You are on page 1of 6

N orthern Q uezon C ollege, I nc.

Brgy. Comon, Infanta, Quezon


BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

Banghay Aralin sa Matematika 2

Inihanda ni:
Fair C. Simple
Beed-4A
N orthern Q uezon C ollege, I nc.
Brgy. Comon, Infanta, Quezon
BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

I. Layunin

A. Nalalaman ang tamang pagdaragdag ng mga bilang ng walang pagpapangkat.


B. Masiglang nakikiisa at nakikilahok sa mga gawain, at;
C. Nagagamit ito sa pang araw-araw na buhay maging sa tahanan at paaralan sa
pamamagitan ng simpleng pagkukwenta.

II. Paksang Aralin

Paksa: Adding 2-digit numbers with or without zero, without regrouping


Sanggunian: Mathematics for Everyday Use 2 (revised edition textbook) Isabel V.
Castro, Ed.D. Pahina 28-30
K to 12 Curriculum Guide in Elem. Math Grade 2 code M2NS-Ig-27.4
www.youtube.com (Teacher Jenny’s TV I Love Math Song Tagalog Version)
Kagamitan: illustration board, eraser, Visual aids, chalk, blackboard, TV, laptop,
speaker, audio song (I love math song tagalog version), double-sided tape, marker,
popsicle stick, flash card, coins
Pagpapahalaga: pakikipagkapwa at pakikiisa

III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Pagdadasal
2. Pagbati
3. Pagtsetsek kung sino ang liban at di liban
4. Mga paalala/panloob na patakaran

B. Panimulang Gawain
1. Paggaganyak
 Ngayon bago natin simulan ang ating paksang aralin may inihanda
akong awitin.

Alam nyo ba ang awiting “I LOVE MATH SONG”?


N orthern Q uezon C ollege, I nc.
Brgy. Comon, Infanta, Quezon
BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION
MATHEMATICS, MATHEMATICS
KAY SAYANG MATUTO
KAY SARAP MAG-ARAL
MAGLARO’T BUMILANG
I LOVE MATH, I LOVE MATH
(uulitin ng tatlong beses)

2. Balik-aral
 Ang guro ay magtatanong tungkol sa kanilang nagpag-aralan noong
nakaraang araw. Magpapakita ang guro ng larawan (Place Value).
 Magaling, at natatandaan nyo pa ang ating tinalakay kahapon dahil ito
ay may kaugnayan sa paksang aralin nating ngayong araw.

C. Paglinang na Gawain (Activity)


 Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang grupo.
 Bawat pangkat ay may sobre na ibibigay ang guro.
 Pupunta sa unahan ang bawat pangkat upang ipakita kung paano nila
isinagawa ang gawain na ibinigay sa kanila ng guro.

Unang pangkat
Babasahin ang maikling kwento pagkatapos ay sasagutan nila ang tanong na
nakalakip dito. “Si Nena ay binigyan ng kanyang Tatay ng 10 piso, samantalang ang
Nanay naman ni Nena ay 12 piso ang ibinigay sa kanya”. Kapag pinagsama ni Nena
ang pera na ibinigay ng kanyang mga magulang, Magkano ang magiging baon ni
Nena papasok sa paaralan?
N orthern Q uezon C ollege, I nc.
Brgy. Comon, Infanta, Quezon
BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

Tatay ni Nena Nanay ni Nena

10 + 12 = ____
Pangalawang pangkat
Babasahin ang maikling kwento pagkatapos ay sasagutan nila ang tanong na
nakalakip dito. “Kung ang Nanay ni Juan ay binigyan siya ng 16 pesos upang bumili
ng toyo sa tindahan samantalang si Juan ay binigyan pa uli ng 13 pesos ng kanyang
tatay sa pag aakala na hindi pa siya nabibigyan ng pera ng kanyang Nanay”. Kapag
pinagsama ang pera na ibinigay ng kanyang nanay at tatay, magkano ang perang
hawak ni juan papuntang tindahan?

Tatay ni Juan Nanay ni Juan

16 + 13 = ____

D. Pagsusuri (Analysis)

 Ano ang inyong naramdaman habang ginawa natin ang aktibiti?


 Ano ang inyong napansin sa ating akbiti na ginawa?
 Magaling, at ang paksang aralin nating ngayon araw na ito ay
padaragdag/Addition.
N orthern Q uezon C ollege, I nc.
Brgy. Comon, Infanta, Quezon
BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION
 Sa palagay ninyo mahalaga ba na malaman natin ang tamang
pamamaraan ng pagdaragdag?
 Magaling, at upang malaman natin halina at ating tuklasin.

E. Paglalahad (Abstraction)

Pagsasama/Pagdaragdag (Addition) - ito ang tawag sa pagsasama ng mga

pangkat na bagay. Ang mga bilang na pinagsama ay tinatawag na addends. Ang

+ ay simbolo na ginagamit sa pagsasama/pagdaragdag. Ang sagot sa


pagdaragdag ay tinatawag na sum. Ang = ay simbolo na nagpapakita na pareho
ang dami ng dalawang pangkat.

+ (plus) = (equals)

Upang makuha ang sagot o sum sa dalawang pangkat ng mga bilang kailangan ay
magsimula sa kanan papuntang kaliwa. Una ay ang isahan. Pangalawa ay ang
sampuan.

Halimbawa:

1. 37 2. 10 3. 53
+50 +78 +46
87 88 99
sampuan isahan sampuan isahan
sampuan isahan
1 0 5 3
3 7
+ 7 8 + 4 6
+ 5 0
8 8 9 9
8 7

F. Paglalapat (Application)
 Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay
mayroong illustration board, chalk, eraser, at popsicle stick. Bawat
grupo ay may isang kinatawan na magpapakita/magtataas ng kanilang
sagot. Habang ang iba namang miyembro ay siyang magtutulong-
tulong upang bilangin o pagsamahin ang popsicle stick upang makuha
nila ang tamang sagot. Mayroon lamang silang 30 segundo upang
sagutin ang tanong. Ang akitibiting ito ay tatawaging, sagot mo ipakita
mo. Kung sino ang pangkat na may pinakamadaming puntos siya ang
N orthern Q uezon C ollege, I nc.
Brgy. Comon, Infanta, Quezon
BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION
mananalo at makakakuha ng gantimpala. Magpapakita ang guro ng
flash card kung saan nakalagay ang mga pangkat ng bilang na kanilang
sasagutan.

G. Paglalahat
 Ano na nga pagdaragdag o addition?
 Ano na nga ang tinatawag na addends?
 Ano nga ang sum sa pagdaragdag o addition?
 Ano nga ang tawag sa simbolo na nagpapakita na pareho ang dami ng
dalawang pangkat?

H. Pagsubok na Gawain/Pagsasanay
 At ngayon ay susubukan natin na alamin kung may naunawaan ba kayo
sa ating pinag-aralan.

Panuto: Kumuha ng papel at lapis at isulat ang nasa pisara.

1. 45 2. 45 3. 67 4. 45 5. 23
+53 +40 +34 +65 +34

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat at sagutan sa sagutang papel ang mga sumusunod.

1. 56 2. 43 3. 54 4. 34 5. 45
+ 23 + 76 +65 +98 +76

V. Takdang Aralin

Panuto: Sumulat ng iyong karanasan sa ating napag aralan ngayong araw.

You might also like