You are on page 1of 68

1

Karapatang-ari sa Pilipinas © 2017

ng

FNB Educational, Inc.


(kinakatawan ni Jan Michael F. Balgan)

at nina

Lucila Perez-De Guzman


Fe B. Mangahas
Jerick C. Ferrer

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN

Walang bahagi ng aklat na ito na sakop ng karapatang-ari ang maaaring sipiin


o gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ang may-akda at ang
tagapaglathala.

ISBN 978-971-514-860-3

Published and distributed by

    FNB Educational, Inc.


202 Quirino Highway
Baesa, Quezon City
Tel. nos.: 962-15-23; 962-15-12
Telefax: 961-28-52; 962-15-23
Email: fnb.educational@yahoo.com

2
NILALAMAN

UNANG YUNIT
Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Kabanata I Diwa ng Ekonomiks


Aralin 1 Ekonomiks Bilang Isang Agham Panlipunan 2
Aralin 2 Pagbasa at Paggamit ng Grap sa Pag-aaral ng Ekonomiks 4
Aralin 3 Kasaysayan ng Ekonomiks 6
Aralin 4 Mga Pinagkukunang-Yaman 7

Kabanata II Kilos at Gawi ng Mamimili at ng Bahay-Kalakal


Aralin 5 Pangangailangan at Kagustuhan 10
Aralin 6 Kakapusan at Pagpili 13
Aralin 7 Sistemang Pang-Ekonomiya at Alokasyon 15
Aralin 8 Pagkonsumo 17
Aralin 9 Ang Sambahayan at ang Pagpili Nito 19
Aralin 10 Produksiyon 20
Aralin 11 Kilos o Asal ng Bahay-Kalakal 22

IKALAWANG YUNIT
Pagsusuri ng Ekonomiya

Kabanata III Maykroekonomiks
Aralin 12 Pagsusuri ng Demand 25
Aralin 13 Pagsusuri ng Suplay 27
Aralin 14 Interaksyon ng Demand at Suplay 29
Aralin 15 Pamilihan 31

3
Kabanata IV Makroekonomiks
Aralin 16 Pambansang Ekonomiya at Kita 33
Aralin 17 Pagtatakda ng Pambansang Kita 36
Aralin 18 Implasyon 37
Aralin 19 Patakarang Pananalapi 39
Aralin 20 Patakarang Piskal 41

IKATLONG YUNIT
Mahahalagang Bahagi ng Ekonomiya

Kabanata V Sektor ng Ekonomiya
Aralin 21 Agrikultura 44
Aralin 22 Industriya at Komersiyo 47
Aralin 23 Paglilingkod 49
Aralin 24 Impormal na Sektor 52

IKAAPAT NA YUNIT
Pagbabago Tungo sa Pag-unlad ng Ekonomiya

Kabanata VI Pagbabago Tungo sa Likas-Kayang Kaunlaran
Aralin 25 Kalakalang Panloob 55
Aralin 26 Pandaigdigang Kalakalan 56
Aralin 27 Pagsulong at Pag-unlad 58
Aralin 28 Mga Isyung Pangkaunlaran 60
Aralin 29 Globalisasyon 62
Aralin 30 Mga Organisasyong Pang-Ekonomiya 64

4
Unang Yunit

Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Panimula

Ang ekonomiks, tulad ng ibang sangay ng agham panlipunan, ay gumagamit


ng siyentipikong pamamaraan sa pag-aaral ng lipunan. Mahalaga ang nasabing
pamamaraan sa ekonomiks lalong-lalo na sa paggawa ng mga pagpapasya.
Ang mga desisyon at solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan ay dapat
na nakabatay sa mga datos o impormasyon at hindi sa opinyon at haka-haka
lamang.

Pamantayan sa Pangnilalaman

Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga batayang konsepto


ng ekonomiks at ang aplikasyon ng mga ito sa sariling buhay at sa bansa
gamit ang pamamaraang matematikal upang maging produktibo, mapanuri, at
responsableng mamamayan

Pamantayan sa Pagganap

Nakagagamit ng pamamaraang matematikal sa pag-unawa ng mga batayang


konsepto ng Ekonomiks at sa pagsusuri ng kuwantitatibong datos

1
KABANATA
I Diwa ng Ekonomiks

Aralin 1 Ekonomiks Bilang Isang Agham Panlipunan


I. Layunin
1. Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng Ekonomiks
2. Naisasalaysay ang pinagmulan ng kaisipang Ekonomiks
3. Naiuugnay ang Ekonomiks sa iba’t ibang sangay ng araling panlipunan
4. Nasusuri ang Ekonomiks bilang isang agham panlipunan.
5. Nasusuri ang mga dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang Ekonomiks

II. Panimulang Gawain


1. Magpagupit sa mga mag-aaral ng mga larawan o mga headline sa mga
pahayagan o magasin na may kaugnayan sa ekonomiks. Sa isang
kartolina, magpabuo ng collage gamit ang mga ginupit.
Pamprosesong Tanong
a. Ano ang ipinakikita ng nabuong collage?
b. Batay sa nabuong collage, ano ang inyong naging konsepto o
pagkaunawa hinggil sa Ekonomiks?
c. Sagutan ang Subukin at Sagutin sa p.15 ng inyong batayang aklat.
2. Ibigay ang mga paunang tanong sa ibaba bilang pagganyak.
• Ano ang pag-aaral ng Ekonomiks?
• Bakit mahalaga na pag-aralan ang Ekonomiks?
• Bakit itinuturing na isang agham ang Ekonomiks?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Pangkatin ang klase sa tatlo at ipagawa ang mga sumusunod:
a. Para sa Pangkat 1: Ipatalakay ang mga pangunahing aspekto o
kaisipan sa pagsilang ng Ekonomiks gamit ang events chain.
Ipasulat sa bawat kahon ang mahahalagang kaisipan, aspekto,
pangyayari, o tao sa bawat yugto.
Pagsilang ng Pag-aaral ng Ekonomiks

2
b. Para sa Pangkat 2: Ipatalakay ang kaugnayan ng Ekonomiks sa
iba’t ibang disiplina sa pamamagitan ng matrix o talahanayan.
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba’t Ibang Disiplina

Disiplina Tuon ng Pag-aaral Kaugnayan sa Ekonomiks

c. Para sa Pangkat 3: Gamit ang Venn diagram, magpatalakay ng


paksang may kaugnayan sa Ekonomiks at mga larangan nito.
Halimbawa: Ekonomiks

Bilang Bilang Isang


Isang Agham
Agham Panlipunan

2. Paunlarin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 5–14 ng aklat at magsagawa ng isang
malayang talakayan. Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba
para sa talakayan. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
paglalahat.
Mga gabay na tanong
a. Paano umunlad ang Ekonomiks bilang isang disiplina?
b. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks?
c. Ano ang kaugnayan ng Ekonomiks sa iba’t ibang disiplina?

3. Pagnilayan
Ipabigay ang mga kahulugan o katuturan ng Ekonomiks gamit ang
concept definition map sa ibaba.

Ekonomiks

3
Aralin 2 Pagbasa at Paggamit ng Grap
sa Pag-aaral ng Ekonomiks
I. Layunin
1. Naiisa-isa ang gamit ng grap sa Ekonomiks
2. Nailalahad ang kahalagahan ng paggamit ng grap sa Ekonomiks
3. Nasusuri ang mga datos sa grap
4. Naiuugnay ang matematika at agham sa Ekonomiks

II. Panimulang Gawain


1. Kopyahin ang grap sa ibaba sa pisara o sa Manila paper at ipakita sa
klase. Sabihin: Paano ninyo ginugugol ang isang araw? Ano-ano ang
mga gawaing pinagkakaabalahan ninyo sa loob ng isang araw? Ipakita
ang mga gawaing pinahahalagahan ninyo sa loob ng isang araw sa
pamamagitan ng grap. Mainam ba ang ginawa ninyong paghahati ng
inyong mga gawain? Bakit?

2. Ibigay ang mga paunang tanong sa ibaba bilang pagganyak.


• Paano ipinapaliwanag ng mga ekonomista ang mga konsepto sa
ekonomiks?
• Bakit kailangang gamitan ng mga grapikong representasyon ang
pag-aaral ng ekonomiks?
• Paano nakatutulong sa pag-unawa ng ekonomiks ang mga
kagamitan sa pag-aaral nito?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 18–25 ng batayang aklat at magsagawa ng
isang malayang talakayan. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
paglalahat.

2. Paunlarin
Maghanda ng sipi ng mga grap sa susunod na pahina. Ipatukoy ang uri
ng bawat grap. Ipasulat sa linya ang sagot.
4
100 000
90 000 88 782
80 000
74 146
70 000
60 000
income

55 019
50 000
40 000 41 040
30 000
26 694
20 000
10 000
0 1988 1991 1994 1997 2000
year

5
4
3
2

1
0 2 4 6
0

3. Pagnilayan
a. Ipakita sa pamamagitan ng pie graph kung paano mo binabadyet
ang iyong allowance. Magbigay ng pahayag ukol dito.

b. Ipasagot ang Subukin at Sagutin sa pp. 25–26 ng batayang aklat.

5
Aralin 3 Kasaysayan ng Ekonomiks
I. Layunin
1. Naisasalaysay ang pinagmulan ng kaisipan ng Ekonomiks
2. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan
sa pagtataguyod ng kaunlaran
3. Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga Griyego sa pangu-
nguna sa mga pagtatalo ukol sa kaisipan ng Ekonomiks
4. Nailalahad ang mga pagbabago sa pangkabuhayang gawain ng tao
5. Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Ekonomiks

II. Panimulang Gawain


1. Ibigay ang gawaing ito: Ayusin ang gulo-gulong titik. Isulat sa linya ang
nabuong salita.
T A I R O T E L S
A M A D T H S I M
M T O A S H Q I U A S N A
Y P U L A D I S I O M
2. Ibigay ang mga paunang tanong sa ibaba bilang pagganyak.
• Ano-ano ang mahahalagang pangyayari na nagbigay daan sa pag-
aaral ng Ekonomiks?
• Bakit nagkaroon ng pag-aaral ng Ekonomiks?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 29–38 ng aklat at magsagawa ng isang
malayang talakayan. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
paglalahat.

2. Paunlarin
a. Papunan ang graphic organizer ng mga
salitang may kaugnayan sa pagsisimula
ng pag-aaral ng ekonomiks. Pagkatapos,
pag-usapan ang mga salita. Itanong: Ano ekonomiks
ang kaugnay na kaisipan ang maaaring
makatulong upang maunawaan ang mga
salitang inyong ibinigay?
b. Ipasagot ang Subukin at Sagutin sa pp.39–40 ng batayang aklat.

3. Pagnilayan
a. Magpagawa ng isang Flip Book na nagpapakita ng pinagmulan ng
konsepto ng Ekonomiks.
b. Ipabasa ang Balitang Pang-ekonomiya sa p. 41 ng batayang aklat
at pasagutan ang pamprosesong tanong.
6
Aralin 4 Mga Pinagkukunang Yaman
I. Layunin
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pinagkukunang- yaman sa Pilipinas
2. Naiisa-isa ang mga likas na yaman ng bansa
3. Nakagagawa ng isang economic map
4. Natatalakay ang mga salik na nagtatakda sa lubusang paggamit ng
mga pinagkukunang yaman
5. Natataya ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa ekonomiya ng
bansa
6. Nasusuri ang mga suliraning may kinalaman sa pagmamay-ari at
paggamit ng pinagkukunang yaman
7. Naipakikita ang wastong paggamit at konserbasyon ng likas na yaman
8. Nakapagbibigay ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga likas na
yaman
9. Natutukoy ang mga paraan kung paano matitipid ang kayamanan
upang lalo itong mapakinabangan

II. Panimulang Gawain


1. Maghanda ng mga larawan ng bundok, puno, dagat, ilog, gubat, bukirin,
kompyuter, kotse, ginto, tanso, at gusali at iba pang katulad. Ipaskil ang
mga larawan sa pisara. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapangkat
ng mga larawan. Maaari silang mapangkat sa paraang tulad sa ibaba.

A B C D E

Bundok puno dagat kompyuter Ginto


bukirin gubat ilog kotse tanson
gusali

Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang mga bagay na inyong tinukoy?


Ano ang gamit ng mga ito sa inyong buhay?
Ibigay ang mahalagang tanong na ito: Paano nakaaapekto ang
dami at kalidad ng pinagkukunang-yaman sa pagsulong ng kabuhayan
ng mga mamamayang Pilipino?

2. Ibigay ang mga paunang tanong sa ibaba bilang pagganyak.


• Ano-ano ang pinagkukunang-yaman?
• Bakit mahalaga na pangalagaan ang mga pinagkukunang- yaman?
• Paano masisiguro na ang mga batang ngayon lang isinilang ay may
yaman pang mapapakikinabangan?

