You are on page 1of 12

CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN

TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Learning Area Filipino


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)
School Tanauan School of Grade Level Grade 7
LESSON Fisheries
EXEMPLA Teacher Marilou A. de Lima Learning Filipino (JHS)
R Area
Teaching Date Ika- 28 ng Abril 2023 Quarter Ikaapat na
Markahan
1 day
Teaching Time 9:00-10:00 am No. of Days
I. Layunin Sa wakas ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang kahulugan at katangian ng korido batay sa
napanuod na bidyo.
b. napag-uugnay-ugnay ang mga kahulugan at katangian ng korido.
c. napapahalagahan at naisasabuhay ang mga kahalagahan ng pag-
aaral ng Ibong Adarna sa kasalukuyang panahon.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang
Pangnilalaman isang obra mestra sa Panitikang Pilipino
B. Pamantayang Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang
Pagganap saknong ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
C. Most Essential Naibibigay ang kahulugan at katangian ng Korido, Naibabahagi ang
Learning Competencies sariling ideya tungkol sa pag-aaral ng Ibong Adarna F7PT-IVa-b-18
(MELC) F7PSIVa-b-18
II. NILALAMAN Korido at ang Kahalagahan ng Ibong Adarna
III. MGA
MAPAGKUKUNAN NG
PAGKATUTO
A. Sanggunian
Mga Gabay na Pahina Pivot 4A – Learners Materials Filipino 7
ng Guro
Mga Kagamitang Pang- Pivot 4A – Learners Materials Filipino 7
mag- aaral
Karagdagang
Kagamitan mula sa
Pinagkunang Batayan
IV. Mga Pamamaraan
Panalangin
Pagbati
Pagpapaayos ng silid-aralan
Pagsusuri ng Liban sa Klase
Kumustahan

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

A.Panimula
Balik-aral

Natatandaan nyo pa ba ang ating huling tinalakay?


Opo maam
Tungkol saan ito?
Katangian at
Elemento ng
Mito, Alamat at
kuwentong Bayan
po maam
Magaling!
Magbigay nga ng Elemento ng Mito,Alamat at Kuwentong
Bayan?
Panimulang,
Pangyayari,Papat
aas na
pangyayari,
Kasukdulan po
maam
Mahusay!
Bukod sa tatlong nabanggit may natitira pang dalawa,
sino ang maaring sumagot?
Pababang
pangyayari at
Resolusyon po
maam.
Magaling!
Ibigay nyo naman ang katangian ng Alamat?
Fantasy,Tradisyo
n at Kasaysayan
po maam.
Mahusay!
Magbigay ng dalawang Katangian ng Mito?
May mga hindi
ordinaryong
karakter at
mayroong
kakaibang
daigdig po maam.

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Magaling!
Ano naman ang katangian ng Kuwentong Bayan?
Pasalindila po at
may gintong aral
po maam.
Magagaling!
Natatandaan at nauunawaan nyo mabuti ang tungkol sa
Katangian at Elemento ng Mito, Alamat at kuwentong
Bayan.
Ngunit bago tayo dumako sa ating bagong tatalakayin ay
magkakaroon muna tayo ng ispeling kumuha ng isang
kapat ng papel at lagyan ng bilang isa hanggang sampu.

1. serpyenteng
2. korido
3. makapangyarihang
4. dugong bughaw
5. maharlika
6. kababalaghan
7. katapangan
8. pag-aalay
9. himig
10. pamilya

1. serpyenteng
2. korido
3.
makapangyariha
ng
4. dugong
bughaw
5. maharlika
6. kababalaghan
7. katapangan
8. pag-aalay
9. himig
10. pamilya
Dumako na tayo sa panibago nating tatalakayin at may
inihanda ako gawain.

