You are on page 1of 14

CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.

Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines


College of education
School Year 2022-2023

MASUSING BANGHAY-ARALIN PARA SA PAKITANG-TURO


I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga elemento ng maikling kuwento.
b. Naipapahayag ng mga mag-aaral ang saloobin sa maikling kuwentong sandaang damit
sa pamamagitan ng pagsasagawa ng bidyu message kontra diskriminasyon.
c. Nakagagawa ng storyladder tungkol sa maikling kuwentong napanood.

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Paksa: Maikling Kuwento
b. Mga Sanggunian: Salazar Lucera et al. (1995). Panitikan ng Pilipinas. Katha Publishing
Co. Inc. Quezon City
c. Mga Kagamitan: Google Meet, Laptop, PowerPoint Presentation, Google Classroom,
Mga Larawan at Bidyu, Google Form, Messenger at Facebook

III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Mga Panimulang Gawain


1. Panalangin
Magandang araw mga minamahal kong Diyos Ama, hindi po magiging madali
mag-aaral ng ikapitong baitang. Bago tayo para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo
magsimula sa ating talakayan sa araw na ito sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na
ay tinatawagan ko si bb. Maria upang mag-aaral upang malinang ang aming isipan at
pangunahan ang pambungad na panalangin. maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na
itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang
aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat
na katiyagaan upang maihatid sa mga
estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro.
Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak
at Espiritu Santo. Amen.
Maraming salamat bb. Maria. Ngayon Hesus sa krus, ika’y namatay
naman ay susundan ito ng ating Nabuhay muli para mundo’y iligtas
pampasiglang sayaw upang magising ang Kasalanan ko ay patawarin mo
ating diwa. Maging panginoon, kaibigan ko…

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

2. Pagbati
Isang mainit na tanghali mga minamahal Magandang tanghali rin po Sir!
kong mag-aaral. Sana gising pa ang inyong
diwa.

3. Pagtatala ng mga lumiban at di-


lumiban
Bago natin umpisahan ang ating talakayan Ikinagagalak ko pong sabihin na wala
sa araw na ito ay nais kong malaman sa pong lumiban sa klase Sir.
kalihim ng klase kung may lumiban ba?
Magaling kung ganon. Dahil walang Clap! Clap! Clap!
lumiban ngayong araw na ito bigyan natin ang
ating sarili ng virtual clap.

B. Pagbabalik-aral
Naalala niyo pa ba kung tungkol saan ang Opo Sir! Tungkol po sa dula seryeng-
huling tinalakay natin kahapon? pantelebisiyon.
Magaling kung ganun! Ngayon upang Opo Sir!
matiyak ko na naalala niyo pa ang ating huling
tinalakay, hihiramin muna natin ang time
machine ni Doraemon upang makabalik tayo
sa nakaraan. At ating gagawin ay
pinamagatang hularawan.
Ngayon sino sa inyo ang makapagbibigay Ang dula seryeng-pantelebisyon ay
ng kahulugan ng Dula Seryeng- binubuo ng mga gumagalaw na larawan at tunog
Pantelebisyon? G. Juan. Magaling G. Juan. na lumilikha ng kapaligiran na malapit sa tunay
na buhay.
Mahusay! Bukod sa binanggit ni G. Juan, Ito po ay nakabatay sa iskrip at
ano pa ang maaring maging kahulugan ng ipinalalabas ito sa telebisyon araw-araw, gabi-
dula seryeng-pantelebisyon? Bb. Joy gabi o kaya lingo-linggo.
Magaling! Ngayon naman ay
magpapakita ako ng mga larawan ng
seryeng-pantelebisyon at tukuyin niyo kung
anong uri ng dula iyon.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Gawain 1: HULARAWAN
Panuto: Magpapakita ang guro ng isang
larawan na may kaugnayan sa nakaraang
talakayan at huhulaan kung anong uri ng dula
seryeng-pantalebisyon ang larawang
ipinakita.