7
III. Panlinang ng Aralin
1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 42–63 ng batayang aklat at magsagawa
ng isang malayang talakayan. Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagbuo ng paglalahat.
b. Magpabuo ng matrix na nahahati sa ilang kolum
• Uri
• Halimbawa
• Pinaggagamitan
• Saan Matatagpuan
• Kasalukuyang Kalagayan
• Wastong Gamit at Pangangalaga
Gamit ang mga datos mula sa binasang teksto, papunan ang
matrix. Pagkatapos nito, magsagawa ng malayang talakayan
tungkol sa nabuong matrix.
c. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa p. 64 ng batayang aklat.

2. Paunlarin
Maghanda ng mapang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Ipakita ito sa
mga mag-aaral at ipatukoy ang lokasyon ng mga pinagkukunang- yaman
ng bansa. Maghanda rin ng graph o talahanayan na nagpapakita ng
mga datos at estadistika na may kinalaman sa pinagkukunang-yaman
ng Pilipinas. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapaliwanag ng sagot
sa mga pamprosesong tanong batay sa mga datos at estadistika.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang mga uri ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas?
• Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman
ng Pilipinas?

3. Pagnilayan
a. Ipapanood sa klase ang ilang film clip o documentary film tungkol
sa pinagkukunang yaman tulad ng “Nasaid na Yaman” na maaaring
makita sa YouTube. Pag-usapan pagkatapos. Hayaang magpali-
wanag ang mga mag-aaral ng kani-kanilang kuro-kuro.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang bahaging ginampanan ng mga pinagkukunang-yaman
ng bansa sa kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ng
tao?
• Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang dami at kalidad ng
pinagkukunang-yaman ng bansa?
• Bakit may mga bansang kahit kapos sa likas na yaman ay
maunlad pa rin?
8
Maghanda ng kopya ng comic strip ukol sa wastong pagpapahalaga sa
mga pinagkukunang-yaman. Ipasuri sa klase at pag-usapan.

Hoy Earth! Ano ang


nangyari? Bakit ang dami Hindi maganda ang kalagayan
ng butas ng Ozone layer?
ko ngayon. Lumalaki ang mga
butas ng Ozone layer ko.

Kapag hindi ito


naagapan,
good -bye
Paano kung Earth na.
mas lumaki pa
ang mga butas?

Mga Pamprosesong tanong


• Ano kaya ang kahihinatnan ng mundo?
• Bakit humantong sa ganitong kalagayan ang mundo?

c. Atasan ang klase na mangalap ng mga impormasyon ukol sa wastong


pagpapahalaga sa mga pinagkukunang-yaman, o kaya naman ay mag-
imbita sa klase ng isang tagapagsalita mula sa DENR na may awtoridad
sa pangangalaga ng likas na yaman at sa mga batas ukol sa kalikasan.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang layunin ng likas-kayang paggamit?
• Paano nakatutulong ang likas-kayang paggamit at pangangalaga
ng yamang likas?
• Ano ang mga epekto sa tao ng patuloy na pagkasira at pagkaubos
ng yamang likas?
• Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga yamang likas
ng bansa?

4. Ilipat
a. Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang sanaysay ukol sa kung
paano nila pinaghahandaan ang hinaharap bilang bagong kasapi ng
lakas-paggawa ng bansa. Sanihan silang ibigay ang kanilang sariling
pananaw. Sa huli, itimo sa isipan ng mga mag-aaral na mahalaga ang
papel na ginagampanan ng lakas-paggawa sa pagsulong ng ekonomiya
ng bansa.
b. Pasagutan ang pagsasanay sa pp.64–67 ng batayang aklat.

5. Isabuhay
a. Magpabuo sa mga mag-aaral ng isang panata o commitment na may
pamagat na “Panata Ko sa Kalikasan.” Sabihin sa kanila na dapat nag-
lalaman ito ng kanilang adhikain, mithiin, at pangako sa kalikasan.
b. Pasagutan ang pagsusulit sa Sulyap sa Kabanata sa pp.69–73 ng
batayang aklat.

9
KABANATA II
Kilos at Gawi ng Mamimili
at Bahay Kalakal

Aralin 5 Pangangailangan at Kagustuhann


I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan
2. Nasusuri ang kaugnayan ng mga gawi ng tao sa kagustuhan at panga-
ngailangan
3. Napahahalagahan ang matalinong pagpili upang makaiwas sa pang-
ekonomiyang suliranin
4. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga pangunahing katanungang pang-
ekonomiya
5. Napaghahambing ang pangangailangan at kagustuhan
6. Nakagagawa ng paghahanay ng uri ng pangangailangan at kagustuhan

II. Panimulang Gawain


1. Pagtalain ang mga mag-aaral ng mga salita na may kinalaman sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa pamamagitan ng isang
concept mapping na tulad ng nasa ibaba.

pagmamahal
seguridad kasiyahan

serbisyo pangangailangan produkto

buhay kabuhayan

kotse
phone bahay

alahas kagustuhan laruan

kompyuter relo

10
2. Ibigay ang mga paunang tanong sa ibaba bilang pagganyak.
• Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
• Ano-ano ang pamantayan at batayan sa pagpili ng mga
pangangailangan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 76–80 ng batayang aklat at magsagawa
ng isang malayang talakayan sa klase. Gabayan ang mga mag-
aaral sa pagbuo ng paglalahat.
b. Itanong sa mga mag-aaral: Kung kayo ay may 1,000.00, anong
mga bagay ang inyong bibilhin? Ano ang inyong kadahilanan sa
pagpili sa mga ito. (Tumawag ng ilang mag-aaral.)
c. Ipaliwanag sa mga mag- aaral ang kahalagahang matutuhan nila
kung ano ang kagustuhan at pangangailangan.
2. Paunlarin
Hatiin sa apat na pangkat ang klase at ipalahad ang aralin sa iba’t
ibang pamamaraan.
a. Pangkat 1: Picture analysis ng isang pamilyang mahirap at
mayaman. (Ipatala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawa sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa pangangailangan
at kagustuhan.)
Mga Pamprosesong tanong:
• Ano ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan?
• Saang aspekto nagkakatulad at nagkakaiba ang kanilang
pangangailangan at kagustuhan?
b. Pangkat 2: Concept map na nagpapakita sa mga salik na maaaring
makaapekto at makapagpabago sa pangangailangan at kagustuhan
c. Pangkat 3: Pag-uulat hinggil sa teorya ni Harold Maslow
d. Pangkat 4: Panel discussion hinggil sa paksang “Pangangailangan
ng Pamilyang Pilipino” (Magtalaga ng moderator na magtatanong at
mangangasiwa sa talakayan. Ang ibang mag-aaral ay magsisilbing
mga panelist. Mas mainam kung iba-iba ang antas ng mga kalahok.
Kailangang malaman ang sumusunod na mga detalye: badyet sa
isang buwan, paraan ng paggasta/ gugulin, at pinakamalaki at pina-
kamaliit na gugulin.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
• Bakit nag-iiba-iba ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?
• Ano ang isinasaad ng teorya ni Harold Maslow?
• Paano ang spending pattern ng pamilyang Pilipino sa
kasalukuyan?

11
3. Pagnilayan
a. Magkaroon ng malayang talakayan sa klase. Itanong ang mga
sumusunod:
• Bakit kailangang maging malinaw sa isang tao kung ano ang
kani-yang kagustuhan at ang kaniyang pangangailangan?
• May kaugnayan ba ang kagustuhan at pangangailangan sa pag-
papasya ng isang mamimili? Ipaliwanag.
• Sa inyong palagay, alin ang mas matimbang sa tao, ang
kaniyang pangangailangan o ang kaniyang kagustuhan?
Pangatwiranan.
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.80–82 ng batyang aklat.
c. Magpasulat ng isang sanaysay tungkol sa kung paano nila pahaha-
lagahan ang pangangailangan sa buhay lalo na ng mahihirap kung
sakaling sila ay nakakariwasa sa buhay.
d. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p. 83 at pasagutan ang
mga pamprosesong tanong.

12
Aralin 6 Kakapusan at Pagpili
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na
buhay
2. Naipaliliwanag ang mga dahilan at epekto ng kakapusan
3. Napahahalagahan ang isang matalinong pagpapasya sa mga pagpi-
pilian

II. Panimulang Gawain


a. Ipabuo sa mga mag-aaral ang K-W-L chart. Itanong kung ano ang
alam nila ukol sa kakapusan at ipatala ang mga sagot sa kolum ng
K-now. Itanong kung ano ang gusto nilang malaman ukol sa kakapusan
at ipatala ang mga sagot sa ilalim ng W-ant. Sa pagtatapos ng aralin,
itanong ang kanilang natutuhan ukol sa kakapusan at ipatala ang
kanilang mga sagot sa kolum na L-earn.

K W L
(Know) (What) (Learn)

b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.


• Ano ang kaibahan ng Kakapusan sa Kakulangan?
• Bakit isang suliraning panlipunan ang Kakapusan?
• Paano matutugunan ang suliranin sa Kakapusan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 84-91 ng batayang aklat at magsagawa ng
isang malayang talakayan sa klase. Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagbuo ng paglalahat.
2. Paunlarin
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at ipalahad ang aralin sa
pamamagitan ng pag-uulat.
Pangkat 1: Mga palatandaan ng kakapusan, na iuulat gamit ang
picture parade
Pangkat 2: Mga kadahilanan ng kakapusan, na iuulat gamit ang
graphic organizer
Pangkat 3: Paghahambing sa kakapusan at kakulangan sa pama-
magitan ng Venn diagram
Pangkat 4: Pag-uulat sa mga temang maiuugnay sa konsepto ng
kakapusan gamit ang social inquiry.

13
• Ang kakapusan ay nagdudulot ng kaguluhan.
• Ang di-pagkakapantay-pantay (inequality) ng tao sa lipunan
ay bunga rin ng kakapusan.
• Ang tao ay may kakayahang harapin ang hamon ng kakapusan.
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.91–93 ng batayang aklat

3. Pagnilayan
a. Ipaayos ang mga nakatalang gawain ayon sa priyoridad ng bawat mag-
aaral sa loob ng 12 oras. Ipagamit ang mga titik na A–L. Palagyan din
ng takdang oras ang bawat gawain upang hindi lumagpas sa oras.
______ 1. Panonood ng TV
______ 2. Paglalaro
______ 3. Pag-aaral
______ 4. Paggamit ng kompyuter
______ 5. Pagkain ng almusal
______ 6. Pagtulog
______ 7. Pamamasyal
______ 8. Pagkain ng tanghalian
______ 9. Pakikipagkuwentuhan sa kaibigan
______ 10. Pagkain ng hapunan
______ 11. Paliligo/Paglilinis ng katawan
______ 12. Pagmemeryenda

14
Aralin 7 Sistemang Pang-ekonomiya at Alokasyon
I. Layunin
1. Napaghahambing ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
2. Nasusuri ang bawat sistema batay sa pangkalahatang katangian
3. Nakapaghihinuha sa case study ng mga mahalagang puntos na may
kinalaman sa paksang tinalakay
4. Nakapagpapasya kung alin sa dalawang sistemang pang-ekonomiya
(sosyalismo at kapitalismo) ang nakabubuti sa Pilipinas
5. Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng mga tao sa bawat
sistema

II. Panimulang Gawain


a. Pabuksan ang aklat sa p. 95 at ipasauri ang larawan dito. Pagkatapos,
ibigay ang paunang tanong na ito: Sa iyong pagkaunawa, ano ang
isinasaad ng ng larawan ukol sa pamahalaan? Ano ang kaugnayan
nito sa pag-aaral ng ekonomiks?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang sistemang pang-ekonomiya?
• Bakit mahalaga ang magkaroon ng isang sistemang pang-
ekonomiya?
• Anu-ano ang mga uri ng sistemang pang-ekonomiya?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 95-100 ng batayang aklat. Maghanda ng sipi
ng tsart sa ibaba at papunan ang mga konseptong nalalaman ng mga
mag-aaral ayon sa paksa. Magsagawa ng isang malayang talakayan.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat..

Tradisyonal Pamilihan Pagmamando Pinaghalong


Sistema

2. Paunlarin
Hatiin sa apat na pangkat ang klase at ipalahad ang aralin sa pamama-
gitan ng mga sumusunod:
Pangkat 1: Sa pamamagitan ng tree diagram, pabigyang paliwanag
ang kaugnayan ng kakapusan, alokasyon, at sistemang
pang-ekonomiya.

15
Pangkat 2: Gamit ang cluster map, pabigyang paliwanag ang
katangian ng iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang alokasyon?
• Ano ang sistemang pang-ekonomiya? Ano ang mga katangian ng
mga uri nito?
• Ano ang maaaring mangyari kung walang sistemang pang-
ekonomiya o hindi epektibo ang pinaiiral na sistemang pang-
ekonomiya?
• Paano nagkakaiba-iba ang paraan ng alokasyon ng iba’t ibang
sistemang pang-ekonomiya?
• Paano tinutugunan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya ang
mga suliraning pangkabuhayan?

