You are on page 1of 10

School BAYUGAN NATIONAL Grade 12

COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL Level


Teacher Learning FILIPINO
JENNIFER G. DORUELO
Area
Teaching Dates and Time Quarter FOURTH
MY DAILY LESSON
PLAN ARAW ORAS BAITANG AT SEKSYON

I. LAYUNIN

A. Pamantayang a. Ang mga mag-aaral ay nasusuri ang kahulugan at katuturan ng Lakbay-Sanaysay.


Pangnilalaman b. Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulatin.

B. Pamantayan sa Nakabubuo ng isang lakbay-sanaysay na nagdodokumento sa mga karanasan sa paglalakbay.


Pagganap

Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


C. Kasanayang
a. nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-
Pampagkatuto
0p-r-94)

Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nasusuri ang kahulugan at kaligiran ng lakbay-sanaysay;


b. naisa-isa ang mga dahilan at gabay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay;
c. naiuugnay sa totoong buhay ang mga kaisipang nasipat sa mga teksto;
D. Layunin d. nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin; (CS_FA11/12PU-
0p-r-94) at
e. nakabubuo ng isang lakbay-sanaysay na nagdodokumento sa mga karanasan sa
buhay.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Patilledo, J.(2018).Lakbay Sanaysay. Course Hero. Retrieve from:


A. Sanggunian https://www.coursehero.com/file/48651865/LAKBAY-SANAYSAYpptx/

Yunit 3: Filipino sa Piling Larang

B. Kagamitan laptop, wifi, speaker, fact sheets, bidyo, mga larawan, metacards, at tsarts

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

1.Pang-araw-araw na
Gawain

a. Panalangin Bago natin pormal na simulan ang ating talakayan


ngayong araw, mangyaring tumayo para sa ating
panalangin na pangungunahan ni Bb.______________.

b. Pagbati Magandang araw sa lahat! Isa na namang bagong


araw, para sa bagong pagkatuto. Ako si Bb. Jennifer
Doruelo ang inyong guro sa hapong ito. Ang tanging nais
ko ay makita ang mga matatamis na ngiti ng mga mata ng
Arrehnius na magsisitapos na.
c. Pagtsek ng
Atendans
May liban ba sa klase ngayong araw?
Wala po, ma’am!

Ako’y nagagalak dahil walang liban ngayong araw


kaya bigyan ng “Dionisia Clap!” ang inyong mga sarili. (123,123, beri gud, beri gud, beri
gud)
d.Pagbibigay ng
Pamantayan

Alam naman natin klas na ang pag-iipon ay


napakahalaga sa panahon ngayon, lalo na’t panahon ng
pandemya. Kaya naman, pansinin ninyo ang ating
“Alkansiya”. Ito ay sasalamin sa inyong pag-uugali at
performans sa loob ng klase. Huhulugan ko ng pera ang
inyong mga alkansiya kung ang kapangkat ninyo ay
aktibong lalahok sa talakayan. Sa mga gawain, kapag kayo
ang panalo ay magkakaroon kayo ng isang daan (100),
kapag hindi naman ay otsyenta (80) lamang. Ngunit kapag
nakita kong hindi kayo sumunod sa health and safety
protocols (pagsuot ng facemask at social distancing) , at
maingay ay babawasan ko ang inyong ipon.

Kayo ay papangkatin batay sa kulay ng inyong


sasakyan.
Opo!
Maliwanag ba?
Aha! aha!
Kung maliwanag ay maaari ba ninyong sabihin ang
katagang “Aha! Aha!” habang tinataas ang puso na nasa
inyong upuan.
e. Balik-Aral

Sa araw na ito ay mayroon tayong mga bisita. Sila


ay sina Nobeta at Doraemon. Nais nilang humingi ng
tulong sa inyo dahil sa kanilang paglalakbay ay nasira ang
kanilang time machine. Ito ay nagkahiwa-hiwalay at
napunta sa iba’t ibang panig ng Agusan del Sur. Nais
nilang tulungan ninyo silang lakbayin ang Agusan del sur at
kunin ang mga bahagi nito. Ngunit hindi ito magiging
madali dahil mayroon kayong hamon na haharapin sa
paglalakbay bago makuha ang mga bahagi .
Pansinin ang mapang ito. Dito matatagpuan ang
bahagi ng Time machine nina Doraemon at Nobeta.