Telenovela – isang uri ng seryeng


pantelebisyon na kung saan umiikot ang kwento
sa buhay ng bida.

Pulis at Imbestigasyon – ito ay ukol sa


pagreresolba ng mga pulis at imbestigador sa
mga nangyayaring krimen.

Komedi-serye – ito ay nakapokus sa


katatawanan.

Fantaserye – kadalasan may elemento ng


pantasya, mahika, ekstraordinaryong
pangyayari o mga kamangha manghang
abilidad.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Reality TV Show – ito ay mga palabas na


susubok sa katatagan, prinsipyo at disiplina ng
mga kalahok.

Magaling at natatandaan niyo pa ang Wala na po Sir!


ating huling pinag-aralan. Mayroon pa ba
kayong katanungan tungkol sa dula?
Dahil wala ng katanungan bigyan niyo 1,2,3,1,2,3 biri good biri good!
ang inyong sarili ng Aling Dionisia clap.
Napakahusay at dahil napatunayan
kong naaalala niyo pa ang ating pinag-aralan
ay ibabalik na natin ang time machine ni
Doraemon upang makapag umpisa na tayo
sa ating susunod na tatalakaying paksa.

C. Pagganyak
Bago tayo pormal na magsimula sa
ating talakayan, mayroon akong ipapakita sa
inyong mga larawan at tutukuyin ninyo ang
pagkakaiba iba ng mga ito.

Gawain 2: ANONG DIFFERENCE?


Panuto: Magpapakita ng mga larawan ng
guro at tutukuyin ng mag-aaral ang
pagkakaiba iba ng mga ito.
Ano ang nakikita niyo sa unang Isa pong lalaking payat at babaing
larawan? mataba.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Tama, isang babaing mataba at isang Isa pong babaing maputi at isang babaing
lalaking payat. Ang sunod na larawan naman. matim.

Mahusay. Ang nasa larawan ay isang Yung unang larawan po ay isang pamilya
babaing maitim at babaing maputi. Ngayon na kakaunti ang kinakain, at yung isa naman po
dumako tayo sa sunod na larawan, ano ang ay mga taong kumakain sa isang mamahaling
nakikita ninyo? kainan.

Mahusay! Ngayon sa panghuling Isa pong lalaking walang pera at isang


larawan naman, ano ang nakikita niyo? lalaking maraming pera.

Magaling! Ang nakikita sa larawan ay


isang lalaking walang pera at isang lalaking
maraming pera.
Sige nga klase. Sa inyong palagay Ito po ay tungkol sa pagkakaiba iba ng
tungkol saan ang mga larawang ipinakita ko mga tao.
sa inyo?
Mahusay! Sa inyong palagay, ano ang Diskriminasyon po.
nagiging bunga ng pagkakaiba iba ng mga
tao?
Mahusay! Ang pagkakaiba iba ng mga
tao ay nagbubunga ng diskriminasyon.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Sa inyong palagay, ano ang Sa tingin ko po ang tatalakayin natin


kaugnayan ng mga larawang ito sa paksang ngayon ay may kinalaman sa diskriminasyon.
tatalakayin natin sa hapong ito?
Magaling! Ang paksang ating
tatalakayin ay may kinalaman sa
diskriminasyon. Ang ating tatalakayin ay
isang uri ng maikling kuwento na
pinamagatang sandaang damit.