3. Pagnilayan
a. Pasagutan ang Subukin at Sagutan sa pp.100–101 ng batayang aklat.
b. Ipabasa ang Balitang Pang-ekonomiya sa pp. 102–103 at pasagutan
ang mga pamprosesong tanong.

16
Aralin 8 Pagkonsumo
I. Layunin
1. Naibibigay ang kahulugan ng pagkonsumo
2. Natutukoy ang iba’t ibang gawain ng tao na may kinalaman sa pag-
konsumo
3. Naipakikita ang kaalaman sa pag-unlad ng ekonomiya
4. Naiisa-isa ang mga uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakaaapekto
sa pagkonsumo
5. Naiisaisa ang mga kahalagahan ng pangkonsumo .
6. Naipaliliwanag ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ang mga
konsumer sa pagpapaunlad ng bansa
7. Natutukoy ang iba’t ibang gawain ng tao na may kinalaman sa pag-
konsumo

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawang makikita sa p. 104 ng batayang aklat. Itanong:
Ano ang ipinapahiwatig ng larawan? May mga pagkakataon ba na
nararanasan mo ang ganitong sitwasyon?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang gawain ng tao na tumutukoy sa pagsasakatuparan ng
kanyang mga pangangailan at kagustuhan?
• Ano ang iba’t ibang uri ng pagkonsmo?
• Bakit mahalagang maunawaan ang estruktura ng pagkonsumo ng
tao?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 104–111 ng batayang aklat. Pagkatapos,
itanong sa klase: Bakit may mga restoran na nagbibigay ng mga promo
tulad ng eat all you can, unlimited rice, at bottomless drinks?
2. Paunlarin
a. Pasagutan ang mga sumusunond na talasalitaan.

mamimili badyet
kasiyahan demonstration effect
Produktibong pagkonsumo Panic Buyer
allowance Kaisipang Kolonyal
advertisement Consumer Act of the Philippines

17
b. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at ipatalakay ang aralin sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
Pangkat 1: Atasan ang pangkat na magpakita ng mga larawan
tungkol sa pagkonsumo.
Ipasiguro na maipakikita sa mga larawan na nasisiyahan ang mga
tao sa paggamit ng mga produkto.
Pangkat 2: Pagsagawain ang pangkat ng simulation. Magpadala
ng isang pitsel ng tubig at isang baso. Tumawag ng isang
miyembro ng pangkat na iinom ng sunod- sunod na baso ng tubig.
Paobserbahan kung ano ang mangyayari sa kanya.
Pangkat 3: Atasan ang pangkat na magpakita ng larawan ukol sa
matalinong pamimili at pagkonsumo sa pamamagitan ng Paint Me a
Picture. Ipagamit ang mga karapatan at pananagutan ng mamimili
bilang batayan.
Pangkat 4: Ipatalakay ang paksang “ Ano ang mga epekto ng pag-
aanunsiyo sa pagkonsumo?” sa pamamagitan semantic web.
c. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.100–102 ng batayang
aklat.

3. Pagnilayan
a. Pabigyang puna o opinyon sa mga mag-aaral ang mga karaniwang
nakapaskil sa mga tindahan tulad ng “The customer is always right. ”
at “No return, No exchange.”
b. Magpagawa ng sanaysay ukol sa paksang pagiging isang respon-
sableng mamimili. Iproseso: Saang pagkakataon ninyo masasabing
kayo ay naging responsableng mamimili? Ipaliwanag.

18
Aralin 9 Ang Sambayanan at ang Pagpili Nito
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga salik na nakaaapekto sa demand ng samba-
hayan
2. Nasusuri ang mga batayan ng pagpili ng sambahayan
3. Napahahalagahan ang pag-iimpok para sa pagkonsumo

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawang makikita sa p.114 ng batayang aklat. Itanong:
Pamilyar ba kayo sa mga sitwasyong nakalarawan? Madalas ba kayong
nagtutungo sa pamilihan? Bakit? Ano ang pinagbabatayan niniyo sa
pagbili ng mga produkto?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Paano nagsasagawa ng pagpapasya ang mga Sambahayanan?
• Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa kilos at gawi ng mga
Sambahayanan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 114–121 ng batayang aklat at magsagawa ng
isang malayang talakayan sa klase. Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagbuo ng paglalahat,
2. Paunlarin
a. Pabigyang kahuluigan ang sumusunond na mga talasalitaan.
• Sambahayan
• Kapakinabangan
• Limitadong badyet
• Law of Diminishing Marginal Utility
• Saturation point
b. Ipasagot ang Subukin at Sagutin sa pp. 121–123 ng batayang aklat.

3. Pagnilayan
a. Pabigyang puna o opinyon sa mga mag-aaral ang kasabihang
“Live within your means.”
b. Magpagawa ng sanaysay ukol sa kahalagahan ng pagbabadyet ng
kita. Iproseso: Sa paanong paraan makukuha ang karagdagang
kapakinabangan sa pagkonsumo ng produkto o serbisyo?

19
Aralin 10 Produksiyon
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng produksiyon sa iba’t ibang aspekto
2. Naiisa-isa ang mga salik ng produksiyon
3. Nailalahad ang kahalagahan ng produksiyon sa buhay ng tao
4. Naipaliliwanag ang kahulugan ng produksiyon sa iba’t ibang anyo,
tulad ng pangunahin, pagkauri, panlugar, pampanahon, pag-aari at
paglilingkod
5. Natutukoy ang produksiyon sa mga bagay na may pang-ekonomikong
kabuluhan na matatagpuan sa kapaligiran
6. Nakapagbibigay ng sariling karanasan sa pagbuo ng kahalagahang
pang-ekonomiko ng paggawa

II. Panimulang Gawain


a. Maghanda ng kopya ng dayagram sa ibaba at ipaskil sa pisara.
Tanungin ang mga mag-aaral kung anong konsepto ang ipinakikita ng
dayagram.

Pagkatapos, suriin ang dayagram, itanong sa mga mag-aaral: Sa


inyong palagay, saan gawa ang mga nasa larawan? Ipasulat sa kahon
ang sagot ng mga mag-aaral. Mahalaga ba na malaman ninyo ang mga
sangkap ng mga produkto? Bakit?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang produksiyon?
• Bakit mahalaga ang matalinong pagpapasya sa produksiyon?
• Ano-ano ang mga salik ng produksiyon?
• Bakit mahalaga ang entreprenyur sa ekonomiya at lipunan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 125–140 ng batayang aklat. Pagkatapos
ay pasagutan ang sumusunond na mga talasalitaan.
a. produksiyon d. lakas-paggawa
b. lupa e. entreprenyur
c. kapital
20
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase at ipatalakay ang aralin.
Pangkat 1: Atasan ang pangkat na magpakita ng pantomina hinggil
sa kaganapan o gawain sa isang pabrika. Pabigyang pansin ang
mga salik ng produksiyon.
Pangkat 2: Ipalahad at ipalarawan ang mga organisasyon ng mga
manggagawa gamit ang graphic organizer
Pangkat 3: Ipatalakay ang kahalagahan ng entreprenyur sa pama-
magitan ng isang skit.
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.141–143 ng batayang
aklat.

3. Pagnilayan
a. Ipagawa ang mga gawain sa ibaba.
Gawain1: Pagawain ng collage ang mga mag-aaral hinggil sa
temang “Tamang Konsepto ng Produksiyon Tungo sa Paglago ng
Ekonomiya.” Pabigyang paliwanag din ang nabuong collage. Sa
pagkatapos, itimo sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng
pagbuo ng tamang kombinasyon sa proseso ng produksiyon upang
makatiyak ng magandang resulta.
Gawain 2: Magpagawa sa mga mag-aaral ng pagsasatao na
tumatalakay sa biograpiya ng ilang kilalang Pilipinong entreprenyur
at sa kuwento ng kanilang tagumpay.
Gawain 3: Magpabasa ng artikulo tungkol sa mga entreprenyur
na nagpamalas ng optimismo at kakayahan sa inobasyon sa pag-
nenegosyo. Mula sa isinagawang gawain, ipahalaw at ipasuri sa
mga mag-aaral ang kahalagahan at katangiang taglay ng mga Pili-
pinong entreprenyur.
b. Ipasaliksik sa mga mag-aaral ang mga planong pangkaunlaran na
isinasagawa ng developed economies upang maiangat ang kanilang
ekonomiya. Ipalahad sa klase ang mahahalagang nila-laman ng
mga plano.
c. Magpasagawa sa mga mag-aaral ng isang panayam sa isang
matagumpay na entreprenyur sa kanilang pamayanan. Ipabahagi
sa harap ng klase ang resulta ng panayam sa pamamagitan ng
Power Point presentation.

21
Aralin 11 Kilos o Asal ng Bahay-Kalakal
I. Layunin
1. Nailalahad ang batayan ng mga bahay kalakal sa pagpapasya sa
produksiyon
2. Nasusuri ang proseso ng produksiyon
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng Batas ng Lumiliit na Pakinabang
4. Naipaliliwanag ang mga gastusing pamproduksiyon
5. Naiisa-isa ang mga salik na nakaapekto sa produksiyon
6. Napahahalagahan ang mga sipag at tiyaga sa produksiyon

II. Panimulang Gawain


a. Magpakita ng larawan ng isang tindahan. Itanong ang mga sumusunod:
1. Ano ang nagsisilbing motibasyon at pagganyak sa mga nagtitinda
upang ipagpatuloy ang gawaing nabanggit?
2. Ano ang mga posibleng dahilan upang itigil ng isang nagtitinda ang
pagtitinda? (Batay sa sagot ng mga mag-aaral, halawin ang kahulugan
ng suplay.)
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Paano ilalarawan ang pag-uugali ng bahay-kalakal?
• Ano ang ugnayan ng presyo at ng suplay?
• Anu-ano ang mga gastusing pamproduksyon?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 144-152 ng batayang aklat. Gamitin ang
Talahanayan 11.1 sa p. 146 upang ipaliwanag ang tungkulin ng
produksiyon o production function
2. Paunlarin
a. Hatiin sa limang pangkat ang klase at pagsagawain ang bawat
pangkat ng panel discussion.
Pangkat 1: Batas ng Lumiliit na Pakinabang
Pangkat 2: Gastusin sa Produksiyon
Pangkat 3: Gastusin sa Short Run
Pangkat 4: Ang Relasyon ng Karaniwang Gastos at Karagdagang
Gastos
Pangkat 5: Ang Relasyon ng Karagdagang Gastos at Nagbabagong
Gastos
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.153–154 ng batayang
aklat.

22
3. Pagnilayan
a. Magpagawa ng maikling sanaysay ukol sa aralin. Iproseso: Ano
ang dapat pagtuunan ng pansin ng isang prodyuser sa panahong
may kalamidad?
b. Pasagutan ang Sulyap sa Kabanata sa pp. 157–161 ng batayang
aklat.

4. Ilipat
a. Ipabsa ang teksto sa p.162–163 at pasagutan ang gawain.

5. Isabuhay
Magpagawa ng talaan ng mga produktong tinatangkilik ng mga mag-
aaral na galing sa ibang bansa. Itanong: Ayon sa talahanayang ginawa
mo, masasabi mo ba na ikaw ay nakakatulong sa bansa? Bakit?
Ipaliwanag.

PANGHULING PAGTATAYA:
Pasagutan ang pangyunit na pagsusulit sa pp. 164–170 ng
batayang aklat.

23
Ikalawang Yunit

Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Panimula
Ang pagsusuri ng ekonomiya ay nagsisimula sa pag-aaral ng mga pag-
uugali ng mahahalagang tauhan sa loob ng pamilihan. Dalawa ang sangay ng
ekonomiks kung saan maaaring suriin ang mekanismo sa loob ng ekonomiya:
ang maykroekonomiks at ang makroekonomiks.

Pamantayan sa Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa na ang mga desisyong ipi-


natutupad ng bawat sambahayan at bahay-kalakal ay tunay na may epekto sa
pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan

Pamantayan sa Pagganap

Nakagagawa ng journal na tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat


sambahayan at bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan
ng mga mamamayan.

24
KABANATA III
I Maykroekonomiks

Aralin 12 Pagsusuri ng Demand


I. Layunin
1. Nabibigyang kahulugan ang demand
2. Naipaliliwanag ang kurba ng demand
3. Naiisa-isa ang mga salik na nakaaapekto sa demand
4. Naipaliliwanag ang pagbabago ng kurba ng demand
5. Nakokompyut ang elastisidad at demand function
6. Natatalakay ang elastisidad ng demand
7. Nasusuri ang ugnayan ng demand at presyo
8. Naipakikita ang kahalagahan ng pagtitimpi o pagtitipid

II. Panimulang Gawain


a. Itanong sa klase ang mga sumusunod:
1. Ano ang mga nais ninyong bilhin kung bibigyan kayo ng Php.100.00
baon sa eskuwela?
2. Bakit kailangang pagkasyahin ang halagang ito?
3. Batay sa mga sagot, halawin ang kahulugan ng demand.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang demand?
• Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa demand?
• Ano ang kaugnayan ng presyo sa demand?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 174–182 ng batyang aklat at magsagawa
ng malayang talakayan sa klase. Gamitin ang mga pamprosesong
tanong sa talakayan. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
paglalahatc. Ipabasa ang teksto sa balitang pang-ekonomiya sa
pp.199 at pasagutan ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong tanong
• Ano ang demand?
• Ano ang isinasaad ng Batas ng Demand?
• Bakit negatibo o di-tuwiran ang ugnayan ng presyo at dami ng
demand?
• Ano ang ibig sabihin ng ceteris paribus?
• Kung may iba pang salik na nakaaapekto sa demand bukod sa
sariling presyo ng produkto, patuloy lamang ba itong gagalaw
sa iisang kurba? Pangatwiranan ang sagot.

