You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
GUEVARA ELEMENTARY SCHOOL
GUEVARA, LA PAZ TARLAC

MATEMATIKA I
Quarter 2 Week 3
Name of Teacher: MA. REGINA S. GUINTO
Grade: ONE

I. Layunin: Matuto ng mga aralin patungkol sa mga paraan sa paglutas ng mga


suliranin na may kinalaman sa pagdaragdag ng mga bilang kasama na
ang pera.
II. Paksang Aralin: Visualizes and Solves one-step routine and non-routine problems
involving addition of whole numbers including money with sums up to
99 using appropriate problem-solving strategies
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Mathematics 1
Kagamitan: Powerpoint Presentation
III. Pamamaraan:
Panimulang Gawain Kantahin:
MATEMATIKA
(originally composed by: Teacher Redgie)
♫ Matematika ay masaya
Tayo na’t pag-aralan natin siya
Matematika ay masaya
Tayo na’t magbilang
Isa… dalawa… tatlo!

Matematika ay masaya
Tayo na’t pag aralan natin siya
Numero at Iba pa
Tayo na’t magsimula ♫
Tandaan:
1. Basahin at intindihing mabuti ang mga panuto.
2. Panatilihing malinis ang iyong kwaderno.

Address: Guevara, La Paz Tarlac


Cellphone No. 0930-280-2706
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
GUEVARA ELEMENTARY SCHOOL
GUEVARA, LA PAZ TARLAC

Pagsubok Basahin ang bawat suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol
dito at sabihin ang letrang tamang sagot.

Ang Team A ay nakakuha ng 22 puntos sa larong basketball habang


ang Team B naman ay may 44 na puntos. Ilang puntos ang nakuha
ng dalawang pangkat?

1. Ano ang itinatanong sa suliranin?


a. Ang bilang ng puntos ng dalawang pangkat
b. Ang bilang ng puntos ng Team A
c. Ang bilang ng puntos ng Team B
d. Ang bilang ng mga bola

2. Ano ang mathematical operation na gagamitin mo para makuha


ang sagot?
a. Addition c. Multiplication
b. Subtraction d. Division

3. Ano ang pamilang na pangungusap para sa suliranin?


a. 44 – 22 = N c. 44 + N = 22
b. 22 + 44 = N d. 22 + N = 22

Balik Aral Ibigay ang wastong sagot sa pamamagitan ng pagsasama ng mga bilang.
1. Ano ang tamang sagot kapag pinagsama ang bilang na 12 at 5?
2. Ang sagot sa pinagsamang bilang na 14+7 ay ________.
3. 21+6 ay may kabuuan na ____?

Aralin Basahin ang kwento ni Ada:


Inimbitahan ni Ada ang kanyang mga kaibigan para sa kanyang ika-
7 kaarawan. Naghanda si Nanay ng Spaghetti, cake at tinapay. May
8 na lalaki at 7 na babae na dumalo sa pagdiriwang. Ilan lahat ang
bilang ng mga bata na dumalo sa pagdiriwang?

1.Ano ang ibinigay na impormasyon (given)?

Address: Guevara, La Paz Tarlac


Cellphone No. 0930-280-2706
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
GUEVARA ELEMENTARY SCHOOL
GUEVARA, LA PAZ TARLAC

8 na lalaki at 7 na babae ang dumalo sa pagdiriwang.


2. Ano ang itinatanong (asked)?
Itinatanong sa suliranin ang kabuuang bilang ng mga bata na dumalo sa
pagdiriwang.
3. Paano ipakikita ang pamilang na pangungusap (number sentence)
ng suliranin?
8+7=N
4. Sagutin ang pamilang na pangungusap.
8 + 7 = 15
5.Kaya ang kabuuang bilang ng mga batang dumalo sa pagdiriwang
ay:
15

Paglalahat: Tandaan na may proseso sa paglutas ng mga suliranin.

Una: Basahin at unawaing mabuti ang suliranin. Alamin ang ibinibigay


na impormasyon (given) at kung ano ang tinatanong (asked).

Pangalawa: Planuhin ang pamamaraan sa paglutas ng suliranin. Ipakita


ang suliranin sa pamamagitan ng drawing kung kailangan, pagkatapos ay
pamilang na pangungusap (number sentence).

Pangatlo: Isagawa ang plano. Sagutan ang pamilang na pangungusap.

At panghuli: Alamin at tiyakin kung tama ang sagot


Paglalapat Ngayon naman ay lutasin natin ang suliranin gamit ang mga hakbang na
napag aralan.
Bumili si Katrine ng 14 na hiwa ng cake para sa kanyang mga kaibigan.
Bumili si Nanay ng 7 na hiwa ng cake. Inilagay nilang lahat ang hiwa ng
cake sa isang bag na papel. Ilan lahat ang hiwa ng cake?
1.Ano ang ibinigay na impormasyon?
Labinapat at pitong hiwa ng cake.
2.Ano ang itinatanong?
Ang itinatanong ay ilan lahat ang hiwa ng cake.

Address: Guevara, La Paz Tarlac


Cellphone No. 0930-280-2706
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
GUEVARA ELEMENTARY SCHOOL
GUEVARA, LA PAZ TARLAC

3.Anong operation ang gagamitin upang malutas ang suliranin?


Addition ang gagamiting operation sa paglutas ng suliranin.
4.Pamilang na pangungusap?
Ang pamilang na pangungusap ay labingapat dagdagan ng pito ay N o
14 + 7 ay N.
5.Sagot.
Ang sagot ay dalawamput isa.
Pagtataya: Lutasin ang suliranin gamit ang hakbang na napag aralan.
Gumamit si Tita Jelai ng 10 itlog sa pagluluto ng cake. Gumamit rin
siya ng 12 itlog sa pagluluto ng leche flan. Ilan lahat ang ginamit na
itlog ni Tita Jelai?
1. Ano ang impormasyon?
2. Ano ang tinatanong?
3. Anong operasyon ang gagamitin upang malutas ang suliranin?
4. Pamilang na pangungusap?
5. Ano ang sagot?
Takdang-aralin Tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang Tarlac
ay may naitalang dagdag na 51 at ang Pampanga naman ay may
naitalang 46. Ilan lahat ang naitalang dagdag sa bilang ng taong
nagpositibo sa COVID-19 sa dalawang lalawigan?
1. Ano ang impormasyon?
2. Ano ang itinatanong?
3. Anong operasyon ang gagamitin upang malutas ang
suliranin?
4. Pamilang na pangungusap.
5. Sagot.
Panghuling gawain Kantahin natin
PAALAM NA SAYO
♫ Maghanda handa, tayoy uuwi na!
Paalam na sayo…Paalam na sayo! ♫

Inihanda ni:

Address: Guevara, La Paz Tarlac


Cellphone No. 0930-280-2706
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
GUEVARA ELEMENTARY SCHOOL
GUEVARA, LA PAZ TARLAC

MA. REGINA S. GUINTO


Teacher III

Binigyang pansin ni:

VILMA A. JULIANO, EdD


Principal III

Address: Guevara, La Paz Tarlac


Cellphone No. 0930-280-2706

You might also like