Handa na po!

Opo, ma’am!
Handa na ba kayong tulungan sina Nobeta at
Doraemon at maglakbay sa Agusan del Sur?

(Kakanta ng linya ng Tara lets!)

Una nating lakbayin ang Lungsod ng Bayugan.


Ang hamon dito ay kunin ang mga bayong na nasa dyip
bago natin magamit sa susunod na destinasyon. Upang
makuha ang mga bayong ay kinakailangang masagot ang
mga katanungan tungkol sa “Nakalarawang Sanaysay” na
tinalakay noong nakaraang tagpo.
Aha! Aha!
Maliwanag ba, klas?

1. Ano ang pagkakaiba ng nakalarawang-sanaysay


Ang pagkakaiba ng Nakalarawang
sa isang karaniwang sanaysay? Sanaysay sa tradisyonal na
sanaysay ay ang estilo nito sa
pagpresenta ng istorya kung saan
ito ay gumagamit ng mga
larawan.

2. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa


paggawa ng nakalarawang-sanaysay? Dahil ito ang magbibigay ng
mensahe sa mga mambabasa.
Dito rin mababanaag ang istorya
ng sanaysay.
Magaling! Mahihinuha sa inyong mga sagot na
talagang naunawaan na ninyo ang ating paksa noong
nakaraang tagpo. Kaya makukuha na ninyo ang unang
bahagi ng Time Machine at lalagyan natin ang inyong
alkasnsiya ng pera.

Handa na ba kayo sa ating susunod na paglalakbay?


Handa na po!

B. Mga Yugto ng Pagkatuto

1. Tuklasin

a. Pagganyak Lakbayin naman natin ang Bayan ng Prosperidad.


Upang makuha ang ikalawang bahagi ng time machine ay
kinakailangan ninyong gunitain ang inyong mga karanasan
sa paglalakbay bago ang pandemya.
Kaugnay nito ay mayroong ipapakitang larawan sa
Instagram. Ang gagawin ninyo ay magbabahagi kayo ng
inyong karanasan mula rito. Itaas lamang ang heart
reaction o puso kung pupusan ninyo dahil nasiyahan kayo
rito, share naman kung nais ninyong ibahagi ito sa inyong
kaklase na gustong magkomento at comment naman kung
nais ninyong magbigay ng opinyon mula rito.

Maliwanag ba, klas? Aha! Aha!!

Sa tingin ko’y handa na kayo, kaya magsimula na


tayo!

Mga larawan:
1. Bega Falls (pagbabahagi ng mag-aaral)

2. Capitol Ground
(pagbabahagi ng mag-aaral)
(pagbabahagi ng mag-aaral)
3. Agusan Marsh

Maganda po ang mga tanawin,


nakasasabik puntahan!

Sa kabuuan, ano ang masasabi ninyo sa bayan ng


Prosperidad?

Mahusay! Isang pagbati mula sa amin nina


Doreamon at Nobeta dahil napagtagumpayan ninyo ang
gawaing ito. Dahil nagawa ninyo ang ikalawang hamon ay
makukuha na ninyo ang ikalawang bahagi ng time
2. Linangin machine at malalagyan na rin ang inyong alkansiya. Ang pagkakapareho po ay kami’y
a. Paglalahad nagbahagi ng aming mga
karanasan sa paglalakbay.
Sa tingin ninyo, ano kaya ang pagkakapareho ng
mga ginawa ninyo na binatay sa larawan ipinakita kanina
sa gawain?

Alam niyo ba na ang inyong ginawang


pagbabahagi batay sa larawan ay may malaki at malalim Ako po!
na kaugnayan sa paksang ating tatalakayin n gayong araw.

Sino sa inyo rito ang mahilig maglakbay?

Pareho tayo, kaya naman tatalakayin natin


b.Pagtatalakay ngayong araw ay tungkol sa: Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay.

Sa puntong ito, dadako na naman tayo sa


Bunawan, Agusan del Sur. Katatandaan ang Bunawan ay
dating tinirhan ni Lolong, ang pinakamalaking buwaya sa
boung mundo.