25
b. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang pagkakapareho at
pagkakaiba ng individual demand at market demand.

2. Paunlarin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 183–195 ng batayang aklat at hatiin sa
tatlong pangkat ang klase. Atasan ang bawat pangkat na magtalaga
ng lider at tagasulat at magsagawa ng brainstorming upang masuri
ang paksang nakatalaga. Ipaulat sa klase ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Paggalaw ng Demand sa Iisang Kurba
Pangkat 2: Paglipat ng Kurba ng Demand Pakanan
Pangkat 3: Paglipat ng Kurba ng Demand Pakaliwa
Mga Pamprosesong tanong:
• Kailan nagaganap ang paggalaw ng demand sa iisang kurba?
• Ano ang ibig sabihin ng paglipat ng kurba sa kaliwa o sa kanan?
• Ano ang pagkakaiba ng paggalaw ng demand sa iisang kurba
at paglipat ng kurba sa kaliwa o sa kanan?
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.196–198 ng batayang
aklat.

3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng malayang talakayan batay sa mga tanong sa ibaba.
• Sang-ayon ba kayo sa ipinaliliwanag ng Batas ng Demand?
Bakit?
• Lahat ba ng mamimili ay naaapektuhan ng Batas ng Demand?
Patunayan ang sagot.
• Saang pagkakataon magagamit ang Batas ng Demand?
• Ano-ano ang salik na nakapagpapabago ng demand?
b. Pagsaliksikin ang mga mag-aaral ukol sa Giffen goods. Ipaalam
kung bakit taliwas sa Batas ng Demand ang Giffen goods.
c. Ipabasa ang teksto sa balitang pang-ekonomiya sa p.199 at pasa-
gutan ang mga pamprosesong tanong.
d. Magpagawa ng isang maikling sanaysay bilang sagot sa tanong:
Dapat bang ang sariling kagalingan lamang ang pagtutuunan ng
pansin tuwing may bibilhin at gagastusing pera? Ipaliwanag.

26
Aralin 13 Pagsusuri ng Suplay
I. Layunin
1. Nabibigyang kahulugan ang suplay
2. Naipaliliwanag ang kurba ng suplay
3. Naiisa-isa ang mga salik na nakaaapekto sa suplay
4. Naipaliliwanag ang pagbabago ng kurba ng suplay
5. Nakokompyut ang elastisidad at suplay function
6. Natatalakay ang elastisidad ng suplay
7. Nasusuri ang ugnayan ng suplay at presyo

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang mga larawan at pagtalakayan gamit ang pamprosesong
tanong. Halawin ang kahulugan ng suplay batay sa sagot ng mga mag-
aaral.

Mga Pamprosesong tanong


• Ano ang nagsilbing motibasyon at pagganyak sa mga nagtitinda
upang ipagpatuloy ang kanilang gawain?
• Ano ang mga posibleng dahilan upang itigil ng isang nagtitinda ang
pagtitinda?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang suplay?
• Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa suplay?
• Bakit nagaganyak ang mga prodyuser na dagdagan ang suplay
kapag mataas ang presyo ng produkto sa pamilihan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 200–206 ng batayang aklat at magsa-
gawa ng isang malayang talakayan sa klase. Gamitin ang mga
pamprosesong tanong sa talakayan. Gabayan ang mga mag-aaral
sa pagbuo ng paglalahat.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang suplay?
• Ano ang isinasaad ng Batas ng Suplay?
• Masasabi bang kayo ay may suplay kung wala naman kayong
puhunan? Bakit?
• Kailan, positibo o tuwiran ang ugnayan sa presyo at dami ng
suplay?
27
b. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang kaibahan ng
individual supply sa market supply.
2. Paunlarin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 207–215 ng batayang aklat at hatiin sa
tatlong pangkat ang klase. Pagtalagahin ang bawat pangkat ng
lider at tagasulat. Bigyan ng oras ang mga pangkat na magsagawa
ng brainstorming upang masuri ang nakatalagang paksa sa kanila.
Pagkatapos ay ipaulat sa klase ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Paggalaw ng Suplay sa Iisang Kurba
Pangkat 2: Paglipat ng Kurba ng Suplay Pakanan
Pangkat 3: Paglipat ng Kurba ng Suplay Pakaliwa
Mga Pamprosesong tanong:
• Ano ang ipinahihiwatig ng paggalaw ng suplay sa iisang kurba?
• Bakit lumilipat ang kurba ng suplay pakaliwa o pakanan?
3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng malayang talakayan hinggil sa sagot ng mga mag-
aaral sa mga tanong sa ibaba.
• Sang-ayon ba kayo sa ipinaliliwanag ng Batas ng Suplay? Bakit?
• Lahat ba ng nagtitinda ay naaapektuhan ng Batas ng Suplay?
Patunayan ang sagot.
• Saang pagkakataon magagamit ang Batas ng Suplay?
• Ano-ano ang salik na nakapagpapabago ng Suplay?
b. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay mag-
sasagawa ng maikling skit na nagpapakita sa mga salik na naka-
pagpapabago ng suplay. Bigyan ng marka ang isinagawang skit
batay sa rubric sa ibaba.
SCORING RUBRIC PARA SA SKIT
Inaasahang Bunga Iskor Natamong Puntos
Malinaw na nailahad ang paksa. 10–9
Napili ang mga karapat-dapat na mag- 8–7
siganap.
Nasunod ang pamantayan sa pagganap. 6–5
Naisadula ang mensaheng nais iparating. 4–3
Magaling ang pagtatanghal ng dula. 2–1
Kabuuang
Iskor

c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa pp. 215–217


ng batayang aklat.
d. Magpasagawa sa mga mag-aaral ng panayam sa isang nagtitinda
sa kanilang pamayanan tungkol sa dami ng ipinagbibiling produkto
sa pabago-bagong presyo. Ipalapat sa grap ang datos na makukuha
at ipaulat sa klase.
28
Aralin 14 Interaksiyon ng Demand at Suplay
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng demand at suplay
2. Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand at suplay
3. Nailalarawan ang ekilibriyo
4. Naipaliliwanag ang kahulugan ng ekilibriyo sa pamilihan

II. Panimulang Gawain


a. Maghanda ng sipi ng larawan at ipasuri sa klase.

Mga Pamprosesong tanong


• Ano ang ipinakikita sa larawan?
• Ibigay ang kahulugan ng ekilibriyo batay sa larawan.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang ekilibriyo at disekilibriyo?
• Kailan masasabi na nasa kalagayang ekilibriyo at disekilibriyo ang
bilihan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 219–232 ng batayang aklat at ipasagot
ang talasalitaan.
• ekilibriyo
• disekilibriyo
• sarplas
• shortage
• price floor
• price ceiling
b. Ipasuri ang talangguhit 14.1, 14.2, at 14.3 sa pp. 222–223 ng batayang
aklat upang maipaliwanag ang konsepto ng ekilibriyo sa pamilihan
at ang epekto ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan.

29
Mga Pamprosesong tanong
• Paano humahantong sa ekilibriyo ang tunggalian ng mga
mamimili at bahay-kalakal sa isang pamilihan?
• Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan?
• Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa ekilibriyo sa isang pamilihan?

2. Paunlarin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 224–232 ng batyang aklat at hatiin
sa apat na pangkat ang klase. Magtalaga ng lider at tagasulat sa
bawat pangkat. Pagsagawain ng brainstorming ang mga pangkat
upang masuri ang paksang nakatalaga sa kanila. Ipaulat sa klase
ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Pagbabago sa ekilibriyo dulot ng pagbabago sa mga
salik ng Demand at Suplay
Pangkat 2: Pagbabago sa Kurba ng Demand at Kurba ng Suplay
Pangkat 3: Pagbaba ng Demand at Pagbabago sa Pamilihan
Pangkat 4: Pagbaba ng Suplay at Pagbabago sa Pamilihan
Mga Pamprosesong tanong:
• Ano ang ipinahihiwatig ng paggalaw ng suplay sa iisang kurba?
• Bakit lumilipat ang kurba ng suplay pakaliwa o pakanan?

3. Pagnilayan
a. Magkaroon ng malayang talakayan batay sa mahahalagang tanong
sa ibaba: Pagkatapos, gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
paglalahat.
• Bakit sinasabing kuntento ang mga mamimili at nagbibili sa
puntong ekilibriyo?
• Ano ang mangyayari kung may disekilibriyo sa pamilihan?
• Paano malulutas ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan?
b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa p. 232–234
ng batayang aklat.
c. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p. 235 at pasagutan ang
mga pamprosesong tanong.

30
Aralin 15 Pamilihan
I. Layunin
1. Nasusuri ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan
2. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng malayang kompetisyon
3. Napaghahambing ang mga katangian ng iba’t ibang estruktura ng
pamilihan

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawan na makikita sa p. 236 ng batayang aklat. Itanong
ang mga sumusunod: Pamilyar ba kayo sa sitwasyon sa larawan?
Saan ninyo nakikita ang ganitong sitwasyon? Naranasan na ba ninyong
mahirapan sa pagpili ng produktong bibilhin? Bakit?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Paano nasasagot ang mga pangunahing suliraning pangkabuhayan?
• Ano ang papel ng pamahalaan sa pamilihan?
• Bakit mahalaga ang espesyalisasyon, kapital, at salapi sa
pamilihan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 236–251 ng batayang aklat. Magpaskil
sa pisara ng larawan ng mga sumusunod:
a. Iba’t ibang brand ng sabon e. Sundalo, pulis, bumbero
b. Iba’t ibang brand i. Iba’t ibang brand ng
ng softdrink shampoo
c. Iba’t ibang gulay j. MRT
d. Iba’t ibang prutas k. Logo ng Globe, Smart
f. Manila Water o Maynilad at Sun Cellular
g. Logo ng mga oil company l. MERALCO
h. Iba’t ibang brand ng toothpaste
Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga larawan ayon sa kanilang
uri o pangkat na kinabibilangan at palagyan ng label ang bawat
pangkat na nabuo. Pagkatapos, ipaliwanag sa mga mag-aaral ang
iba’t ibang estruktura ng pamilihan.
2. Paunlarin
a. Hatiin sa limang pangkat ang klase at pagsagawain ng roundtable
discussion ang bawat pangkat hinggil sa kahulugan ng pamilihan.
Magtalaga ng lider at tagasulat sa bawat pangkat. Ipaulat sa klase
ang ginawang talakayan.
Mga Pamprosesong tanong:
• Paano naiiba ang pamilihan sa isang palengke?
• Maaari bang magkaroon ng pamilihan kahit walang palengke?
• Kailan masasabing nagkakaroon ng pamilihan?
31
b. Iulat ang iba’t ibang anyo ng pamilihan sa pamamagitan ng graphic
organizer.
c. Iulat kung paano itinatakda ang suplay, demand, at presyo sa iba’t
ibang estruktura ng pamilihan sa pamamagitan ng data retrieval
chart
Estruktura ng Pamilihan Pagtatakda ng Pagtatakda ng Pagtatakda ng
Demand Suplay Presyo
Ganap o Perpektong Hindi maaaring Hindi maaaring Hindi maaaring
kompetisyon itakda itakda itakda
Di-ganap na kompetisyon Hindi maaaring Maaaring itakda Maaaring itakda
A. Monopolyo itakda
B. Oligopolyo Hindi maaaring Maaaring Maaaring itakda
itakda itakda dahil
sa collusion at
cartel
C. Monopolistikong Hindi Maaaring itakda Maaaring itakda
kompetisyon maaaring dahil sa product
itakda differentiation
D. Monopsonyo Maaaring Hindi maaaring Maaaring
itakda itakda itakdang
mamimili
d. Magsagawa ng malayang talakayan sa klase gamit ang mga
pamprosesong tanong.
Mga Pamprosesong tanong
a. May kaugnayan ba ang istruktura ng pamilihan sa pagtatakda ng
presyo sa pamilihan? Ipaliwanag ang sagot.
b. Alin sa mga istruktura ng pamilihan ang pinakamainam?
c. Ano ang isinasaad ng Prinsipyong Equi-Marginal?

3. Pagnilayan
a. Magpatala sa mga mag-aaral ng 10 produkto at serbisyo na
kinokonsumo ng kanilang pamilya. Ipakategorya kung sa anong
estruktura ng pamilihan nabibilang ang bawat isa.
b. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Subukin at
Sagutin sa pp. 252–254 ng batayang aklat.