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Unang Gawain
“MATHalino “

May ipapakita ako addition,subtraction at multiplication


problems ngunit may kasama itong pangungusap na
aalamin nyo ang kahulugan na may mga diin sa
pangungusap ang sagot sa mga problems ay makikita
nyo sa mga ibon at ang mga diin na kahulugan na salita
ay makikita sa kwaderno. Narito ang ang inyong mga
sasagutan.
1. 9+7= Ang kanyang kapatid ay lubos na hinahangaan
ng ibang tao sa larangan ng Basketbal.
2. 10+12= Ang pangalan niya sa paaralan ay mabunying
Don Juan.
3. 5+6-2= Si Joana ay kabiyak ng puso ni Pedro.
4. 14+9= Sa pagliyag nagkaroon sila ng tatlong anak.
5. 10x2= Ang pagsasalita niya sa kanyang kaibigan ay
malumanay
6. 19+7= May serpyenteng nakita sa kanilang likuran.
7. 18+9= Sa kandili ng kanyang ina ay lumaki siya ng
may takot sa Diyos.

22 27 16

9 23 20

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

26

1. 16 iniidolo
2. 22 kilala
3. 9 asawa
4. 23 pag-ibig
5. 20 mahinahon
6. 26 ahas
7. 27 pag-aalaga
Magaling!
Ngayon ang mga salitang may diin ay may kaugnayan sa
ating susunod na gawain para lubos nyo itong
maintindihan.

Ikalawang Gawain
May ipapanood ako sa inyong bidyo unawain mabuti ang
mga ito at pagmasdan ang bidyo at sagutin ang aking
hinandang mga katanungan

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Mga gabay na tanong


1. Paano mo maiilarawan ang korido batay sa
taludturan?
2. Paano mo maiilarawan ang korido batay sa sukat?
3. Paano mo maiilarawan ang korido batay sa paksa
nito?
4. Paano mo maiilarawan ang korido batay sa katangian
ng mga tauhan nito?
5. Para sa iyo may mabuti bang maidudulot ang
Sagot
pagbabasa ng isang korido at bakit?
1. 4 na taludtod
2. walong pantig
3. Kababalaghan
4. Dugong
Bughaw o mga
Prinsipe at
Prinsesa
5. Mayroon po
maam dahil po
ang pagbabasa po
ng korido ay may
mga aral na
maari po natin
magamit sa ating
buhay.
( Tatalakayin ng guro ang mga kasagutan )

Ngayon ay mas nadagdagan pa ang inyong kaalaman


tungkol sa ating tatalakayin ngayong araw . Dumako na
tayo sa ating tatalakayan
Handa na ba ang lahat makinig?

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Opo maam.
B.Pagpapaunlad Ikatlong Gawain .

Ang korido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol


sa katapangan,kabayanihan, kababalaghan at mga
kagilas-gilas na pangyayari. Ang mga akdang ito ay
kapupulutan ng aral at butil ng karunungan.
-Ito ay isang popular na pasalaysay na awit at
panulaan na isa ring uri ng ballad. Isang uri ng
panitikang Pilipino na nakuha ang impluwensya mula
sa Espanyol. Hango sa salitang kastila na “Correr” na
ang ibig sabihin ay dumadaloy. Mula rin sa salitang
Indo- European na “ Curere” ibig sabihin ay pinag-
ugatan.

Ang Ibong Adarna ay kilalang korido na napabantog


at naibigang basahin ng mga Pilipino noong panahon
ng mga kastila. Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa
tulang romansa. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay
tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang mga maharlikang tao ang nagsisiganap.

Katangian ng Korido

1. Nagsisimula ito sa panalangin o pag-aalay.


Halimbawa:
Oh Dios Amang maalam
Haring makapangyarihan
Labi’t dila ko’y tulungan
Sa aking ipagsaysay
2. Ang istuktura nito ay binubuo ng apat na taludtod
na nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa;
Isang saknong mula sa tula:
1. Sa/pig/ha/ting/ di /ma/i/sip – walong pantig
2. ng/ pu/so/ ni/ya/ at dib/dib – walong pantig
3. ang/ hi/ni/nga/ ay/ nag/si/kip – walong pantig
4. na/nga/pos / na’t/ di/u/mi/mik – walong pantig
3. Karaniwang tumatalakay ang paksa nito sa
pakikipagsapalaran, pag-iibigan at pananampalataya.