D. Paglalahad ng Bagong Aralin


Bago natin talakayin ang maikling Ang maikling kwento po ay tumutukoy sa
kuwentong sandaang damit, alamin muna pangyayaring ating nararanasan na nagbibigay
natin kung ano ang maiklling kuwento at ang ng aral sa bawat isa.
mga elemento nito. Sino sa inyo ang
makapagbibigay ng ideya tungkol sa maikling
kuwento?
Magaling! Tama ang iyong sinabi. Maikling Kuwento – Isang maikling salaysay
Kapagsinabi natin maikling kuwento ito ay, tungkol sa isang mahalagang pangyayaring
pakibasa bb. Angel. kinabibilangan ng isa o ilang tauhan na may
iisang kakintalan o impresyon lamang.
Maraming salamat! Ang maikling kuwento
ay isang maikling salaysay, ibig sabihin
puwedeng puwede mo itong tapusin sa isang
upuan lamang. Hindi gaya ng nobela na
binubuo ng maraming kabanata, ang maikling
kuwento ay binubuo ng ilang pangungusap
lamang.
Edgar Allan Poe (1809-1849)
• “Ama ng Maikling Kuwento”
• Ang maikling kuwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng
guniguni at salagimsim na salig sa
buhay na aktuwal na naganap o
maaring maganap.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Mga Elemento ng Maikling Kuwento


1. Tauhan – Likha ng manunulat ang
kaniyang mga tauhan. May pangunahing
tauhan na sa kanya nakasentro ang mga
pangyayari. May pantulong din na tauhan.
2. Tagpuan/Panahon – Dinadala ng may
akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar, sa
iba’t ibang panahon kung saan at kailan
naganap ang mga pangyayari.
3. Saglit na Kasiglahan – Inihahanda sa
bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan.
4. Suliranin o Tunggalian – Tumutukoy sa
paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kaniya. Ang uri ng
tunggalian ay tao laban sa kalikasan, tao
laban sa sarili, tao laban sa tao at to laban sa
lipunan.
5. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na uri
ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing
tauhan, kung siya ay mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. Kakalasan – Ito ang kinalasan ng
paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
7. Wakas – Dito nalalaman ang
kinahihinatnan ng mga pangyayari kung
malungkot o masaya ang nangyari sa tauhan.

Palalimin pa natin ang inyong kaalaman


tungkol sa maikling kuwento. Mapapanood
natin ngayon ang isang halimbawa ng
maikling kuwento na pinamagatang

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Sandaang Damit na isinulat ni Fanny A.


Garcia.
Pero bago tayo dumako sa kuwentong Para po maintindihan ang mga salitang
ating tatalakayin ay magpayaman muna tayo maririnig/mababasa.
ng ating salasalitaan. Para saan ba ang
talasalitaan?
Mahusay! Para lubos natin maunawaan
ang mga salitang maari nating mapakinggan
sa maikling kuwentong ating tatalakayin.

Gawain 3: Sampayan ng Kasagutan


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga
sallitang may salungguhit batay sa konteksto
ng pangungusap at pagkatapos ay gamitin ito
sa pangungusap. Piliin ang sagot sa
sampayan ng kasagutan.
1. Kapansin-pansin ang kaniyang pagiging 1. KIBO
walang imik.
2. Nakaupo na’y tila ipinagkit. 2. IDINIKIT
3. Mailap ang kaniyang mga mata. 3. MALIKOT NA TINGIN
4. Halos paanas kung magsalita ang batang 4. PABULONG
babae.
5. Damit na punong puno ng sulsi. 5. TAHI

Magaling at alam naninyo ang ibig sabihin Manatiling tamihik po.


ng mga malalalim na salita. Ngayon, bago
tayo manood ano-ano ang mga bagay na
kailangang tandaan kapag tayo ay
nanonood?
Magaling! Manatiling tahimik. Ano pa? Magpokos at intindihin po ang pinanonood.
Magaling! Ngayong alam niyo na ang mga
dapat gawin kapag nanonood ay maari na
tayong magsimula sa ating panonood.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