4. Ilipat
a. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p. 255 at pasagutan ang
mga pamprosesong tanong.
b. Pasagutan ang Sulyap sa Kabnata sa pp. 257-263 ng batayang
akalat.

5. Isabuhay
Itanong sa mga mag-aaral: Halimbawang kayo ay isang mono-
polista, sasamantalahin mo ba ninyo ang pagkakataong maitaas ang
presyo ng inyong produkto o serbisyo? Pangatwiranan ang sagot.
32
KABANATA
IV
I Makroekonomiks

Aralin 16 Pambansang Ekonomiya at Kita


I. Layunin
1. Nasusuri ang paikot na daloy ng produkto, serbisyo, at salapi
2. Nailalahad ang kahalagahan ng pangangapital at pag-iimpok para
maging balanse ang paikot na daloy ng produkto at serbisyo
3. Natatalakay ang papel na ginagampanan ng pamahalaan para sa isang
maayos na paikot na daloy ng produkto at serbisyo
4. Naipaliliwanag ang GNI ( Gross National Income)
5. Naihahambing ang GNI at GDP (Grosss Domestic Product)
6. Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita
7. Natatalakay ang tatlong paraan ng pagkuha ng GNI
8. Nakokompyut ang GNI at GDP sa tatlong paraan
9. Naihahambing ang potensiyal at aktuwal na GNI

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawan na makikita sa p. 266 ng batayang aklat. Itanong
ang mga sumusunod: Pamilyar ba sainyo ang sitwasyon? Bakit?
Madalas ba ninyong marinig sa inyong ina ang dahilan na nabanggit sa
sitwasyon?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita?
• Ano-ano ang mga limitasyon sa paggamit ng GNI at GDP?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 266–279 ng batayang aklat. Magpaskil
sa pisara ng mapa ng Pilipinas. Sa paligid nito ay magdikit ng mga
larawan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at mga tapos na
produkto tulad ng TV, kompyuter, kotse, sapatos, bag, washing
machine at electric fan. Pagtalakayan.
b. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
• Kabuuang Pambansang Kita o (GNI)
• Kabuuang Panloob na Produkto (GDP)
• Pangangapital
• Idinagdag na Halaga
• Ganap na Produkto

33
2. Paunlarin
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at pagsagawain sila ng pagsu-suri
sa paksang itinalaga. Sabihan ang bawat pangkat na magtalaga ng
lider at tagasulat at magsagawa ng brainstorming. Ipaulat sa klase ang
ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Daloy ng mga Produkto, Serbisyo, at Salapi
Pangkat 2: Daloy na may Pag-iimpok at Pamumuhunan
Pangkat 3: Paikot na Daloy at ang pambansang Kita
Pangkat 4: Pang-ekonomiyang Palatandaan
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.284–286 ng batayang aklat.

PAMBANSANG
KITA

PARAAN NG
PAGSUKAT

Income Expenditure Industrial


Origin
Approach Approach Approach

Mga Mga Mga


Nakapaloob Nakapaloob Nakapaloob
na Aytem na Aytem na Aytem

Pormula sa Pormula sa Pormula sa


Pagsukat Pagsukat Pagsukat

3. Pagnilayan
a. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba upang mailarawan at maipa-
liwanag ang mga mahalagang konseptong nakapaloob sa aralin.
b. Ipabuo ang diwa ng bawat pangungusap.
• Kapag may malaking dayuhang mamumuhunan sa bansa, ang
epekto nito sa GNI ay .
• Ang pagdami ng mga turistang dayuhan ay hudyat na .
• Ang matatag na ekonomiya ay nangangahulugang ang pambansang
kita at produksiyon ay .
• Hindi dapat higpitan ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga
OFW sa ibang bansa sapagkat .
c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa Subukin at Sagutin sa
pahina 284–286 ng batayang aklat.
34
Aralin 17 Pagtatakda ng Pambansang Kita
I. Layunin
1. Nailalahad ang pagtatakda ng pambansang kita
2. Naipaliliwanag ang pamamaraan sa pagtatakda ng pambansang kita
3. Nailalahad ang kalagayang disekilibriyo
4. Naiisa-isa ang mga siklo sa Panahon ng Negosyo

II. Panimulang Gawain


a. Ipasagot ang pagsasanay na makikita sa p. 288 ng batayang aklat.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Paano itinatakda ng pambansang kita?
• Anu-ano ang siklo sa Panahon ng Negosyo?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 288-294 ng batayang aklat. Ibigay ang
katuturan o kahulugan ng mga salita sa ibaba.
• Panahong Boom
• Panahong Bust
• pag-iimpok
• pangangapital

2. Paunlarin
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at magsagawa ng pagsusuri
sa pagtatakda ng pambansang kita. Atasan ang bawat pangkat na
magtalaga ng lider at tagasulat at magsagawa ng brainstorming
upang masuri nang mabuti ang paksa. Ipaulat sa klase ang gina-
wang pagsusuri ng bawat pangkat.

3. Pagnilayan
a. Gamit ang graphic organizer ilarawan at ipaliwanag ang mga maha-
halagang konseptong nakapaloob sa aralin.
b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga Subukin at Sagutin sa pp.
295–296 ng batayang aklat.

35
Aralin 18 Implasyon
I. Layunin
1. Naiisa-isa ang mga dahilan ng pagtaas ng presyo sa pamilihan
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon
3. Naihahambing ang mga kabutihan at di-kabutihang dulot ng implasyon

II. Panimulang Gawain


a. Pasagutan ang pagsasanay na makikita sa p. 298 ng batayang aklat.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang implasyon?
• Ano-ano ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon?
• Paano malulunasan ang implasyon?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 298–311 ng batayang aklat. Ibigay ang
katuturan o kahulugan ng mga salita sa ibaba.
• implasyon
• deplasyon
• cost-pull
• demand-pull
2. Paunlarin
a. Magpakita sa mga mag-aaral ng mga news clipping o news head-
line tungkol sa isang malawakang kilos-protesta. Itanong sa kanila
ang posibleng dahilan ng protesta. Gabayan ang mga mag-aaral
sa pagbibigay-pansin sa mga nilalaman ng mga plakard.
b. Hatiin sa limang pangkat ang klase at pagsagawain sila ng mock
interview. Atasan ang bawat grupo na magtalaga ng lider at taga-
sulat. Sabihin na ang mga nakalap na impormasyon ay iuulat sa
klase at gagawing pokus ng malayang talakayan.
Pangkat 1: Retiradong Kawani ng Pamahalaan. Itanong ang mga
sumusunod: kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa
nakalipas na 20 taon, halaga ng piso laban sa dolyar
sa akalipas na 20 taon, kadahilanan ng ganitong
kalagayan, mga epekto nito sa pamilya at sa bansa
Pangkat 2: Karaniwang Maybahay. Ipatanong: pagtaas ng presyo
ng langis, tuwirang epekto nito sa kanyang binibiling
produkto, at solusyon sa kalagayan
Pangkat 3: Negosyanteng Tsino. Ipatanong ang mga business
cycle at epekto ng mga ito sa presyo ng bilihin

36
Pangkat 4: Propesor ng Ekonomiks sa Kilalang pamantasan.
Ipatanong ang: mga pormula sa pagtutuos ng inflation,
CPI, at PPP, mga halimbawa ng mga indicator kung
kailan may pagbabagong nagaganap sa business
climate.
Pangkat 5: Mga kinatawan ng DTI at BOI. Ipatanong ang: programa
nila kapag may nararanasang paghina ng ekonomiya.
3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng isang Lecture-forum sa klase. Lagyan ng angkop na
tema ang gawain. Para sa lecture, mag-imbita ng mga dalubhasa
sa mga paksang sakop ng araling ito. Magkaroon ng open forum
pagkatapos ng lecture. Magbibigay lamang ng paglilinaw ang guro
kung may mga konseptong hindi gaanong naunawaan.
b. Sa pagtalakay sa aralin gamitin ang graphic organizer upang
maila-rawan at maipaliwanag ang mga mahalagang konseptong
nakapaloob sa aralin.
c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa pp. 312–313
ng batayang aklat.
d. Magpasaliksik sa Internet o Philippine Statistical Yearbook ukol sa
antas ng implasyon sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon. Ipalapat
sa grap ang nasaliksik na datos at ipaulat sa harap ng klase.

37
Aralin 19 Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang sistemang barter
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pagpapalitan
3. Nailalahad ang kasaysayan ng salapi sa bansa
4. Naiisa-isa ang iba’t ibang gamit at tungkulin ng salapi sa ekonomiya
5. Nakikilala ang iba’t ibang institusyon ng pananalapi sa bansa
6. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga bayaning nakalarawan sa
mga salapi ng bansa sa pamamagitan ng pagkilala

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawang makikita sa p. 316 ng batayang aklat. Itanong ang
mga sumusunod: Pamilyar ba kayo sa sitwasyon? Bakit?
Naranasan na ba ninyo ito? Kung kayo ang nasa kalagayan ni
Stevie, ganito rin ba ang gagawin ninyo? Bakit? Paano ninyo pinaha-
halagahan ang inyong salapi?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang salapi at ang gamit nito?
• Paano napalalaki o napaliliit ang salaping umiikot sa ekonomiya?
• Bakit mahalaga ang mga bangko at institusyong pananalapi?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 316–335 ng batayang aklat. Magpakita sa
klase ng salapi at itanong kung ano ang gamit at katangian nito. Mula
sa mga kasagutan ng mga mag-aaral, halawin ang kahulugan ng
patakarang pananalapi
2. Paunlarin
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at pagsagawain sila ng
pag-uulat. Sabihan ang bawat pangkat na magtalaga ng lider at
tagasulat at magsagawa ng brainstorming session ukol sa paksang
nakatalaga. Iulat sa klase ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Kasaysayan ng Salapi
Pangkat 2: Mga Institusyon ng Pananalapi
Pangkat 3: Bangko Sentral ng Pilipinas
Pangkat 4: Instrumentong ipinatutupad ng BSP sa pagkontrol
ng salapi
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang mga institusyong bumubuo sa sektor ng pananalapi?
• Bakit mahalaga ang mga institusyong pinansiyal?
• Paano nakikibahagi ang mga institusyong pinansiyal sa
kabuuang ekonomiya ng bansa?

38
b. Ipaliwanag ang paksang “Mga Institusyong Pinansiyal” sa pama-
magitan ng Concept Map.

Mga Institusyong
Pinansiyal


Bangko Hindi Bangko

3. Pagnilayan
a. Magkaroon ng malayang talakayan sa klase hinggil sa tanong
na ito: Sa paanong paraan nakatutulong ang mga institusyong
pinansiyal sa pagsulong ng kaunlarang pang-ekonomiya? Haya-
ang magpaliwanag ang mga mag-aaral ang kanilang kuro-kuro.
Gabayan sila sa pagbuo ng paglalahat.
b. Pabigyang reaksiyon ang kasabihang “Kapag may isinuksok, may
madudukot.”
c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa pp. 336-
338 ng batayang aklat.
d. Magpagawa ng survey sa pamayanan ng mga mag-aaral hinggil
sa institusyong pinansiyal na matatagpuan doon. Ipakategorya ang
mga ito sa bangko o hindi bangko

39
Aralin 20 Patakarang Pisikal
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng patakarang piskal
2. Naiisa-isa ang mga layunin sa patakarang piskal
3. Nasusuri ang mga patakaran sa pagbubuwis
4. Naikintal sa isipan ang kahalagahan ng buwis sa ekonomiya
5. Nailalahad ang proseso ng pagbabadyet ng bansa

II. Panimulang Gawain


a. Magpadala sa mga mag-aaral ng resibo ng isang produkto at
pabigyang-pansin ang 12% VAT. Magpaskil sa pisara ng mga larawan
ng proyektong panlipunan tulad ng ginawang kalsada o tulay, ospital,
daungan, paaralan at iba pa. Itanong: Bakit kailangang mangalap ng
karagdagang buwis ang pamahalaan?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang mga layunin ng pagkakaroon ng patakarang piskal?
• Ano ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay sa pata-
karang ipinatutupad?
• Paano nagsasagawa ng pagbabadyet ang pamahalaan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
Ipabasa ang teksto sa pp. 340-358 ng batayang aklat. Ibigay ang
katuturan o kahulugan ng mga nakatala.
• patakarang piskal
• patakarang expansionary
• patakarang contractionary
• badyet
2. Paunlarin
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase at magsagawa ng isang
Debate. Sabihan ang bawat pangkat na magtalaga ng lider at
tagasulat. Sa pagtatapos ng bawat debate, maaaring magsagawa
ng maikling pag-uusap o maaaring magbigay ng komento ang guro.
Pangkat 1 at 2: Kapag may kakulangan sa pondo para sa
pambansang badyet, ang Kongreso ay dapat
magpasa ng panibagong pagbubuwis upang
ito ay mapunan.
Pangkat 3 at 4: Ang paghiram ng salapi ng Pilipinas sa ibang
bansa ay nakatutulong sa pagpapatupad ng
mga proyekto o programa nito.