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Oh Dios Amang maalam


Haring makapangyarihan
Labi’t dila ko’y tulungan
Sa aking ipagsaysay

Mana’y sa marinig ito


sa boses na panagano
gumagapang ang abang tao
sa Granada napatungo
5
Oh kasi ko’t aking sinta
Poon kong Dona Maria
Ngayon kaya’y nasaan ka’t
tiniis mong nag-iisa
4. Ang mga tauhan ay karaniwang nagmula sa
dugong bughaw gaya ng mga prinsipe at prinsesa.
5. Ang mga pangyayari ay nagpapakita ng
kababalaghan na hindi maaring mangyari sa tunay na
buhay. May mga tauhan ding nagtataglay ng mga
kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsagawa na kababalaghan o Mahika na hindi
kayang gawin ng pangkaraniwang tao.
6. Ang himig o pagbigkas nito ay mabilis na tinatawag
na allegro dahil maikli ang mga taludtod.
Ang mga halimbawa nito ay ang Ibong
Adarna,Kabayong Tabla, Ang Dama Ines, Prinsipe
Florinio at Pinagdaanang Buhay ng Prinsipe Don Juan
sa Reino ng Valencia at ng Prinsesa Dona Maria sa
kaharian ng Asturias.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna

1. pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa


Poong Maykapal
2. mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng
pamilya
3. mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa
magulang
4. paggalang sa nakakatanda

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

5. pagtulong sa nangangailangan
6. pagtanaw ng utang na loob
7. pagkakaroon ng tibay ng loob sa pagharap sa mga
pagsubok sa buhay

“ Punan mo ang aking pagkukulang”

Katangian ng Korido
Pakikipagsapalaran
Panalangin o pag-aalay
Walong pantig sa bawat taludtod
Mabilis/allegro
Pag-iibigan
pananampalataya
kababalaghan
dugong bughaw

C.Pakikipagpalihan Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.


Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Narito ang
gagawin ng bawat pangkat

Pangkat Isa ( Tawag ng Musika )


Pumili ng isang kanta o awit na tungkol sa pag-ibig

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Pangkat Dalawa ( Broadcasting )


Gumawa ng balita tungkol sa kabayanihan ng
mga Pulis, Doktor, Nurse at iba pang naglilingkod sa
ating bansa.

Pangkat Tatlo ( Fliptop )


Gumawa ng mga bars line na nagpapakita ng
kahalagahan ng pag-aaaral ng Ibong Adarna sa
kasalukuyang panahon

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

Pamantayan sa Pagmamarka

Paglalahad ng Nilalaman sa nakaatas na Gawain


-10 puntos
Presentasyon -6 puntos
Kooperasyon ng grupo -4 puntos
Kabuuan -20 puntos

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto, maari


na kayong magsimula.

http://youtu.be/KAHPK313P21
D.Asimilasyon Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ilan ang sukat ng pantig ng koridong Ibong Adarna sa


bawat taludtod ?
a. 12 pantig b. 8 pantig c. 9 pantig d. 10 pantig
2. Paano binabasa ang korido?
a. Paawit b. Pasigaw c. Patula d. Mabilis
3. Ano ang himig ng Ibong Adarna?
a. adante b. allegro c.alegra d. pasentro
4.Karaniwang tumatalakay ang paksa nito maliban sa:
a. pakikipagsapalaran c. pananampalataya
b. pag-iibigan d. Katatawanan
5. Ang karaniwang mga tauhan sa isang korido na katulad
ng Ibong Adarna ay_________.
a. Mga Diwata c. ordinaryong nilalang
b.Prinsipe at Prinsesa d. Diyos at Diyosa
Repleksyon Panuto: Buuin ang mga pahayag sa ibaba upang lahatin

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109
CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN
TANAUAN SCHOOL OF FISHERIES

ang natutuhan mo sa aralin at mga komento/suhestiyon


upang lalong mapaunlad ang pagkatuto.

Natutunan ko na ________________________________.

Mahalaga na ____________________________________.

Isasabuhay ko ang mga


___________________________________________________________
_____.
V. Takdang- Basahin ang Ibong Adarna.
Aralin

Inihanda:

Marilou A. de Lima
Practice Teacher, BSEd-Filipino

Iniwasto:

RESSA DELLOSA BAON


Cooperating Teacher

Address: Ambulong, Tanauan City, Batangas


Telephone No.: (043) 455-2109

You might also like