay
may
katotohanan sa
Magaling! pagkat may
naninirahan
3. Ang mga pangyayari ba sa akda ay talaga sa isla o
makatotohanan o hindi? Patunayan. dalampasigan.

Masasalamin sa
alamat ang
Mahusay! kultura ng
bansang Turkey
4. Ipaliwanag kung paano masasalamin ang dahil makikita
kultura ng Turkey sa alamat. sa kilos at gawi
nila kung paano
ang pamumuhay
at pagtanggap
nila sa bisita.

Ipinakita ng may
Tumpak! akda ang kilos,
gawi at karakter
5. Paano ipinakita ng may-akda ang kilos, gawi at ng tauhan sa
karakter ng mga tauhan? alamat sa
pamamagitan ng
pagbibigay ng
emosyon,
personalidad at
dayalogo sa
kanila.
C.Pakikipagpalihan
Tayo ay dadako naman sa Pangkatang Gawain

Pangkatang Gawain

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Bibigyan ang bawat grupo ng gawain at matapos


gawin ito ay magkakaroon ng presentasyon ang
bawat grupo sa harap ng klase

Para sa pagbuo ng puntos ng bawat pangkat ay


narito ang pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka

Paglalahad ng Nilalaman -10 puntos


Presentasyon -6 puntos
Kooperasyon ng grupo -4 puntos
Kabuuan -20 puntos

Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng 10


minuto upang matapos ang Gawain.

https://www.youtube.com/watch?
v=5cx1k5mtRsI
Pangkat Isa
Graphic organizer

Isalaysay ang mga naging kaganapan sa Akdang


nabasa o napanood gamit ang Graphic organizer
Wakas
Simula

Gitna

Pamagat ng Akda

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

Pangkat Dalawa
Skit

Bumuo ng isang skit o eksena na nagpapakita ng


mga katangian ng mga tauhan

Pangkat Tatlo
Komiks

Lumikha ng komiks na naglalaman ng mga


dayalogo dapat ito ay nagpapakita ng katangian
ng tauhan

Pangkat Apat
Balita

Gamit ang Balita, ibabalita ang mga naging


kaganapan daloy sa nabasa o napanood na akda.
D.Asimilasyon A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
kaugnay nito. Titik lamang ang isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Nagtatanim sa bakuran ang nanay ni Daniel. Sagot


Kailangan niya ng tulong ng anak. Sumagot ito,
1.D
“Mamaya na ‘yan, naglalaro pa nga ako ng Mobile 2.B
Legends.” Anong salita ang maglalarawan kay 3.B
Daniel bilang isang anak? 4.D
5.A
6.C
A. masunurin C. makulit 7A
B. mapagparaya D. tamad 8.D
9.B
10.A
2. Nabalitaan ni Mario na makatatanggap ang
kaniyang pamilya ng ayuda dahil kabilang sila sa

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

tinatawag na poorest of the poor. Hindi na siya


gumawa ng paraan para kumita. “Tutulungan
naman tayo ng gobyerno.” Anong uri ng
mamamayan si Mario?

A. masinop C. reklamador
B. palaasa D. responsable

3. Nakikipaglaro si Paul sa kaniyang kaibigang si


Julius. Napansin ni Julius na sabik na sabik sa
laruan ang kaibigan. Bago umuwi, ibinigay niya
ang ilan niyang laruan sa kaibigan at sinabi, “Sa
iyo na ‘yan kasi marami pa naman akong laruan
dito, pahiramin mo ang mga kapatid mo ha.” Alin
sa mga sumusunod ang maglalarawan kay Julius
batay sa kaniyang ikinilos?

A. maaalalahanin C. Mayabang
B. mapagbigay D. mayaman

4. Umalis ang nanay at tatay ni Donnah upang


magtinda ng isda. Dumating ang mga kaibigan
niya at niyaya siyang maglaro. “Pasensya na,
walang titingin sa mga kapatid ko,” tugon nito.
Paano mo ilalarawan si Donnah?

A. maingat C. mapagmahal
B. mapagpabaya D. responsable

5. Napansin ni Bb. Rose ang pagbaba ng marka


ng kaniyang mag-aaral na si Carlo. Nababahala
siya dahil hindi niya makontak ang mga
magulang nito. “Kailangan ko na siyang
puntahan sa kaniyang bahay mamaya para
naman malaman ko kung paano ko siya
matutulungan.” Bilang isang guro, anong

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

katangian ang ipinakita ni Bb. Rose?

A. maalalahanin C. matapat
B. masayahin D. masungit

6. Nangusap ang lalaki ngunit nagulat si Beha at


agad napatakbo papasok ng kubo. Nagtaka at
natawa ang lalaki sa inasal ni Beha kaya
sinundan na lamang niya ito sa kubo. Marahan
siyang kumatok at nagsalita. Anong karakter ang
ipinakita ni Beha?

A. mahiyain C. matatakutin
B. mailap sa tao D. mataray

7. Ang dahilan ng ginawang pagyakap ni Beha


kay Tonio sa pagdating nito ay

A. pag-aalala C. pagkasabik
B. pagkagalak D. pagmamahal

8. Nagbalik ako upang sabihin sa ‘yo ang aking


nararamdaman. Ako ay nahulog na sa iyo, Beha.”
Anong karakter ni Tonio ang kaniyang
ipinamalas.

A. agresibo C. mapagmahal
B. mambobola D. pagiging tapat

9. Dahil sa pag-amin ng kanilang


nararamdaman, lumalim ang kanilang ugnayan,
nangako sa isat isa, naghintay sa pagbabalik
hanggang lumipas ang maraming taon. Ang
ipinakita ni Beha ay pagiging_________

A. mapagmahal C. palaasa

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES
AMBULONG, TANAUAN CITY, BATANGAS

B. matiyaga D. tapat

10. Ang hindi pagtupad sa pangakong pagbabalik


ni Tonio ay nagpamalas ng kaniyang pagiging
_________

A. duwag C. manloloko
B. iresponsable D. sinungaling
Repleksyon PANUTO: Ang mag-aaral ay isusulat sa sagutang papel
ang kaniyang natutuhan mula sa aralin gamit ang mga
gabay sa ibaba:

Naunawaan ko na___________________
Napagtanto ko na___________________
Kailangan ko pang malaman na_____________________

V. Kasunduan Humanap ng isang alamat at alamin ang mga


kilos,gawin at karakter ng mga tauhan.Isulat ito sa
isang buong papel

Inihanda: Iniwasto:

RYAN P. PALMARIA SOLEDAD H. NARVAEZ


Practice Teacher, BSEd-Filipino Cooperating Teacher

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109

You might also like