40
Pangkat 4: Propesor ng Ekonomiks sa Kilalang pamantasan.
Ipatanong ang: mga pormula sa pagtutuos ng inflation,
CPI, at PPP, mga halimbawa ng mga indicator kung
kailan may pagbabagong nagaganap sa business
climate.
Pangkat 5: Mga kinatawan ng DTI at BOI. Ipatanong ang: programa
nila kapag may nararanasang paghina ng ekonomiya.

3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng malayang talakayan sa klase. Hayaang ibigay at
ipaliwanag ng mga mag-aaral ng kanilang kuro- kuro. Gabayan
naman sila sa pagbuo ng paglalahat.
Mga Pamprosesong tanong
• Bakit tinaguriang lifeblood ng pamahalaan ang buwis?
• Masasabi ba ninyong laging masama ang epekto ng pagtataas
ng singil sa buwis? Pangatwiranan ang sagot.
• Paano ba dapat gastusin ang pondo ng bayan?
b. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.359–363 ng batayang
aklat.

4. Ilipat
a. Atasan ang bawat mag-aaral na alamin ang kita ng kaniyang
pamilya sa isang buwan at ipabadyet ito. Atasan din ang mag-aaral
na ipakita ang ginawang badyet sa pamamagitan ng pie graph.
b. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p.354 at pasagutan ang
pamprosesong tanong. batayang aklat

5. Isabuhay
a. Pasagutan ang Sulyap sa kabanata sa pp.365-371 ng batayang
aklat.
b. Ipabasa ang ugnayang global sa pp.379-381 at pasagutan ang
pamprosesong tanong.
c. Ipagawa ang pagyamanin na makikita sa p.382 ng batayang aklat.

PANGHULING PAGTATAYA:
Pasagutan ang pangyunit na pagsusulit sa pp.372–378.

41
Ikatlong Yunit

Mahahalagang Bahagi ng Ekonomiya

Panimula
Maraming sektor ang bumubuo sa ekonomiya ng bansa. Nariyan ang
agrikultura, industriya, at pangangalakal. Mayroon ding sektor panserbisyo
at pampubliko, at ang tinatawag na impormal na sektor na kinabibilangan
ng napakaraming grupo ng nagnenegosyo subalit hindi naitatala. Ano nga ba
ang gampanin ng mga sektor na ito sa lipunan? Isa sa pangunahing sektor
ng ekonomiya sa bansa ay ang agrikultura, na binubuo ng espesyalisasyon at
gawaing pamproduksiyong nababatay sa heyograpiya o lokalidad at pisikal na
aspekto ng isang lugar. Dito nagkakaroon ng kasanayan ang mga tao batay sa
kanilang kapaligiran at ang kanilang nagiging uri ng hanapbuhay ay nakatuon
sa mga gawaing dulot ng kalikasan

Pamantayan sa Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya


at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pamantayan sa Pagganap

Nakapagsusuri ng kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya, mga suliraning


kinakaharap nito, at mga solusyong ipinaiiral upang matamo ang pambansang
kaunlaran.

42
KABANATA
V Sektor ng Ekonomiya

Aralin 21 Agrikultura
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura
2. Nababatid ang bahaging ginagampanan ng agrikultura
3. Naiuugnay ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa
pagsulong ng ekonomiya
4. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura
5. Napahahalagahan ang mga ginagwa ng mga magsasaka at mangga-
gawa para sa ikabubuti ng ekonomiya ng bansa

II. Panimulang Gawain


a. Maghanda ng sipi ng tulang “The Man with the Hoe” ni Edwin Markham
at ipabasa ito sa mga mag-aaral. Itanong: Anong ideyang pang-
agrikultura ang posibleng maiugnay sa tula?
Mga Pamprosesong tanong
• Anong mga gawain at produkto ang makikita sa sektor ng agrikul-
tura?
• Bakit dapat pangalagaan ang sektor ng agrikultura?
• Batay sa mga sagot ng mga mag-aaral, ipabigay ang kahulugan ng
sektor ng agrikultura.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano-ano ang pangunahing industriya na bumubuo sa sektor ng
agrikultura?
• Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng agrikultura sa
ekonomiya ng isang bansa?
• Paano nakatutulong ang agrikultura sa pagsulong ng kaunlarang
pang-ekonomiko?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 386-400 ng batayang aklat at magsagawa
ng isang malayang talakayan sa klase. Halawin ang kahulugan ng
mga sumusunod:
• agrikultura
• Comprehensive Agrarian Reform Program(CARP)
• ikas kayang pagsasaka

43
2. Paunlarin
a. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga gawain o produktong
galing sa sektor ng Agrikultura bilang pangganyak sa araling tata-
lakayin.
b. Gamitin ang concept cluster sa ibaba upang ilarawan o ipaliwanag
ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura.

Paghahayupan

Pagsasaka Agrikultura Pangingisda

Pagmamanukan

c. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Pagtalagahin ng lider at taga-


sulat ang bawat pangkat. Pagkatapos, hayaan ang mga pangkat na
magsagawa ng brainstorming upang masuring mabuti ang paksa.
Ipaulat sa klase ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Kahalagahan ng Agrikultura at mga Suliraning
Kinakaharap Nito
Pangkat 2: Mga Patakaan at Programa sa Pagpapaunlad ng
Sektor ng Agrikultura
Pangkat 3: CARP at Likas- kayang Pagsasaka
d. Pasagutan ang Subukin at Sagutin sa pp.401–402 ng batayang
aklat.
3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng isang panel discussion ukol sa paksang “Ang
Kasa-lukuyang Kalagayan ng Sektor ng Agrikultura sa Pilipinas”
Gabayan ang talakayan sa pamamagitan ng mataas na antas ng
pagtatanong. Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagmamarka sa mga
mag-aaral.

Kriterya Pinaka- Mahusay Hindi Kailangan


mahusay (3) Mahusay Pa ang Pag-
(4) (2) unlad
(1)
Pandalubhasa Nagpakita ng Limitado ang Bahagyang Malayo ang
ng kahusayan paksa sa kabila naiakma paksa at
Presentasyon at kaayusan ng pagiging subalit natuon di-gaanong
sa paksang aktibo ng bawat lang sa isyu. malawak ang
tinalakay kasapi. isyu.
Paraan ng Mainit ang Magaling subalit Iilan lamang Kulang sa
Pakikitungo sa pagtanggap di kinakitaan ang nagsalita pokus ang
Tagapakinig sa paglahok ng agresibong at di naging mga panauhin;
sa talakayan. sagot sa mga makatoto- kailangan pa
kasapi. hanan. ang paglawak.
44
Kriterya Pinaka- Mahusay Hindi Mahusay Kailangan
mahusay (3) (2) Pa ang Pag-
(4) unlad
(1)
Pandalubhasa Nagpakita ng Limitado ang Bahagyang Malayo ang
ng kahusayan paksa sa kabila naiakma subalit paksa at
Presentasyon at kaayusan ng pagiging natuon lang sa di-gaanong
sa paksang aktibo ng bawat isyu. malawak ang
tinalakay kasapi. isyu.
Paraan ng Mainit ang Magaling subalit Iilan lamang ang Kulang sa
Pakikitungo sa pagtanggap di kinakitaan nagsalita at di pokus ang
Tagapakinig sa paglahok ng agresibong naging makatoto- mga panauhin;
sa talakayan. sagot sa mga hanan. kailangan pa
kasapi. ang paglawak.
Pamamaraan Naging May kalina-wan Di-gaanong Walang
sa malikhain at ang kaisipan naiakma kaugnayan ang
Paggamit ng malinaw ang subalit may sakatotohanan mga ginamit na
Salita mga salitang katagalan ang mga salita. kaisipan.
ginamit sa pagpapa-
liwanag.

Kaalaman sa Nagpakita ng Gumamit ng Limitado ang Mababaw


Paksa kahandaan limitadong pokus sa isang lamang ang
at lawak ng puntos at gamit aspekto ng paksa mga naihayag
kaalaman. na akma sa na opinyon
paksa.
Kahandaan ng Mabisang Magaling subalit Mabagal ang Di-gaanong
mga Kasapi nakapagugnay di-gaanong mga kasapi sa mahusay at
at nagpakita ng nakatawag ng pagsasalita at tila di-angkop ang
kahusayan at pansin sa mga naghahanap ng mga ginamit sa
kahandaan sa tagapakinig. salita. paksa.
paksa.

b. Magsagawa ng malayang talakayan kaugnay sa mahahalagang tanong


sa ibaba.
• Ano ang papel o bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura
sa ekonomiya ng bansa?
• Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang sektor ng
agrikultura ng bansa?
• Paano nilulutas ng pamahalaan ang suliraning kaugnay sa sektor
ng agrikultura?
• Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang lalong umunlad ang
sektor ng agrikultura?
• Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa mga mamamayan
at sa ekonomiyang pambansa?
c. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Balitang Pang-ekonomiya sa p. 403 ng
batayang aklat at ipasagot ang mga pamprosesong tanong.

45
Aralin 22 Industriya at Komersiyo
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga bumubuo sa sektor ng industriya
2. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng small, medium, at large scale
industries
3. Naiuugnay ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa
pagsulong ng ekonomiya
4. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng komersiyo at
industriya

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang mga larawang matatagpuan sa p. 405 ng batayang aklat.
Pagtalakayan.
Mga Pamprosesong tanong
• Magkakaugnay ba ang mga larawan? Bakit?
• Ano sainyong palagay, ang kaugnayan ng mga ito sa pag-unlad ng
bansa?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang sektor industriyal?
• Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng industriya sa eko-
nomiya ng isang bansa?
• Bakit binibigyang-diin ang pagpapaunlad ng industriya?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 405-413 ng batayang aklat at magsa-
gawa ng pagsusuri ng mga larawan. Maghanda ng kopya ng mga
larawan sa ibaba. Ipakita sa klase at pag-usapan.

46
Mga Pamprosesong tanong
• Paano kaya nalilikha ang mga ito?
• Sino-sino kaya ang gumagawa ng mga produktong ito at ng
iba pang produkto na ginagamit natin sa araw -araw?
• Saang sektor nabibilang ang mga ito?
• Anong mga uri ng gawain ang makikita sa sektor ng industriya?
• Paano nakikinabang ang bansa mula sa sektor ng industriya?
• Bakit dapat palakasin at paunlarin ang sektor ng industriya ng
bansa?
b. Sa pamamagitan ng Venn diagram, ipakita ang kaibahan ng
individual supply sa market supply.

2. Paunlarin
a. Hatiin sa ilang pangkat ang klase. Ipasuri ang estadistika na maki-
kita sa talangguhit 22.1 at 22.2 sa p. 410–411 ng batayang aklat.
Ipaulat sa klase ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri. Iulat sa
klase.
b. Magpakita sa mga mag-aaral ng mga larawan ng iba’t ibang
nangungunang industriya sa bansa. Sa pamamagitan ng talaha-
nayan o matrix, papunan ang mga impormasyonng hinihingi sa
ibaba.
• pangalan ng industriya
• may-ari
• kita
• uri ng operasyon
• uri ng produktong napoprodyus
• logo o simbolo

3. Pagnilayan
a. Magkaroon ng malayang talakayan sa klase batay sa mga sumu-
sunod na tanong:
• Paano nakatutulong ang sektor ng industriya sa kaunlaran ng
bansa?
• Bakit dapat na mapangalagaan o maproteksiyunan ng pama-
halaan ang sektor na ito?
b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa p.414–415
ng batayang aklat.