Nais nilang makagawa kayo ng mapa ng kaalaman o


organaysir na makukuha sa iba’t ibang parte sa Bayan ng
Bunawan. Kinakailangang mapagtagumpayan ninyo ang
hamong ito upang makuha ang bahagi ng time machine.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng


kaparehong sipi. Ang maswerteng mabibigyan ng papel o
metacards ay siyang magiging kalihim na magbabahagi ng
kanyang ideya’t naunawaan mula sa teksto sa
pamamagitan ng paggawa ng isang organaysir. Pipili rin
ako ng representante sa bawat pangkat na siyang mag-
uulat. Pagkatapos ay ipaskil ito sa pisara. Bibigyan ko
lamang kayo ng apat na minuto upang tahimik na basahin
ang nakaatas na sipi at gumawa ng organaysir.

Tandaan na huwag ninyong labagin ang safety Aha! Aha!


protocols at manatiling nakaupo sa inyong upuan hanggat
hindi kayo ang nakaatas na mag-uulat.

Maliwanag ba?

UNANG PANGKAT

Ano ang Lakbay-Sanaysay?


Ito ay tinatawag na travel essay o
travelogue sa ingles. Bahagi ito ng mas malawak
na kategorya ng travel literature. Bukod sa
pagiging popular, isa rin itong anyo ng pagsusulat
na maaaring maging propesyon o hanapbuhay. Sa
mundong pinapatatakbo ng paglalakbay at
turismo, mahalaga ang mga anyo ng lakbay-
sanaysay tulad ng mga travel guide at travel article
upang ipakilala at itaguyod ang isang lugar para sa
mga manlalakbay o sa mga permanente nitong
residente.
Ang lakbay-sanaysay ay kadalasang
naglalaman at nagtatala ng mga karanasan ng
may-akda sa paglalakbay, pagsasaliksik, at
pagtuklas ng isang lugar.
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa
karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.
Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang
mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit
ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa,
pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang
tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa
paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin,
maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol
sa mga karanasang di kanais-nais o hindi
nagustuhan ng manunulat sa kanyang
paglalakbay.

PANGALAWANG PANGKAT

Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-


sanaysay?

Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang


artikulong The Art of the Travel Essay, ang isang
mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat
makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon
kundi ng matinding pagnanais na maglakbay.
Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-
sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa
ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar
bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.

Ang lakbay-sanaysay ay maaaring


pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar.
Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali,
o tradisyon ng mga mamamayan sa isang
partikular na komunidad.

Maaari ring maging paksa ng lakbay-


sanaysay ang kasaysayan ng lugar at kakaibang
mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri
ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at iba
pa.
Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at
paghahambing sa mga lugar upang malinang ang
wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula
sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-
pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-
tanggap o hindi katanggap-tanggap, at kapuri-puri
o hindi kapuri-puri.

PANGATLONG PANGKAT

Mga dahilan sa pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay

May apat na dahilan sa pagsusulat ng anyong ito:

1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumite sa


pagsusulat;
2. Upang makalikha ng patnubay para sa mga
posibleng manlalakbay;
3. Upang itala ang pansariling kasaysayan sa
paglalakbay tulad ng pag-unlad ng espiritwalidad,
pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili; at
4. Upang idokumento ang kasaysayan, kultura, at
heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.

PANG-APAT NA PANGKAT

Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay:

 Bago magtungo sa lugar na balak mong


puntahan ay dapat magsaliksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang
kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon.
Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang
Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
 Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay,
lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang
isip, palakasin ang internal at external na
pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.
 Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang
datos na dapat isulat.
 Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag
gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat
ang katotohanan sapagkat higit na madali
itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing elemento.
 Gamitin ang unang panauhang punto de bista
at isaalang-alang ang organisasyon ng
sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal
na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim na pag-unawa sa mga
ideyang isusulat.
 Gamitin ang kapangyarihan ng paglalarawan
sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
 Pumili ng anggulong isusulat. Tinatawag itong
delimitasyon sa pagsulat ng pananaliksik.
 Huwag maglakbay bilang isang turista.
Maglakbay bilang isang manlalakbay o lokal
ng isang particular na lugar upang ganap na
makilala ang paligid.
 Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng
mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

(Pag-uulat ng mga mag-aaral)

Maraming salamat! Dahil diyan ay maaari na niyong


kunin ang ikatlong bahagi ng time machine. Sa puntong ito,
tanging nais ko’y bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng
“Pak Bet, Clap” sapagkat komprehensibo ninyong nailahad
ang inyong nagawang mapa ng kaalaman mula sa teksto.
Magbibigay din ako ng isang daan (100) sa bawat grupo na
nagtamo ng bahagi ng time machine.