(Panonooring ng buong klase ang maikling


kuwentong pinamagatang Sandaang Damit
ni Fanny Garcia)
Naunawaan ang tungkol sa maikling Opo Sir!
kuwentomh napanood?
Ngayon ay para mapatunayan kong kayo Ang pangunahing tauhan po sa kuwento
nga ay nanood mayroon akong mga tanong. ay ang batang mahirap.
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Tama! Ang pangunahing tauhan sa Siya po ay malungkot dahil siya po ay
kuwento ay ang batang babae na mahirap. Sa kinukutya ng kaniyang mga kamag-aral.
inyong palagay, ano ang kalagayan ng bata
sa kuwento? Masaya ba siya o malungkot?
Magaling! Ano ang palagay niyong Dahil po ang kaniyang damit ay sira sira
mayroon sa bata at bakit siya kinukutya sa at luma na.
klase?
Mahusay! Dahil ang kaniyang suot na Dahil napikon po siya sa pangungutya ng
damit ay luma na at kaniyang baon ay tinapay kaniyang mga kaklase.
na walang palaman, ‘di gaya ng kaniyang
mga kaklase na masasarap ang mga baon at
may mga, magagandang kasuotan. Batay sa
kuwentong pinanood ninyo, paano nalaman
ng kaniyang mga kaklase ang tungkol sa
kaniyang sandaang damit?
Magaling! Napikon siya sa pangungutya
ng kaniyang mga kaklase kaya niya ibinida
ang tungkol sa kaniyang sandaang damit na
hindi niya puwedeng ipakita sa kaniyang mga
kaklase dahil ayon sa kaniya iniingatan niya
ito na hindi maluma.
Base sa kuwentong ating napanood, bakit Dahil hindi na po pumapasok yung
napagdesisyunan ng kaniyang guro at ng batang babae.
kaniyang mga kaklase na siya ay dalawin?
Napakagaling! Dahil hindi na pumapasok Nagulat po sila.
sa kaniyang klase ang batang babae sa
matagal na panahon na. At ngayon naman,

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

ano ang kanilang reaksiyon nung makita nila


yung bahay ng bata?
Tama, sila ay nagulat dahil ang kaniyang Nakita po nila na nakaratay yung bata.
bahay ay gawa lamang sa tagpitagping kahoy
at ito ay sira-sira. Ngayon naman ano ang
nasaksihan ng kaniyang mga kaklase sa
kaniyang bahay?
Tama! Ang bata ay nakaratay na lamang, Yung sandaang damit po na drawing lang
ibig sabihin ito ay may malalang sakit kaya pala.
hindi na ito pumapasok sa kanilang klase.
Ano pa ang napansin ng kaniyang mga
kamag-aral?
Tama! Nakita yung sandaandang damit na
kaniyang ikinikuwento at ibinibida ay isa
lamang drawing, na kung saan ay nakuha ang
kanilang atensiyon pagpasok pa lamang ng
kanilang bahay.
May tanong pa ba tungkol sa sandaang Wala na po!
damit na ating pinanood?

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

E. Paglalapat
Gawain 4: #stopdiscrimination
Panuto: Base sa maikling kuwentong
napanood, gumawa ng isang bidyu na
layuning makahiyat sa mga manonood na
itigil na ang diskriminasyon. Ipost ito sa fb
page ng Filipino majors na may kapsyon na
#stopdiscrimination. Maaring tumagal ang
bidyung gagawin sa tatlumpong segundo
hanggang isang minuto lamang.

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS


Mensahe Kalinawan ng 25%
pagkakalahad ng
mensaheng nais
iparating.
Paglalahad Tamang paggamit 25%
ng wika.
Pangungumbinsi Ito ay matutukoy sa 25%
mga likes, reactions,
comments at shares
ng mga manonood.
Orihinalidad Matibay na 25%
ebidensiya para sa
mensahe.
100%

Tandaan na mayroon lamang kayong Wala na po!


hanggang 8PM ng gabi upang maipost ang
inyong mga gawain.
May katanungan pa ba kayo tungkol sa
inyong gawain?