47
Aralin 23 Paglilingkod
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod
2. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod
3. Naiuugnay ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa
pagsulong ng ekonomiya

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang mga larawang matatagpuan sa p. 417 ng batayang aklat at
pagtalakayan. Itanong: Alin sa mga nakalarawan ang inyong naranasan
na? Nakatulong ba sa inyo ito o ang mga ito? Bakit?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
• Paano nakapag-aambag ang sector ng paglilingkod sa pag-unlad
ng ekonomiya?
• Sapat ba ang kasanayan ng mga manggagawa sa sector ng serbisyo?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 417–427 ng batayang aklat at ipasagot
ang talasalitaan.
• paglilingkod
• komunikasyon
• Business Process Outsourcing(BPO)
• transportasyon
• Overseas Filipino Workers(OFW)
b. Magpakita sa mga mag-aaral ng mga headline tungkol sa sektor
ng paglilingkod at itanong ang mga sumusunod:
• Paano pinaghandaan ng bansa ang sektor ng paglilingkod?
• Bakit nararapat na pangalagaan ng pamahalaan ang sektor ng
paglilingkod?
• Ano ang mga kahalagahan ng sektor ng paglilingkod sa katata-
gang pang-ekonomiya ng bansa?
c. Ipasuri ang talahanayan 23.1 at 23.3 sa p. 418 ng batayang aklat
at talakayin ang paksa. Itanong: Ano ang isinasaad ng mga datos
ukol sa sektor ng paglilingkod?
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase at pagprisentahin ang bawat isa
na maglunsad ng maikling skit tungkol sa mga tauhan at paksa o
temang nasa ibaba. Pagkatapos ng bawat pagsasadula, magkaroon
ng malayang talakayan at malalim na pagsusuri sa mga naibahagi
ng pangkat. Bigyan ng marka ang pagsasadula gamit ang rubric sa
pagsasadula.
48
Pangkat 1: Kawani o empleyado ng otel, restoran, bangko, call
center, at beauty parlor; mga nars; at guro. Sanihan ang
pangkat na ipakita ang uri ng paglilingkod na ibinibigay
ng mga nabanggit na manggagawa; kasalukuyang
kalagayan ng kanilang trabaho; problema/suliranin sa
kanilang hanay; at kahalagahan o pakinabang na dulot
ng kanilang mga trabaho.
Pangkat 2: Pinuno ng NEDA, PSA at DOT. Ipatalakay ang estadis-
tika tungkol sa bilang ng mga manggagawa sa sektor
ng paglilingkod at bilang ng mga manggagawa sa
bawat subsektor na nagtatrabaho o nasa ibang bansa
at uri ng trabaho na pinapasukan sa ibang bansa;
mga suliraning kinakaharap ng ahensiya at ng mga
manggagawa; at mga programang pangkaunlaran ng
ahensiya.
Pangkat 3: Ipatalakay ang mga epekto ng mga natukoy na suliranin
sa mga manggagawang inilarawan sa pangkat 1 at 2
at sa dami ng mga produktong nagmula rito; mga pag-
sasanay o programa sa information technology na ini-
lunsad ng mga pampubliko at pampribadong kom-
panya; mga pagtataya tungkol sa kahandaan ng mga
Pilipinong sumabak sa makabago at maunlad na kala-
kalang pang-ekonomiya at prospect o inaasahang
magandang hinaharap para sa sektor ng paglilingkod.
Mga Pamprosesong tanong:
• Ano ang mga katangian ng mga Pilipinong manggagawa sa
sektor ng paglilingkod?
• Anong mga suliranin ang hinarap ng mga manggagawa sa
naturang sektor? Paano nila ito nilutas?
• Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga nagtatra-
baho rito?
• Paano magiging matatag at kompetitibo ang mga manggagawa
sa sektor ng paglilingkod? Pangatwiranan ang sagot.
Rubric Para sa Pagsasadula
Inaasahang Bunga Puntos Natamong Puntos
Malinaw na nailahad ang paksa. 10

Napili ang mga karapat-dapat na magsiganap. 10

Nasunod ang pamantayan sa pagganap. 10

Naisadula ang mensahe ng ulat. 10

Magaling ang pagtatanghal ng dula. 10

Kabuuang Iskor

49
b. Magkaroon ng malayang talakayan. Itanong sa klase ang mga sumu-
sunod:
• Paano nakaaapekto sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa ang
sektor ng paglilingkod?
• Bakit dapat pangalagaan ang sektor ng paglilingkod?
• Sa paanong paraan maitataguyod ang mahusay at malakas na
sektor ng paglilingkod?
c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa p. 429 ng
batayang aklat.

3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng concept diagnosis. Gumupit ng maraming larawan
tungkol sa sektor ng paglilingkod ng bansa. Ipakita sa klase at
hikayatin ang mga mag-aaral na banggitin ang lahat ng naiisip
nilang may kaugnayan sa mga larawan.
b. Ipabasa ang Balitang Pang-ekonomiya sa p. 430 at ipasagot ang
mga pamprosesong tanong.
c. Magpagawa ng poster na nagpapakita ng temang “Katangian at
Kahandaan ng mga Kabilang sa Sektor ng Paglilingkod.”

50
Aralin 24 Impormal na Sektor
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga bumubuo sa impormal na sektor
2. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng impormal na sektor
3. Naiuugnay ang bahaging ginagampanan ng impormal na sektor sa
pagsulong ng ekonomiya

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawang makikita sa p. 431 ng batayang aklat at ipasagot
ang gawain.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano ang napuna ninyo sa inyong sagot? Lahat ba ay madalas
ninyong puntahan para bumili? Bakit?
• Anong magkakatulad na katangian ang taglay ng bawat isa?
• Ano ang katuturan at kabuluhan ng impormal na sektor sa inyong
pamumuhay?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang tinatawag na underground economy?
• Ano ang kaugnayan ng impormal na sektor sa ekonomiya?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 431–434 ng batayang aklat at magsa-
gawa ng isang malayang talakayan sa klase.
b. Magpagawa ng cluster map. Tukuyin ang mga salitang maaaring
iugnay o may kaugnayan sa konsepto ng impormal na sektor.
Gamitin ang pinakabagong estadistika tungkol sa mga sumusunod:
• Bahagdan ng taong kabilang dito
• Uri ng trabaho o gawaing nakapaloob dito
• Kadahilanan at paglaganap ng operasyon nito
• Kontribusyon sa ekonomiya ng bansa
• Epekto nito sa mga mamamayan at ekonomiya
• Ahensiya at mga programang inilunsad upang mabawasan
ang mga gawaing ito.
2. Paunlarin
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Atasan ang una at ikalawang
pangkat na mangalap ng impormasyon o datos sa mga taong
kabilang sa impormal na sektor. Atasan naman ang ikatlo at ikaapat
na pangkat na magsagawa ng panayam sa isang pulis, ahente ng
NBI, o sinumang indibidwal na naatasang humuli ng mga ilegal na
nagtitinda. Magtalaga ng lider at tagasulat sa bawat pangkat. Ipa-
gamit ang mga pamantayan sa ibaba sa pagsasagawa ng gawain.

51
• Uri ng gawain sa impormal na sektor
• Mga dahilan kung bakit napasok o napabilang sa impormal na
sektor
• Mga panganib na hinaharap o sinusuong
• Epekto ng gawain sa pamilya at sa lipunan
• Mga plano upang maiangat ang kalagayan sa buhay
b. Sa pamamagitan ng graphic organizer, talakayin ang iba’t ibang
anyo ng impormal na sektor.

3. Pagnilayan
a. Magpatala sa mga mag-aaral ng 10 produkto at serbisyo mula sa
impormal na sektor na tinatangkilik ng kani-kanilang pamilya.
b. Pangatwiranan sa kalse na ang malawakang operasyon ng
impormal na sektor ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng
bansa.
c. Pasagutan ang Sulyap sa Kabanata sa p. 437–441 ng batayang
aklat. aklat.

4. Ilipat
a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa pp. 435-436
ng batayang aklat.
b. Ipabasa ang Global na Ekonomiya sa pp.444–445 at pasagutan
ang mga pamprosesong tanong.

5. Isabuhay
a. Magpagawa ng poster na nagpapakita ng malawak na operasyon
ng impormal na sektor ng bansa.
b. Ipagawa ang gawain sa pagyamanin sa p. 446 ng batayang aklat.

PANGHULING PAGTATAYA
Pasagutan ang pangyunit na pagsusulit sa pp.442–443 ng batayang aklat.

52
Ikaapat na Yunit

Pagbabago Tungo sa Pag-unlad ng Ekonomiya

Panimula
Binibigyang pansin ng pamahalaan ang mga epekto ng mga pang-
ekonomiyang gawain sa kalikasan at ng pagkawala ng likas na yaman dahil
sa pang-ekonomiyang produksiyon. Bunga ng lumalalang krisis sa kalikasan
at pagtaas ng kamulatang pangkalikasan, naging mahalaga ang pagsusuri ng
ugnayan ng kalikasan at ekonomiya.

Dahil sa mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman, na pinagkukunang ng


ating pangangailangan sa araw-araw, nabuo ang Agenda 21 na naglalayong
ipatupad ang sustainable development,na inaasahang magiging daan sa
pagpapabago ng ating paraan ng paggamit ng mga likas na yaman.

Pamantayan sa Pangnilalaman

Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan


at napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad gamit ang mga
kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog
ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, pro-
duktibo, makatarungan, at makatao.

Pamantayan sa Pagganap

Aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga


sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya ng mga ito tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.

53
KABANATA VI
Pagbabago tungo sa Likas
Kayang Kaunlaran

Aralin 25 Kalakalang Panloob


I. Layunin
1. Natataya ang kalakaran ng kalakalang panloob ng bansa
2. Nasusuri ang mga gawaing panloob ng bansa
3. Nailalahad ang papel na ginagampanan ng kalakalang panloob sa
ekonomiya

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang mga larawang makikita sa p. 450 ng batayang aklat.
Pagkatapos, pasagutan ang gawain ukol dito.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang kalakalang panloob?
• Ano ang kalakaran ng kalakalang panloob?
• Bakit mahalaga ang papel ng kalakalang panloob sa ekonomiya?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 450–458 ng batayang aklat at magsa-
gawa ng isang malayang talakayan. Halawin ang kahulugan ng
sumusunod na mga talasalitaan.
• kalakalang panloob
• retail
• wholesale
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase at pagsagawain ng isang
pagsu-suri sa paksa. Atasan ang bawat pangkat na magtalaga ng
lider at tagasulat at magsagawa ng brainstorming ukol sa paksang
nakatalaga. Ipaulat sa klase ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Gawain sa Kalakalang Panloob
Pangkat 2: Daloy ng Produkto sa Pilipinas
Pangkat 3: Daloy ng Kalakal sa Pilipinas sa Ikalawang Kuwarter
ng 2015
b. Ipasuri ang Talangguhit 25.4 at 25.7 sa pp. 456–457 ng batayang
aklat. Ipaliwanag ang daloy ng kalakal sa Pilipinas batay sa mga
talangguhit.

54
3. Pagnilayan
a. Sa pagtalakay ng aralin, gumamit ng graphic organizer upang maila-
rawan at maipaliwanag mabuti ang mahahalagang konseptong
naka-paloob dito.
b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa pp. 459–460
ng batayang aklat.

Aralin 26 Pandaigdigang Kalakalan


I. Layunin
1. Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas ng bansa
2. Nasusuri ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa
iba’t ibang bansa tulad ng Hapon at Tsina at sa mga samahan tulad
ng World Trade Organization(WTO) at Asia-Pacific Economic Coo-
peration(APEC) tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mama-
mayan ng daigdig
3. Napahahalagahan ang kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag-
unlad ekonomiya ng bansa
4. Nasusuri ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa
patakarang panlabas ng bansa at sa buhay ng nakararaming Pilipino
5. Natitimbang ang epekto ng mga patakarang pang-ekonomiya sa pata-
karang panlabas ng bansa at sa buhay ng nakararaming Pilipino

II. Panimulang Gawain


a. Magpakita ng larawan ng iba’t ibang produktong nagmula sa iba’t ibang
bansa at ng mga produktong likha o galing sa Pilipinas. Itanong ang
mga sumusunod:
• Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga produktong
nakalarawan?
• Bakit nakalalahok sa kalakalang panlabas ang Pilipinas?
• Batay sa mga sagot ng mga mag-aaral, halawin ang kahulugan ng
kalakalang panlabas?
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang pandaigdigang kalakalan?
• Ano ang papel na ginagampanan ng eksternal na sektor sa pagta-
takda ng pambansang produksiyon at kita ng isang ekonomiya?
• Anu-ano ang mga benepisyo ng isang bansa sa pakikipagkalakalan?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 462–475 ng batayang aklat. Ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod kaagapay ang mga mag-aaral.
• absolutong kalamangan
55
• komparatibong kalamangan
• liberalisasyon
• deregulasyon
• pagsasapribado
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase at pagsagawain ang bawat isa
ng brainstorming. Ipaulat sa klase ang ginawang pagsusuri.
Pangkat 1: Teorya sa Pakikipagkalakalan
Pangkat 2: Kalakalang Panlabas ng Pilipinas
Pangkat 3: Pandaigdigang Pamantayan sa Pananalapi
b. Maglunsad ng isang malayang talakayan tungkol sa kalakalang pan-
labas ng Pilipinas batay sa mga pamprosesong tanong sa ibaba.
Mga Pamprosesong tanong
• Ano-anong produkto ang iniluluwas at inaangkat ng Pilipinas?
• Bakit may mga produktong iniluluwas at inaangkat ang bansa?
• Kailan masasabing mas praktikal at episyente sa isang bansa
ang mag-angkat na lamang kaysa magprodyus ng isang pro-
dukto?
• Ano ang prinsipyo ng comparative advantage at ng absolute
advantage? Kailan nagaganap ang bawat isa? Magbigay ng
ilustrasyon tungkol dito.
• Bakit may pabor at tutol sa kalakalang panlabas?
• Paano pinangangalagaan ng ating pamahalaan ang kalakal at
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa?

3. Pagnilayan
a. Talakayin ang aralin gamit ang graphic organizer upang mailarawan
at maipaliwanag mabuti ang mahahalagang konseptong nakapaloob
dito.
b. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa p. 475–477
ng batayang aklat.