Upang mas maintindihan pa ang lakbay-sanaysay ay narito


ang halimbawa. Tunghayan ninyo nang Mabuti dahil may
gagawin tayong aktibiti pagkatapos.

Aha! Aha!

https://www.youtube.com/watch?v=KSySZT8nfds

Klas, nagustuhan n’yo ba ang halimbawang


lakbay-sanaysay?

3. Pagnilayan

a. Pagpapalalim Sa puntong ito ay lalakbayin naman natin ang


Bayan ng Talacogon. Upang makuha ninyo ang bahagi na
time machine ay kinakailangang bumili kayo ng mga bagay
na ibinibenta sa Talacogon, Agusan del Sur.

Sa bulsa ni Doraemon ay may mga aytem na may


katumbas na tanong upang mabili at mapasaiyo ang mga
ito ay sabihin lamang ang “mine at kod”. Pagkatapos na
maubos ang mga aytem ay mapasakamay niyo na ang
bahagi ng time machine.

Tatawagin natin ang gawaing ito na “Makinig! Makinig!


Heto na! Mine n’yo na!”

Panubaybay na Tanong:

Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


lakbay-sanaysay sa ibang sanaysay?
(Mine payong) Mine payong! Ang kanilang
pagkakatulad ay parehas may
isinasalaysay na kwento o
impormasyon sa mga nangyaring
sitwasyon at mga kaganapan sa
lipunan. Ang pagkakaiba naman
nila ay ang porma o paraan ng
pagku-kuwento. Ang larawang
sanaysay ay nagke-kwento sa
pamamagitan ng mga litrato na
kung saan dapat sunod sunod ito,
habang ang lakbay sanaysay
naman ay nagku-kuwento sa
pamamagitan ng salita at kung
ano ang nangyari sa byahe ng
indibidwal.

Mine salakot! Ito ay pumaksa sa


Saan patungkol ang lakbay-sanaysay na ating kagandahan ng Dinagat Island
napanood? kung saan ipinasilip sa atin ang
(Mine salakot) mga magagandang tanawin.

Mine eye shades! Ang mga


Ano-ano kaya ang mga layunin ng may-akda dahilan nito ay upang itaguyod
sa pagsulat ng ating halimbawang Lakbay- ang isang lugar at kumite sa
Sanaysay? pagsusulat ay upang makalikha
(Mine eye shades) ng patnubay para sa mga
posibleng manlalakbay. Upang
itala ang pansariling kasaysayan
sa paglalakbay at upang
idokumento ang kasaysayan,
kultura, at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan

Paano inilahad ng mananaysay ang akda


upang matamo ang kanyang layunin? Mine surfing board! Sa pagsulat
(Mine Basket) nito, kikailangan na gamitin ang
mga pandama ating paglalarawan
sa pamamagitan ng paningin,
pakiramdam, panlasa, pang-
amoy, at pandinig. Sa pamaraang
ito tayo ay nagiging malikhain
tayo. Dagdag pa,
nangangailangan ang sulating ito
ng malinaw na pagkaunawa at
perspektiba tungkol sa naranasan
habang naglalakbay.

Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang


paggawa ng Lakbay-Sanaysay sa pagsulat ng Nililinang nito ang pagiging
mga akda? manlalakbay natin kung saan
kinakailngan na hindi lang tayo tila
isang turista bagkus talagang
manlalakbay.

Sa iba naman, paano ito nakatutulong? Nakatutulong ito sa iba, dahil sa


pamamagitan ng paggawa ng
lakbay-sanaysay ay naitatala
natin ang ating mga karanasan na
maaaring mabalik-balikan sa
paglipas ng panahon.
Nakatutulong ito sa ibang
manlalakbay upang maging
batayan bago puntahan ang isang
lugar at maging sa probinsya
sapagkat magsisilbi itong
lundayan ng pagpapakilala ng
lugar na tatawag ng atensiyon ng
turista.