F. Paglalahat
Dahil wala ng katanungan ako naman
ngayon ang magtatanong.
Gawain 4: ROLETANUNGAN
Panuto: Babasahin ng guro ang depinisyon
ng elemento ng maikling kuwento at huhulaan
ng taong napili ng roleta kung ano ang
elemento ng maikling kuwento iyon. Kapag

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

hindi alam ang sagot ay maari itong sagutin


ng susunod na pipiliin ng roleta.
Handa na ba kayo? Opo sir!
Kung ganun ay umpisahan na natin.
Paiikutin ko na ang roleta, sino kaya ang
maswerteng mabubunot?
G. Markus. Dinadala ng may akda ang Tagpuan o Panahon po Sir.
mambabasa sa iba’t ibang lugar sa iba’t
ibang panahon kung saan at kailan
naganap ang mga pangyayari. Anong
elemento ng maikling kuwento ito?
Tama! Ngayon ay sino naman ang Suliranin o Tunggalian po Sir!
susunod na mapipili ng ating roleta? Bb. Joy.
Tumutukoy sa paglalabanan ng
pangunahing tauhan at sumasalungat sa
kaniya. Ang uri ng tunggalian ay tao laban
sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban
sa tao at to laban sa lipunan.
Mahusay! Ngayon sino naman ang Kasukdulan po Sir.
maswerteng mapipili ng ating roleta? Bb.
Maria. Ito ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya ay
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas
ng suliranin.
Matalino! Ngayon sino kaya ang pang- Kakalasan po.
apat na sasagot? Bb. Eva. Ito ang kinalasan
ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
Tama! Napahuhusay niyo naman. Ngayon Wakas po Sir.
para sa ating susunod na sasagot. G. Isaac.
Dito nalalaman ang kinahihinatnan ng mga
pangyayari kung malungkot o masaya ang
nangyari sa tauhan.

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

Magaling! Ngayon, G. Mark. Inihahanda Saglit na Kasiglahan po Sir.


sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan.
Magaling, ngayon para sa ating huling Tauhan po Sir.
tanong. G. Lee, sa kanya nakasentro ang
mga pangyayari.
Magaling aking mga mag-aaral. Talaga Clap! Clap! Clap!
nga na kayo ay nakinig sa ating ginawang
talakayan. Bigyan niyo naman ang inyong
sarili ng virtual clap!

IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ng sagot ang bawat tanong. Gumamit ng malalaking titik sa pagsagot. (Google
Form)
Mga Tanong
1. Ama ng maikling kuwento.
2. Sa kaniya nakasentro ang kuwento.
3. Dito nalalaman ang kinahihinatnan ng mga pangyayari kung malungkot o masaya ang
nangyari sa tauhan.
4. Kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang imik.
5. Siya ang may akda ng sandaang damit.
6. Isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinabibilangan ng isa
o ilang tauhan na may iisang kakintalan o impresyon lamang.
7. Ito ang kinalasan ng paglalaban.
8. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya ay
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
9. Halos paanas kung magsalita ang batang babae.
10. Damit na punong puno ng sulsi.

Pagwawasto
1. Edgar Allan Poe
2. Tauhan
3. Wakas
4. Kibo
5. Fanny A. Garcia
6. Mikling Kuwento

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado
CIT COLLEGES OF PANIQUI FOUNDATION, INC.
Burgos St. Pob. Norte, Paniqui, Tarlac – Philippines
College of education
School Year 2022-2023

7. Kakalasan
8. Kasukdulan
9. Pabulong
10. Tahi

V. PAGTATAKDA
TAKDANG ARALIN: Ilahad Mo…Napakinggan Mo
Panuto: Pakinggan o panoorin muli ang maikling kuwentong “sandaang damit”. Sa pagkakataong
ito ay gagamit ka ng story ladder upang maisulat ang mga impormasiyon na hinihingi ng bawat
kahon. Gawin ito sa isang long bond paper.

wakas
kakalasan
Kasukdulan
Suliranin/Tunggalian

Saglit na kasiglaan
panimula

Inihanda ni: AZUELA, Dariel Guevarra


Bilang katuparan sa kahingian sa kursong MAJOR 5 at MAJOR 7
Tagapatnubay: Den Mark Conde Aliado

You might also like