56
Aralin 27 Pagsulong at Pag-unlad
I. Layunin
1. Nabibigyan ng kahulugan ang salitang kaunlaran
2. Natatalakay ang mga pananaw sa pag-unlad
3. Nasusuri ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-unlad
4. Nakapagbibigay ng sariling mungkahi ukol sa pag-unlad ng Pilipinas

II. Panimulang Gawain


a. Ipabasa ang sitwasyon sa Ano ang masasabi mo? sa p. 479 ng bata-
yang aklat. Pasagutan ang mga katanungan kaugnay nito.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang kaunlarang ekonomiko?
• Bakit hinahangad ng mga bansa ang kaunlarang ekonomiko?
• Ano-ano ang suliranin kaugnay ng pag-unlad?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 479–499 ng batayang aklat. Ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod:
• pag-unlad
• pagsulong
• Medium Development Goal
2. Paunlarin
a. Pasagutan ang tsart. Ipatukoy kung sumasang-ayon o hindi ang
mga mag-aaral sa bawat pahayag. Palagyan ng ekis ang kolum ng
sagot ng mag-aaral.
PAHAYAG OO HINDI
May pag-unlad kung may nagtataasang
gusali at naglalakihang kalsada.
May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at
GDP ng isang bansa.
May pag-unlad kung napangangalagaan
ang kapaligiran.
May pag-unlad kung ang isang baryo ay
naging lungsod.
May pag-unlad kung may mataas na
pasahod.
May pag-unlad kung may trabaho ang
mga mamamayan.

57
b. Hatiin sa anim na pangkat ang klase. Pagsagawain ang bawat pangkat
ng roundtable discussion o ang pagpapalitan ng mga ideya at kuro-
kuro tungkol sa paksa. Pagtalagahin ng lider at tagasulat ang bawat
pangkat. Ipaulat sa bawat pangkat ang ginawang talakayan.
Pangkat 1: Mga Pananaw ukol sa mga Hadlang sa Kalakalan
Pangkat 2: Mga Palatandaan ng Pag-unlad
Pangkat 3: Ang Pag-unlad ng Pilipinas sa I’bat ibang Panahon
Pangkat 4: Mga Suliraning Pambansa na Hadlang sa Pag-unlad
Pangkat 5: Mga Layunin at Programang Pangkaunlaran ng Pamahalaan
Pangkat 6: Ang Pandaigdigang Programa sa Pag-unlad.

3. Pagnilayan
a. Ipasuri ang Talahanayan 27.8 sa pp. 497–498. Talakayin ito: Ano
ang isinasaad ng talahanayan? Sang-ayon ba kayo rito?
b. Pagtalakayan ang aralin, gamit ang graphic organizer upang maila-
rawan at maipaliwanag mabuti ang mahahalagang konsepto.
c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa pp. 499–
501 ng batayang aklat.
d. Magpasaliksik sa internet ukol sa Millenium Development Goals.
Ipa-bahagi sa mga mag-aaral ang kanilang nasaliksik.

58
Aralin 28 Mga Isyung Pangkaunlaran
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga isyung pangkaunlaran sa Pilipinas
2. Nailalahad sa sariling salita ang tinaguriang Social Contract with the
Filipino People
3. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon

II. Panimulang Gawain


a. Ipasuri ang larawan at tula na makikita sa p. 504 ng batayang aklat.
Pagkatapos, pasagutan ang mga tanong ukol dito.
b. Ibigay ang paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano-ano ang isyung bumabalot sa proseso ng kaunlaran ng
ekonomiya?
• Paano tinutugunan ng pamahalaan ang mga suliraning pangka-
buhayan at panlipuna?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 504-515 ng batayang aklat. Ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod na salita.
• Philippine Development Plan
• poverty incidence
• credit rating
• poverty thresholds
• food thresholds
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ipasuri at ipatalakay sa bawat
pangkat ang talahanayang itatalaga. Ipaulat sa klase ang output ng
bawat pangkat. Pagkatapos ng mga pag-uulat, itanong: Ano ang
ipinapahiwatitg ng mga talahanayan?
Pangkat 1: Talahanayan 28.1
Pangkat 2: Talahanayan 28.2
Pangkat 3: Talahanayan 28.3
b. Ipaliwanag ang paksa gamit ang concept map sa ibaba.

c. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa p. 516 ng


batayang aklat.

59
3. Pagnilayan
a. Bigyang kahulugan ang kaunlaran. Manghingi sa mga mag-aaral
ng mga salitang may kaugnayan sa kaunlaran at isulat sa grapiko.

kaunlaran

b. Maghanda ng sipi ng talahanayan sa ibaba. Ipasuri sa klase.


Magpagawa sa bawat o ilang mag-aaral ng isang pangungusap na
naglalahad ng ipinapakitang datos ng talahanayan.

First Semester Per Capita Poverty Threshold
and Poverty Incidence among Families by Region and Province:
(2006, 2009 and 2012)

Per Capita Poverty Incidence


Poverty Threshold (PhP) among Families (%)
2006 2009 2012 2006 2009 2012

PHILIPPINES 6,703 8,448 9,385 23.4 22.9 22.3

NCR 7,718 9,456 10,084 2.8 3.7 3.8

1st District b/ 7,718 9,456 10,084 2.7 4.4 3.8

2nd District b/ 7,718 9,456 10,084 2.8 3.2 3.1

3rd District 7,718 9,456 10,084 3.2 6.5 4.9

4th District b/ 7,718 9,456 10,084 2.4 2.1 3.8

Sanggunian: http://www.nscb.gov.ph/

c. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p.517 at pasagutan ang mga


pamprosesong tanong.

60
Aralin 29 Globalisasyon
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng globalisasyon
2. Naiisa-isa ang mga dahilan ng globalisasyon
3. Nasusuri ang mga elemento ng globalisasyon
4. Nailalahad ang nilalaman ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT)

II. Panimulang Gawain


a. Magpaskil sa pisara ng mga flashcard na may simbolo o logong pang-
kalakalan. Itanong sa klase ang mga sumusunod:
• Ano-anong produkto o kompanya ang kinakatawan ng mga simbolo
o logo?
• Sino, kalimitan, ang nagmamay-ari ng operasyon ng mga produk-
tong ito?
• Saan matatagpuan ang mga produktong nabanggit?
• Anong katangian mayroon ang mga produkto?
Hayaang magpahayag ang mga mag-aaral ng kanilang mabubuong
saloobin batay sa mga tanong. Gabayan naman silal sa pagbuo ng
konsepto.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Ano ang globalisasyon, paano ito nagsimula?
• Ano-ano ang mga epekto nito sa isang ekonomiya?
• Ano ang mga pagbabagong hatid ng globalisasyon?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 518–535 ng batayang aklat. Ibigay ang
kahulugan ng mga nakatala sa ibaba. Maari ding hingan ang ilang
mag-aaral sa kanilang pakahulugan.
• korporasyon transnasyonal
• globalisasyon
• liberalisasyon
• deregulasyon
• pagsasapribado
• General Agreement on Tariffs and Trade (GATT)
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase at ipasagawa ang mga sumu-
sunod:
Pangkat Ulat — Magsasaliksik at mag-uulat ukol sa globalisasyon
• Iba’t ibang pananaw
• Manipestasyon
• Katangian

61
• Kalakaran
• Epekto sa tao at ekonomiya
• Kaugnay na konsepto tulad ng pagsasapribado, liberalisasyon,
at operasyon ng mga korporasyong transnasyunal o rans-
national corporation (TNC)
Pangkat Suri — Magbibigay ng mga puna at masusing pagsusuri sa
mga datos, estadistika, at pag-uulat na inilahad ng unang pangkat
Pangkat Ebalwasyon — Magbibigay ng rekomendasyon upang
lalong mapaunlad ang talakayan; Magbanggit din ukol sa ilang
bahagi ng pag-uulat na kailangan pa ng mas malalim na talakayan
at ng iba pang dapat gawin upang mas malinaw na masagot ang
susunod pang mga katanungan
b. Ibigay ang tanong at pag-usapan ang sagot ng mga mag-aaral:
Anong programang pang-industriya na magbibigay hindi lamang
ng trabaho, kung hindi mangangalaga rin sa kapakanan ng
manggagawa at ng kapaligiran ang nararapat na itaguyod ng
pamahalaan? Pangatwiranan ang sagot.
c. Pasagutan ang pagsasanay sa Subukin at Sagutin sa pp 536–538
ng batyang aklat

3. Pagnilayan
a. Magpalabas sa klase ng isang documentary video o investigative
report na sumasagot sa sumusunod na mga tanong.
• Batay sa kalakaran ng globalisasyon, saan patungo ang
bansang Pilipinas?
• Anong pagsubok ang kinakaharap ng mga bansang tulad ng
Pilipinas na sumusunod sa globalisasyon?
b. Magpagawa ng isang sanaysay batay sa temang “Think globally
but act locally.”
c. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p.539 at pasagutan ang
mga pamprosesong tanong.

62
Aralin 30 Mga Organisasyon Pang-Ekonomiko
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan o katuturan ng organisasyong pang-
ekonomiya
2. Naiisa-isa ang mga layunin ng pagtatatag ng mga organisasyong pang-
ekonomiya
3. Nasusuri ang mga gawain ng mga organisasyong pang-ekonomiya

II. Panimulang Gawain


a. Magpaskil sa pisara ng mga logo ng ibat ibang organisasyong pang-
ekonomiya at ipatukoy ang mga ito sa mga mag-aaral.
b. Ibigay ang mga paunang tanong bilang pagganyak.
• Anu-ano ang pandaigdigang samahang pang-ekonomiya?
• Ano-ano ang layunin ng mga samahang pang-ekonomiya?
• Bakit mahalaga ang pagsapi sa mga samahang pang-ekonomiya?

III. Panlinang ng Aralin


1. Alamin
a. Ipabasa ang teksto sa pp. 540-547 ng batayang aklat. Ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod;
• member economy
• Uruguay Round
• ASEAN Charter
• ASEAN Integration
b. Magpakita sa mga mag-aaral ng news item o headline tungkol sa
iba’t ibang summit o conference na isinagawa ng ASEAN, APEC,
at WTO, at iba pang samahang pandaidig. Itanong sa mga mag-
aaral ang mga sumusunod:
• Bakit may ginaganap na mga economic summit sa mundo?
• Bakit mahalagang pag-aralan ang mga samahang pandaigdig
tulad ng ASEAN, APEC, at WTO?
2. Paunlarin
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Pagsagawain ang bawat
pangkat ng maikling skit ukol sa pagpupulong ng mga kinatawan
ng iba’t ibang bansa upang mapag-usapan at matalakay ang pang-
ekonomiyang kaunlaran ng mga bansang kasapi sa samahan, ang
mga proyekto at programang ilulunsad at ang mga estratehiya
at mekanismong ipatutupad upang matamo ang mga layunin.
Pagkatapos ng pagsasadula, magkaroon ng malayang talakayan
at malalim na pagsusuri tungkol sa mga naibahagi ng mga
pangkat. Bigyan ng marka ang isinagawang skit gamit ang rubric
sa pagsasadula.

63
Rubric Para Sa Pagsasadula

Inaasahang Bunga Puntos Natamong Puntos


Malinaw na nailahad ang paksa. 10

Napili ang mga karapat-dapat na magsiganap. 10

Nasunod ang pamantayan sa pagganap 10

Naisadula ang mensahe ng ulat. 10

Magaling ang pagtatanghal ng dula. 10

Kabuuang Iskor

3. Pagnilayan
a. Magsagawa ng malayang talakayan. Itanong ang mga sumusunod:
• Bakit naitatag ang mga pandaigdigang samahang pang-ekono-
miya?
• Paano nakaaapekto ang mga samahang pandaigdigang tulad
ng WTO at APEC sa ekonomiya ng mga kasaping bansa?
• Sa paanong paraan natutulungan ng mga pandaigdigang
samahang pang-ekonomiya ang mga bansang kasapi nito?
b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin at Sagutin sa pp. 547–549
ng batayang aklat.

4. Ilipat
a. Magpagawa ng isang sanaysay gamit ang mga natutuhan sa aralin.
b. Ipabasa ang balitang pang-ekonomiya sa p.550 at pasagutan ang
mga pamprosesong tanong.
c. Pasagutan ang pagsasanay sa Sulyap sa Kabanata sa pp.552–558
ng batayang aklat.

5. Isabuhay
a. Pasagutan ang tanong: Dapat ba o hindi dapat maging aktibong
kasapi ng ASEAN, WTO at APEC ang bansang Pilipinas? Pangat-
wiranan ang inyong sagot.
b. Ipabasa ang global na ekonomiya sa pp. 562–563 at pasagutan
ang mga pamprosesong tanong.
c. Ipagawa ang pagyamanin sa p. 564 ng batayang aklat.

PANGHULING PAGTATAYA:
Pasagutan ang pangyunit na pagsusulit sa pp.559–561 ng batayang
aklat.

64

You might also like