Magaling! Ako’y lubos na natutuwa sapagkat batay


sa inyong mga kasagutan mahihinuhang kayo’y lubos na
natuto sa ating talakayan. Kaya bigyan natin ng “Wow, Wow! Galling! Wow, wow! Galing,
Galing Clap” ang inyong mga sarili! galing!Wow!

Dahil “wow na wow” ang inyong mga kasagutan ay


lalagyan ko ng pera ang alkansiya ng bawat pangkat.

Sa puntong ito ay makukuha na ninyo ang bahagi ng


time machine nina Nobeta at Doraemon.
Para sa huling paglalakbay ay pupunta tayo sa Bayan
ng Esperanza. Ang hamon dito ay isulat ninyo ang inyong
mga karanasan na hindi niyo malilimutan sa paglalakbay
bilang alaala na babaonin ninyo habang buhay. Dapat
isaalang-alang ang mga natutunan sa talakayan. Tandaan
na ito’y maikling Lakbay-Sanaysay lamang na may
panimula, katawan at pangwakas na bahagi. Lagyan ng
mainam na pamagat ang inyong nagawang akda.

4. ILIPAT

a. Pagtataya Opo, ma’am


Maliwanag ba, klas?
“ulahlah”
Kung maliwanag maaari ba ninyong sabihin ang katagang
“ulahlah”

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto sa


paggawa nito. Para magabayan kayo sa inyong gagawin
ay narito ang GRASPS:

GRASPS

Goal Nakabubuo ng isang Lakbay-Sanaysay


Role Manunulat, blogger
Audience Mga guro at kapwa mag-aaral
Situation “Buwan ng Wika”
Product Lakbay-Sanaysay
Standard Ang inyong ginawa ay mamarkahan batay sa
mga sumusunod:

Nilalaman ---------------------------------------------- 10
Pagkamalikhain ------------------------------------- 5
Wastong gamit ng wika -------------------------- 5
KABUUAN --------------------------------------------- 20

Rubriks

Pamantayan Lubos na Naip Di-Gaanong


Naipamala amal Naipamalas
s as
Nilalaman 10 7 5
Pagkamalikhain 5 4 3
Wastong gamit ng 5 4 3
wika

(Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral na magbabahagi ng kanyang nagawa at ibahagi ang
kanyang nagawa.)

Magaling talagang ninamnam ninyo ang mga karanasan sa paglalakbay gayundin ang
mga aral na nakuha mula rito. Dahil diyan ay makukuha na ninyo ang huling bahagi ng time
machine at dadagdagan ko ang inyong ipon.

Natapos na ninyo ang mga hamon! Ako’y nasisiyahan sapagkat bilang Agsurnon
pinatunayan ninyong tayo ay matulungin. Upang makauwi na ang ating panauhin, maaari ba
ninyong ayusin ang mga bahagi na nakuha ninyo sa inyong paglalakbay sa Agusan del Sur.
IV. TAKDANG-ARALIN

Bago tuluyang umalis ang ating panauhin ay mayroon silang Takdang-aralin para sa inyo.

Panuto: Gumawa ng isang bidyo tungkol sa inyong nagawang lakbay-sanaysay. Pagkatapos ay


ipost ito sa social media. Ipasa lamang ang link ng inyong nagawang bidyo. Sundan ang rubriks
sa ibaba bilang panuntunan.

Pamantayan Lubos na Naipamalas Di-masyadong


Naipamalas Naipamalas

Nilalaman 5 3 1

Wastong gamit ng 5 3 1
mga salita

Pagkamalikhain 5 3 1

Dahil natapos na ninyong tulungan sina Nobeta at Doraemon ay maari na tayong


bumalik sa Lungsod ng Bayugan. Ang perang naipon ninyo sa inyong alkansiya ay magsisilbi
ninyong pamasahe sa pag-uwi. Bilangin natin ang inyong naipon.
Maligayang pagbabalik sa inyong tahanan.Bago tayo tuluyang umuwi byaheros ay
mayroon akong iiwang mga kataga “Kung ang pag-iipon ay pinupuno ang ating bulsa, ang
paglalakbay naman ay binubusog ang ating kaluluwa!”. Dito nagtatapos ang ating pagtuklas at
paglalakbay. Hanggang sa muli! Maraming salamat at maligayang pagkatuto!

Jennifer G. Doruelo
Nagsasanay

Gladys T. Manzanas
Tagapagsanay

You might also like