You are on page 1of 2

DASMARIÑAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

Gabay sa Pagtuturo sa
Araling Panlipunan
Baitang 7

Petsa Seksyon Room Oras


6 Yellow Bell 29 12:55-1:40
5 Lavander 3 11:55-12:40
4 Zinnia 30 2:25-3:10
5 Rosal 4 10:25-11:10

I. LAYUNIN:
Sa aralin na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
A.
II. NILALAMAN:
Paksa: Klima sa Asya
Kagamitan: Mapa ng Asya, Laptop /TV, mga larawan, metacards
Reference: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Pahina 25-26
Pagpapahalga: Nauunawaan ang epekto ng klima sa pamumuhay ng mga tao
Kasanayan sa Pagkatuto: Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon
ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima at “vegetation cover” (tundra, taiga,
grasslands, deser t, tropical forest, mountain lands) AP7HAS-Ia 1.2

III. PAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng liban
4. Balitaan
May pangkat ng mga mag-aaral na magbabalita tungkol sa mga kaganapan sa ating
lipunan lalo sa ulat panahon.
5. Balik-aral
4 pics 1 word
Sabihin kung anong vegetation cover tinutukoy ng mga pinagsama-samang larawan B.
Paglinang ng Gawain

B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapakita ng video ni Mang Tani na nag-uulat tungkol sa panahon.
2. Pagsusuri
Ang mga Klima ng Asya
Pagpapakita ng talahanayan ng iba’t ibang uri at katangian ng klima sa mga
rehiyon ng Asya. Basahin at unawain itong mabuti
Bumuo ng limang pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng role play na
nagpapakita ng nararamdaman o nararanasan ng mga tao sa iba’t-ibang klimang umiiral
sa mga rehiyon sa Asya.
Pangkat I - Hilagang Asya
Pangkat II - Kanlurang Asya
Pangkat III - Timog Asya
Pangkat IV - Silangang asya
Pangkat V - Timog Silangang Asya
Mga Gabay na Tanong
1. Anu-ano ang mga elementong nakapaloob sa klima?
2. Paano nakakaapekto ang mga sumusunod sa pagkakaroon ng iba’t – ibang
klima sa Asya?
 Lokasyon
 Topograpiya at Vegetation Cover
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
“Paano nakaaapekto ang klima sa katangiang pisikal ng Asya?”
2. Paglalapat
Pagpapakita ng video ng kaganapan sa bagyong Yolanda.
“Paano hinaharap ng mga Pilipino ang mga hamon na dala ng klimang umiiral sa
Pilipinas?”
IV. Pagtataya
Paano nakaiimpluwensya sa pamumuhay ng tao ang mga sumusunod na klima:
1. Mahabang taglamig
2. Hindi nakakaranas ng pag-ulan
3. Paiba-ibang panahon
4. Nababalutan ng yelo
5. May tag-araw at tag-ulan
V. Takdang Aralin
PANUTO: Panoorin ang documentary na “Signos” at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang Climate Change?
2. Paano nakaaapekto ang Global Warming sa pagbabago ng klima sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig?
3. Paano ka makatutulong sa upang maiwasan epekto ng climate change?

Sanggunian : www.youtube.com

Prepared by:

MR. SHERWIN I. SAN MIGUEL


Subject Teacher

Checked by:

MR. LORENZO M. VERIDIANO


Head Teacher III

You might also like